• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 13th, 2022

Sa Tiktok video na inaakit nila si Derrick: KIRAY, kinabog ang seksing katawan nina ELLE at LIEZEL

Posted on: July 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINOST ni Kiray Celis ang Tiktok video na inaakit nila nina Elle Villanueva at Liezel Lopez si Derrick Monasterio sa “Ma Boy Dance Challenge”.

 

 

 

Kinabog ni Kiray ang mga seksing katawan nina Elle at Liezel dahil naging asset niya ay ang kanyang matambok na puwet.

 

 

 

May “puwetserye” nga si Kiray sa Instagram kunsaan suot niya ang black swimsuit at proud niyang dini-display ang kanyang bilugang puwet.

 

 

 

Gusto lang daw gawin ito ni Kiray para mapasaya niya ang maraming followers niya sa social media. Tsaka habang bata pa raw siya, ipu-flaunt niya ang gusto niyang parte ng katawan niya na agaw-pansin sa mga netizen.

 

 

 

At kahit na may bashers siya, hindi patitinag si Kiray at hinahamon pa niya ang mga ito.

 

 

 

“Don’t underestimate me, until you challenge me. Dont’ judge me, until you know me,” sey ni Kiray na may halong pagbabanta.

 

 

 

***

 

 

 

BABAENG-BABAE na ang former child actor na si EJ Jallorina.

 

 

 

Nagbabalik siya sa pag-arte bilang isang full transwoman sa Quantum Film series sa GMA na What We Could Be na bida sina Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega at Yasser Marta.

 

 

 

Lumabas noon si EJ sa mga indie films na Pisay, Vhagets, New Moon at sa mga pelikula ng Regal Films na Manay Po: Overload, Bahay Kubo: A Pinoy Mano Po at Love Is Blind.

 

 

 

Sa TV ay naging bahagi si EJ ng Goin’ Bulilit, May Bukas Pa, Mga Anghel Na Walang Langit, Mara Clara, Growing Up, Walang Hanggan, Princess And I, at Pintada.

 

 

 

Noong 2018 nag-out si EJ at nagbida siya sa pelikulang Mamu: And A Mother Too na tungkol sa isang batang transgender.

 

 

 

Ngayon ay ina-identify ni EJ na isa siyang trans non-binary. Tanggap niya na ang trato sa kanya ng nakararami ay isang tunay na babae.

 

 

 

***

 

 

 

KINUMPIRMA ng Marvel Film actress na si Elizabeth Olsen na two years na siyang kasal sa musician na si Robbie Arnett.

 

 

 

Sa naging interview ng bida ng WandaVision sa The Jesse Cagle Show, inamin niyang nagtanan sila ni Arnett at magaganap ang kanilang wedding very soon.

 

 

 

“It was before COVID. I just never talked about it. I had to work in England and there are visa issues with that. He wouldn’t have been able to come at all, actually. And also everything was so backed up. You couldn’t even, like, try to get married then. But it ended up working out,” pahayag pa ni Olsen na ma-engage kay Arnett three years ago.

 

 

 

Naging very private ang relasyon ni Olsen kay Arnett at iilang tao lang daw ang nakakaalam. Thankful din si Olsen na very supportive ang kanyang husband lalo pagdating sa matinding work schedule niya.

 

 

 

Gusto na rin daw ng aktres na magkaroon na sila ng anak ni Arnett: “I was also thinking, ‘There’s this small room upstairs, which would be good for a kid. “I don’t know where things will lead, but I do think about it in that way: ‘I think I could raise kids here.’”

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Patuloy na kinakabog ang teleserye nina Kathryn at Daniel: ‘Bolera’ ni KYLIE, record-breaking ang rating dahil tapatan nila ni INA

Posted on: July 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INABANGAN talaga ng mga televiewers and netizens ang paglalaro ng billiards nina Kylie Padilla as Jose Maria “Bolera” Fajardo Jr. or si Joni, at ang special guest billiard player na si White Lotus, played by Ina Raymundo.

 

 

Ang maganda kasi, mabait at very accommodating ang character ni White Lotus, ‘di tulad nang iba niyang nakalaban, tulad ni Golden Eye (Klea Pineda). Naging record-breaking ang rating ng said episode nang makakuha ito ng 15.3% sa GMA-7 at sa GTV, laban sa 6.5% rating ng “2 Good 2 Be True” nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, na combined rating naman mula sa TV5, A2Z, Kapamilya Channel, Cinemo at Jeepney TV.

 

 

Ang rating ay nagmula naman sa Nielsen Philippines TAM NUTAM People Rating based on preliminary overnight data.

 

 

Kaya siguradong muling aabangan ang mga kasunod na eksena ng “Bolera,” lalo ngayong magkasama nang lalaban ng billiards tournament sina Rayver Cruz as Miguel at si Joni.

 

 

Napapanood ito pagkatapos ng “Lolong,” sa GMA-7.

 

 

***

 

 

FROM heavy drama to hosting ang pinagkakaabalahan ngayon ni Kapuso actress Beauty Gonzalez.

 

 

Nang lumipat si Beauty sa GMA, tatlong magkakasunod na serye ang ginawa niya, at ngayon nga ay kasama na siya sa cast ng GMA Afternoon Prime na “The False Life.”

 

 

Ipinakilala na rin si Beauty as a new Dabarkads sa longest-running noontime show sa bansa, ang “Eat Bulaga.” Sa kanyang Instagram story, excited na ibinahagi ni Beauty ang poster ng EB, na nagsasabing magiging part na siya ng noontime show: “See you, Dabarkads! Beauty Gonzales guest co-host simula July 12.”

 

 

Naging masaya ang unang araw ni Beauty sa show, dahil kilala rin siya sa kanyang masayahing personalidad, naka-adjust siya agad sa mga co-hosts niyang sina Joey de Leon, JoWaPao, Ryan Agoncillo, Allan K, Ryzza Mae Dizon, Miles Ocampo, Maja Salvador, at Vic Sotto.

 

 

Big help si Beauty ng mga co-hosts, kapag Visaya ang dialect ng ini-interbyu nilang mga contestants sa show, siya ang nag-iinterbyu sa kanila.

 

 

***

 

 

MAY good news ang GMA Network sa mga netizens at tagasubaybay nila ng mga primetime drama series, Mondays to Fridays, after ng “Eat Bulaga.”

 

 

Nothing to worry na kayo kung nasa labas kayo at walang TV set na pwede kayong manood ng paborito ninyong teleserye. You can catch your Kapuso Shows online via “Kapuso Stream,” sa pamamagitan ng live stream, daily sa GMA Network’s You Tube, Facebook, and now sa “Tiktok!”

 

 

Sa GMA Afternoon Prime, mapapanood at 2:30 PM, ang “Apoy Sa Langit,” nina Maricel Laxa, Zoren Legaspi, Mikee Quintos at Lianne Valentin. Susundan ito ng “Raising Mamay” nina Ai Ai delas Alas, Shayne Sava at Valerie Concepcion, at “The False Life” nina Ariel Rivera, Beauty Gonzalez, Sid Lucero at Tetchie Agbayani.

 

 

Sa GMA Telebabad naman at 8:00 PM after “24 Oras,” ang “Lolong” nina Ruru Madrid, Shaira Diaz, Jean Garcia at Christopher de Leon, followed by “Bolera” nina Kylie Padilla, Rayver Cruz, Jak Roberto at Ms. Jaclyn Jose, then “Love You Stanger,” nina Gabbi Garcia, Khalil Ramos at Gil Cuerva.

 

 

(NORA V. CALDERON)

PhilSys data, ligtas sa ilalim ng authentication program

Posted on: July 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

IPINAGPAPATULOY ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang “wide-reaching and intensive information” at education campaign para matamo ang  inclusive digital economy sa ilalim ng Philippine Identification System (PhilSys) project sa panahon ng administrasyong Marcos.

 

 

Layon ng PhilSys na magtatag ng single national ID para sa mga mamamayang Filipino at resident aliens.

 

 

Ang national ID ay dapat na maging valid proof of identity at paraan ng pinasimpleng public at private transactions, enrollment sa mga eskuwelahan at pagbubukas ng bank accounts.

 

 

Palalakasin din nito ang kasanayan o kakayahan sa pakikipag-deal sa government services kung saan kailangan lamang ng tao na mag-prisenta o magpakita ng isang ID sa panahon ng transaksyon.

 

 

Sa pamamagitan ng PhilSys, “a secure, digital and interoperable platform, service providers are allowed to verify their clients’ identities using the Application Programming Interface (API). The API-enabled authentication services include basic online verification, automated pre-filing of customer information in the system of the relying party, and generating tokens for seeding or storage of information.”

 

 

Layon naman ng  PhilSys project na bawasan ang fraud o pandaraya sa pamamagitan ng paglilinis sa mga databases pagdating sa mga duplicate at fictitious records.

 

 

Matatandaang, buwan ng Pebrero ng lagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang ang Executive Order 162 na nag-uutos na tanggapin ang Philippine o National ID bilang sapat na katiba­yan ng pagkakakilanlan at edad ng isang tao sa lahat ng transaksyon sa bansa upang mas mapabilis ang pagbibigay ng serbisyo, mapalakas ang financial inclusion at mapadali ang paggawa ng negosyo.

 

 

Sinabi ni Duterte na ang PhilSys (Philippine Identification System) ang magiging sentro ng identification platform ng gobyerno para sa lahat ng mga mamamayan at residenteng banyaga sa bansa.

 

 

Nakapaloob din ito sa Republic Act No. 11055 o ang Philippine Identification System Act, kung saan ang record ng isang mamamayan sa PhilSys ay ikukunsiderang sapat na patunay ng identiy at edad ng isang indibidwal.

 

 

Ang PhilSys din ang magsisilbing opisyal identification document na inilabas ng gobyerno at opisyal na katibayan ng identity ng mga cardhol­ders sa pakikipag-transaksiyon sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan.

 

 

Inaatasan ang lahat ng mga bangko at pinansiyal na institusyon na sumunod sa guidelines na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas at iba pang regulatory agencies tungkol sa PhilID, PSN o PSN Derivative. (Daris Jose)

Abalos, target na paghusayin ang kakayahan ng PNP pagdating sa anti-cybercrime

Posted on: July 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TARGET ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos na paghusayin ang anti-cybercrime capacity ng Philippine National Police (PNP).

 

 

Sa kanyang naging talumpati sa isinagawang flag ceremony sa PNP,  ipinahayag ni Abalos ang kanyang saloobin at alalahanin ukol sa tumataas na cybercrime,  kabilang na ang cyberpornography, simula ng magsimula ang  COVID-19 pandemic noong 2020.

 

 

“Alam ko ito ay bagong phenomena sa atin kaya please just inform me anong equipment ang kailangan ninyo,” ayon kay Abalos.

 

 

“Kung kinakailangan mag-seminar o mag-aral po o kumuha pa ng technical people sa cybercrime, please do so inform us the soonest,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Ang payo rin ni Abalos ay turuan ang publiko ukol sa  cybercrime.

 

 

Samantala, tiniyak naman ni Abalos sa mga PNP personnel na mabibigyan ang mga ito ng legal support kapag naharap sa asunto mula sa mga sindikato na naniniwalang hinahadlangan ng mga awtoridad ang kanilang ilegal na aktibidad.

 

 

Sinabi ni Abalos  na bubuo siya ng isang team at mangangalap ng pondo para mapangasiwaan ang mga  legal issues kung saan  masasangkot ang mga tapat na  police personnel. (Daris Jose)

VP Sara, nagbigay-galang kay dating PM Shinzo Abe

Posted on: July 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BINISITA ni Vice President Sara Duterte ang official residence ni  Ambassador of Japan to the Philippines Kazuhiko Koshikawa para ipaabot ang pakikiramay sa pagkamatay ni dating Japanese Prime Minister Shinzo Abe.

 

 

“Ang pagmamahal at pagpapahalaga ng dating Prime Minister sa Pilipinas ay hinding-hindi natin makakalimutan,” ayon kay VP Sara sa isang Facebook post.

 

 

Sa ulat, pumanaw na sanhi ng tinamong tama ng bala sa asasinasyon ang 67-anyos na dating prime minister ng Japan na si Shinzo Abe habang nagtatalumpati sa isang campaign rally sa Nara City, dalawang araw bago pa ang  national election.

 

 

Nagsulat din  si VP Sara  sa book of condolences para sa yumaong prime minister.

 

 

“It is a great sadness that I learned of the passing of former Japanese Prime Minister Shinzo Abe. My profound condolences to his bereaved family and the people of Japan who are grieving over his untimely demise,” ang sinulat nito.

 

 

Kinondena naman ni VP Sara ang “senseless act of violence” na nauwi sa “untimely death” ni Abe.

 

 

“I join the Filipino people in condemning the senseless act of violence that claimed the life of a great leader. While words must be of little solace at this time, kindly allow me to express my sincerest appreciation for his contributions in bringing our countries even closer,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Sa kabilang dako, nagpaabot din naman ng pakikiramay si VP Sara sa mga mamamayan ng Japan, ang liderato aniya ni Abe at impluwensiya nito ay hindi makalilimutan.

 

 

“He will always be remembered for his love and kindness for the Filipinos and Davao City. We mourn with you in this time of loss,” ani VP Sara. (Daris Jose)

COVID-19 positivity rate sa NCR lalo pang tumaas

Posted on: July 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

LALO pang tumaas ang COVID-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR) nang maitala ito sa 10.9% nitong Hulyo 9 mula sa 8.3% nitong Hulyo 2 lamang, ayon sa OCTA Research Group.

 

 

Ang positivity rate ay porsyento ng tao na nagpositibo sa virus mula sa kabuuang bilang ng sumalang sa COVID-19 test.

 

 

Sa pag-aanalisa sa datos, sinabi ni OCTA fellow Dr. Guido David ang lalawigan ng Aklan ang nakapagtala ng pinakamataas na positivity rate sa 26.9% mula 21% ng sinundang linggo

 

 

Ang iba pang lugar na lumagpas na sa 5% benchmark ng World Health Organization ay ang mga lalawigan ng Antique, Bataan, Batangas, Benguet, Bulacan, Capiz, Cavite, Cebu, Iloilo, ­Isabela, Laguna, Nueva Ecija, Pampanga, Pangasinan, Rizal, at Tarlac.

 

 

Sa kabila nito, bumaba naman ang reproduction rate sa NCR na nasa 1.49 ngayon mula sa dating 1.6 noong nakaraang linggo.

 

 

Ang reproduction number ang tumutukoy sa bilang ng tao na nahahawa ng isang indibidwal na may COVID-19 infection.  Kapag bumaba sa 1 ang reproduction number, nangangahulugan na nakokontrol at bumababa na ang reproduksyon ng virus.

 

 

Nananatili rin na mababa ang healthcare utilization rate (HCUR) sa NCR na nasa 28.4%, na tinitingnan ng mga eksperto na maganda pa ring indicators.

 

 

“Actually hindi lang sa NCR. Pati the rest of the Philippines. Karamihan ng areas ay below 50% naman ‘yung hospital utilization and ito ‘yung metric na pinakabinabantayan natin,” saad ni David.

 

 

Inaasahan ng OCTA na maaabot ang peak na 2,000 kaso kada araw sa kalagitnaan o hulihan ng Hulyo ngunit hindi na lalagpas sa 50% ang HCUR ng NCR.

 

 

Nitong Linggo, nakapagtala ang Pilipinas ng 2,018 bagong kaso ng COVID-19, ang pinakamataas sa loob ng limang buwan.  Nasa 13,818 naman ang aktibong kaso sa bansa. (Daris Jose)

Ads July 13, 2022

Posted on: July 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

John Wall ipinagmalaki ang maitutulong sa bagong team niya na Los Angeles Clippers

Posted on: July 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

IPINAGMALAKI  ng veteran na si John Wall na malaki ang maitutulong niya sa kakulangan ng Los Angeles Clippers lalo na sa pagiging point guard.

 

 

Una nang pumirma si Wall ng 2-year contract sa halagang $13.2 million deal.

 

 

Inaasahang babandera sa bagong season ng NBA ang Clippers lalo na at babalik na rin sa paglalaro ang superstar na si Kawhi Leonard upang mabuo ang puwersa nila ni Paul George.

 

 

Kung maalala inabot din ng isang buong season na hindi nakalaro si Leonard dahil sa matinding injury sa right ACL.

P2.3 milyong shabu nasabat sa bebot sa Bilibid

Posted on: July 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HIGIT  sa P2-milyon na halaga ng ilegal na droga ang nasamsam ng mga awtoridad nang tangkang ipuslit papasok sa Maximum Security compound ng New Bilibid Prison (NBP), sa Muntinlupa City, kamakalawa ng hapon.

 

 

Kinilala ni Southern Police District (SPD) Director P/Brig. General Jimili Macaraeg ang suspek na Raquel Zuñiga, 33, residente ng Marasaga St., Tatalon, Quezon City.

 

 

Dakong ala-1:00 ng hapon ng Hulyo 11, 2022 sa frisking area sa mga bumibisita sa maximum compound.

 

 

Sa ulat, nadiskubre ng tauhan ng Inmate Visitation Service Unit (IVSU) ng Bureau of Correction (BuCor) sa body searching sa suspek ang dala niyang selyadong envelope na naglalaman ng nasa 35 gramo ng shabu na may Standard Drug Price na P2,380,000.00.

 

 

Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 11 ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).