TATLONG Filipino actors ang mga bida sa Romanian film na To The North at magku-compete ito sa Orizzonti section ng 2022 Venice Film Festival.
Ang Love You Stranger actor na si Soliman Cruz ang bida sa To The North na tungkol sa isang religious Filipino sailor na si Joel na sakay ng isang transatlantic ship na nadiskubre ang isang Romanian stowaway na si Dimitri played by German-Romanian actor Nico Becker.
Kasama sa cast ay ang Filipino actors na sina Bart Guingona at Noel Sto. Domingo.
Ayon sa film synopsis: “Joel, after seeing that Dimitri has a Bible with him, begins to play a dangerous game involving his crew, his faith in God, as well as an innocent man’s life.
“To The North, written and directed by Romania’s Mihai Mincan, is a co-production involving film outfits from the country and its neighboring France, Greece, Bulgaria, and Czech Republic.
“To The North” was announced Tuesday (Manila time) as one 18 entries in Venice Film Festival’s Orizzonti section, described as an “international competition dedicated to films that represent the latest aesthetic and expressive trends.”
Mag-compete din sa naturang film festival ang pelikula ni Lav Diaz na Kapag Wala Na Ang Mga Alon na bida si John Lloyd Cruz.
***
NATAPOS na ni The Clash Season 4 champion Mariane Osabel ang kanyang kursong Environmental Engineering mula sa Mindanao State University.
Sa kanyang Instagram, pinost ng Kapuso singer ang graduation photoshoot niya.
Masayang-masaya si Mariane dahil pangako niya sa kanyang pamilya na kahit maging busy siya sa kanyang career bilang singer, hindi niya pababayaan ang kanyang pag-aaral. Natanggap na niya ang kanyang diploma sa isang in person ceremony.
Nataon naman na sumabay ang pag-drop ng single niya under GMA Music na “Pira-Piraso” sa pag-graduate niya sa kolehiyo.
Sobra raw na nakaka-relate si Mariane sa unang recorded single niya.
“This song is actually a personal experience. As of now I have a partner, nung mga few months pa lang kami may confrontation na nangyari. Sinabi ko sa kanya, I wanted to heal something na nangyari sa akin sa past love ko. Sabi ko hindi niya deserve ‘yung pagmamahal na pira-piraso.
“Kung love mo ‘yung person, deserve niya ‘yung buong pagmamahal. Mahal kita pero hindi sapat ang pira-piraso. Gusto ko magmahal nang buong buo, I want to move on muna, I want to heal fully para kapag nagmahal ako ulit, mabigay ko sa kanya ‘yung full na love.”
Mapapanood si Mariane sa All-Out Sundays sa segment na Queendom.
***
GUSTONG patunayan ng Latin Music Queen na si Shakira na inosente siya sa inaakusa sa kanyang Spanish tax fraud charges kaya n-reject nito ang inalok sa kanyang plea deal at nais niyang humarap sa korte.
Inakusahan ang ‘Hips Don’t Lie’ singer of defrauding Spanish tax office na nagkakahaga ng 14.5 million euros ($14.7 million) sa naging income niya between 2012 and 2014.
Ayon sa legal team ni Shakira, lumipat sa Spain noong 2011 ang singer noong nakarelasyon nito ang FC Barcelona defender na si Gerard Pique, pero ang official tax residency niya ay sa the Bahamas until 2015. Magkakaroon lang daw ng agreement kapag nasimulan na ang tiral sa Barcelona court.
Dagdag pa lawyers ng singer: “Shakira is absolutely certain of her innocence and doesn’t accept this deal with the prosecutor and has decided to let the case go to court. Our client is confident that her innocence would be proven in court.”
Sinabi ng 45-year-old singer na may naganap na “complete violation of her rights” and “abusive methods” by the prosecutor.
“The prosecutor was insisting on claiming money earned during my international tours and the show ‘The Voice’ on which I was a judge in the United States when I was not yet resident in Spain,” diin pa ni Shakira.
Nasa The Voice si Shakira between 2013 and 2014. Lumipat siya sa Spain noong 2015 at bayad daw lahat ng tax obligations niya sa taong iyon.
“I paid 17.2 million euros to the Spanish tax authorities and I have no debt to the treasury for many years,” paniguro pa ng singer.
Noong 2014 kumita si Shakira mula sa kanyang international tours at hindi siya tumira for more than six months sa Spain, kaya hindi raw siya resident under tax law.
(RUEL J. MENDOZA)