• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 16th, 2022

Pagpapaliban ng Barangay, SK elections, isinulong

Posted on: July 16th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ISINULONG ng isang bagitong mambabatas ang pagpapaliban ng eleksyon ngayong Disyembre para sa Barangay at Sangguniang Kabataan.

 

 

Paliwanag ni Davao Oriental Rep. Cheeno Miguel Almario na ito ay upang mabigyan pa ng panahon ang mga Pinoy at bansa na maka-recover mula sa impact ng COVID-19 pandemic, maging ng katatapos na national at local elections.

 

 

Sa House Bill 1367, isinusulong na ipagpaliban ang nakatakdang halalan ngayong December 2022 sa October 9, 2023.

 

 

Ayon pa sa mambabatas, gagastos ang gobyerno para sa dalawang eleksyon ng nasa P10 bilyon na magagamit para mapanatili ang kaligtasan ng publiko at makatulong na makabangon ang ekonomiya.

 

 

“Replacing these barangay and SK officials with a new set at this time, when the country is still trying to get back on its feet, will be counterproductive,” anang kongresista.

 

 

Nakasaad pa sa panukala na ang lahat ng incumbent officials ay mananatili sa kanilang tanggapan, maliban lang kung matataangal o masususpinde sa kanilang tungkulin.

 

 

Naniniwala pa ito na ang pagpapaliban sa eleksyon ay makakabigbay panahon para “gamutin ang sugat” dulot ng May 2022 elections. (Ara Romero)

23 BAKUNA PARA SA DENGUE PINAPAG-ARALAN

Posted on: July 16th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINAPAG-ARALAN ngayon ng Department of Health (DOH) ang 23 na bakuna para sa dengue kasabay ng patuloy na pagtaas ng mga kaso ng dinadapuan ng sakit sa buong bansa.

 

 

Sinabi ni Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na ang 23 bakuna ay nasa emergency medicine list ng World Health Organization (WHO)

 

 

Dagdag pa nito na nangangalap pa sila ng sapat na ebidensiya at pinapag-aralan at pag nakumpleto na ay magpupulong ang kanilang mga experts.

 

 

“So we will study this thoroughly para magkaroon  tayo ng recommendation para sa’ting Presidente kung saka-sakali.”

 

 

Hindi naman niya binanggit kung kasama dito ang kontrobersyal na Dengvaxia na isinusulong ng ilang health sector.  Sinabi kamakailan ni Vergeire na isa sa ikinukunsidera nila ang Dengvaxia ngunit kailangan muling sumailalim ito sa masusing pag-aaral.

 

 

Nasa kabuuang 64,797 kaso ng dengue na ang naitala mula Enero 1 hanggang Hunyo 25.  Mas mataas ito ng 90% kumpara sa naiulat na 34,074 sa kaparehong panahon noong 2021.

 

 

Halos lahat ng rehiyon sa bansa maliban sa Ilocos region at Caraga ay nalagpasan na ang “alert/epidemic threshold” sa nakalipas na apat na linggo. (Gene Adsuara)

Mga kontrata “subject to review” ng bagong administrasyon -DND

Posted on: July 16th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SUBJECT to review ng bagong administrasyon ang mga kontrata na pinasok ng nakalipas na liderato ng  Department of National Defense (DND).

 

 

Bahagi ito ng  “standard operating procedure” ng administrasyong Marcos.

 

 

Sa isang panayam, sinabi ni DND spokesperson Arsenio Andolong na ang nasabing hakbang  ay  “customary”.

 

 

“Pag-upo ng bagong SND (Secretary of National Defense) palaging binibigay sa kanya ‘yung mga outstanding, ‘yung mga ongoing projects para ire-review nya, ano naman ‘yun, he did not have to order it ano na ‘yan e, parang SOP (standard operating procedure). Na dito sa DND, pag-upo ng bago turnover sa kanya lahat maski ‘yung napirmahan na,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Hulyo 1 nang umupo si Undersecretary Jose Faustino Jr. sa DND bilang officer-in-charge, pinalitan niya si  Delfin Lorenzana.

 

 

Karamihan naman sa mga kontrata na sisilipin ay mula sa Second Horizon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Modernization Program.

 

 

“Hindi ko kabisado ngayon pero karamihan dito sa Second Horizon pero maski ‘yung napirmahan na ire-revirew pa yan ng bagong administrasyon para to make sure,” aniya pa rin.

 

 

Kabilang naman sa mga kontrata na rerebisahin ay Russian Mil Mi-17 heavy helicopters at iba pang proyekto na hindi pa naide-deliver.

 

 

Sa ngayon, wala pang kontrata ang kinansela, ayon kay Andolong.

 

 

“The rationale behind the review is the need for the new DND chief to know the budgetary and time considerations of these projects,” ani Andolong.

 

 

Ang gagawing pagsusuri ay magiging gabay ng bagong  DND chief kung itutuloy o hindi ang proyekto base sa availability ng pondo.  (Daris Jose)

Ads July 16, 2022

Posted on: July 16th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Lady Stags, Lady Bombers magpapang-abot sa stepladder

Posted on: July 16th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

IBUBUHOS ng San Se­bas­tian at Jose Rizal Uni­ver­sity ang itinatagong la­kas sa kanilang do-or-die match upang umabante sa second round ng stepladder semis ng NCAA Season 97 women’s volleyball tournament sa The Arena sa San Juan City.

 

 

Magpapang-abot ang Lady Stags at Lady Bom­bers ngayong alas-2 ng ha­pon kung saan ang ma­na­nalo ang haharap sa nag­dedepensang Arellano La­dy Chiefs sa second round ng stepladder.

 

 

Una nang umusad sa fi­nals ang season host na St. Benilde na awtomati­kong nakasikwat ng tiket sa best-of-three championship series matapos ma­kum­pleto ang 9-0 sweep sa eliminasyon.

 

 

Galing ang San Sebastian sa 25-15, 25-22, 27-25 paggupo sa Letran upang angkinin ang No. 3 seed sa semis.

 

 

Nauna nang na­itarak ng Lady Stags ang 24-26, 19-25, 32-30, 25-5, 15-11 pa­nalo kontra sa Lady Bombers sa eliminasyon noong Hunyo 22.

 

 

Dumaan sa bu­tas ng ka­­­rayom ang JRU matapos kubrahin ang 25-11, 16-25, 17-25, 25-21, 17-15 panalo laban sa Lyceum para sa huling semis seat.

 

 

Desidido rin ang Lady Bombers na makabawi sa Lady Stags.

 

 

“Malakas ang San Sebastian kaya kailangan na­­ming maging consistent lalo na sa depensa,” wika ni Lady Bombers’ head coach Mia Tioseco.

Pwedeng sabihin sa mga ex-bfs na, ‘ eto pala ang sinayang mo’: HEAVEN, pasabog ang pa-2-piece bikini sa kanyang mga beach photos

Posted on: July 16th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAG-TRENDING si Enrique Gil o ang pangalan niya sa Twitter dahil sa lumabas niyang picture kasama ang mga ABS-CBN executives, gayundin ang kanyang ina.

 

 

Na-excite at obviously, nabuhayan ng loob ang mga tagahanga ni Enrique sa pahiwatig na magiging comeback niya.

 

 

Simula ng pandemic, hiatus o tila namahinga rin si Enrique. Ang huling serye pa niya ay ang “Make It With You” with Liza Soberano noong 2020. Pero isa ito sa mga naapektuhang ongoing show noon nang biglang magkaroon ng lockdown. Hindi na rin ni-resume kaya na cut short.

 

 

So, ‘di kataka-taka na ma-excite ang mga fan at mapa-trending din si Enrique. May hashtag na “It’s about damn time” na ewan lang kung may konek ito sa comeback project na gagawin niya.

 

 

Wish din nila na sana raw makabalik na rin si Enrique sa ‘ASAP’.

 

 

***

 

 

NA-TOUCH ang actress na si Angelica Panganiban sa natanggap mula kay dating Senator Kiko Pangilinan.

 

 

Kahit na isang artista rin at sanay na napapansin, nakatatanggap ng kung ano-ano, big deal pa rin pala kay Angelica ang maalala siya. Malaking bagay siguro para sa actress na ngayon ay buntis sa magiging baby nila ng partner na si Greg Homan ang maalala siya ng taong sinuportahan.

 

 

Last election, talagang ipinakita niya ang suporta kay FVP Leni Robredo at kay Kiko nga.

 

 

Sabi niya, ang sarap daw pala sa pakiramdam na maalala.

 

 

“Share ko lang, nagkita kami ni Senator Kiko noong May, after elections. Nabigyan ng konting minute para makapag kwentuhan tungkol sa pagtatanim. (Hindi ko alam pano niya nalaman na may mga tanim kaming gulay).

 

 

“Cut to almost 2 months after, pinadalhan niya ko ng mga libro niya at may personal letter pa. I mean, ala lungst (lang)… ang sarap sa pakiramdam na maalala ka.”

 

 

Ang title ng libro na ibinigay ng dating Senator kay Angelica ay “Tagsibol: Mga Kuwento mula sa pagiging magsasaka ni Kiko Pangilinan.”

 

 

***

 

 

PASABOG ang mga pa-2-piece bikini ni Heaven Peralejo sa kanyang mga beach photos.

 

 

Nag-Bohol ito at talagang sunod-sunod ang pagpo-post niya ng kanyang kaseksihan.

 

 

Sey nga niya sa isang caption niya, “Can I be an island girl forever?” Pero ‘di kaya parang mas pwede niyang i-caption, lalo na sa mga past relationships niya o mga controversial exes niya na, “’eto pala ang sinayang mo, huh!”

 

 

Si Heaven na rin ang nagsabi na okay at mas masaya talaga siya ngayon. Bukod pa sa may sisimulan din siyang bagong series under Rein Entertainment ni Direk Lino Cayetano na ang kasama niya ay sina Ian Veneracion at Mon Confiado.

 

 

Nangako itong pagbubutihin daw niya kaya siguro, this time talaga, ang focus na niya ay ang career niya more than her lovelife.

 

(ROSE GARCIA)

Mamamayan, hinimok ng CBCP-ECHC na magpa-booster laban sa COVID 19

Posted on: July 16th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINIKAYAT ng opisyal ng CBCP Episcopal Commission on Health Care ang publiko na suportahan ang inisyatibo para sa muling pagpapaturok ng Covid19 vaccine.

 

 

Ito ang inihayag ni Rev. Fr. Dan Cancino MI,  Executive Secretary ng komisyon kaugnay sa panawagan ng Department of Health na magpa-2nd dose na ang mamamayang Filipino lalo na ang mga nasa vulnerable sector.

 

 

Ayon kay Fr. Cancino, kailangan ang booster shot upang mas mapatibay ang ating depensa laban sa Covid 19 lalo na sa mga indibidwal na nagkakaroon ng exposure at palaging nasa labas ng tahanan.

 

 

Tiniyak ng Pari na hindi dapat mangamba ang publiko sa muli’t-muling pagpapabakuna sapagkat  nakatulong ito upang mapababa ang bilang ng mga nagkakaroon ng severe symptoms at nadadala sa mga pagamutan dahil sa Covid19.

 

 

“Nakita natin ang impact ng vaccination, tumataas man ang kaso pero hindi masyadong mataas ang pag utilize ng mga hospital capacity baka ito na ang sinasabi natin na effect ng vaccination so we are promoting it lalo na sa mga Diocese o Probinsya na medyo mas maraming challenges in terms of vaccination.”pahayag ni Fr.Cancino

 

 

Inihayag ni Fr. Cancino na suportado ng Simbahang Katolika ang pagpapabakuna batay sa wika ni Pope Francis na ito ay pagpapamalas ng pagmamahal hindi lamang sa sarili kundi maging sa kapwa at sa ating sanilikha.

 

 

“Babalikan ko yung sinabi ni Pope Francis, vaccination is an act of love. Ito ay pagpapakita ng pag-ibig natin sa sarili, sa ating mga mahal sa buhay, sa ating kominudad. Ito yun ating moral responsibility na sana lahat tayo ay mabakuhanan, lahat tayo ay umiwas sa sakit at mapalaganap natin ang sinasabing healthy planet. Ito ang contribution natin sa maliit na paraan.”paglilinaw ng Pari na isa rin doktor.

 

 

Batay sa datos ng Department of Health ngayon buwan ng Hulyo taong 2022, nasa mahigit 71 milyong indibidwal na ang naka-kumpleto ng Covid 19 vaccine dose sa Pilipinas bagama’t ang nagpa-booster shot ay umaabot pa lamang sa mahigit 15 milyong indidbiwal.

 

 

Una nang nanawagan ang Department of Health sa mga naturukan na ng 1st booster vaccine na muling magpabakuna upang matiyak na matibay ang depensa nito laban sa Covid 19.

 

 

Ilang mga simbahan o parokya naman sa Pilipinas ang nagsisilbing vaccination hub at katuwang ng Health Sector upang makatulong na mas marami ang magkaroon ng access sa pagpapabukuna. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

FDA, nakikipag-ugnayan na rin sa gumagawa ng popular na Filipino instant noodles dahil sa isyu ng ‘ethylene oxide’

Posted on: July 16th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAKIKIPAG-UGNAYAN na rin ang Philippine Food and Drugs Administration (FDA) sa kumpanya na gumagawa ng popular at paboritong instant noodle brand ng mga Pinoy para masuri ang safety standards compliance nito.

 

 

Ayon sa FDA, sinimulan na nila ang pag-imbestiga sa naturang produkto kasunod ng lumabas na report mula sa European countries sa Ireland, France at Malta kung saan nadiskubre umano na mayroong high levels ng ethylene oxide ang partikular na instant noodle brand.

 

 

Paliwanag ng FDA, ang ethylene oxide ay isa ring processing aid na ginagamit para i-disinfect ang mga herbs at spices.

 

 

Subalit paglilinaw naman ng ahensiya na ang paggamit ng ethylene oxide para sa sterilizing purpose sa pagkain ay hindi pinapayagan sa European Union bagamat mayroon pa ring traces aniya mula sa mga ingredients o raw materials kung kaya’t nagtakda ang EU ng maximum residue level na nasa very low level lamang base sa uri ng commodity.

 

 

Nakatakda namang magbigay ng updates ang FDA sa oras na matapos ang kanilang isinasagawang imbestigasyon.

 

 

Sa DOH forum, sinabi naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang naturang kemikal kapag nakonsumo ay maaaring makapagdulot ng pananakit ng ulo, pagsusuka at malalang kaso gaya ng pakiramdam na pagod na pagod at hirap sa paghinga.

 

 

Agad ding nilinaw ng manufacturer ng instant noodles brand na hindi sila naglalagay ng ethylene oxide sa kanilang mga produkto at pasok sa local food safety standards.

No class size limit para sa in-person classes — DepEd

Posted on: July 16th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINDI magtatakda ang Department of Education (DepEd) ng class size limit sa oras na magpatuloy na ang  face-to-face classes sa Nobyembre.

 

 

Sinabi ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte na walang “prescribed class size” dahil magkakaiba naman school classroom situations.

 

 

Gayunman, tiniyak nito na ire-require pa rin ng DepEd ang mga eskuwelahan na tiyakin ang  health protocols, partikular na ang physical distancing. Dapat aniya itong masunod habang nagkaklase.

 

 

“Hindi kami naglagay [sa department order] ng exact size ng class dahil iba-iba ‘yung situation ng lahat ng mga schools natin. There are no schools na pare-pareho sila exactly sa kanilang classrooms and sa kanilang teachers,”ang pahayag ni  Duterte.

 

 

“So ang nilagay natin doon at in-approve din ng Pangulo during the cabinet meeting is that physical distancing shall be implemented whenever possible,” aniya pa rin.

 

 

Tinukoy ni Duterte ang  DepEd Order No. 34, Kung saan inatasan ang lahat ng public at private schools na mag-shift sa limang araw na  face-to-face classes simula sa Nobyembre 2.

 

 

Ayon sa nasabing kautusan, “distance and blended learning will no longer be allowed starting that day.”

 

 

Giit din ng kautusan na ipinagbabawal sa mga estudyante at school personnel ang pagkain ng magkakasabay sa loob ng eskuwelahan kung limitado ang espasyo.

 

 

“Naglagay lang din kami doon ng guide about eating dahil ito ‘yung isa sa mga instances na nagtatanggal tayo ng mask, na eating together should be prohibited,” ani Duterte .

 

 

Kung limited ‘yung spaces doon sa loob ng eskwelahan, para tayo ay maghiwa-hiwalay habang kumain ay we all eat facing the same direction. So hindi po magkaharap ‘yung mga tao,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)

Nakalimang Best Actor trophies sa loob ng 12 years: ALLEN, nakatakda nang i-elevate sa ‘FAMAS Hall of Fame’

Posted on: July 16th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAKATAKDANG i-elevate sa FAMAS Hall of Fame sa kategoryang Best Actor ang multi-awarded na si Allen Dizon.

 

 

Nakalimang Best Actor trophies na kasi si Allen mula sa oldest award-giving body sa Pilipinas which is celebrating 70 years.

 

 

Winner si Allen ng Best Actor awards sa Famas for Paupahan (2009), Dukot (2011), Magkakabaung (2015), Bomba (2018) at Latay (2021).

 

 

Parang si Allen ang pinakamabilis na nakaipon ng limang best actor trophies sa Famas from 2009 to 2021, or a span of 12 years.

 

 

In fairness, mahusay naman si Allen at bawat pagganap niya as lead ay iba ang acting from the last movie na nagawa niya.

 

 

May potential award-winner na naman siya sa latest movie na Pamilya sa Dilim kung saan kakaiba na naman pagganap ang inaasahang ibibigay niya.

 

 

***

 

 

DATING member ng “Walang Tulugan with the Master Showman” si Angelo Carreon.

 

 

Kahit na wala na sa ere ang show ng yumaong si German Moreno, ipinagpatuloy ni Angelo ang showbiz career.

 

 

Sumali si Angelo sa isang edition ng StarsStruck until nadiskubre siya ni Kuya Germs at mula noon ay pinangarap na niya maging isang actor.

 

 

Idolo niya sina Dingdong Dantes at Lovi Poe dahil parehong mahusay na actor ang dalawa. Kayang-kaya daw ng mga ito kahit anong role ang ibigay sa kanila.

 

 

Walang acting experience si Angelo bago siya pumasok sa showbiz. Pero marunong siyang sumayaw at kumanta.

 

 

He considers Pamilya sa Dilim as one of his biggest acting breaks. Nakalabas na rin siya sa ilang shows ng GMA 7. Malaking bagay at happy si Angelo na part siya ng pelikula pero aminado siya na may kaba rin siyang nadarama dahil puro mahuhusay na aktor ang kanyang makakasama.

 

 

“Kahit na kabado po ako, masaya rin ako to be given the opportunity na makagawa ng pelikula,” sabi ni Angelo na gumaganap na pulis sa Pamilya sa Dilim na mula sa direksyon ni Joselito Altarejos.

 

 

“Pinag-aaralan ko po mabuti ang script, pati ang linya ng co-actors ko. Pinag-aaralan ko rin kung ano ba tamang facial expression para maging effective ang acting ko,” dagdag pa niya.

 

 

Tampok sa pelikula sina Allen Dizon, Sunshine Cruz, Ms. Laurice Guillen, Therese Malvar, Barbara Miguel, Carlos Dala, Rico Barrera at marami pang iba. Prinoduce ito ni Mr. Art Cruz ng ADCC Productions.

 

 

(RICKY CALDERON)