• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 11th, 2022

Nag-viral sa social media ang sexy photos: ENCHONG, pinatunayan na puwede pang pagpantasyahan kahit 33 na

Posted on: July 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAS lalong sumarap sa paningin ng maraming beki si Enchong Dee dahil sa pag-viral sa social media ng bagong sexy photos niya para sa ini-endorse na underwear brand.

 

 

 

Sa gitna nga ng kasong kinahaharap ng aktor na cyber libel kunsaan demanda siya for P1 billion, hindi nagpabaya si Enchong sa kanyang katawan. Buong ningning na pinakita ng aktor na kaya pa rin niyang makipagsabayan sa mga mas batang mga aktor ngayon na hilig na magpakita ng kanilang batak na katawan sa social media.

 

 

 

Pinatunayan lang ni Enchong na puwede pa rin siyang pagpantasyahan kahit na 33-years-old na siya.

 

 

 

Caption pa ng photographer na si BJ Pascual na siyang kumuha ng photos ni Enchong: “Something to heat up this rainy day.”

 

 

 

Hindi naman mapigilan na tumuli ni Maja Salvador sa kanyang comment na: “Sandaleeeeee!”

 

 

 

Kahit na si Mylene Dizon ay napa-comment ng: “Chong, yung pants mo!”

 

 

 

Nagpasalamat naman ang ilang fans ni Echong sa ayuda na binigay ng aktor sa kanila dahil sobra silang nabusog sa pagtitig sa katawan nito.

 

 

 

Bibida pala si Enchong sa bagong pelikula titled Rest U/I kunsaan kasama niya si Alexa Ilacad.

 

 

 

***

 

 

 

NEXT goal ni Jillian Ward ay ang magkaroon ng restaurant business at milktea shop.

 

 

 

Ito ang mga susunod sa plano ni Jillian pagkatapos niyang matupad ang magkaroon ng bahay at sports car. Tama lang daw na mag-invest na siya sa negosyo na gusto niya habang marami siyang trabaho ngayon.

 

 

 

“Pinag-iisipan na po naming pamilya kung ano ang magandang business ngayon. Yung tatangkilik ng marami at yung pangmatagalan. Since patok pa rin ang milktea shop, isa iyon sa sisimulan namin. Yung restaurant, gusto rin namin at kailangan may iba kaming ihanda,” sey ni Jillian.

 

 

 

Isa rin ang mag-travel sa goals ni Jillian sa taong ito. Gusto niya na kasama ang kanyang pamilya sa pagbiyahe para maka-create sila ng maraming memories.

 

 

 

“Gusto ko po talaga ‘yung pagta-travel dahil iba po talaga ‘yung memories na magagawa sa pagta-travel din. Kumbaga nasa amin na rin ‘yung mga needs namin. So ngayon pinakaimportante sa akin ang quality time kasama ang family ko.”

 

 

 

Next project ni Jillian ay gaganap siya na batang surgeon sa Abot Kamay na Pangarap kunsaan co-stars niya sina Carmina Villarroel, Pinky Amador, Richard Yap at Dominic Ochoa.

 

 

 

***

 

 

 

PUMANAW na ang veteran Hollywood actor na si James Caan noong nakaraang July 6 sa edad na 82.

 

 

 

Ang pamilya ng aktor ang nagbalita nito via Twitter: “It is with great sadness that we inform you of the passing of Jimmy on the evening of July 6. The family appreciates the outpouring of love and heartfelt condolences and asks that you continue to respect their privacy during this difficult time. End of tweet.”

 

 

 

Sinilang sa Bronx, New York si Caan noong March 26, 1940. Nakilala siya sa pagganap niya bilang si Sonny Corleone sa 1972 film na The Godfather kunsaan nakakuha siya ng Oscar nomination for best supporting actor.

 

 

 

Ang iba pang pelikula ni Caan ay El Dorado, Countdown, The Rain People, Red Line 7000, Cinderella Liberty, Slither, The Gambler, Funny Lady, Rollerball, Silent Movie, A Bridge Too Far, Alien Nation, Dick Tracy, Eraser, Thief, For The Boys, Honeymoon In Vegas, Dogville, Misery and Elf. Huling pelikulang natapos niya ay Fast Charlie na ipapalabas sa 2023.

 

 

 

Sa TV ay lumabas siya sa Brian’s Song, Naked City, Route 66, The Untouchables, Dr. Kildare at The Alfred Hitchcock Hour.

 

 

 

Anak ni James ang actor na si Scott Caan na nakatrabaho siya sa TV series nito na Hawaii Five-0.

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

PAGBAWI SA PRODUKTONG NOODLES, INIIMBESTIGAHAN

Posted on: July 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGSASAGAWA ng imbestigasyon ang Food and Drug Administration (FDA) sa  ulat ng pagbawi o pag-recall sa isang produkto ng noodles .

 

 

Sa inilabas na FDA Advisory ni Officer in Charge Director General Dr.Oscar Gutierrez, Jr para sa mga konsyumer, sinabing  nakikipag-ugnayan na rin ang ahensya sa food business operator upang suriin ang kanilang compliance.

 

 

Ito ay nakaraang natanggap ang ulat hinggil sa kasalukuyang ‘recall’ ng mga batch ng produktong ‘Lucky Me! Instant Pancit Canton Noodles’ sa European countries at Taiwan dahil sa pagkakaroon o presensya ng ethylene  oxide sa nasabing produkto.

 

 

Sa Pilipinas , ang nasabing produkto na rehistrado sa FDA  ay manufactured locally ng Monde Nissing Philippines.

 

 

Ayon sa FDA, para sa kaalaman ng publiko, ang ethylene oxide ay processing aid na ginagamit para ma-disinfect  ang mga herbs at spices.

 

 

Upang masiguro na protektado ang kalusugan ng publiko, ang paggamit ng ethylene oxide para sa mga layunin ng sterilizing sa pagkain ay hindi pinapayagan sa European Union (EU).

 

 

Gayunman, maaaring may bakas pa mula sa mga sangkap o raw materials. Nagtakda ang EU ng maximum residue levels sa napakababang antas batay sa uri ng commodity, ayon pa sa abiso ng FDA. (Gene Adsuara)

Online fixers, binalaan ng LTO

Posted on: July 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BINALAAN ng Land Transportation Office (LTO) ang mga online fixers na nag-aalok ng serbisyo sa pagre-renew ng rehistro ng mga sasakyan sa social media.

 

 

Ang hakbang ay ginawa ni LTO OIC Romeo Vera Cruz  nang maaresto ang ilang  indibidwal na nag-aalok ng non appearance na rehistro ng mga sasakyan online.

 

 

“Will relentlessly operate against these spurious indivi­duals in [its] effort to clean up the bureaucracy to protect its clients.” pahayag ni Vera Cruz.

 

 

Pinaalalahanan naman nito ang publiko na huwag makikipag transaksyon sa mga fixers lalo na sa online upang hindi maloko.

 

 

Ito’y matapos na madakip ng mga tauhan ng Quezon City District – Anti-Cybercrime Team (QCD – ACT)  ang mga suspek na sina  Jefferson Uy, 38, at Arnel Miranda, 55, na umano’y nag-aalok ng nasabing ilegal na serbisyo online. (Daris Jose)

Sa historical fantasy ng novel ni Dr. Rizal: DENNIS, balik-trabaho na at makatatambal sina JULIE ANNE at BARBIE

Posted on: July 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BALIK-TRABAHO na si Kapuso Drama Actor Dennis Trillo, matapos ang ilang buwan, after ng drama series niyang “Legal Wives” with Alice Dixson, Andrea Torres and Bianca Umali.

 

 

At pagkatapos makapagsilang ang wife niyang si Kapuso Ultimate Actress Jennylyn Mercado ng kanilang baby girl.

 

 

“Maria Clara at Ibarra,” ang historical fantasy na may Gen Z take sa mga nobela ni Dr. Jose Rizal, ang gagawin ni Dennis. Magbibigay ito ng bagong perspective sa mga nobela ni Jose Rizal.

 

 

Paano kung ang isang Gen Z ay mapunta sa mundo ng mga nobela ni Jose Rizal? Tunay na kaabang-abang ang upcoming historial portal fantasy series.

 

 

Kuwento ito ng nursing student na si Klay na atat na atat nang makaalis ng bansa para magtrabaho. Magigising na lamang siya isang araw at matatagpuan ang sarili niya sa mundo ng Noli Me Tangere ni Rizal. Makikilala niya rito sina Maria Clara, Ibarra at iba pang karakter sa mga nobela na magtuturo sa kanya ng kahalagahan ng kasaysayan, pag-unawa sa kapwa, pagmamahal sa bayan at higit sa lahat, ang kapangyarihan ng pag-ibig.

 

 

Mula sa mga bumuo ng “Encantadia,” “My Husband’s Lover,” “Sahaya” at “Legal Wives” ito ang next big cultural offering, na may halo pang romance at adventure, mula pa rin sa GMA.

 

 

Playing the lead roles sina Kapuso Drama King Dennis Trillo, Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose at 2016 Fantasporo International Best Actress Barbie Forteza.

 

 

Si Zig Dulay ang magdidirek ng big cultural offering, mula pa rin sa panulat ni Suzette Doctolero.

 

 

***

 

 

ILANG buwan nang tapos ang lock-in taping ng GMA Afternoon Prime series na “Apoy sa Langit” na kasalukuyan nang napapanood sa GMA-7 at nagtatampok kina Ms. Maricel Laxa, Zoren Legaspi, Mikee Quintos, Dave Bornea at Lianne Valentin.

 

 

Pero balitang magbabalik-lock-in taping muli ang cast, dahil in-extend ang GMA Drama ng ilang weeks ang story nito, sa request na rin ng mga netizens na sumusubaybay ng serye kaya araw-araw ay tumataas ang rating nila.

 

 

Ayaw pumayag ng mga netizens na matalo si Ning (Mikee) ng kasamaan ni Stella (Lianne), mistress ni Cezar (Zoren) na pareho nilang pinagtutulungan ang mag-inang Gemma (Maricel) at Ning para lamang makamkam nila ang pera nito.

 

 

Marami kasing dapat pagbayarang kasamaan niya si Stella na pasimuno sa lahat ng mga plano nito, dahil ayaw niyang patalo at inggit na inggit siya kay Ning.

 

 

Ang “Apoy sa Langit” ay napapanood Mondays to Saturdays after “Eat Bulaga” sa GMA.

 

 

***

 

 

PINAG-UUSAPAN ng mga viewers at netizens ang nakakakilig na first kiss ng real-life couple on screen, na sina Sparkles ng GMA Artist Center, ang GabLil, na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos sa drama series na “Love You Stranger.”

 

 

Heavy scenes ang eksena last Thursday evening at nagpamalas ng husay sina Gabbi at Khalil matapos mag-breakdown si Ben (Khalil) and LJ as “Tisay” comforted him. Kasunod nga ng iyakan at katatakutan, nauwi ang eksena sa matamis na halikan nila. Kay may nag-comment na “Unconventional ‘yung story and not your usual teleserye, ang husay ng LYS.”

 

 

Kaya naman mataas lagi ang rating nila gabi-gabi, at kahit nagpalit ng katapat nilang serye, na napapanood sa apat na TV channels, nanatili pa ring mataas ang rating nila. Mondays to Thursdays napapanood ang serye, pagkatapos ng “Bolera,” sa GMA Telebabad.

 

(NORA V. CALDERON)

PBBM, nagpositibo sa antigen test sa Covid-19

Posted on: July 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGPOSITIBO  sa antigen test para sa Covid-19 si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

 

 

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na may bahagyang lagnat ang Pangulo ngayon subalit  “he’s okay.”

 

 

Aniya pa, pinayuhan na ng Presidential Management Staff (PMS) ang mga taong  nakasalamuha o nagkaroon ng close contact sa Pangulo  na obserbahan ang kanilang sarili kung may sintomas  sila ng covid bilang  bahagi ng protocol.

 

 

Hinggil naman sa iskedyul ng Pangulo para ngayong araw,  sinabi ni Sec. Cruz-Angeles na si Executive Secretary Vic Rodriguez ang dumalo sa meeting/ briefing hinggil sa usapin ng security, ” on behalf of the President.”

 

 

Hindi naman aniya makadadalo ang Pangulo sa ika- 246 anibersaryo ng  US Independence  sa US Embassy ngayon.

 

 

Gayunman, makadadalo naman ito virtually at makapagbigay mensahe  sa League of Governors and  Mayors  meeting ng mga opisyal mamayang gabi.

 

 

“This part of the continuing campaign  for series of vaccinations and booster  shots in preparation  for the face to face opening of classes this school year,” ayon kay Sec. Cruz-Angeles.

 

 

Aniya pa, ang meeting ay may orihinal na plano na mayroong dinner subalit inalis upang  maipigilan ang mga opisyal na m

 

Ang Department of Interior and Local Government (DILG) at si DILG at Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire  ang  nakatakdang magsagawa ng presentasyon mamayang gabi.

 

 

Samantala, negatibo naman sa covid 19 test si Ilocos Norte’s 1st district Rep. Sandro Marcos habang ang First Lady naman si Marie Louise “Liza” Araneta-Marcos at mga anak na sina Joseph Simon Araneta Marcosat William Vincent Araneta Marcos ay nasa- out of town at hindi na-expose sa mayroong covid.

 

 

Dahil dito, hinikayat aniya ni Pangulong Marcos ang lahat na magpabakuna. (Daris Jose)