• November 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 15th, 2022

“Minions: The Rise of Gru” Traces Pre-villain Gru Long Before He Became the Master of Evil

Posted on: June 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

FROM the biggest global animated franchise in history, comes the origin story of how the world’s greatest supervillain first met his iconic Minions, forged cinema’s most despicable crew and faced off against the most unstoppable criminal force ever assembled in Minions: The Rise of Gru.

 

 

 

Minions: The Rise of Gru traces pre-villain Gru long before he became the master of evil. We first see Gru (Oscar® nominee Steve Carell) as a 12-year-old boy in 1970s suburbia, plotting to take over the world from his basement which is not going particularly well.

 

 

 

When Gru crosses paths with the Minions, including Kevin, Stuart, Bob, and Otto—a new Minion sporting braces and a desperate need to please—this unexpected family joins forces. Together, they build their first lair, design their first weapons, and strive to execute their first missions.

 

 

 

At a young age, Gru has always wanted to join the supervillain supergroup called the Vicious 6. When its legendary martial arts fighter Wild Knuckles (Oscar® winner Alan Arkin)— Gru, their most devoted fanboy, finds a way to the interview to become their newest member.

 

 

 

The Vicious 6 is not impressed by the diminutive, wannabe villain, but then Gru outsmarts (and enrages) them, and he suddenly finds himself the mortal enemy of the apex of evil. With Gru on the run, the Minions attempt to master the art of kung fu to help save him, and Gru discovers that even bad guys need a little help from their friends.

 

 

 

Featuring more spectacular action than any film in Illumination history and packed with the franchise’s signature subversive humor, Minions: The Rise of Gru stars a thrilling new cast, including, the Vicious 6: Taraji P. Henson as cool and confident leader Belle Bottom, whose chain belt doubles as a lethal disco-ball mace; Jean-Claude Van Damme as the nihilistic Jean Clawed, who’s armed (literally) with a giant robotic claw; Lucy Lawless as Nunchuck, whose traditional nun’s habit hides her deadly nun-chucks; Dolph Lundgren as Swedish roller-skate champion Svengeance, who dispenses his enemies with spin kicks from his spiked skates; and Danny Trejo as Stronghold, whose giant iron hands are both a menace to others and a burden to him.

 

 

 

The film also stars Russell Brand as Young Dr. Nefario, an aspiring mad scientist, Michelle Yeoh as Master Chow, an acupuncturist with mad kung fu skills, and Oscar® winner Julie Andrews as Gru’s maddeningly self-absorbed mom.

 

 

 

From Illumination and Universal Pictures International, Minions: The Rise of Gru opens in local cinemas nationwide on June 29.

 

 

(ROHN ROMULO)

After na dalhin ng Globe sa ‘Pinas si Kim Seon Ho… ‘Tomorrow’ star na si RO WOON, magkakaroon ng exclusive KmmunityPh Fan Meet

Posted on: June 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

LAST month we’ve celebrated all things hallyu at the Kamsahamnida Festival, and got thrilled by Kim Seon Ho at his debut as KmmunityPH ambassador

 

 

 

Ngayon, humanda na for more excitement as Globe’s ultimate K-culture community continues para sa third anniversary celebration with another special surprise, ang actor na si RO WOON na Live in Manila.

 

 

 

Tunghayan ang leading star ng Netflix series na “Tomorrow” ngayong June 26 sa SM Mall of Asia Arena, na kung saan magkakaroon ng fan meet event si RO WOON, na exclusive sa mga New Globe One App subscribers, made possible by KmmunityPH.

 

 

 

Para makakuha ng tickets sa event, i-download ang new Globe One App and click on the KmmunityPH banner to get all the details you need. Nagkaroon na ng pre-registration para sa early access ng event.

 

 

 

Aside from this, Globe customers can also get a chance to win tickets through its Ultimate Stan Promo from June 10-17 or watch Ro Woon via livestream when Globe customers register to Daebak499 from June 20-26 via the New Globe One app. Globe customers will receive 3GB for 3 days, unique ticket code to the livestream event and lifestyle voucher of choice from partners Agoda, Boozy or Klook!

 

 

 

RO WOON’s Fan Meet is part of KmmunityPH’s daebak surprise as it celebrates its third year anniversary.

 

 

 

“KmmunityPH members can expect more in the months to come!” pahayag ni Pia Gonzalez-Colby.

 

 

 

2019 nang ni-launch ang Kmmunity PH, isa itong multi-channel community group for customers who love everything K—music, films, dramas, food, beauty, fashion, merch, and, most especially, idols.

 

 

 

Through events such as the Kamsahamnida Festival and RO WOON’S upcoming Fan Meet, Globe hopes to support Pinoys’ passion for K-culture and continue providing a safe space for them to share all their passion for everything and anything Korean.

 

 

 

“K-culture isn’t just a passion point for Filipinos, but is also a means to connect and be part of a larger, like-minded community,” tugon pa ng Globe Marketing head.

 

 

 

“At Globe, we want to empower this community and take their K-experience to the next level!”

 

 

 

Download the New Globe One app at glbe.co/NewGlobeONE today for more details. Join and follow the Kmmunity on the following social media channels: Facebook: Kmmunity PH | Viber: glbe.co/kmmunityviber | Twitter: http://twitter.com/KmmunityPH Youtube: http://glbe.co/KmmunityPHonYT

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Malakanyang, ipinatupad ang kautusan ng Ombudsman na suspendihin ang mga opisyal ng ARTA

Posted on: June 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

IPINATUPAD ng Malakanyang ang naging kautusan ng Office of the Ombudsman na ilagay sa anim na buwang preventive suspension ang mga opisyal ng Anti-Red Tape Authority (ARTA).

 

 

Isang  memorandum na may petsang Hunyo 7 at nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang nagbibigay atas kay ARTA Deputy Director-General for Administration and Finance , Undersecretary Carlos Quita na magdala ng kopya  ng preventive suspension order mula sa Office of the Ombudsman para kina ARTA Director-General Jeremiah Belgica, Deputy Director-Deneral Eduardo Bringas, Division chief Sheryl Pura-Sumagui, and Directors Jedrek Ng at Melamy Salvadora-Asperin.

 

 

Ang memorandum, na isinapubliko ay nagbigay atas din kay  Quita na magsumite ng  compliance report at certifications sa  Office of the Ombudsman at Office of the President.

 

 

Ipinag-utos kasi ng Office of the Ombudsman ang anim na buwang preventive suspension laban sa mga opisyal ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) na sina Belgica, deputy director general Eduardo Bringas, division chief Sheryl Pura-Sumagui, at directors Jedrek Ng at Melamy Salvadora-Asperin.

 

 

“This is to secure and guard the integrity of all documents so that we cannot influence the investigation,” ayon kay Belgica.

 

 

Ayon naman sa Ombudsman mayroong malakas na ebidensya laban sa mga respondent na inireklamo ng grave misconduct, gross neglect of duty at conduct prejudicial to the best interest of the service na maaaring magresulta sa kanilang pagkatanggal sa serbisyo.

 

 

“Thus, in order to secure the documents and to prevent possible harassment of witnesses and considering that their continued stay in office may prejudice the case filed against them, they are hereby placed under preventive suspension for a period of six months,” sabi ng utos ng Ombudsman.

 

 

Ang suspensyon ay kaugnay ng reklamong isinampa ng DITO Telecommunity Inc. sa mga opisyal ng ARTA kaugnay ng kanilang mga naging aksyon pabor sa NOW Telecom Company Inc. (Daris Jose)

VP Leni, misinformed sa nangyaring gulo sa pagitan ng magsasaka at pulisya

Posted on: June 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINABULAANAN ni Department of Agrarian Reform (DAR) Acting Sec. Bernie Cruz, ang naging pahayag ni VP Leni Robrero patungkol sa pang-aaresto ng pulisya sa umano’y mga magsasaka sa Hacienda Tinang sa Tarlac City.

 

 

Ito ay matapos sirain at guluhin ng higit 90 magsasaka ang mga tanim ng mga co-owners ng Collective Certificates of Land Ownership Award.

 

 

Giit ng kalihim, marahil mis-informed si Robredo sa nangyaring gulo sa pagitan ng magsasaka at kapulisan.

 

 

Sa inilabas ni Robredo na pahayag, sinabi nitong dapat i-respeto ang karapatang pantao ng mga inaresto.

 

 

Inihayag pa nito na mapayapa ang ginawang pagtitipon at walang ibang layunin ng mga magsasaka kundi magbigay ng maayos na pamumuhay sa kanilang pamilya.

SC nagbigay na abiso para sa online Bar applications

Posted on: June 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAG-ABISO ngayon ang Supreme Court (SC) sa mga nagnanais na kumuha ng Bar examinations ngayong taon na naglabas na sila ng ” frequently asked questions,” contact number ng help desk at viber channel mula sa Office of the Bar Confidant.

 

Inilabas ng SC ang link online na pupuntahan ng mga bar applicants kung paano ang pagkompleto ng kanilang online application at iba pang mga mga katanungan sa ukol sa application requirements.

 

Kung maalala noong ginanap ang huling bar examination nitong nakalipas na buwan ng Enero ay para sa taong 2020-2021.

 

Sa unang pagkakataon sa kasaysayan ay isinagawa ito sa pamamagitan ng digital at inilunsad din sa mga local testing sites sa ilang bahagi ng bansa taliwas sa mga nakagawian na handwritten exams sa isang unibersidad sa Maynila.

Tenorio patuloy ang pagiging ‘Iron Man’ ng PBA

Posted on: June 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SA HALFTIME ng upakan ng Barangay Ginebra sa Blackwater noong Linggo ay binigyan si point guard LA Tenorio ng Philippine Basketball Association ng plaque.

 

 

Ito ay dahil sa paglalaro ng 37-anyos na si Tenorio ng kanyang ika-700 sunod na laro.

 

 

“Nag-e-enjoy lang din ako with the competition, siyempre. I’m enjoying myself. This is my comfort zone, playing in the PBA with everyone,” sabi ng veteran playmaker.

 

 

Hindi pa siya nakakamintis ng isang laro sapul nang piliin ng San Miguel bilang No. 4 overall noong 2006 PBA Draft.

 

 

Muntik pang hindi ma­kalaro si Tenorio sa pagsisimula ng 2020 PBA Philippine Cup matapos sumailalim sa isang appendectomy procedure kaya hindi kaagad siya nakasama sa training ng Gin Kings sa Clark bubble.

 

 

Sa kanyang 700 games ay nagwagi na ang dating kamador ng San Beda Red Cubs at Ateneo Blue E­agles ng pitong PBA championships, isang Best Player of the Conference trophy at four-time Finals MVP.

 

 

Kaya naman ‘freak of nature’ ang paglalarawan sa kanya ni coach Tim Cone.

 

 

“You never see him go to eat in any fast food or anything like that. I mean, he really takes care of himself,” sabi ni Cone.

Kinapos ng budget ang movie na sinu-shoot sa New York: KC, nangangalampag sa followers na tulungan silang matapos ang ‘Asian Persuasion’

Posted on: June 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NANGANGALAMPAG si KC Concepcion sa kanyang followers sa social media na tulungan sila na matapos ang pelikulang kinabibilangan niya na Asian Persuasion sa Amerika.

 

 

 

Sa kanyang post sa Instagram, pinaalam niya na kinapos ng budget ang production ng pelikula na sinu-shoot sa New York ng direktor na so Jhett Tolentino.

 

 

 

“The filming is done, now the hard work begins. And YOU can help bring our movie to the FINISH LINE.

 

 

 

“I said YES to this movie “Asian Persuasion” because I grew up not seeing a Filipino who looked like me, or other girls like me, on American TV or in Hollywood films.

 

 

 

“Having the chance to be part of this Asian-American romantic comedy as a FILIPINA means MORE to me than just getting an acting job in America. I think I speak for so many ASIAN actors who grew up wishing and waiting for this time to come for us to be SEEN, HEARD, and REPRESENTED, in all our different skin tones, body shapes, and backgrounds.

 

 

 

“This movie is about family, relationships, love, failures, resilience, success, and fighting for what you love. That’s why this story is YOURS, as much as it is mine.

 

 

 

“This is US. Made by us. Made for us. And made to represent us.

 

 

 

“Click the link in my bio to support our film and bring it to the finish line!!! 🎞 We can’t do this without you. ANY amount would help— but most importantly, as we aspire to see our stories, our faces, our languages, our music, our talent, our skill, and our cultures, we can come together right now… one Asian project at a time.

 

 

 

“LET’S MAKE THIS MOVIE HAPPEN!!! Salamat… thank you… and all my love from New York City. Click https://seedandspark.com/fund/asian-persuasion#story.”

 

 

 

Kasama rin sa movie sina Dante Basco, Apl.de.Ap, Yam Concepcion, Rachel Alejandro, Rex Navarrete, at Tony Labrusca.

 

 

 

***

 

 

 

KINUWENTO ng Kapuso hunk na si Jon Lucas na minsan nang nagselos ang kanyang misis sa nakahalikan niyang babae sa isang music video.

 

 

 

Simula raw noong mag-asawa si Jon, hindi raw siya tumatanggap ng project na kailangan niyang magkaroon ng bedscene o anumang intimate scene with the opposite sex.

 

 

 

Yung ginawang MTV ni Jon ay kailangan daw na may light kiss sa babae kaya ginawa niya ito. Di niya akalain na makakarating ito sa kanyang misis.

 

 

 

“Medyo nanibago lang naman si misis. Kumbaga nagulat, siyempre hindi naman siya sanay na ganun. Sabi niya, ”Hala ba’t ka pumayag sa ganun,?’ Sabi ko kailangan talaga sa music video. Ito talaga yung hinihingi ng director, ng producer,” paliwanag ni Jon na tinanggap naman ng kanyang misis.

 

 

 

Bago umano opisyal na ipalabas sa TV o Youtube ang MTV, humingi umano si Jon ng raw video ng MTV at ipinapanood niya sa asawa.

 

 

 

“Sa kanya ko muna pinanood. Doon ko na rin in-explain, doon na rin niya naintindhan. Lumabas yung music video na okey naman lahat,” diin pa ni Jon.

 

 

 

Nagpapasalamat ang aktor sa mga patuloy na sumusubaybay sa First Lady. Namatay na kasi ang character niyang si Titus, ang inuutusan ni Senator Alegre (Isabel Rivas) para i-assasinate sina President Glen Acosta (Gabby Concepcion) at Ingrid (Alice Dixson).

 

 

 

***

 

 

 

MAGBABALIK for season two ang paboritong Netflix series ng mga Pinoy na Squid Game. In-announce na ito ng director na si Hwang Dong-hyuk.

 

 

 

“As the writer, director and producer of ‘Squid Game,’ a huge shout out to fans around the world. Thank you for watching and loving our show.

 

 

 

“And now, Gi-hun returns. The Front Man returns. Season 2 is coming. The man in the suit with ddakji might be back. You’ll also be introduced to Young-hee’s boyfriend, Cheol-su.”

 

 

 

“It took 12 years to bring the first season of ‘Squid Game’ to life last year. But it took 12 days for ‘Squid Game’ to become the most popular Netflix series ever.”

 

 

 

Naging phenomenal hit sa streaming platform na Netflix ang 9-episode series na Squid Game na pinagbidahan nina Lee Jung-Jae at Park Hae-Soo.

 

 

 

May 456 participants ito from all walks of life para maglaro ng games in order to win 45.6 billion won. Higit na 142 million subscribers ang nag-stream ng series kaya may pangako sila na season 2.

 

 

 

Naging hit sa Pilipinas ang Squid Game dahil ang isang contestant sa series ay ang Pinoy na si Christian Lagahit na contestant #276.

 

 

 

Nagwagi naman ang Squid Game ng 22 awards mula sa iba’t ibang award-giving bodies tulad ng Screen Actor’s Guild, Critics Choice Awards, Golden Globe Awards, American Cinema Editors, Art Directors Guild, Cinema Audio Society, Costume Designers Guild, Motion Picture Sound Editors, and Producers Guild of America.

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Phivolcs, hindi pa nakikitang may pangangailangan na ilagay sa “higher alert level” ang Bulusan

Posted on: June 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINDI pa nakikita ng  Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Philvolcs) ang pangangailangan na itaas ang Bulusan Volcano sa Sorsogon sa Alert Level 2 sa kabila ng panibagong pagputok, araw ng Linggo.

 

 

Sinabi ni Phivolcs Director Renato Solidum, malaki ang posibilidad ng muling pagputok ng bulkan matapos na pumutok ito ng  madaling araw ng Linggo,  na ayon sa mga awtoridad ay mas malakas kumpara sa pagputok nito kamakailan.

 

 

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), alas-3:37 ng madaling araw nang muling magkaroon ng phreatic eruption ang bulkan, na tumagal nang 18 minuto.

 

 

“It’s the same mechanism pero in terms of the volume na inilabas , the steam might be greater because of the six vents where it came out,” ayon kay Solidum sabay sabing “The record of the earthquakes showed that the activity we had yesterday was more energetic than last June 5.”

 

 

Sinabi ni Solidum na kailangan nilang ikunsidera ang ilang parametro sa pagtataas sa alert level sa Bulusan, kasalukuyang nasa  Level 1 o pinakamababang level of volcanic unrest ang Bulkang Bulusan.

 

 

“We are looking at magma involvement in the latest activity of the volcano. We are still looking at the type of earthquakes that we are recording. The record does not seem to show there is magma movement,” aniya pa rin.

 

 

“We also need to look at ash that were thrown out, kung luma o bago na , we’re looking at different parameters to tell us whether there is magma involvement,” dagdag na pahayag ni Solidum sabay sabing “If there is, we’ll raise to 2. And in raising to Alert Level 2, in many of the volcanoes that we monitor, hindi pa naman kami nagpapaevacuate .”

 

 

Bagaman wala pang dahilan para itaas ang alert level ng bulkan, na nasa Level 1 pa rin, nagbabala si Solidum na posible pa ang mga susunod na pagputok.

 

 

“Ang character naman ng Bulusan Volcano ay ‘yong ganyan. May mga pasulpot-sulpot na eruption na hindi lang isang beses and then titigil na. Kaya marami siya na multiple phreatic events magmula pa noong many years ago,” paliwanag ni Solidum.

 

 

Dahil sa pagputok, nabagsakan ng abo ang 35 barangay sa mga bayan sa paligid ng bulkan, mas marami kompara sa 2 barangay lang noong nakaraang linggo.

 

 

Kasama rito ang mga barangay sa Juban, Casiguran, at Magallanes. Nakaabot din umano ang abo sa Irosin at Sorsogon City.

 

 

Nagsagawa rin ng flushing ng mga abo sa kalsada ang Bureau of Fire Protection, habang umalalay sa trapiko ang pulisya.

 

 

Agad ding naglinis ang mga residente pagsapit ng umaga.

 

 

Hindi rin muna nagpatupad ng paglikas ang local disaster office sa bayan ng Juban.

 

 

“Ang order is to stay indoor and then madaling araw kaya nasa loob naman ng mga bahay. So ngayon, medyo ano naman, base dito sa panahon natin, medyo humupa naman na,” sabi ni Arian Aguallo, spokesperson ng Juban disaster office. (Daris Jose)

Ads June 15, 2022

Posted on: June 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

45 BI personnel, sinibak sa serbisyo

Posted on: June 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

IKINATUWA ng Malakanyang ang naging desisyon ng Office of the Ombudsman na tuluyan nang sinibak sa serbisyo ang lahat ng tauhan ng Bureau of Immigration (BI) na nasangkot sa kontrobersyal na “Pastillas Scheme” na siyang sinasabing dahilan sa pagdami ng mga ilegal na Chinese na nakapasok sa Pilipinas.

 

 

Sa isang kalatas, sinabi ni acting presidential spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar na welcome sa Malakanyang ang desisyon ng Tanggapan ng Ombudsman dahil ipinapakita lamang nito ang “zero-tolerance policy against corruption in the bureaucracy” ng pamahalaan.

 

 

“The recent decision of the Office of the Ombudsman dismissing immigration employees in connection with the pastillas scam underscores that there are no sacred cows in the Duterte Administration,” ayon kay Andanar.

 

 

Gayunman, batid  naman ni Andanar, na nananatiling isang malaking hamon ang korapsyon sa gobyerno.

 

 

Aniya, “the government is mandating automation and digitalization in government processes and transactions in the collection of fees to combat widespread corruption.”

 

 

“We are, therefore, pushing for automation of government systems to avoid face-to-face contact and at the same eliminate redundant processes, for effective and efficient delivery of government services,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Sa ulat, sinabi ni DOJ Assistant Secretary Neal Bainto na lahat ng immigration personnel na nahaharap sa kasong graft sa Sandigan ay hindi na pumapasok sa kanilang trabaho.

 

 

Idinagdag pa nito na tuluy-tuloy pa rin ang paglilinis nila sa nabanggit na ahensya sa pagpapatibay sa pagdisiplina sa mga tauhan nito.

 

 

Kasabay naman nito ay nanawagan muli siya sa mga tauhan ng BI na posibleng gumagawa pa rin ng naturang iligal na gawain, na mag-isip-isip na at tigilan na ang ganito.

 

 

Matatandaan na 18 tauhan ng BI ang ipinag-utos ng Office of the Ombudsman na matanggal na sa serbisyo sa gobyerno habang nitong Hunyo 6 naglabas muli ng kautusan na tanggalin na sa puwesto ang 45 na immigration personnel na nasangkot dito. (Daris Jose)