• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 25th, 2022

Bagong utang ng Pinas, aprubado ng World Bank

Posted on: June 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INAPRUBAHAN ng World Bank (WB) ang $178.1-million o  ₱9.7 bilyong pisong loan  o  bagong utang ng Pilipinas na naglalayong palakasin ang pagsisikap nito laban sa malnutrisyon, isang linggo bago pa bumaba sa kanyang tanggapan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

 

 

Ang “fresh credit” ay para sa Philippine Multisectoral Nutrition Project, na susuporta sa probisyon ng  nutrisyon at healthcare services sa  primary care at community levels na  kabilang sa 235 munisipalidad na mayroong mataas na kahirapan at malnutrition incidence.

 

 

Sinabi ng Washington-based lender na tampok sa nasabing proyekto ang “package of nutrition-specific and nutrition-sensitive interventions along with social behavior change and communications ones.”

 

 

Kabilang sa mga  sinasabing “interventions for households with pregnant women and children under two years old” ay ang “infant and young feeding, regular growth monitoring, multiple micronutrient supplements for kids aged 6-23 months, dietary supplementation for nutritionally-at-risk pregnant women at treatment of moderate, severe acute malnutrition.”

 

 

“The persistence of high levels of childhood undernutrition in the Philippines, exacerbated by the COVID-19 pandemic, could lead to a significant increase in inequality of opportunities in the country,” ayon kay  Ndiamé Diop, World Bank Country Director para sa  Brunei, Malaysia, Philippines, at Thailand.

 

 

“Improving children’s nutritional status leads to the Philippines’ target of strengthening human capital along with its economic rebound and long-term growth prospects,” ayon kay Diop.

 

 

Sa kabilang dako, suportado rin ng proyekto ang  behavioral change campaigns para sa target na pamilya at komunidad na may  “crucial” behaviors  para sa maayos na  nutrition outcomes para sa mga kababaihan at kabataan.

 

 

Kabilang aniya rito ang paghuhugas ng kamay na may gamit ng sabon sa critical instances, improved sanitation at access sa ligtas na  inuming tubig,  early child-care at development, nutrition-focused childcare development activities, at pagpo-promote ng  access sa Pantawid Pamilya program.

 

 

Sinabi pa rin ng World Bank na ang proyekto ay naglalayong makapagbigay ng  performance-based grants para sa  local government units.

 

 

“These are linked to the delivery of pre-defined nutrition, maternal and child services, and improvements in planning and budgeting for nutrition projects at the local level,” ayon sa WB.

 

 

“Undernutrition and exposure to risks and adversities during the first 1,000 days of the child’s life can disrupt cognitive, emotional, and physical development and hold children back from reaching their full potential, thus affecting the formation of the country’s human capital, explained Nkosinathi Mbuya, World Bank Senior Nutrition Specialist, East Asia and Pacific Region.”

 

 

“Therefore, interventions to improve nutritional outcomes must focus on this age group and women of child-bearing age,”  dagdag na pahayag ni Diop.

 

 

Samantala, pormal namang magsisimula ang termino ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Hunyo  30. (Daris Jose)

No unloading incidents sa MRT 3 ngayon tumataas na ang ridership

Posted on: June 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

WALANG naitalang unloading incidents sa Metro Rail Transit 3 simula pa noong nakaraang taon habang tumataas naman ang bilang ng mga pasahero nito.

 

 

“MRT 3 has been hitting more than 350,000 weekday ridership for now beginning May 25 with the highest at 370,276 passengers recorded last June 6 and yet no unloading incidents have been reported,” wika ng pamunuan ng MRT 3.

 

 

Ang huling naitalang unloading incident ay noong pang July 16, 2020. Mayron limang (5) passenger unloading incidents ang nangyari noong 2020, 28 incidents noong 2019, 57 noong 2018, 463 noong 2017, 586 sa taong 2016 at 417 noong 2015.

 

 

Ayon sa MRT 3, nagkaron ng mga improvements dahil sa patuloy na tamang maintenance at testing ng performance ng fully rehabilitated na subsystems ng MRT 3.

 

 

Samantala, may mahigit ng 20 million na pasahero ng MRT 3 ang sumakay ng libre mula ng ilungsad ito noong March 28 hanggang June 6,2022.

 

 

Ang libreng sakay ay may tinatayang P286 million na revenue losses simula ng magkaron ng libreng sakay noong March 28 hanggang May 28,2022.

 

 

Para naman sa extension ng operasyon ng libreng sakay hanggang sa darating na June 30, tinatayang aabot sa pagitan ng P150 million hangang P180 million ang kanilang magiging foregone revenues.

 

 

Subalit sinabi naman ng pamunuan ng MRT 3 na kanilang kukunin ang mga revenue losses sa kanilang subsidy funding na P7.1 billion mula sa General Appropriations Act.

 

 

Dagdag pa ng MRT 3 na ipauubaya na lamang nila sa bagong administrasyon kung itutuloy pa nila ang programa sa libreng sakay.

 

 

Sumailalim ang MRT 3 sa isang rehabilitation at maintenance program ng 2 taon upang maging maaayos ang electromechanical components, power supply system, rail tracks, depot equipment, elevators at escalators sa lahat ng stations kasama na rin ang overhaul ng 72 light rail vehicles (LRVs).

 

 

Ang headway o waiting time sa pagitan ng mga trains ay nabawasan din mula 10 minutes at ngayon ay 3.5 minutes na lamang. Umikli na rin ang travel time mula sa estasyon ng North Avenue papuntang estasyon ng Taft kung saan ito ay 45 minutes na lamang kumpara sa dating 1 hour at 15 minutes.

 

 

Tumaas na rin ang operating speed ng MRT3 mula sa dating 25 kph at ngayon ay 60 kilometers per hour na. Sa ngayon ay may 23 ng operational trains mula sa dating 13 trains. LASACMAR

Birthday party, nagmistulang concert sa rami nang kinanta: GLADYS, ‘di napigilang maluha nang maalala ang pumanaw na ama

Posted on: June 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BUKOD-TANGING ang actress na si Gladys Reyes lang talaga ang makakapag-pull-off ng party na tulad ng ginawa niya for her 45th birthday.

 

 

Talagang na-entertain ang mga bisita niya dahil nagmistulang concert ang party niya. Mahigit 15 songs yata ang sunod-sunod na pinerform niya, aside pa sa mga kantang kasama niya ang bestfriend na si Carmi Martin, anak na si Christophe at siyempre, ang singlahoop na kasama naman niya ang Mama Zeny niya at kapatid na si Janice.

 

 

Sey nga ni Gladys sa mga bisita, “Naisip ko, since mga bisita ko naman kayo, wala kayong magagawa kung hindi makinig ng mga kanta ko. Ha ha ha!”

 

 

Pero in fairness talaga, hindi man siya singer, pero kalkulado at na-pull-off niya ang mga songs. At nagbunga pa ang pag-videoke niya during pandemic sa Facebook, siya ang kinuhang endorser ng Wow Fiesta Melody.

 

 

Ayon kay Gladys, alam ng lahat na mahilig niyang bigyan ng mga bonggang party ang apat na anak, pero siya sa sarili, hindi. Pero nitong pandemic, na-realize raw niya na life is short talaga, kaya dapat lang na i-celebrate.

 

 

Nagpapasalamat din siya dahil kahit pandemic, maraming blessing na dumating sa kanila. Yung mga food business nilang mag-asawa na si Christopher Roxas na bukod sa Sommereux Catering, meron na rin silang Meat Entertainment at Sonyer Restaurant.

 

 

Though, hindi napigilan ni Gladys na maging emosyonal at maluha nang kausap namin kahit pinipigilan niya nang mabanggit ang ama na namatay last year.

 

 

Sa isang banda, bongga si Gladys dahil ngayong birthday niya, niregaluhan siya ng bagong van ni Chistopher. At after na hindi tumanggap ng kahit anong teleserye dahil sa lock-in, balik taping na rin siya sa GMA-7’s “Underage.”

 

 

***

 

 

SA July 4 na ang pilot sa GMA Primetime ng 3 years in the making na fantasy series na “Lolong” na pinagbibidahan ng Kapuso actor na si Ruru Madrid.

 

 

Si Lolong ay ang kuwento ng buwaya kunsaan, sa ginanap na online mediacon, binigyang diin na niya na hindi magta-transform sa pagiging buwaya ang character niya.

 

 

Pero tinanong namin siya kung may naging “buwaya” na ba sa buhay niya. At sey niya, “Yung Lolong sa buhay ko, siguro po, ito yung mga pagsubok na pinagdadaanan ko. ‘Yan kasi ang mga tipong kailangan kong pagdaanan para magtagumpay ako.

 

 

“Sabi nga nila, it’s not the destination, it’s the journey. Kumbaga, kahit na napakahirap ng pinagdaanan mo, kung hindi mo nanamnamin ‘yon, parang wala rin kahit makarating ka sa dulo.

 

 

“For me, dapat na pahalagahan lang natin kung ano ang meron tayo.”

 

 

Emotional si Ruru sa “Lolong” dahil sa matitinding pinagdaanan niya sa pagkakagawa nito, mula ito sa GMA News and Public Affairs.

 

 

 

(ROSE GARCIA)

Sahod ng kasambahay sa NCR, abot na sa P6K/buwan

Posted on: June 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

AABOT na sa P6,000 ang buwanang sahod ng mga kasambahay sa Metro Manila makaraang aprubahan ng National Capital Region Tripartite Wages and Productivity Board (NCR-TWPB) ang P1,000 dagdag-sahod sa kanila.

 

 

Mabebenipisyuhan nito ang nasa 200,000 kasambahay na nagtatrabaho sa rehiyon.

 

 

Sa kabila nito, naniniwala si outgoing Labor Secretary Silvestro Bello III na hindi pa sapat ang P1,000 dagdag sa sahod nila dahil sa patuloy na pagsirit sa presyo ng petrolyo at mga pangunahing bilihin.

 

 

“In fact, sabi ko nga ‘yung increase to P6,000 eh napakababa pa ‘yun kasi sabi ko nga ngayon, nagbabayad na ako ng 7 (kasambahay) eh ‘di ba kasi ‘yung pagkakaroon ng kasambahay is not a necessity. To me, it’s just a luxury eh,” paliwanag ni Bello.

 

 

Isasailalim pa rin naman sa review ang desisyon ng NCR-TWPB ng National Wages and Productivity Commission (NWCP). Pero kapag naaprubahan na, mauumpisahan itong maipatupad may 15 araw pagkatapos itong mailathala.

 

 

Kung ang isang employer ay hindi susunod, maaari silang ireklamo sa regional wage board o sa anumang DOLE field offices. (Daris Jose)

PGH, PELIGRO SA KAKULANGAN NG NURSE

Posted on: June 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NALALAGASAN ngayon ng mga nurse ang Philippine General Hospital (PGH) matapos na magsipagbitiw sa ospital.

 

 

Ayon kay PGH spokesperson Jonas Del Rosario may kabuuang 107 nurse ang nagbitiw sa Ospital  mula noong nakaraang taon.

 

 

Aniya, 59 nurse ang nagbitiw noong nakaraang taon habang 48 ang natira mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon.

 

 

Dagdag pa niya, marami pa ang planong mag-resign.

 

 

Samantala, nakapag-hire lang ang ospital ng 27 bagong nurse.

 

 

“Nababahala kami… Hindi lang naman kasi COVID ‘yung patients namin. In fact, ngayon ang problema namin, siguro nabalitaan ninyo na rin nagdadagsaan ang non-COVID patients sa amin,” sabi ni Del Rosario .

 

 

Aniya  karaniwan ay mayroon silang 120 hanggang 150 na pasyente sa kanilang emergency room sa kabila ng pagkakaroon ng 70-bed capacity.

 

 

Sinabi ni Del Rosario na ramdam nila ang limitasyon na kulang ang kanilang nurse dahil nabawasan kung saan ikinakalat o dinedeploy na lamang sila kung saan sila mas kailangan.

 

 

Gayunpaman, sinabi ni Del Rosario na ang ospital ay hindi nakakaramdam ng bahagyang pagtaas sa mga kaso ng COVID-19 kung saan 15 na pasyente lamang ang kasalukuyang na-admit sa PGH.

 

 

Sinabi ng tagapagsalita na ang kanilang mga nurse na dating nakatalaga sa mga COVID-19 ward ay na-deploy sa mga non-COVID ward.

 

 

“Well, ang DOH naman po ay naging katulong namin mula nung nagka COVID. In fact, nagpadala po sila ng mga DOH po na employed na nurses para i-augment ‘yung aming kakulangan,” dagdag pa ng opisyal.

 

 

“But just the same I think a lot of the DOH hospitals are also feeling this exodus kaya may kanya-kanya rin pong kakulangan,” ayon pa kay Del Rosario.

 

 

Sa ngayon, aktibong nagre-recruit ng nurse ang PGH. (GENE ADSUARA)

Ex-PAL chief Jaime Bautista, napili bilang DOTr chief sa ilalim ng administrasyong Marcos

Posted on: June 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINIRANG ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. ang dalawang outgoing officials mula sa administrasyong Duterte  bilang bahagi ng pagpuno sa mga bakanteng posisyon sa kanyang incoming administration.

 

 

Si Marcos,  nakatakdang manumpa  bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas sa Hunyo 30,  ay pinangalanan sina  outgoing Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre “Bebot” Bello III  bilang Chairman at Resident Representative-designate ng Manila Economic and Cultural Office (MECO).

 

 

Itinalaga bilang  DOLE Secretary ni Pangulong  Duterte  noong 2016, dekada ng nasa public service si Bello at nagkaroon na rin ng iba’t ibang posisyon gaya ng Acting Secretary of Justice at kalaunan ay  Solicitor General noong 1998  sa panahon ng dating Pangulong Fidel Ramos.

 

 

Si Bello ay itinalaga bilang Cabinet Secretary ni dating  Pangulong  Gloria Macapagal-Arroyo mula  2004 hanggang  2010 at naging party-list Representative mula  2013 hanggang  2016.

 

 

Samantala, muli namang ninomina (nominated) ni Marcos si dating Cabinet Secretary Karlo Nograles bilang  Civil Service Commission (CSC) Chairman-designate.

 

 

Si Nograles ay kabilang sa Duterte ad-interim appointees na na-bypassed bunsod ng kakulangan ng  quorum  ng Commission on Appointments (CA) nitong buwan ng Hunyo.

 

 

Si Nograles, isang  abogado,  ay naging 1st district Representative  ng Davao City sa loob ng 8 taon bago pa siya itinalaga ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte  sa ilang posisyon sa  Executive branch.

 

 

Si Nograles  ay naging  Cabinet Secretary, IATF-IED Spokesperson, Acting Presidential spokesperson, at Chairman ng  Inter-Agency Task Force on Zero Hunger.

 

 

Kapwa naman makakasama nina Bello at Nograles ang lumalagong “pool of officials” na nananatili  mula sa  Duterte administration at ngayon ay napili  ni President-elect Marcos dahil  may magandang track records na makatutulong sa  nation-building.

 

 

Samantala, napili naman  si dating Philippine Airlines (PAL) president at chief operating officer Jaime Bautista  ni  President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang  incoming Transportation chief sa ilalim ng kanyang administrasyon.

 

 

Kinumpirma ito ni incoming Executive Secretary Attorney Vic Rodriguez sa mga mamamahayag.

 

 

Papalitan ni Bautista si Arthur Tugade  bilang  DOTr chief sa pagsapit ng Hunyo 30. (Daris Jose)

Mag-move on na at pagtuunan ang gagawin ni Pres. BBM: AGOT, no regrets sa pagsuporta kay VP LENI kahit ‘di nanalo

Posted on: June 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINDI man nagwagi bilang pangulo si Vice President Leni Robredo na sinuportahan niya nang todo, wala naman regrets si Agot Isidro sa kanyang naging desisyon.

 

 

Alam niya na pumanig siya sa tamang choice at kung hindi siya nagwagi, alam niya na nasa matuwid ang kanyang ipinaglabang kandidato.

 

 

Move on na raw tayo at ang dapat na raw pagtuunan nang pansin ay kung ano ang gagawin ng bagong halal na Pangulo na si Bongbong Marcos sa susunod na anim na taon.

 

 

Basta ang objective ni Agot sa ngayon ay magtrabaho at ipagpatuloy ang kanyang acting career.

 

 

Very thankful si Agot sa ABS-CBN dahil isinama siya sa cast ng Flower of Evil, ang unang pagsasanib-pwerse ng Viu Entertainment at Kapamilya Network.

 

 

Maganda ang role niya sa serye bilang nanay ni Piolo Pascual who knows his dark secrets.

 

 

Ayon pa kay Agot, kakaiba ang role niya bilang nanay ni Papa P sa seryeng tinatampukan din ni Lovi Poe.

 

 

***

 

 

BIDA si Edgar Allan Guzman sa bagong movie ni Direk Joel Lamangan para sa AQ Prime.

 

 

Titled ‘Peyri Teyl,’ isa itong comedy film mula sa panulat ni Eric Ramos.

 

 

Ginagampanan ni EA ang role ng isang probinsyanong bading na nagkaroon ng chance na ma-grant ang 3 wishes niya ng isang fairy godmother

 

 

The last time na gumanap na gay si EA ay sa Huling Beki sa Balatlupa na si Joel Lamangan din ang director.

 

 

Sabi ni Dennis Evangelista, maraming nakatutuwang eksena sa movie na tiyak na magpapasabok ng katatawan sa pelikula.

 

 

Maganda siguro ang role kaya pumayag si EA na gawin ang pelikula. Sinabi noon EA na hindi na siya gagawa gay role pero siguro nagandahan siya sa script kaya pumayag ang actor.

 

 

The role was first offered to EA although may isa pa sanang choice si Direk Joel kaya lang nag-worry ito na baka magkaproblema sila sa management nung aktor kung ito ang pipiliin nila.

 

 

Good choice naman si EA dahil mahusay itong actor.

 

 

***

 

 

AKSIDENTENG sumilip ang private part ni Sid Lucero sa dalawang eksena sa “Virgin Forest” pero hindi naman ito ginawang big deal ng actor.

 

 

Kapareho rin naman daw niyang nakahubad ang mga female co-stars niya at mas naisip niya na ang ito ang dapat proteksiyunan para ‘di ma-expose ang hindi dapat makita.

 

 

Delikado raw ang shoot nila sa falls dahil madulas daw ang batuhan at any moment ay pwedeng may mahulog sa kanila habang kinukunan ang eksena if they won’t be careful.

 

 

Happily, no such thing happened. Naging smooth sailing ang shoot ng movie kahit pa sila ay nasa kagubatan.

 

 

Sid shared na malaki na raw ang kanyang ipinagbago niya in terms of work attitude. Aminado siya na naging sakit ng ulo siya ng production before pero not any more.

 

 

Naging lesson sa kanya ang pinagdaanan niya during the pandemic na anything can be gone in an instant.

 

 

Ngayon mas tini-treasure na niya at ini-enjoy what he has. Mas masaya rin siya and at peace with himself.

 

 

 

(RICKY CALDERON)

Angel, nagpaka-fan girl at starstruck pa rin sa Megastar: JOSEPH, hindi pa rin makapaniwalang naka-eksena na si SHARON

Posted on: June 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SA Instagram post ni Joseph Marco, wala nga siyang mapaglagyan ng kaligayahan sa pambihirang pagkakataon na maka-eksena niya si Megastar Sharon Cuneta sa FPJ’s Ang Probinsyano.

 

 

Kasama ang larawan nilang dalawa na kuha sa madramang eksena, nilagyan niya ito ng caption na na, “A chance of a lifetime. I’m MEGA grateful for this opportunity. ☺️ #FPJsAngProbinsyano.”

 

 

Ni-repost naman ito ni Sharon at nilagyan ng komento na, “You were so good, Joseph! Proud of you!”👏🏻👏🏻👏🏻🙏🏻❤️🤗

 

 

Kasunod nito ang mahabang post ni Joseph kasama na ang nakaka-iyak na eksena nila ni Mega sa serye na kung saan malalaman ni Aurora (character ni Sharon) na si Isabel (Julia Montes) ang anak niya. Pinuri rin ang aktor ng netizens at celebrity friends na hindi nagpahuli kay Sharon sa pag-arte.

 

 

Caption ni Joseph, “Ang eksenang ito ay isa sa mga bagay na mahirap paniwalaan na maging totoo. Naalala ko, noong araw na nagdesisyon ako na showbiz ang gusto kong tahakin – hindi ito naging madali. madaming pagsubok, pagdududa sa sarili, rejections at kung ano ano pa. Mabuti nalang ay hindi ako sumuko sa mga pangarap ko. Sa kabila pala ng lahat ng pagsubok at paghihirap ay may kapalit na pagtupad ng mga pangarap.

 

 

“I am very humbled to have shared the spotlight with the one and only #Megastar. Hanggang ngayon, hindi pa din ako makapaniwala na nangyari itong eksenang ito.

 

 

“To the #Megastar, maraming salamat. I am beyond grateful for this experience. Thank you for being so generous and supportive. I will carry this beautiful experience for the rest of my life. Surreal!”

 

 

Dagdag pa ng aktor, “At para sa lahat na patuloy na lumalaban para sa pangarap, kapit lang. Ipaglaban mo ang pangarap mo! Tulad ng sipiin na tumulong sa akin magpatuloy sa buhay, “Success happens when preparation meets opportunity.”

 

 

“Maraming Salamat sa #FPJsAngProbinsyano, @abscbn, @dreamscapeph , at higit sa lahat kay @cocomartin_ph!”

 

 

Samantala, nagpaka-fan girl naman kay Sharon ang mahusay na aktres na si Angel Aquino, na matatandang nagkasama na sila sa pelikulang Crying Ladies.

 

 

 

Hindi na nga napigilan ni Angel na panoorin sa monitor ang matinding eksena nina Sharon at Joseph.

 

 

Say ng aktres, “I am on fan mode again. Couldn’t resist watching her from the monitor because i read this on the script. The scene was painfully quiet and long and she had to sustain her tears but i know how tired and probably emotionally drained she already was at that point. It was a heavy day for Mega.

 

 

“Yet magic still unfolded before my eyes; it was captivating. Her emotions were so real I could taste her tears and hold her pain.
“Lucas was amazing too. He made good use of what Mega gave him and in the end they created an excellent, heart wrenching scene.

 

 

“Ang husay ni Mega.. ang husay ng lahat.. dito sa Probinsyano, lagi akong starstruck.”

(ROHN ROMULO)