• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 15th, 2022

Ads July 15, 2022

Posted on: July 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Na-diagnose ang anak na may Autism Spectrum Disorder: AUBREY, sinisisi ang sarili sa naging sakit ng anak nila ni TROY na si ROCKET

Posted on: July 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SINISISI ni Aubrey Miles ang kanyang sarili dahil sa naging sakit ng bunsong anak nila ni Troy Montero na si Rocket.

 

 

Na-diagnose si Rocket na may Autism Spectrum Disorder or ASD.

 

 

Kuwento ni Aubrey na noong isang taon daw niya napansin na may kakaiba raw kay Rocket. Hindi raw ito tulad ng dalawang anak niya noong lumalaki ang mga ito.

 

 

“I have two kids so alam ko yung development ng kids. So, with her, sabi ko parang may iba siya. She doesn’t acknowledge her name. Ayun yung first. When I say ‘Rocket,’ sige, sabi ko baka naman sa two years old, she doesn’t look,” sey ni Aubrey.

 

 

Noong ipatingin nila sa doktor si Rocket, dun na raw nadiskubre na may ASD ito. Dito na raw sinisi ni Aubrey ang sarili niya: “You want to blame yung sarili mo kasi as a mom, parang, ‘Ako ba ito? Ako ba ‘yan? What did I do? Yung genes ba namin?’ Sabi ko, ‘Bakit? Hindi naman ako nag-diet noong time na iyon.'”

 

 

Sinabihan naman daw ng doktor si Aubrey na hindi nito kasalanan ang nangyari sa kanyang anak. Wala raw tiyak pang explanation kung bakit nagkakaroon ng autism ang isang bata. Dahil wala pa raw gamot para sa ASD, makabubuti raw na sumailalim na sa therapy si Rocket habang bata pa ito.

 

(RUEL J. MENDOZA)

Almost two years nang ginagawa at sa 2023 na maipalalabas… Direk MARK, aminadong scary ang level of expection para sa ‘Voltes V: Legacy’

Posted on: July 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ALMOST two years nang ginagawa ng GMA Network ang live-action anime adaptation ng “Voltes V: Legacy” pero hindi pa rin ito maipalalabas this year but will be an early 2023 offering ng GMA.

 

 

Ayon nga kay Direk Mark Reyes, “The level of expectation is really scary for us but I guarantee you that GMA spared no expense in producing the series.”

 

 

Kaya nang magkaroon ang Toycon Philippines ng more than a thousand collection ng iba’t ibang laruan this year, isa sa naging highlights ng toy convention ay ang pagdating ng ilan sa cast members ng “Voltes V: Legacy.” Nagkaroon ng fan meet and greet at panel interview sina Ysabel Ortega, Radson Flores, Raphael Landincho, Matt Lozano at Direk Mark.

 

 

Happy ang mga fans dahil maraming maswerte sa kanila na nakapagpapirma ng kanilang Voltes V collection tulad ng replica ng Voltes V signature sword, and laser sword. Damang-dama raw nila ang Voltes V fever sa Toycon kaya naman inanunsyo na ni Direk Mark doon na sa susunod na taon na, 2023, ipalalabas ang Pinoy adaptation nito.

 

 

“Pinaghusayan po naming lahat ang paggawa ng itinuturing na first serious epic sci-fi TV show na more than two years in the making ang produksyon sa kabila ng mga pagsubok at limitasyon bunsod ng pandemya.”

 

 

“Voltes V: Legacy: is produced by GMA Entertainment Group, sa ilalim ng panulat ni Suzette Doctolero. Lahat ng mga materials ay approved ng Japanese creator na Toei Company at ng Philippine licensing agent nito na Telesuccess Productions, Inc.

 

 

***

 

 

MASAYA ang seasoned actress na si Ms. Eula Valdes sa kanyang pagbabalik sa GMA Network, dahil sa upcoming Afternoon Prime series na “Return to Paradise,” na tampok sina Kapuso hunk Derrick Monasterio at new Kapuso actress Elle Villanueva.

 

 

Hindi ikinaila ni Eula ang excitement niya sa mediacon ng serye.

 

 

“Excited ako, si Derrick, nakatrabaho ko na before sa GMA, at natanong ko nga kung kamag-anak siya ni Ms. Tina Monasterio. Mom pala niya.

 

 

“Si Elle, first time kong makakatrabaho, at open naman ako na makatrabaho ang mga nakababatang artista, wini-welcome ko ang chances na makatrabaho sila, kasi iba rin iyong vibes at energy na makukuha mo sa kanila.

 

 

“At excited din ako to be back with GMA, kasi ang tagal na rin naman ng last series na ginawa ko sa kanila, and I would like to thank them. Swak ‘yung schedule ng paggawa ko ng bagong show dito, kumbaga fully charged na ako.”

 

 

Kasama rin sa cast sina Teresa Loyzaga, Ricardo Cepeda, Liezel Lopez, Kiray Celis, Karel Marquez, Paolo Paraiso, at Allen Dizon. Sa direksyon ni Don Michael Perez, malapit na itong mapanood sa GMA Afternoon Prime simula sa July 25.

 

 

***

 

 

PATULOY ang paghataw gabi-gabi ng ratings ng first sports serye ng GMA Network, ang “Bolera,” labis-labis ang pasasalamat ng bidang billiard player na si Kylie Padilla sa mga netizens and televiewers sa mainit na suportang natatanggap nila.

 

 

Nasa ika-7th week na sila ngayon pero patuloy ang pagtaas ng rating ng bawat episode.

 

 

Ipinaabot ni Kylie ang pasasalamat niya sa mga Kapuso viewers sa pamamagitan ng kanyang Instagram post: “OMG! Salamat sa lahat ng suporta!”

 

 

Nag-enjoy ang mga viewers sa paglaban ni Joni (Kylie) sa mga guest billiards player, like Golden Eye (Klea Pineda) and White Lotus (Ina Raymundo). Sino pa kaya ang magiging guest players ng serye.

 

 

Pero ang isa sa inaabangan ng mga netizens ay ang paghaharap nina Bolera at Cobrador (Gardo Versoza). Nangako si Joni na sa pagkakataong iyon, tatalunin niya ang lalaking naging dahilan ng kamatayan ng kanyang ama, ang billiard champion na si Jose Maria Fajardo.

 

 

Napapanood ang “Bolera,” gabi-gabi, 8:50PM, pagkatapos ng “Lolong,” sa GMA-7.

 

(NORA V. CALDERON)

LTO, nangangailangan ng P6.8 bilyong piso para maresolba ang problema sa backlog ng plaka

Posted on: July 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TINATAYANG aabot sa P6.8 bilyong piso ang kailangang pondo ng Land Transportation Office (LTO) para matugunan ang usapin sa isyu ng kakulangan sa plaka.

 

 

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni LTO OIC Atty Romeo Vera Cruz na malaki ang kanilang backlog lalo na sa motorsiklo.

 

 

Sinabi pa ni Vera Cruz, tanging Kongreso ang makapagbibigay sa kanila ng kailangang funding.

 

 

Tinuran pa ni Vera Cruz, kung tutuusin ay wala namang problema sa produksiyon ng plaka gayung mayroon aniya silang modern plate making plant.

 

 

Sinasabing may dalawang robot din aniya silang ginagamit para sa pagpo-produce para sa motorcycle plate at isa pa para sa wheel drive kayat walang problema sa backlog ani Vera Cruz basta’t naririyan lang ang pondo. (Daris Jose)

OCTA research, tiwala sa hakbang ng gobyerno na ituloy na ang pagsasagawa ng face to face classes

Posted on: July 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TIWALA ang OCTA Research sa desisyon ng  gobyerno  na ipilit ang face to face classes sa darating na Agosto para sa school year 2022- 2023.

 

 

Sa Laging Handa public briefing,  sinabi ni Dr. Guido David  na tiwala silang naging mabusisi ang gobyerno para pagpasiyahang ikasa na ang face to face ng mga mag- aaral.

 

 

Sa katunayan ani David ay suportado nila ang naturang hakbang ng gobyerno lalo nat naging matagal ang pagkakatengga ng mga estudyante sa kani- kanilang mga tahanan.

 

 

Sinabi pa nito na naka- apekto din aniya sa education quality ang matagal na pananatili  ng mga bata at kawalang interaksiyon sa kapwa nila mag- aaral bunga ng pandemya.

 

 

Kaya dapat lamang aniya na  ituloy na ang face to face lalo na’t hindi na naman ganoon kataas ang wave of infection na nakikita ngayon.

 

 

“We support iyong face-to-face classes, kasi ang tagal nang nakakulong iyong mga bata lalo na iyong mga students natin and this is affecting their education quality pati rin iyong productivity. Hindi ako makakapag-comment about iyong preparations na ginagawa ng mga concerned institutions,” aniya pa rin.

 

 

“Siyempre, I trust that they’re doing their due diligence. I think we have to push through with the face-to-face classes, lalo na kung hindi naman ganoon kataas iyong wave of infection na nakikita natin ngayon,” dagdag na pahayag ni David. (Daris Jose)

Irarampa ng bonggang-bongga ang Higantes costume… HERLENE, ‘di nagpakabog sa Tikbalang costume ni PAOLO para kay GRACIELLA

Posted on: July 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINDI nagpakabog si Herlene “Hipon Girl” Budol sa Tikbalang costume na disenyo ni Paolo Ballesteros para sa co-candidate niya sa Binibining Pilipinas na si Graciella Lehmann, dahil ang magiging national costume niya ay inspired ng mga higante ng Angono, Rizal.

 

 

 

Nakilala ang hometown ni Hipon sa Higantes Festival at napili niyang isuot sa National Costume Fashion Show ay higanteng babae na ayon sa designer ay inspired kay Miss Universe 2018 Catriona Gray na minsan nang bumisita sa bayan ng Angono.

 

 

 

Hand-painted ang isusuot na body suit ni Hipon ng kulay hold at kahel na simbolo ng kulay ng hipon.

 

 

 

Promise ni Hipon na irarampa raw niya ng bonggang-bongga ang Higantes costume niya sa gabi ng national costume fashion show sa July 15. Pagkakataon din iyon ni Hipon na muling ipamalas ang kanyang signature walk na Sqammy Walk.

 

 

 

Sa July 30 naman ang inaabangang coronation night ng 2022 Binibining Pilipinas.

 

 

 

***

 

 

 

POSTPONED ang ilang tour dates ng Canadian singer na si Shawn Mendes dahil kailangan niyang magpahinga muna.

 

 

 

Masyado raw na-overwhelm ang singer sa sunud-sunod na performance nito at naaapektuhan na raw ang kanyang mental health.

 

 

 

Simula noong maging okey na ang mag-tour after two years, hindi na raw nagawang magpahinga ni Mendes.

 

 

 

Sa kanyang Instagram ay nag-apologize siya sa pag-postpone ng ilang concert dates dahil inabisuhan siyang magpahinga for the next three weeks para mabalanse ang kanyang physical and mental health.

 

 

 

“This breaks my heart to have to say this, but unfortunately, I’m going to have to postpone the next three weeks of shows through Uncasville, CT until further notice. I’ve been touring since I was I5 and, to be honest, it’s always been difficult to be on the road away from friends and family.

 

 

 

“After a few years off the road, I felt like I was ready to dive back in, but that decision was premature and unfortunately, the toll of the road and the pressure has caught up to me and I’ve hit a breaking point.

 

 

 

“After speaking with my team and health professionals, I need to take some time to heal and take care of myself and my mental health, first and foremost. As soon as there are more updates I promise I will let you know, love you guys.”

 

(RUEL J. MENDOZA)