• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 26th, 2022

Sa naging selebrasyon ng 8th anniversary… JERALD, ‘di nagpakabog kay KIM pagdating sa ‘sweet messages’

Posted on: July 26th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

LAST July 21, nag-celebrate sina Jerald Napoles at Kim Molina ng kanilang 8th anniversary.

 

 

At katulad ng kanilang nakagawian, nagpasiklaban na naman ang magkarelasyon ng sweet messages para sa isa’t-isa sa social media, na kung saan kinabog ni Jerald si Kim.

 

 

Sa post ng aktor kasama ang photo nila ni Kim, panalong-panalo ang caption na kinompos niya.

 

 

“Ang tsokolate ko sa malulungkot na araw, ang kape ko sa mababagal na sandali. Ang fried chicken sa plain rice. Ang wasabi sa sashimi.

 

 

“Ngayon lang ako nakumpleto ng ganito, ikaw ang aking pahinga sa nakakapagod na mundo. Happy Anniversary @kimsmolina, mahal kita. #HappyAnniversaryKimJe.”

 

 

Sagot naman ni Kim sa kanyang sweetheart, “BA YAAAAANNN!!!! TALO NANAMAN AKO SA CAPTIONINGST!!!!! MAKATA!! 😭😭😭😭🥹🥹🥹 I love you. @iamjnapoles 🧡”

 

 

Nag-post din si Kim sa Instagram ng mga photos nila ni Jerald na sa pagkakalarawan ng aktres ay parang pictorials ng ’90s loveteam para sa cover ng notebook.

 

 

Caption niya, “Ladies & chenemen, ‘90s loveteam notebook FTW! My rock, my core, my love, HAPPY ANNIVERSARY! Blessed to move mountains with you everyday. I love you! @iamjnapoles #KimJe.”

 

 

Reply naman ni Jerald, ” Love you mimi !!! Happy Anniversary! 😘😘😘”

 

 

Pinusuan at nag-comment ang mga supporters sa socmed para batiin din sila ng “happy 8th anniversary”.

 

 

Say ng ilang netizens, “Yun oh grabe Ang sweet…. tlga ng team #.kimje …. ayyiee so much kilig feels much promise. it and xempre enjoy your special day together guys….”

 

 

“Happy Anniv sa inu kimje. Stay strong and inlove❤️”

 

“Nice! Tindi ng caption! And ang sweet!”

 

Ang tanong, ngayong nalampasan na nila ang ika-pitong taon na relasyon, nalalapit na kaya ang pagpapakasal nina Jerald at Kim, o patuloy pa rin silang nag-iipon para sa kanilang future?

 

***

 

NGAYONG nagsimula na ang countdown variety show ng GMA na Tiktoclock kahapon, July 25 at 11:15 na ka-back-to-back ng Eat… Bulaga!, may ikalawang katapat ang Tropang LOL nina Billy Crawford.

 

Araw-araw na ngang magpapasaya tuwing umaga sina Pokwang, Rabiya Mateo, at Kuya Kim Atienza, kaya tiyak kaming tututukan ito ng viewers para silipin kung worth nga ba itong panoorin.

 

Samantala, hindi pa nga sila halos nakaka-adjust sa bagong timeslot ang Tropang LOL at nabawasan pa ng 15 minutes ang show, heto at may bago pa silang katapat na dapat talaga nilang paghandaan, para manatili sa loyal viewers nila at patuloy na mapanood at lumaban sa ratings game.

 

(ROHN ROMULO)

Ads July 26, 2022

Posted on: July 26th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

10 lalawigan, ‘very high’ ang COVID-19 positivity rate

Posted on: July 26th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SAMPUNG lalawigan sa bansa ang nakapagtala ng higit sa 20% o ikinokonsiderang “very high” COVID-19 positivity rate sa loob ng isang linggo, habang naitala sa 14% ang Metro Manila.

 

 

Tinukoy ni OCTA Research Group fellow Dr. Guido David ang mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Rizal, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, Aklan, Antique, Capiz, at Isabela na nakapagtala ng higit sa 20% positivity rate nitong Hulyo 22.

 

 

Ang positivity rate ang tumutukoy sa porsyento ng mga tao na nagpositibo sa COVID-19 mula sa kabuuang bilang ng sumailalim sa test.

 

 

Pinakamataas ang Aklan na may 32.6%, kasunod ang Capiz (31.9%), Nueva Ecija (30.5%), Isabela (27.8%), Pampanga (26.1%), Laguna (26%), Cavite(24.5%), Tarlac (24%), Rizal (22.8%), at Antique (22.2%).

 

 

Nasa 14% ang positivity rate ng National Capital Region nitong Hulyo 22 mula sa 12.7% nitong Hulyo 16.  Umakyat naman ang arawang positivity rate ng rehiyon sa 16%.

 

 

Nitong Sabado, nakapagtala ang bansa ng 3,604 bagong kaso ng COVID-19 para umakyat ang mga aktibong kaso sa 25,743 (Ara Romero)

“BLACK ADAM” UNVEILS NEW COMIC CON SNEAK PEEK

Posted on: July 26th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

“YOU can be the destroyer of this world, or you can be its savior.” 

 

 

Check out the Comic Con Sneak Peek of “Black Adam” below and watch the film in cinemas and IMAX across the Philippines starting October 19.

 

 

YouTube: https://youtu.be/kV17aDgRJ04

 

Facebook: https://fb.watch/erZKNmi_Cc/

 

About “Black Adam”

 

 

From New Line Cinema, Dwayne Johnson stars in the action adventure “Black Adam.” The first-ever feature film to explore the story of the DC Super Hero comes to the big screen under the direction of Jaume Collet-Serra (“Jungle Cruise”).

 

 

Nearly 5,000 years after he was bestowed with the almighty powers of the ancient gods—and imprisoned just as quickly—Black Adam (Dwayne Johnson) is freed from his earthly tomb, ready to unleash his unique form of justice on the modern world.

 

 

Johnson stars alongside Aldis Hodge (“City on a Hill,” “One Night in Miami”) as Hawkman, Noah Centineo (“To All the Boys I’ve Loved Before”) as Atom Smasher, Sarah Shahi (“Sex/Life,” “Rush Hour 3”) as Adrianna, Marwan Kenzari (“Murder on the Orient Express,” “The Mummy”) as Ishmael, Quintessa Swindell (“Voyagers,” “Trinkets”) as Cyclone, Bodhi Sabongui (“A Million Little Things”) as Amon, and Pierce Brosnan (the “Mamma Mia!” and James Bond franchises) as Dr. Fate.

 

 

Collet-Serra directed from a screenplay by Adam Sztykiel and Rory Haines & Sohrab Noshirvani, screen story by Adam Sztykiel and Rory Haines & Sohrab Noshirvani, based on characters from DC.  Black Adam was created by Bill Parker and C.C. Beck.

 

 

The film’s producers were Beau Flynn, Dwayne Johnson, Hiram Garcia and Dany Garcia, with Richard Brener, Walter Hamada, Dave Neustadter, Chris Pan, Eric McLeod, Geoff Johns and Scott Sheldon.

 

 

“Black Adam” smashes into theaters and IMAX in the Philippines beginning 19 October 2022.  It will be distributed worldwide by Warner Bros. Pictures.

 

 

Join the conversation online and use the hashtag #BlackAdam

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Romualdez, pormal nang hinirang bilang Speaker ng House of Representatives

Posted on: July 26th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PORMAL nang hinirang bilang Speaker of the House of Representatives (HOR) si Leyte Representative Martin Romualdez ngayon sa unang araw ng 19th Congress.

 

 

Ito ay matapos siyang i-nominate ng kanyang pamangkin at presidential son na si Ilocos Norte Representative Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos kasabay ng pagsambit nito sa mga kwalipikasyon ni Romualdez bilang isang pinuno na mag-aakay aniya sa lahat patungo sa mas mataas na antas.

 

 

Bagay na sinang-ayunan naman ni Batangas Representative Ralph Recto dahil sa mayaman na raw sa karanasan sa loob at labas ng pamahalaan si Romualdez matapos itong maglingkod sa House sa loob ng limang taon bilang majority leader at independent fiscalizer.

 

 

Batay sa resulta nang naging eleksyon para sa susunod na manunungkulang speaker of the House, lumabas na umabot sa 282 na mga miyembro sa House ang bumoto kay Romualdez habang nasa apat naman ang nag-abstain, at 22 ang hindi bumoto.

 

 

Samantala, ang mga indibidwal na hindi bumoto sa halalan para sa susunod na speaker of the House ay kinakailangang bumuo ng Minority bloc at maghahalal din sila ng kanilang pinuno, alinsunod yan sa mga alituntunin ng Kamara na pinagtibay naman ng Korte Suprema. (Daris Jose)

Bukod sa nag-e-enjoy din sa pagpi-piano… DINGDONG, happy and proud sa bagong discovery ni ZIA na pangangabayo

Posted on: July 26th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAKIPAG-BONDING ang Dantes Squad, ang mag-asawang Kapuso Primetime King & Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa GMA boss na si Attorney Annette Gozon-Valdez, Kim Atienza at iba pang mga kaibigan nila sa Leviste Equestrian Park noong Linggo.

 

 

 

Halatang natuwa at proud si Dingdong sa anak nila na si Zia Dantes. Nakita niya na mas nadaragdagan ang mga interes ng anak. Mukhang enjoy talaga si Zia na mag-piano. Sabi nga niya, “She never fails ko surprise me. Pero ang bagong discovery ni Zia ay ang pangangabayo.”

 

 

 

Nag-post si Dingdong ng picture na nakasakay sa kabayo ang anak kasama ang equestrian na si Maritess Gozon Viterbo.

 

 

 

Sabi ni Dingdong, “Not sure if she’s Floris or Happy, but thank you, Maritess, for introducing her to your horses. Mukhang may bagong kahihiligan itong anak ko.”

 

 

 

Mukhang na-excite si Dingdong sakali at magkakaroon siya ng anak na equestrian na e, musically inclined pa.

 

 

 

***

 

 

 

HINDI natiis ni Megan Young at mukhang sobra na talaga ang pagka-miss sa kanyang FOFO, ang mister na si Mikael Daez.

 

 

 

Sinorpresa ni Megan si Mikael na ngayon ay kasalukuyang nagte-taping sa South Korea para sa “Running Man Philippines.”

 

 

 

Dapat ay may isang buwan pa bago sila muling magkita. Pero, inamin ni Megan na hindi na talaga niya natiis kaya pinuntahan na niya si Mikael sa Korea.

 

 

 

Sey niya sa kanyang Instagram post, “Reunited with Fofo!!! Kilig to the Bonez. Hindi ko talaga natiis at pinuntahan ko siya sa Korea. Kaya hanggang sa pagkakape namin ay magiging clingy ako sa ka nya. Pero ang totoo niyan, hindi naman talaga siya yung pinuntahan ko dito, hahaha”

 

 

 

Saka niya sinundan ng mga hashtags na “Army Lang Nakakaalam, “ at “Nasaan Ang BTS.”

 

 

 

Sa IG post naman ni Mikael, may caption ito na na-surprise nga raw siya ni Megan at nagbiro na “spy-ops” mode sa pagbisita niya. At humirit din na alam daw niya, mas ang makapunta ng BTS museum talaga ang dahilan nito.

 

 

 

Pero sey niya rin na halatang masaya naman sa pagdating ni Megan after 4 weeks na hindi sila nagkita at nagkasama, “It’s so nice to see Boneezy and I’m going to take her coffee hopping every single day that she is here. I will also take her to my favorite convenience stores, lol.”

 

 

(ROSE GARCIA)

SONA NI PBBM, NAKATUON SA EKONOMIYA

Posted on: July 26th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

EKSAKTONG alas-3:33 ng hapon nang dumating sa Batasang Pambansa si Pangulong Ferdinand Marcos  Jr. para sa kanyang unang State Of the Nation Addres (SONA) kahapon, July 25.

 

 

Dumiretso  ang Pangulo sa Executive Lounge ng Kongreso  kasama ang kanyang may bahay na si Lisa at Executive Secretary Vic Rodriqguez, mga senador at iba pa.

 

 

Kapansin-pansin na mas maraming mambabatas ang nasa Plenary Hall ngayon.

 

 

Maaga namang dumating si Vice-President Sara Duterte.

 

 

Nakatuon ang unang Ulat sa Bayan ni Pangulong Ferdinand Marcos sa ekonomiya.

 

 

Sa katunayan,  sinabi nito na magpapatupad siya ng sound fiscal management habang ang tax administration reforms ay  ikakasa rin  upang mapataas ang revenue collection.

 

 

Sa kanya pa ring  State of the Nation Address (SONA)   sinabi nito na ang expenditure priorities ay ire- realigned, at ang  spending efficiency ay pagbubutihin para agad na tugunan ang tinatawag na  pagkakapilat sa ekonomiya na nag-ugat mula sa epekto ng  COVID-19, at para na rin sa paghahanda para sa “future shocks.”

 

 

Ang Productivity-enhancing investments aniya ay ipo-promote.

 

 

“Our country must become an investment destination, capitalizing on the Corporate Recovery and  Tax Incentives for Enterprises or the CREATE Law  and the economic liberalization laws such as the  Public Service Act and the Foreign Investments Act,” ayon sa Pangulo.

 

 

“Ecozones will be fully supported to bring in strategic industries such as those engaged in high-tech manufacturing, health and medical care, and all emerging technologies. This is also seen to facilitate economic growth outside of Metro Manila,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Bukod dito, sinabi pa ng Pangulo na ang tax system ay ia-adjust upang makahabol sa mabilis na developments ng  digital economy,  kabilang na ang  imposisyon ng value-added tax sa digital service providers.

 

 

“The initial revenue impact will be around Php 11.7 billion in 2023 alone. Tax compliance procedures will be simplified to promote ease of paying taxes. We will pursue measures to determine possible undervaluation and/or trade misinvoicing of imported goods. Through information and communications technology, the Bureau of Customs will promote streamlined processes,” ayon sa Pangulo.

 

 

“Disbursements for 2022 to 2023 will be maintained at above 20 percent of gross domestic product  or Php 4.955 trillion and Php 5.086 trillion, respectively, to ensure continuous implementation of priority programs. Disbursement will further increase over the medium-term from Php 5.402 trillion or 20.7 percent of our GDP in 2024 to Php 7.712 trillion or 20.6 percent of GDP   in 2028,” aniya pa rin

 

 

Sinabi pa nito na ang Medium-Term Fiscal Strategy  ng kanyang administrasyon ay ay naglalayong  “attain short-term macro-fiscal stability while remaining supportive of the country’s economic recovery and to promote medium-term fiscal sustainability. Furthermore, and more importantly, fiscal policy aims to bring together the National Government’s resources so that these are mobilized and utilized in order to gain the maximum benefit and the high multiplier effects for our economy.

 

 

Sa kabilang dako, ang measurable medium-term macroeconomic at fiscal objectives naman ay kinabibilangan ng mga  sumusunod na headline numbers.

 

 

Base aniya ito sa  forecast o pagtataya na consistent  sa guiding principles ng  “coherence of strategies, policy discipline and fiscal sustainability.”

 

  • 6.5 to 7.5% real gross domestic product (GDP) growth in 2022; 6.5 to 8% real GDP growth annually between 2023 to 2028
  • 9% or single-digit poverty rate by 2028
  • 3% National Government deficit to GDP ratio by 2028
  • Less than 60% National Government debt-to-GDP ratio by 2025
  • At least 4,256 USD income (GNI) per capita and the attainment of upper middle- income status by 2024

 

 

The aforementioned headline goals summarize the objectives of this Medium-Term Fiscal Strategy (MTFF) being submitted to Congress, for its adoption and concurrence through a Concurrent Resolution  by the Senate and House of Representatives,” litaniya ng Pangulo.

 

 

“Once adopted, the MTFF will become an anchor for the annual spending and financing plan of the National Government and Congress when preparing the annual budget and undertaking related appropriation activities. It is therefore a forward-looking document that extends beyond the traditional three-year horizon to reach six (6) years, coinciding with the six-year coverage of the Philippine Development Plan (PDP) 2023 to 2028,” anito.

 

 

Pino-promote rin aniya ng MTFF ang transparency at credible commitment para isulong ang  tinatawag na “indicated socio-macroeconomic goals that optimize the government budget.”

 

 

“Medium-term growth targets and the assumptions regarding key macroeconomic variables underpin the medium-term fiscal plan.  The recent past and the COVID-19 pandemic has beset the macroeconomic environment with challenges and a series of external shocks.  Inflation has accelerated in recent months due largely to significant increases in international prices of oil and other key commodities,” lahad ng Pangulo.

 

 

“Still, the economic growth momentum remains firm as demonstrated by the strong 2022 first quarter GDP growth at 8.3 percent.  However, the recovery process from the impact of the pandemic is still on-going amid elevated uncertainty in the international economic environment. Revisions in the macro-economic assumptions incorporate these challenges and most recent economic developments, leading to upward adjustments in the following:

 

  • Inflation rate for 2022 to 2023;
  • Foreign exchange rate for 2023 to 2025; and
  • Goods and services imports growth for 2022

 

 

The economy is expected to grow by 6.5 to 7.5 percent this year as we continue to reopen the economy while considering the recent external developments,” aniya pa rin.

 

 

“In the first quarter alone, GDP saw an increase in household consumption and private investments, along with a robust manufacturing industry, high vaccination rate, improved healthcare capacity, and an upward trend in tourism and employment.  This is expected to continue for the rest of the year.  This strong economic growth is projected to be sustained and expanded further to 6.5 to 8 percent from 2023 until 2028.”

 

 

“The average inflation for 2022 is projected to range from 4.5 to 5.5 percent, following the uptick in fuel and food prices as a result of the ongoing Russia-Ukraine conflict and the disrupted supply chains. It is slightly adjusted to 2.5 to 4.5 percent in 2023,  and is seen to return to the target range  of  2.0 to 4.0 percent by 2024 until 2028,” ang bahagi pa rin ng SONA ng Pangulo.

 

 

Samantala, bunsod ng naganap na pamamaril sa Ateneo de Manila University noong Linggo ay mas hinigpitan pa ng Philippine National Police (PNP) ang seguridad sa unang State of the Nation Address (SONA) ni PBBM.

 

 

Ayon kay Police Maj. Gen. Valeriano de Leon, PNP Director for Operations, itinalaga ang mga pulis na galing National Capital Region Police Office (NCRPO) sa mga lugar na kailangan ang mahigpit na seguridad.

 

 

“In terms of security, your PNP is all set for another significant event in our history,” ani De Leon.

 

 

Umaabot sa 22,000 pulis at force multipliers ang itinalaga ng PNP para sa SONA.

 

 

Maging ang traffic rerouting ay inayos na rin upang matiyak na maayos ang daloy ng  mga sasakyan.

 

 

Nagpasalamat din si De Leon sa desisyon ng Quezon City na suspindihin ang klase at trabaho sa  lungsod.

 

 

Nagkaroon din ng security adjustment matapos na payagan ang mga nagpoprotesta. (Daris Jose)

Publiko pinag-iingat vs modus sa COVID-19 cash aid

Posted on: July 26th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINAG-IINGAT ni Philippine National Police Officer-in-Charge (OIC) Vicente Danao Jr., sa publiko ukol sa modus na kumukuha ng sensitibong impormasyon Mmula sa mga indibidwal kapalit ng “unclaimed” COVID-19 cash aid mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

 

 

Paalala ni  Danao sa  publiko na huwag agad ipagkatiwala ang mga sensitibong impormasyon ukol sa kanilang mga sarili, at sinabi na ang Data Privacy Act of 2012 “limits government agencies” na tanungin ang mga indibidwal ukol sa kanilang personal at sensitibong mga impormasyon.

 

 

“It’s important to note that you should be critical as well about the identity of the unknown person. If you are able to get his or her name, then check the veracity with the concerned agency,” ani Danao.

 

 

Binanggit din ni Danao ang insidente kamakailan sa Cagayan De Oro City kung saan isang nagnga­ngalang Jhon Carl Mendoza, 30, ang inaresto matapos magpanggap na DSWD officer na nag-aalok ng tulong kapalit ng pera.

 

 

Nakapag-ulat na rin ang DSWD ng parehong kaso kung saan ang isang biktima ay nakatanggap ng tawag mula sa hindi niya kakilala, base sa mga pulis.

 

 

Hiningi ng caller ang “vital information, including her bank account,” ng biktima at sinabing kapalit nito ang “unclaimed” COVID-19 cash aid, batay sa PNP.

 

 

Sakaling maharap sa kaduda-dudang sitwasyon kung saan hinihingi ang personal na impormasyon, agad na ipagbigay-alam sa pinakamalapit na police station.

Bashing sa young actress, lumala pa dahil sa interview kay Boy: POKWANG, ‘di na sumagot sa sinabi ni ELLA na nasaktan sa kanyang naging comment

Posted on: July 26th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINDI na sumagot si Pokwang sa sinabi ni Ella Cruz na nasaktan siya sa comment ni Pokwang tungkol sa “history is tsismis.”

 

 

Parang anak kasi ang turing ni Pokwang kay Ella kaya nag-comment sa pinag-uusapan sagot ni Ella.

 

 

Matinding bashing ang natanggap ni Ella sa mga netizens dahil sa kanyang statement. Actually, mas lumalala pa ang comments ng mga netizens nang ipagtanggol ni Ella ang kanyang sarili sa panayam sa kanya ni Boy Abunda.

 

 

Dapat sana, bago siya nagbibitiw ng statement, ay pinag-iisipan din ni Ella ang kanyang sasabihin kasi it might do more harm than good.

 

 

Sabi nga less talk, less mistake.

 

 

Ang huling tweet ni Pokwang ay “Kaya ang gaang ng buhay mo ngayon, kaya ka malayang nakakasigaw ngayon kasi may mga naghirap noon para sayo ay sana wag mo iwaglit iyan sa puso at isip mo.”

 

 

As of the moment ay nasa Amerika si Pokwang kasama si K Brosas para sa kanilang concert tour.

 

 

***

 

 

ISA si Rita Daniela sa nominadong Best Actress para sa ‘Huling Ulan sa Tag-araw’ sa 70th FAMAS Awards na gaganapin sa Metropolitan Theater on Saturday, July 30.

 

 

Kalaban niya for the said category sina Charo Santos-Concio (Kun Maupan Man an Panahon), Sharon Cuneta (Revirginized), Maja Salvador (Arisaka), Nicole Laurel Asencio (Katips) at Janine Gutierrez (Dito at Doon).

 

 

Nominado naman na Best Actor si Dingdong Dantes as Best Actor para sa ‘A Hard Day.’

 

 

Crowding Dingdong for the award ay sina Christian Bables (Big Night), Vince Tanada (Katips), Jerome Ponce (Katips), Daniel Padilla (Kun Maupay Man ang Panahon) at Mon Confiado.

 

 

Ang FAMAS ang oldest award-giving body sa Pilipinas. Mga bata pa tayo ay mayFAMAS na.

 

 

Dati ang FAMAS lang ang nag-iisang award-giving body sa Pilipinas. Kapag nanalo sa FAMAS ay itinuturing na prestigious ang pagiging actor o actress mo.

 

 

Ngayon marami na ang namimigay ng awards. Pati mga schools and universities namimigay na rin ng awards.

 

(RICKY CALDERON)

2 patay, 4 sugatan sa pamamaril sa Ateneo de Manila

Posted on: July 26th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KINUMPIRMA  ni Quezon City Police District Director Police Brigadier General Remus Medina na dalawang katao ang namatay at isa naman ang sugatan sa nangyaring pamamaril sa Ateneo de Manila Gate 3.

 

 

Ayon kay Medina, isa raw sa mga biktima ay agad isinugod sa ospital.

 

 

Sa ngayon, hawak na raw ng PNP ang suspek sa pamamaril.

 

 

Dahil sa shooting incident sa Areté, ipinagpaliban muna ang 2022 Commencement Exercises ng Ateneo Law School na naka-schedule ngayong hapon.

 

 

Samantala, nasa sasakyan naman daw si Supreme Court (SC) Chief Justice Alexander G. Gesmundo na siya sanang guest speaker sa Ateneo Law School Graduation ceremony nang naganap ang insidente.

 

 

Dahil dito ay inabisuhan daw ang chief justice na huwag na itong tumuloy.

 

 

Ayon naman kay SC Spokesperson Atty. Brian Keith Hosaka, ligtas naman daw si ang punong mahistrado.

 

 

Ang doktor ang pangunahing suspek sa pamamaril sa Ateneo de Manila na ikinamatay ng 3 katao

 

 

Hawak na ngayon ng PNP ang suspek na namaril sa Ateneo de Manila University sa Quezon City.

 

 

Kinilala ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang suspek na si Dr. Chao Tiao Yumol, 38-anyos at residente ng Basilan.

 

 

Ang mga namatay naman ay sina Rosita Furigay, dating alkalde ng Lamitan City sa Basilan province; Victor George Capistrano, executive assistant ni Furigay at Bandiola Jeneven.

 

 

Sa mga lumabas na impormasyon  dadalo sana ang dating alkalde sa graduation ng kanyang anak na si Hanna.

 

 

Si Hanna ay kasalukuyan namang ginagamot ngayon sa ospital.

 

 

“The PNP (Philippine National Police) immediately responded to the scene of the incident and the gunman was arrested right away. Probe is ongoing and appropriate charges will be filed against the suspect. PNP OIC (Officer-in-Charge) Lt. Gen. Vicente Danao Jr. assures everyone that the PNP is on top of the situation and stiffer security measures are being implemented especially in Quezon City and the rest of Metro Manila,” ayon sa PNP sa isang statement. (Daris Jose)