• November 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 5th, 2022

Panibagong challenge ang pagpasok niya sa politics: ANGELU, masuwerteng nasa ticket ni Mayor VICO kaya ‘di nahirapang manalo

Posted on: July 5th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ANG ganda-ganda ni Angelu de Leon sa suot niyang blue terno na siya ay manumpa bilang member ng city council ng Pasig City.

 

 

Nagsimula ang term of office ni Angelu bilang newbie konsehala noong July 1.

 

 

Panibagong challenge kay Angelu ang pagpasok niya sa politics. Having seen her grow up mula sa pagiging young star sa Viva until sumikat ang tandem nila ni Bobby Andrews, naging nanay at dumaan sa maraming pagsubok, di namin maimadyin na makikita namin na papasok sa politics ang award-winning actress.

 

 

Pero siguro ang exposure niya sa mga tao bilang artista at sa experiences niya rin sa pakikihalubilo sa mga ito ang nagbukas ng isip ni Angelu na she can make a difference kung papasok siya sa politics.

 

 

Kahit na newbie candidate ay nanalo si Angelu. Masuwerte rin siguro na kasama siya sa ticket ni incumbent Pasig City Mayor Vico Sotto kaya di siya nahirapan na humingi ng suporta sa mga botante.

 

 

Bagong mundo for Angelu ang politics at hangad namin ang kanyang tagumpay. It is never late to venture into something na makatutulong sa iyo as a person and as a citizen.

 

 

***

 

 

NANALO ang ABS-CBN ng dalawang parangal sa 2022 Gold Quill Awards ng International Association of Business Communicators para sa kanilang mga programa para sa kanilang empleyado, kasama ang kauna-unahang “Kapamilya Himig Handog” employee songwriting competition.

 

 

Nagbunga ang “Kapamilya Himig Handog” ng limang bagong kanta na nakapaloob sa OPM Fresh Songwriters Series Vol. 1 EP na napapakinggan na sa iba’t ibang platform tulad ng Amazon Music, Apple Music, at Spotify. Meron na ring pinagsamang 70,000 views ang lyric videos nito sa YouTube.

 

 

Pinuri ang “Kapamilya Himig Handog” ng mga evaluator ng Gold Quill sa matagumpay nitong pagtupad sa layunin nitong mag-diskubre ng mga bagong manunulat ng kanta mula sa mga empleyado mismo ng ABS-CBN, at bigyan sila ng pagkakataong maipakinig sa mundo ang kanilang musika.

 

 

Panalo ang patimpalak na ito, na hango sa kilalang nationwide songwriting contest na “Himig Handog,” sa primerong awards program ng IABC, kung saan nagwagi rin ng ang COVID-19 awareness campaign ng ABS-CBN para sa Kapamilya employees.

 

 

Samantala, makatulong sa pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 sa organisasyon naman ang hangarin ng “Act As If You Have the Virus” campaign ng ABS-CBN, na kinilala naman sa mahusay na pagpapaalala sa mga empleyado na sumunod sa safety protocols at mag-ingat sa panahon ng pandemya.

 

 

Ginanap sa New York City, USA noong Hunyo 28 ang 2022 Gold Quill Awards, na apat na dekada nang nagbibigay ng pagkilala sa kahusayan sa komunikasyon sa buong mundo. Umabot sa 406 entries mula sa 16 na bansa ang kasali ngayong taon, kung saan 125 lamang ang tatanggap ng parangal.

 

 

Nakuha ng ABS-CBN ang dalawa sa pitong Gold Quill Awards na napanalunan ng Pilipinas ngayong taon. Bago ang mga ito, nagwagi na rin ang ABS-CBN sa Gold Quill Awards para sa Sagip Pelikula film restoration project (2019), “Wow at Saya” audience experience program (2018), at election advocacy campaign “Boto Mo, i-Patrol Mo” (2011).

 

 

Para sa iba pang updates sa ABS-CBN, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bumisita sa www.abs-cbn.com/newsroom.

 

 

***

 

 

PAGKATAPOS gumanap ng ilang supporting roles sa ilang teleserye sa ABS-CBN, sasabak na sa isang challenging role ang newbie actor na si Heindrick Sitjar.

 

 

Sa kuwento niya sa mediacon ng upcoming movie na ‘Pamilya sa Dilim’ na sinulat at ididirek ni Jay Altarejos, nag-undergo din siya ng audition.

 

 

After the audition ay binigyan si Heindrick ng chance na makilala si Allen Dizon at si direk Jay. Doon na niya nalaman ang takbo ng kwento at kung paano siya ang napili para sa role na ibinigay sa kanya.

 

 

Magkamukha raw sila ni Allen kaya siya nakuha sa movie para gumanap na young Eddie Boy.

 

 

Aminado naman si Heindrick na kinakabahan siya dahil mabigat ang role na ibinigay sa kanya. Mabibigat halos lahat ng mga eksena.

 

 

Sabi pa ng newbie actor, matagal na niyang pangarap na mag-artista at makagawa ng isang indie film. Kaya very thankful siya na he was chosen to be part of the cast of ‘Pamilya sa Dilim’.

 

 

Kasali rin siya sa cast ng ‘Lolong’ nagsimula ng ipalabas sa GMA Telebabad. Gumaganap siya sa serye bilang Ramil, isang atubaw na nagmamahal sa mga crocodile.

 

 

Ayon kay Heindrick, mabait at magaling na aktor si Ruru Madrid at pwede rin niya itong maging inspirasyon bilang isang upcoming young actor sa showbiz.

 

 

(RICKY CALDERON)

Sa bagong anggulo ng dahilan ng paghihiwalay: CARLA, may pera rin sa malaking halaga na na-scam kay TOM

Posted on: July 5th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TALAGANG iba rin ang naging closeness ng mga Kapuso stars na sina Ruru Madrid at Kylie Padilla na nagsimula nang maging close nang magkapareha sila sa Encantadia.

 

 

Hindi naputol ang closeness at the same time, sweetness nilang dalawa kahit matagal ng tapos ang fantaserye.

 

 

At dahil biggest break ni Ruru ang GMA News and Public Affairs fantasy serye na Lolong na nag-pilot kagabi, July 4, hindi rin nagpahuli si Kylie.

 

 

Nag-effort pa siya na gumawa ng video message para i-promote ang serye na ito ni Ruru. Sey niya, “Naalala ko pa no’ng kinuwento mo sa akin na talagang minahal mo ang project na ‘to at malapit na siyang ipalabas.”

 

 

Sa caption ay sinabi rin niya na, “Always rooting for you!!!”

 

 

Obvious na masayang-masaya si Ruru sa ginawang ito ni Kylie at sa comment niya rito, tahasan niyang sinabi kung gaano niya ito kamahal. Aniya, “Awwww labyu so much Ky.”

 

 

Kung nagkataon kaya na parehong hindi taken sina Ruru at Kylie noon, ‘di kaya from friendship ay nag-level-up pa sila?

 

 

***

 

 

MAY bagong anggulo na pinag-usapan sina Ogie Diaz, Loi at Mrena sa kanilang Youtube vlog tungkol pa rin sa diumano’y dahilan ng hiwalayan ng mag-asawang Tom Rodriguez at Carla Abellana.

 

 

Pera pa rin ang sinasabing dahilan ng paghihiwalay nila. Ayon daw sa kanilang source na binasa nga ni Ogie ang text o chat message sa kanya.

 

 

“May pera din si Carla dun sa na-scam kay Tom. Kaya nga alam din ni Carla yung pera na yun kasi pareho nilang perang mag-asawa yun na-scam kay Tom.

 

 

“In other words, hiniwalayan ni Carla si Tom kasi naubos ang pera ni Tom, damay pa ang pera ni Carla.”

 

 

Sa isang banda, mukhang sinusunod naman talaga ni Tom ang sinabi niyang gag order na hindi siya pwedeng magsalita kaya tahimik lang itong talaga. Hindi nagko-comment at hindi rin idinidepensa ang sarili sa iba’t-ibang isyu na naglalabasan tungkol sa kanya.

 

 

Ang huling balita namin, nagpa-extend nga ng bakasyon sa America si Tom from GMA Networks at sa August na raw ito babalik. Yun ay kung okay na nga, na-process na niya sarili ang mga nangyari at nakapag-move-on na or kung hindi, another leave extension.

 

 

 

 

(ROSE GARCIA)

P500 ayuda sa mahihirap ibibigay na ngayon – DSWD

Posted on: July 5th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NANGAKO si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo na simula ngayong araw ay matatanggap na ng ilang mga mahihirap na kababayan ang ipinangako na P500 ayuda ng pamahalaan bilang tugon sa tumataas na presyo ng bilihin sa bansa.

 

 

Target ng DSWD na maibigay sa 12.4 milyong Pilipinong benepisyaryo sa ilalim ng Targeted Cash Transfer (TCT) Program ang nasabing ayuda ngayong linggo.

 

 

Ayon kay Tulfo ay sisimulan na ng kanyang ahensiya ang pag-deposito ng ayuda sa cash card ng mga benepisyaryo na maaaring tumagal lamang ng lima hanggang anim na araw.

 

 

“Tumawag po sa akin nitong Sabado si Pangulong BBM para kumustahin kung kailan maibibigay ang ayuda ng mga tao, sabi ko sa Lunes ng umaga po Sir”, sabi ni Sec. Tulfo.

 

 

Inilabas ng Department of Budget and Management (DBM) nitong Biyernes ang P6.2 bilyong pondo para sa buwanang ayuda ng mga Pilipinong kabilang sa tinatawag na “low-income families”.

 

 

“Makakatulong ang halagang ito para sa ating mga kababayan na mahihirap lalo na’t patuloy pa ring tumataas ang presyo ng mga bilihin dahil na rin sa krisis na kinahaharap ng buong mundo”, anang kalihim.

 

 

Ang Targeted Cash Transfer (TCT) Program ng pamahalaan ay ang pagbibigay ng P500 kada buwan sa mga mahihirap na Pilipino sa utos na rin ni dating Pangulong Duterte noong buwan ng Mayo ngunit nitong Biyernes lamang naipalabas ang pondo sa ilalim na ng administrasyon ni Pangulong Marcos Jr.,

 

 

Ang programang ito ay ipatutupad ng DSWD sa loob ng anim na buwan upang makatulong sa taumbayang naghihirap dahil sa mataas na presyo ng gasolina at mga bilihin.

 

 

Ang mga benepisiyaryong makakatanggap ng ayuda ay binubuo ng 4 na milyong pamilya mula sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps); 6 na milyong non-4Ps na dating benepisyaryo ng Unconditional Cash Transfer Program; at 2.4 pamilya na nasa ‘Listahan’ o poverty data ng DSWD.

 

 

Umapela si Tulfo sa mga benepisyaryo na gamitin sa tama ang kanilang mga ayuda.

 

 

Nagpaalala rin siya na maaaring maalis sa listahan ang mga benepisyaryo na mahuhuling ginagamit lang sa ilegal gaya ng pagsusugal ang kanilang mga ayuda.

 

 

“Para ito sa pamilya ninyo kaya’t hiling ko ay gamitin niyo ito sa ayos at huwag sayangin sa anumang ilegal na bagay,” ayon kay Tulfo.

 

 

Sa ilalim ng direktiba ni Pangulong BBM siniguro ni Tulfo na laging nariyan ang pamahalaan para tulungan ang mga Pilipino lalo na sa oras ng kanilang panga­ngailangan. (Daris Jose)

‘Thor: Love and Thunder’ New Trailer Previews the Epic Battle Between Thor and Gorr

Posted on: July 5th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

A brand new Thor: Love and Thunder trailer previews the God of Thunder and Gorr the God Butcher’s intense fight.

 

 

Taika Waititi and Chris Hemsworth’s latest Marvel Studios project will be showing starting tomorrow, July 6 in Philippine cinemas nationwide. The two previously collaborated on 2017’s hit Thor: Ragnarok, a colorful film that completely reinvented Hemsworth’s beloved Norse god.

 

 

That reinvention just might continue in Love and Thunder. The new movie picks up with Thor following the events of Avengers: Endgame, which saw the hero at his lowest point. Described by Waititi as a mid-life crisis, Thor begins Love and Thunder searching for some peace. However, the emergence of a new villain, Christian Bale’s Gorr the God Butcher, confirms Thor won’t be able to put aside fighting forever. Love and Thunder also features the returns of Jane Foster (Natalie Portman) – now a hero herself after picking up Mjolnir and becoming the Mighty Thor – and Valkyrie (Tessa Thompson).

 

 

In the latest Thor: Love and Thunder trailer from Marvel Entertainment, Gorr and Thor’s massive fight is further teased with the inclusion of new scenes from the movie. Clocking in at just 30 seconds, the promotional video shows new snippets of the God of Thunder using his powers in unique ways. Check out the clip below:

 

 

Based on all the official footage released thus far for Love and Thunder, Thor and Gorr will encounter each other at least twice. The first time should be their initial fight in what is presumably the shadow realm. This sets up the God of Thunder’s next mission, which will send him to Zeus (Russell Crowe) in an effort to warn the gods of the villain’s inevitable attack.

 

 

Then, there is the mandatory third-act battle between the Avenger and Gorr. It’s difficult to say when the pair’s battle from the Thor: Love and Thunder trailer takes place, as it’s also possible that they have other entanglements that have been saved for the movie. Aside from that, there’s also a possibility that some of these scenes are used purely for marketing purposes since it’s no secret that Marvel likes to trick fans.

 

 

While not much is known about Thor: Love and Thunder’s bad guy, Gorr the God Butcher could very well be the most dangerous villain that Thor has faced. Gorr’s grudge against the gods stems from suffering a personal tragedy, and he believes that the higher entities failed to protect him from the experience.

 

 

This could hit a raw nerve for Thor after his catastrophic mistake in Avengers: Infinity War led to Thanos’ snap. If so, it could be that the conflict in Thor: Love and Thunder will be deeply personal, thus heightening the stakes. As the trailer shows, it will also be a thrilling battle, so audiences have much to look forward to. (source: screenrant.com)

 

(ROHN ROMULO)

Gumabao, Bernardo hahataw para sa Creamline

Posted on: July 5th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MULING maglalaro si veteran Michele Gumabao para sa Creamline bilang preparasyon sa Premier Volleyball League Invitational Conference na hahataw sa Sabado sa Filoil Flying V Arena sa San Juan City.

 

 

Bigo ang opposite hitter na si Gumabao sa nakaraang eleksyon kaya siya magbabalik sa Cool Smashers.

 

 

Huling nakita sa aksyon si Gumabao sa 2021 PVL Open Conference na idinaos sa Bacarra, Ilocos Norte kung saan sumegunda ang Creamline sa nagreynang Chery Tiggo.

 

 

Bukod kay Gumabao, hinugot din ng Cool Smashers si rookie Lorie Bernardo, isang middle blocker na naglaro para sa University of the Philippines sa nakalipas na UAAP season.

 

 

Unang makakatapat ng Creamline ang Open Conference third-placer na Cignal HD sa Hulyo 12.

 

 

Pinalakas nina Gumabao at Bernardo ang koponan ni coach Sherwin Meneses na nagkampeon sa nakaraang Open Conference noong Mayo.

 

 

Ipaparada ulit ng Cool Smashers sina reigning MVP Tots Carlos, team captain Alyssa Valdez, Jia Morado, Jema Galanza at Jeanette Panaga.

SRP sa mga basic necessities at prime commodities hindi magkakaroon ng pagbabago – DTI

Posted on: July 5th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

WALANG inaasahang paggalaw sa presyo ng mga basic necessities at prime commodities na nasa ilalim ng suggested retail price (SRP) na binabantayan ng Dept of Trade and Industry (DTI).

 

 

Sinabi ni DTI Usec Ruth Castelo na bagaman may mga manufacturer na humihiling na magtaas sila ng presyo sa kanilang mga produkto, binigyang diin nito na may umiiral na patakaran para rito.

 

 

Ayon kay Castello, hangga’t hindi inaaprubahan ng DTI ang hiling na price adjustment, hindi ito magiging epektibo.

 

 

Ang mga ganitong hiling aniya ay pinag-aaralan munang maigi ng pamunuan ng departamento, sa pagkakataong ito ay ang bagong kalihim ng DTI si Sec. Alfredo Pascual.

 

 

Kapag inaprubahan aniya ni Pascual ang mga kahilingan sa taas presyo, saka pa lamang aniya gagalaw ang presyo.

 

 

Pero sa ngayon, sinabi ni Castelo na patuloy nilang binabantayan ang presyuhan sa pangunahing bilihin.

 

 

Paalala pa ni Castelo, kahit nagpalit na ang administrasyon, epektibo pa rin ang SRP.

 

 

Hindi aniya ito magagalaw at hindi pwedeng galawin ng manufacturers ng walang pag-apruba ng DTI.

Biden inimbitahan si Marcos sa White House

Posted on: July 5th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INIMBITAHAN umano ni US President Joe Biden si Pangulong Ferdinand “Bongbong’ Marcos Jr. na bumisita sa Washington.

 

 

Ito ang sinabi ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez kahapon.

 

 

Wala pa namang pinal na eksaktong schedule na itinakda sa pagtungo ni Marcos sa Estados Unidos.

 

 

Kinumpirma rin ni Romualdez na ang imbitasyon ay personal na inabot kay Marcos ni Second Gentleman Douglas Emhoff.

 

 

Si Emhoff ang na­nguna sa presidential delegation na ipina­dala ni Biden para du­malo sa inagurasyon ni Marcos noong Hunyo 30 sa National Museum of Fine Arts sa Maynila.

 

 

Wala pa namang pahayag ang kampo ni Marcos tungkol dito. (Ara Romero)

Kai Sotto hindi na isinama ng Gilas Pilipinas sa kanilang laban sa 2022 FIBA Asia Cup

Posted on: July 5th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINDI  na isinama ng Gilas Pilipinas si Kai Sotto para sa 2022 FIBA Asia Cup na gaganapin sa Indonesia.

 

 

Ayon kay Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) program director Chot Reyes, na makailiang beses na silang nakipag-ugnayan sa kaniyang handler sa East West Private subalit wala silang natatanggap na anumang kasagutan.

 

 

Dahil aniya sa nalalapit na ang nabanggit na torneo ay minabuti nilang hindi na isama sa listahan ang 7 foot 3 na manlalaro.

 

 

Malaki ang paniniwala ni Reyes na posibleng abala na rin si Sotto para NBA dream nito.

 

 

Hindi naman aniya nila isinasara ang posibilidad na maisama ang 20-anyos na si Sotto.

 

 

Gaganapin ang 2022 FIBA Asia Cup sa darating na Hulyo 12 hanggang 24.

Ads July 5, 2022

Posted on: July 5th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Change of command ng PSG, dinaluhan din…

Posted on: July 5th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang ilang aktibidad ngayong Lunes.

 

 

Batay sa advisory ng Palasyo ng Malacanang, unang dumalo si President Marcos sa inaugural executive committee meeting sa Department of Agriculture (DA) na kanya ring pinamumunuan.

 

 

Alas-9:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali isinagawa ang inaugural committee meeting sa Convention Hall ng Bureau of Soil and Waste Management Office sa Visayas Avenue Cor. Elliptical Road, Diliman Quezon City.

 

 

Habang ang pangalawang aktibidad na dinaluhan ng pangulo ay ang change of command ceremony ng Presidential Security Group (PSG) na gagawin sa PSG Grandstand sa Malacanang Park sa Maynila.

 

 

Ito ay idaraos alas-3:00 ng hapon mamaya, kung saan papalitan ni Col. Ramon Zagala si BGen Randolph Cabangbang bilang PSG Commander. (Daris Jose)