• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 8th, 2022

PBBM, hindi muna babyahe sa ibang bansa habang binabalangkas pa ang gabinete

Posted on: July 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NILINAW ng Malacañang na wala pang na-commit na biyahe si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. mula sa mga state visit invitations.

 

 

Kasunod ito ng paanyaya ni United States President Joe Biden para dumalao sa Amerika.

 

 

Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na abala pa ang Pangulo sa pagbuo sa kaniyang gabinete kaya wala pang anunsiyo ng anumang state visits.

 

 

Bukod kay Biden ay nagpaabot din ng imbitasyon ang China sa pamamagitan ng mga opisyal nitong personal na dumalaw sa bansa. (Daris Jose)

Emosyonal sa pagtatapos ng termino bilang Congressman: ALFRED, tuloy-tuloy ang paglilingkod sa QC bilang isang Councilor

Posted on: July 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TULOY-TULOY lang ang pagsi-serve ng actor-public servant na si Alfred Vargas kahit tapos na ang termino niya bilang Congressman ng QC.

 

Pinost ni Alfred ang kanyang panunumpa sa bagong posiston bilang Konsehal.

 

 

Caption niya, “Public service is a call we’d gladly and honorably answer any time.

 

 

“Tuloy tayo sa paglilingkod sa Quezon City, ngayon bilang Councilor. Thank you once again for this opportunity to serve. This is for you, QC. 💙.”

 

At sa kanyang speech para sa huling State of the District Address (SODA) bilang 5th District Representative ng Quezon City ay hindi nga naiwasan ni Alfred na maging emosyonal.

 

Pahayag ni Konsehal Alfred, “For my last State of the District Address, I am honored to report that we are capping off our 3 terms as Congressman with more than 1,256 House Bills & Resolutions, 87+ Laws enacted, & a sustainable program that has benefited thousands of residents in our District.

 

“We have always relied on people’s participation in practicing good governance. We have achieved a lot because we’ve managed to discuss our people’s needs together & we were able to make decisions on the basis of our common care & concern for the general welfare of our people.

 

“I can sincerely say that we’ve done our best to serve our district & the Filipino people.”

 

Dagdag pa niya, “I’m proud to pass the baton to another dignified public servant, Representative PM VARGAS @pmvargasph.

 

“The 5th District of QC is in good hands. Thank you & God bless us all!”

 

Komento naman ng kanyang magandang asawa na si Yasmine Vargas, “Proud of you amore 💙.”

 

***

 

ILO-LAUNCH ng Sing Galing, ang original videoke game show ng TV5, ang first-ever kiddie family edition through a fun and interactive ‘Sing Galing Kids Kiddiecon’ this Saturday, July 9, at Vista Mall Taguig.

 

 

Ini-invite ang mga kids and their families to join this all-free Kiddiecon full of games, treats, exciting prizes, and musical entertainment that will complete their weekend bonding experience.

 

 

They will surely enjoy the activity booths and the ensuing kiddie convention, which will culminate in an entertaining show and a meet-and-greet with the Sing Galing Kids cast led by Randy Santiago, K Brosas, Donita Nose, Ethel Booba, Jona, Morissette, Gloc-9, Zendee, Mari Mar Tua, Queenay, Zendee, Yoyo and Tyronia, and more.

 

 

Kids will be “issued” an Arkidia Passport, which will be stamped as they finish the interactive booth activities. With at least 3 stamps, each kid can be given stubs to claim exciting gifts and prizes.

 

 

Ang five interactive booths ay binubuo ng SG Bida-Star Videoke Booth, SG Singtoker Booth, Arkidia Basketball Shoot Out, Art Booth/Coloring at ang Sing Galing Kids Photo Booth with Genie.

 

 

May various food booths tulad ng Eggspert and Waffle Time. And since it’s a Kiddiecon, mommies and daddies can also have their own fun time at the Sulit TV booth where they can learn more about Sulit TV’s exciting offerings.

 

 

Come and join this fun-filled Sing Galing Kids Kiddiecon at Vista Mall Taguig this Saturday, July 9, starting at 1:00 PM. For further details, visit TV5 and Sing Galing on Facebook and Twitter.

 

 

(ROHN ROMULO)

Simona Halep pasok na sa semifinals ng Wimbledon

Posted on: July 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PASOK na sa semifinals round ng Wimbledon si Simona Halep matapos ma-sweep si Amanda Anisimova.

 

 

Hindi na pinaporma pa ng Romanian tennis ang American player sa score na 6-2, 6-4.

 

 

Sa unang set ay hawak pa ni Anisimova ang kalamangan 0-4 hanggang ito ay tuluyang mahabol ni Halep at tapusin ang laro.

 

 

Noong nakaraang taon kasi ay pinalawig nito ang kaniyang pagpapahinga dahil sa dinanas niyang injury.

 

 

Susunod na makakaharap nito sa semifinals si Elen Rybakina.

Pagdiriwang ng Eid’l Adha sa Sabado, Hulyo 9, regular holiday

Posted on: July 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

OPISYAL na idineklara ng Malakanyang na regular holiday sa buong bansa ang araw ng Sabado, Hulyo 9, 2022 bilang paggunita sa Eid’l Adha (Feast of Sacrifice).

 

 

Ang Eid’l Adha o Feast of Sacrifice  ay isa sa dalawang “greatest feasts” ng Islam.

 

 

Sa bisa ng Republic Act No. 9849, ang tenth day ng Zhui Hijja, 12th month ng ISlamic Calendar, ang national holiday para sa pagdiriwang ng Eidul Adha (Eid’l Adha) ay may movable date.

 

 

Pagsunod sa 1442 Hijrah  Islamic Lunar Calendar, ang National Commission on Muslim Filipinos  ay inirekumenda na ang Hulyo 9, 2022, araw ng Sabado, ay ideklarang  national holiday bilang pagdiriwang sa Eid’l Adha.

 

 

Ang pagdiriwang ng Eid’l Adha ay dapat na “subject to the public  health measures” ng national government. (Daris Jose)

70 kaso pa ng Omicron subvariants, natukoy

Posted on: July 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PATULOY ang pagtaas ng COVID Omicron nang madagdagan pa ng 70 bagong kaso ng BA.4, BA.5 at BA2.12.1 subvariants, ayon sa Department of Health.

 

 

Sa naturang bilang, 43 ang BA.5 cases, kabilang ang 42 local cases at isang Returning Overseas Filipino (ROF).

 

 

Lima sa mga bagong kaso ang mula sa Region 1; pito sa Region 4-A; tig-isa sa Regions 4-B, 5, 7, 8, 10 at Cordillera Autonomous Region, dalawa sa Region VI, at 21 sa National Capital Region (NCR).

 

 

May pito ring bagong BA.4 cases ang natukoy na pawang local cases. Dito ay anim sa Region 5 at isa sa NCR.

 

 

Nakapagtala rin ng 20 BA.2.12.1 cases.

 

 

May kabuuang 190 kaso ng Omicron variant of concern ang naitala sa whole genome sequen-cing run na isinagawa mula Hunyo 29 hanggang Hulyo 4.

 

 

Bunsod ng mga naturang bagong kaso, ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong Omicron cases sa buong bansa ay nasa 7,919 na.

 

 

Kinalma naman ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang publiko nang sabihin na wala silang naitalang namatay sa mga kaso ng Omicron sub-variants. (Daris Jose)

VM SERVO, SUPORTADO PROYEKTO AT PROGRAMA NI LACUNA

Posted on: July 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NANGAKO si Manila Vice Mayor John Marvin “Yul Servo” Nieto na susuportahan niya ang lahat ng mga pangunahing programa ni Mayor Honey Lacuna-Pangan. Kabilang sa mga nasabing proyekto ay ang pagpapalago ng ekonomiya, pagpapaunlad ng buhay, kalusugan, kalinisan, kaayusan at katahimikan.

 

 

Upang mas maisakatuparan ang mga programa at proyekto ng lungsod, hiniling ng bise alkalde sa 38 Konsehal na makiisa sa pagsuporta sa layunin ng kanilang alkalde upang maipagpatuloy ang nasimulan ni dating Manila Mayor Isko Moreno Domagoso .

“Atin ding suportahan ang mga programang isusulong ng ating Mahal na Mayor Honey Lacuna. Mga programang pang-ekonomiya, pangkalusugan, pangkabuhayan, pangkalinisan at pangkatahimikan. Dalhin natin ang ating mahal na lungsod sa liwanag ng kasaganahan at dalhin natin ang bawat Manilenyo sa maayos na daan ng kaginhawahan at kapanatagan,” pahayag ng bise alkalde.

Kasabay nito, hinimok din ni Servo ang mga kasama sa Konseho na maghain ng panibagong “COC” – pero hindi ito ang “Certificate of Candidacy” kundi ang kahulugan nito ay “Compassion, Obligation at Commitment”.

 

 

Aniya, gamitin ang “COC” bilang pamantayan ng kanilang paglilingkod sa mamamayan ng Maynila, pangaraping magkaroon ng maayos na buhay ang bawat Manileño at maitaas ang antas ng kanilang pamumuhay sa pamamagitan ng kanilang isinusulong na ordinansa.

 

 

Tulad aniya ng ginawa ng nakaraang administrasyon, ito ang naging sandalan ng kapanatagan ng bawat Manileño kaya nararapat lamang na maipagpatuloy ang lahat ng ito upang maiahon nila ang maraming mamamayan sa pagkakalugmok dulot ng nakalipas na pandemya.

 

 

“Kaya to all councilors, you are obligated to submit your priority ordinance that will be more beneficial to every Manileños,” sabi pa ng bise alkalde.

 

 

Isa rin pangako ng bise alkalde na  ipagpapatuloy ang kanyang adhikain na makapag-aral ang bawat batang Maynila at maipagpatuloy ang pagkakaloob ng buwanang allowance na P1,000 sa bawat estudyante ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) at Universidad de Manila (UdM), pati na ang P500 allowance sa mga estudyante ng K-12 sa mga pampublikong paaralan sa lungsod. (Gene Adsuara)

EPIC ACTION ADVENTURE “THE WOMAN KING” REVEALS FIRST TRAILER

Posted on: July 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BOW down to the most exceptional female warrior to ever live.

 

Check out the first trailer of Columbia Pictures’ epic action-adventure The Woman King, rising soon exclusively in cinemas across the Philippines.

 

YouTube: https://youtu.be/Urnw1iqXI9E

 

About The Woman King:

 

The Woman King is the remarkable story of the Agojie, the all-female unit of warriors who protected the African Kingdom of Dahomey in the 1800s with skills and a fierceness unlike anything the world has ever seen. Inspired by true events, The Woman King follows the emotionally epic journey of General Nanisca (Oscar®-winner Viola Davis) as she trains the next generation of recruits and readies them for battle against an enemy determined to destroy their way of life. Some things are worth fighting for…

 

Directed by Gina Prince-Bythewood, story by Maria Bello, screenplay by Dana Stevens and Gina Prince-Bythewood. The film is produced by Cathy Schulman, Viola Davis, Julius Tennon, Maria Bello and executive Produced by Peter McAleese.

 

The cast is led by Viola Davis, Thuso Mbedu, Lashana Lynch, Sheila Atim, Hero Fiennes Tiffin and John Boyega.

 

In Philippine cinemas soon, The Woman King is distributed by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International.

 

Connect with the hashtag #TheWomanKing

 

(ROHN ROMULO)

First time na magkakaroon ng entry sa Cinemalaya: JC, napatunayang aktor at ‘di tulad ng ibang guwapo pero banong umarte

Posted on: July 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SA social media lang nalamam ni former FDCP Chairperson Liza Dino na pinalitan na siya ni Tirso Cruz III bilang head ng naturang agency.

 

 

Noong Martes ng umaga ay umugong ang tsika sa social media na nakatakdang manumpa ni Tirso bilang bagong head ng FDCP.

 

 

Pero hindi ito nakumpirma until lumabas sa balita na nanumpa ang former matinee idol sa kanyang bagong posisyon sa Malacanang.

 

 

Sa isang video message ay ipinahayag ni dating FDCP chairman na she will ensure a smooth transition para sa pagpasok ni Tirso bilang bagong FDCP chair.

 

 

Sinabi pa niya na handa siyang i-welcone sng aktor sa FDCP office.

 

 

Kahit na her term of office was extended for three years ni dating Pangulong Duterte, option ni President Bongbong Marcos na mag-appoint ng mga bagong tao sa iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno tulad ng FDCP.

 

 

In fairness kay Chair Liza, marami naman naging accomplishments ang FDCP under her watch. With Tirso as FDCP’s new chairman, umassa kami na ipagpapatuloy niya ang mga magagandang projects ni  na makatutulong sa industriya.

 

 

***

 

 

LEVEL up na ang arrive ni Direk Roman Perez, Jr. dahil may entry na siya sa Cinemalaya 2022.

 

 

After doing a number of sexy movies for Vivamax kung saan nagkaroon siya ng cult following, ibang level naman para sa kanya na magkaroon ng Cinemalaya entry.

 

 

Kaluskos ang title ng entry ni Direk Roman na magsisimula sa August 5. Ano kayang tipo ng movie ang handog ng direktor?

 

 

It is not your usual stuff.  Kaya interesting malaman kung ano ang kwento ng Kaluskus at ano ang kaibahan nito sa mga sexy movies na ginagawa ni Direk Roman sa Vivamax.

 

 

If we are not mistaken, unang pagkakataon na may film entry si JC de Vera sa Cinemalaya. Pero several years ago ay nagwagi siya ng best actor award sa isang indie filmfest.

 

 

JC started his career sa showbiz as a teenager at kahit na noong panahon na yun ay kinakitaan na siya nang kahusayan sa pagganap.

 

 

Habang lumilipas ang mga taon ay patuloy na pinanday ni JC ang pagiging mahusay niyang actor thru various roles sa TV at pelikula.

 

 

At least pinatunayan ni JC na hindi lang siya basta a pretty face but is a competent actor as well, unlike other actors na guwapo lang pero bano umarte. Ouch!

 

 

Kasali rin si JC sa cast ng pinag-uusapang serye na Flower of Evil na co-prod ng Viu Entertainment at Dreamscape.

(RICKY CALDERON)

Kyrgios pasok na sa semifinals ng Wimbledon

Posted on: July 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PASOK na sa semifinals ng Wimbledon si Nick Kyrgios matapos talunin nito si Cristian Garin ng Chile.

 

 

Ito ang uang Grand Slam semifinals ng Australian tennis player ng makuha ang 6-4, 6-3, 7-6(5).

 

 

Ayon sa world number 40 na hindi niya akalain na makaabot pa siya sa semi-final ng Grand Slam.

 

 

Susunod na makakaharap nito ang sinumang manalo sa pagitan nina Rafael Nadal o Taylor Fritz para sa finals.

P1.5 milyon droga, baril nasabat ng CIDG sa buy bust sa Caloocan, 2 tiklo

Posted on: July 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NASA P1.5 milyong halaga ng illegal na droga at baril ang nasamsam ng pulisya sa dalawang lalaki na naaresto sa isinagawang Oplan Paglalansag Omega, Oplan Big Bertha at Oplan Salikop sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

 

 

Nakilala ang mga nadakip na sina Emmanuel Joseph Bendal, 31 ng Blk 13 Lot 39 Belmont Park. Brgy. Caypondo, Sta Maria, Bulacan at Jess Noriega, 41 ng 130 San Vicente, Macabebe, Pampanga na umano’y sangkot sa pagbebenta ng hindi lisensiyadong baril at ilegal na droga sa area ng CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas,Valenzuela).

 

 

Dakong alas-5 ng hapon nang ikasa ng pinagsanib na puwersa ng Criminal Investigation and Detection Group ng Northern Metro Manila District Field Unit (CIDG-NMMDFU), District Special Operation Unit ng Northern Police District (DSOU-NPD) District Drug Enforcement Unit (DDEU) at Caloocan City Police ang buy-bust operation laban sa mga suspek na nag-alok ibenta ang kalibre .45 pistola sa halagang P10,000.00 sa 7th Avenue, Brgy. 54.

 

 

Nang dumating sa lugar na itinakda ang mga suspek, sakay ng isang kulay itim naHyundai Tucson na may plakang UIT-299, kaagad silang sinalubong ng pulis na nagpanggap na buyer upang i-abot ang markadong salapi kapalit ng ibinebentang kalibre .45 baril.

 

 

Nang tanggapin ng pulis ang baril kapalit ang ibinayad na markadong salapi, kaagad nang pinalibutan ng kapulisan ang mga suspek na nagresulta sa kanilang pagkakadakip.

 

 

Bukod sa ibinebentang baril, nakumpiska sa mga suspek ang tinatayang 200 gramo ng shabu na nakalagay sa dalawang plastc ice bag na nagkakahalaga ng P1,360,000.00, 30 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana na umaabot sa halagang P168,000.00, buy bust money na isang tunay P1,000 at siyam pirasong P1,000 boodle money, cellular phone, digital weighing scale, dalawang magazine assembly ng kalibre 45 baril at 14 na bala ng naturang kalibre.

 

 

Ang mga nadakip ay iprinisinta na sa piskalya ng Caloocan kaugnay sa isasampa sa kanilang mga kasong paglabag sa R.A. 10591 o ang Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Act at R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)