• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 12th, 2022

Tahasang inamin na matagal na silang hiwalay ni Lee: POKWANG, sinagot ang mga bashers na nagsabing na-karma siya

Posted on: July 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MISMONG si Pokwang na ang nagkumpirma na hiwalay na nga silang talaga ng American partner na si Lee O’Brian o si Papang.

 

 

Sa interview sa kanya ng PUSH.com ay tahasang sinabi ni Pokwang na hiwalay na nga raw sila ni Papang noon pang November 2021. Personally, knows din namin ito matagal na, pero hindi namin sinusulat bilang respeto sa Kapuso actress.

 

 

Naniniwala kami sa sinasabi niyang walang third party dahil iba ang nakarating din sa aming totoong dahilan. Pero yun nga, open naman si Pokwang kay Lee para sa anak nila na si Malia. Gusto rin ni Pokwang na lumaki si Malia na kilala at may relasyon sa ama nito.

 

 

Ay sey nga niya, “Okay kami. No third party involved and we’re both co-parenting kay Malia. Maayos naming tinapos ang lahat. Hindi kami pait-paitan,”

 

 

Meaning, hindi sila bitter.

 

 

Tulad ng ibang hiwalayan, ang balita namin, hindi din naging gano’n kadali kay Pokwang, parang gradual din ang naging proseso niya, pero ready siya sa naging desisyon. Siyempre, hindi naging madali noong una dahil nando’n din ang pangarap niya ng isang buong pamilya.

 

 

But since dumami nga yata ang bashers niya lalo na nang maging very open siya sa kanyang political color last election, sinagot niya ang mga bashers na nagsasabing kaya sila naghiwalay ay dahil na- “karma” siya.

 

 

Sabi nga niya, “Pakisabi sa mga bashers na nagsasabing karma ito, No! Do not wish anything bad sa kapwa, yon ang karma. Babalik sa kanila yan! Nililinis lang ni God ang daraanan ko papunta sa tamang tao at sa mas maraming blessings na nakapila na.”

 

 

Sa isang banda, papuntang U.S. si Pokwang kasama ang kaibigang si K Brosas para sa kanilang U.S. tour this week.

 

 

***

 

 

PINABILIB ng Sparkle star na si Bianca Umali ang netizens sa kanyang husay sa martial arts.

 

 

Sa Instagram post ng Kapuso actress, pinamalas niya ang kanyang kakaibang galaw at bilis sa martial arts kasama ang trainer na si Erwin Tagle. Pulido ang kilos ni Bianca at lutang ang kanyang husay.

 

Kaya naman bumuhos ang paghanga mula sa kanyang fans at mga kaibigan na celebrities nang mapanood ang kanyang video.

 

Kabilang ang Kapuso stars na sina Pokwang, Sanya Lopez, at Mikee Quintos sa mga napa-wow sa galing ni Bianca.
Tanong tuloy ng netizens kung para saan kaya ang training na ito ni Bianca? Paghahanda nga kaya niya ito para sa kanyang bagong show sa GMA?

 

May nga nagsasabi na sa sequel daw ng Encantadia kunsaan, si Bianca ang isa sa mga Sang’gre. Pero mukhang malabo dahil may nakausap kami from GMA, wala naman daw ito sa mga naka-line-up.

 

 

(ROSE GARCIA)

 

Djokovic wagi sa Wimbledon, nasungkit ika-21 Grand Slam

Posted on: July 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NATALO ni Novak Djokovic ng Serbia si Nick Kyrgios ng Australia, 4-6, 9-3, 6-4,7-6 (3) para masungkit ang kanyang ika pitong Wimbledon Men’s Title at ika-21 Grand Slam Crown.

 

 

Sa panalo ni Nadal kagabi, naungusan na niya si Swiss tennis superstar Roger Federer sa bilang ng mga naipanalong majors. Isang grand slam title nalang ang kulang ni Djokovic para maitabla ang all time record ni Rafael Nadal na 22 major titles.

 

 

Sinabi ng No. 3 ranked player na ang titulong naipanalo niya sa London ay namumukod sa iba niyang mga panalo.

 

 

“I’m lost for words for what this tournament and this trophy means to me,” sabi ni Djokovic. “It always has been and will be the most special one in my heart.”

 

 

Binigyan din ng papuri ng Wimbly champ and kanyang katunggali matapos ang kanilang laban.

 

 

“You showed you deserved to be the best player in the world, especially on this surface. After the tournament, I wish you all the best.”

 

 

Umabante si Djokovic papunta sa finals matapos niyang talunin si Cameron Norrie sa semi finals 2-6, 6-3, 6-2, 6-4 habang nakamit naman ni Kyrgios ang kanyang kauna unahang Wimbledon finals matapos umatras si Nadal sa kanilang laro dahil sa abdominal tear.

 

 

‘Nole! Nole’

 

 

Ganyan ang narinig ni Djokovic sa match point ng finals, ilang sandali bago niya makamit ang ika-pitong titulo sa London.

 

 

Maganda ang naging simula ni Kyrgios sa laban. Nakapagtala ang Austaralian ng pitong aces tungo sa 6-4 na panalo sa first set.

 

 

Mula doon, hindi na nagpatinag ang 21-time Grand Slam champion.

 

 

Naipanalo ni Djokovic ang isang 23-shot rally sa ikatlong laro ng second set at daliang kinuha ang ikaapat para lumamang ng 3-1.

 

 

Naitabla ng magiging kampyon ang finals matapos palampasin ni Kyrgios ang pagkakataong pataubin ang Serbian sa kanyang serve.

 

 

Nakapagtala lamang ng dalawang unforced error si Djokovic sa buong laban kumpara sa 33 ni Kyrgios, na mistulang nagugulo ng mga manonood, para manalo sa kompetisyon.

CHIP THE SQUIRREL POWERS UP IN “DC LEAGUE OF SUPER-PETS”

Posted on: July 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HE’S here to electrify this mission.  

 

 

Diego Luna (Andor, Rogue One: A Star Wars Story) is Chip in Warner Bros. Pictures’ animated action adventure “DC League of Super-Pets.”

 

Check out the featurette “Meet the Pets – Chip the Squirrel” below and watch the film in cinemas across the Philippines July 27.

 

YouTube: https://youtu.be/uA-NGHlYv2U

 

Chip is content to spend his days within the sleepy confines of Metropolis’s Tailhuggers animal shelter, terrified by life and thankful for the safety of a cold, steel cage. But when his beloved sanctuary is suddenly under attack, this scaredy squirrel suddenly gets the power to shoot lightning out of his paws! Now the reluctant hero must overcome his fears—and find the will to power up—in order to help save the Justice League.

 

About “DC League of Super-Pets”

 

Dwayne Johnson stars as the voice of Krypto the Super-Dog in Warner Bros. Pictures’ animated action adventure feature film “DC League of Super-Pets,” from director Jared Stern. 

 

The film also stars the voices of Kevin Hart (the “Jumanji” and “Secret Life of Pets” films), Kate McKinnon (“Saturday Night Live,” “Ferdinand”), John Krasinski (the “Quiet Place” films), Vanessa Bayer (“Saturday Night Live”), Natasha Lyonne (“Show Dogs”), Diego Luna (“Rogue One: A Star Wars Story”), Marc Maron (“Joker”), Thomas Middleditch (“Godzilla: King of the Monsters”), Ben Schwartz (“Sonic the Hedgehog”), and Keanu Reeves (the “Matrix” and “John Wick” films).

 

In “DC League of Super-Pets,” Krypto the Super-Dog and Superman are inseparable best friends, sharing the same superpowers and fighting crime in Metropolis side by side. When Superman and the rest of the Justice League are kidnapped, Krypto must convince a rag-tag shelter pack—Ace the hound, PB the potbellied pig, Merton the turtle and Chip the squirrel—to master their own newfound powers and help him rescue the Super Heroes.

 

Stern, a veteran writer/consultant on the “LEGO®” movies, makes his animated feature film directorial debut, directing from a screenplay he wrote with frequent collaborator John Whittington, based on characters from DC, Superman created by Jerry Siegel and Joe Shuster. The film is produced by Patricia Hicks, Dwayne Johnson, Dany Garcia, Hiram Garcia and Jared Stern. The executive producers are John Requa, Glenn Ficarra, Nicholas Stoller, Allison Abbate, Chris Leahy, Sharon Taylor and Courtenay Valenti.

 

Warner Bros. Pictures Presents A Seven Bucks Production, “DC League of Super-Pets.”  The film will be released by Warner Bros. Pictures in Philippine theaters July 27.

 

Join the conversation online and use the hashtag #DCSuperPets

 

(ROHN ROMULO)

DTI, NAGSAGAWA NG INSPEKSYON SA MGA SUPERMARKET SA MAYNILA

Posted on: July 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGSAGAWA ng inspeksyon ang Department of Trade and Industry o DTI sa ilang supermarket sa Maynila kaugnay sa mga produkto na maaaring magkaroon ng price adjustments.

 

 

Kasunod ito ng mga natatanggap na  “request” ng DTI  para sa “price adjustment” ng ibat’t ibang mga produkto

 

 

Sinabi ni DTI Usec. Ruth Castelo, na mayroon nang natanggap na hiling ang DTI ukol dito pero ginagawa pa raw ang review rito ng Consumer Protection and Advocacy Bureau.

 

 

Gayunman, dadaan pa aniya sa masusing pag-aaral at kung anuman ang maging rekomendasyon ay isusumite kay DTI Sec. Fred Pascual.

 

 

Kabilang sa may request para sa price adjustment ay de-latang sardinas, kape, instant noodles at iba pa.

 

 

Kasama rin sa hirit na price adjustment ang tinapay gaya ng pandesal na matagal na nilang hinihiling ang pprice adjustment dahil na rin sa taas ng halaga ng harina lalo’t imported ang wheat o trigo.

 

 

Bagama’t may mabigat na dahilan, sinabi ni Castelo na kailangan aniyang pag-aralan ng mabuti ang price adjustment at hintayin ang iba pang datos. (Gene Adsuara)

Maraming naalarma sa ‘baby-themed photoshoot’ niya: DONNALYN, binatikos at agad nag-apologize sa maling nagawa

Posted on: July 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINAG-USAPAN at umani nang sandamakmak na batikos mula sa mga netizens ang ginawang birthday photo shoot ni Donnalyn Bartolome na kung saan makikita ang isang sexy baby.

 

 

Pahayag ng aktres, singer at vlogger, “Contradicting ‘tong shoot na ‘to kasi baby ako sa shoot na ‘to but it’s my actual first daring and sexy photoshoot. Susubukan ko lang kasi maybe it’s time.”

 

 

Kaya naman agad na nag-apologize si sa lahat nang naapektuhan ng latest pictorial para sa 28th birthday noong Saturday, July 9.

 

 

Reaksyon ng mga netizens, “As a public figure with high algorithmic engagements, you should have been more aware of all your actions. In a broader sense, this is something off and disturbing.

 

 

“Portraying babies as hot and mature seems inappropriate. This would actually feed perpetrators’ ego and sexually fantasies.”

 

 

“This is inappropriate and disturbing. Sexualizing babies is a No No!”

 

 

“Utang ng loob, leave the babies alone”

 

 

Kaya naglabas agad ng official statement si Donnalyn hinggil sa issue at hindi aware na maikokonek ang birthday pictorial niya sa child abuse.

 

 

“It was an honest mistake, it was never my intention to enable one of the most horrifying acts here on Earth,” panimula ni Donna.

 

 

“I couldn’t remove my post right away because I needed it to copyright the photos to prevent the spread of it furthermore until I got a go signal from Facebook and other socmed managers, an assurance that they know I am the owner of the photo and they’ll help me correct this by taking down all of the posts involving this photoshoot.

 

 

“You may help us by sending the links of the post of anyone who reposted this for any reason at all. (via message).”

 

 

Paliwanag pa niya, “Almost a million people across socmed platforms thought of it light and funny because they know my personality and didn’t look at it that way hence our initial reaction to the idea was the same.. but upon reading other people’s perspective, I completely agree.”

 

 

“I feel terrible, sick to my stomach and had disturbing flashbacks I’d rather not say. I was called crazy for being overprotective to all of my siblings, ones I took care of since they were babies.

 

 

“It has come to the point where I had to go to a psych to understand my actions because the level of protectiveness was quite extreme, all I’m saying is I’ve taken care of children since I was 11 years old, this was the last thing I would ever intend to do,” kuwento pa ng influencer.

 

 

Nagpasalamat din si Donnalyn sa kanyang mga followers:

 

“Thank you to everyone who let me know, especially those who did it so kindly, you’re the type of people who help me become a better person everyday as I hold the responsibility of influencing millions. It’s not easy.. but I’ll do my best.

 

 

“While you’re here. I’d like to use this attention for those who want to help abused children.. There is a care-facility I was admitted in when I was a minor: Nayon ng Kabataan.

 

 

“The children admitted there carry so much pain, you can donate or send them little gifts to make them feel better.

 

 

“Thanks everyone and I’m sorry.”

 

 

Dumagsa rin ang comments ng followers sa FB page niya na karamihan naman ay mga positive at natutuwa sa pag-admit sa mali niyang nagawa.

 

(ROHN ROMULO)

Palalakasin ang slot ng A2Z, Kapamilya Channel, at TV5: Noontime show nina VICE at BILLY, sanib-pwersa nang mapapanood

Posted on: July 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SANIB-PWERSA ang Lunch Out Loud at It’s Showtime para palakasin ang noontime slot ng A2Z, Kapamilya Channel, at TV5.

 

 

Simula sa Sabado, July 16, simula starting at 11 am back-to-back na mapapanood na ang dalawang programa. From 11 am to 12:45 pm ay mapapanood ang Lunch Out Loud tapos papasok naman ang It’s Showtime until 3 pm.

 

 

Nariyan pa rin ang patok na segments ng Lunch Out Loud nina Billy Crawford na “H.O.P.E.” dating game, “Maritest” showbiz quiz, “Beat the 2 battle of the Wits”, “Pera Usog cash prizes, at “Sagot Mo.

 

 

For 13 years ay pinasasaya ng It’s Showtime ang inyong tanghalian na pinangungunahan ni Vice Ganda. Siyempre nariyan ang “Tawag ng Tanghalan”, “Sexy Babe”, “ReIna ng Tahanan”, “Miss Q and A” and “Mini Me”, mga segments na naging favorite na thru the years.

 

 

Ang collaboration ng ABS-CBN Entertainment, Brightlight Productions, Zoe Broadcasting Network, at TV 5 provides more fun and entertainment sa viewing public.

 

 

***

 

 

UNANG kinilala ang acting talent ni Dindo Arroyo nang gawaran siya ng “Kontrabida ng Millennium Award” noong 2020 mula sa the Film Development Council of the Philippines.

 

 

Noong 2014, si Dindo ay na-diagnose with Stage 4 pancreatic cancer. After taking herbal medicines for six months, he was healed and is now cancer-free. Born Dec 4, 1960, Dindo’s real name is Conrado Manuel Macalino Ambrosio II. He has a twin sister, Dr. Josefina Ambrosio Almeda, who resides in Los Angeles, California. His wife died in 2009.

 

 

May bagong award siya matatanggap bilang 2022 Gintong Parangal Awards as “Natatanging Gintong Parangal Bilang Mahusay na Beteranong Aktor sa Pelikula.”

 

 

This is his first award. After 35 years, ngayon lang daw siya na-recognized bukod sa FDCP Citation last February. Excited siya for this award coz he waited it for so long.

 

 

He won an award dati as Best Actor for the TV series “Alagad” produced by PNP Director General way back in 1990. Pero tabla sila ni John Regala and his award was accepted by the producer.

 

 

***

 

 

ISA ang young actress na si Jhassy Busan sa mga bida sa upcoming romantic comedy film na Home I Found In You mula sa direksiyon ni Gabby Ramos, mula sa REMS Films.

 

 

Very grateful si Jhassy kay Direk Gabby na siya rin director niya sa award-winning film na Pugon kung saan nakamit niya ang Jury Award for Best Performance Short Film (Male or Female) sa 2021 International Film Festival Manhattan-New York for her excellent performance in “Pugon.”

 

 

Sa husay niya, win din siya ng best child actress award for the same film sa Gully International Film Festival in India.

 

 

Ginagampanan ni Jhassy ang role ni Selene sa pelikula. Ang karakter niya ay walang hilig sa kahit na sinong celebrity. Normal na probinsyana na walang hilig sa social media. Na kabaligtaran ng personality ni Jhassy in real life.

 

 

Kasama rin sa movie sina John Heidrick Sitjar, Harvey Almoneda, Eunice Lagusad, Diego Llorico, Orlando Sol at Soliman Cruz.

 

 

 

 

 

(RICKY CALDERON)

 

Tulong sa mga nasalanta ng baha sa Ifugao, panawagan ng simbahan

Posted on: July 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NANAWAGAN ng tulong ang Apostolic Vicariate of Bontoc-Lagawe para sa mga pamilya at magsasakang naapektuhan ng baha at pagguho ng lupa sa Banaue.

 

 

Ayon kay Fr. Apolonio Dulawan, MJ- Social Action Center Director ng Apostolic Vicariate of Bontoc-Lagawe sa kasalukuyan ay nakikipag-ugnayan na sa maliliit na pamayanan para sa mga pangangailan ng mga naapektuhan ng pagbaha.

 

 

“Gumagalaw ngayon ang BSAC team doon sa Banaue, they are contacting all the BECs, the Basic Ecclesial Communities, para tingnan yung mga members nila o mga kapitbahay nila na ngangailangan ng tulong. Pero yung tinitingnan natin baka yung long-range plan ay matulungan itong farmers na talagang nawalan, ‘yan ang mas importante,” pahayag ni Fr. Dulawan.

 

 

Bukod sa mga relief goods, kinakailangan ding magkaroon ng rebuilding program para sa mga pamilyang nasira ang mga bahay dahil sa pagguho ng lupa sanhi ng tuloy-tuloy na pag-ulan sa Ifugao Province.

 

 

Batay sa huling tala ng opisyal, may 465 rice farmers at 251 vegetable farmers ng high-value crop ang naapektuhan ng matinding pagbaha.

 

 

Tatlong mga bahay naman ang idineklara bilang ‘totally-damaged’ at may 1,044 mga bahay naman ang ‘partially damaged’.

 

 

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesperson Mark Timbal, umaabot na sa P40 M ang halaga ng pinsalang idinulot ng pagbaha at landslide sa agrikultura at P500 M piso naman ang pinsala sa imprastraktura.

 

 

“Awa po ng Diyos, wala po tayong fatality, walang nasawi nating kababayan, pero may anim po tayong injured persons na inagapan po agad ng lunas ng ating mga kasamahan sa Local Government Unit. More than 1,000 families po ang affected pero nag-evacuate po ay 2 family lang diyan sa isang evacuation center,” dagdag ni Timbal.

 

 

Huwebes, July 7 nang maranasan ang malawakang pagbaha at pagguho ng putik sa bahagi ng Ifugao Province, lao na sa bayan ng Banaue, sanhi ng walang tigil na pag-ulan dahil sa Hanging Habagat.

 

 

Samantala, itinuturong dahilan ang kawalan ng drainage system, sanhi ng flash flood at mudslide sa Ifugao-Obispo.

 

 

Ipinapanalangin ni Bontoc-Lagawe Bishop Valentin Dimoc ang kaligtasan ng mga pamilyang nasalanta ng malawakang pagbaha sa Ifugao Province.

 

 

Ayon kay Bishop Dimoc, chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Indigenous Peoples, ang nangyaring pagbaha sa bahagi ng Banaue, Ifugao ay dahil sa mga nakatayong bahay sa mismong natural na dinadaluyan ng tubig patungo sa ilog.

 

 

Ipinaliwanag ng Obispo na naharangan na ng mga bahay ang dapat na daluyan ng tubig kaya nitong umulan dulot ng habagat ay sa mga kalsada na dumaan ang naipong tubig na naging sanhi ng flashflood at mudslide.

 

 

“Wala naman kasing sufficient na daluyan ng tubig kaya ganun ‘yung nangyari. Pumupunta na sa mga bahay ‘yung tubig mula sa bundok. Lahat ng gilid ng kalsada, walang daluyan ng tubig kaya naiipon ‘yung tubig. Nagiging drainage kanal na ‘yung kalsada,” ayon kay Bishop Dimoc sa panayam ng Radio Veritas.

 

 

Panawagan naman ni Bishop Dimoc sa mga kinauukulan na ipatupad ang pagkakaroon nang maayos na drainage system sa mga pamayanan nang sa gayon ay maayos na makadaloy ang mga tubig mula sa bundok patungo sa ilog.

 

 

Gayundin ang paghimok sa mga residente na iwasan na’ng magtayo ng mga istruktura tulad ng mga bahay sa mga mapanganib na bahagi upang maiwasan ang maidudulot na abala at pinsala sa kalikasan.

 

 

“Doon sa Banaue, alam na rin nila ang gagawin nila. Will they really continue to force people to provide the space for drainage system? Kung hindi, it will repeat itself,” saad ng Obispo.

 

 

Patuloy naman ang isinasagawang ocular visit at assessment ni Bontoc-Lagawe Social Action Director Fr. Apol Dulawan, MJ upang matukoy ang kalagayan at pangangailangan ng mga pamilyang naaapektuhan ng pagbaha.

 

 

Batay sa huling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa 500 pamilya o 1500 indibidwal ang mga nagsilikas kasunod nang naganap na sakuna. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)