NAKAPAGTALA ngayon ang Department of Health (DoH) ng karagdagag 1,936 na bagong kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) .
Ito na ang pinakamataas na bagong bilang g bagong kaso sa loob ng isang araw kasunod nang naitalang 2,232 noong February 18.
Ayon sa DoH, sa ngayon ay umakyat pa ang active infections sa 11,370 mula sa dating 10,323 noong Miyerkules.
Sa ngayon, ang nationwide tally ay nasa 3,713,131 at ang recovery tally ay nasa 3,641,136.
Nadagdagan naman ng tatlo ang bilang ng mga namatay at sa ngayon ay aabot sa nsa 60,625 ang nasawi dahil sa naturang virus.
Ang National Capital Region (NCR) pa rin naman ang nakapagtala ng pinakamaraming kaso sa loob ng dalawang linggo na nasa 6,503.
Sinundan ito ng Calabarzon na mayroong 2,688, Western Visayas na may 1,184, Central Luzon na mayroong 1,029 at Central Visayas na mayroong 611.
Sa datos ng Department of Health (DoH), sa ngayon nasa kabuuang 5,868 beds ang okupado sa mga ospital habang 23,334 ang bakante.
Lumalabas na bahagya ring tumaas ang bed occupancy sa bansa ng 20.1 percent noong Martes. (Daris Jose)