Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
INARESTO ng Quezon City police si dating vice presidential candidate Walden Bello dahil sa kasong cyber libel.
Ang kaso ay isinampa ni dating Davao City Information Officer Jefry Tupas.
Sa pitong pahinang resolution na inilabas noong Hunyo 9 ay napatunayan umano na ang dating mambabatas ay lumabag sa Revised Penal Code at sa Cybercrime Prevention Act of 2012.
Ayon sa staff ni Bello, unang dinala ito sa station 8 ng QCPD bago inilipat sa Camp Karingal.
Sinabi naman ni QCPD Director Remus Medina, inaresto si Bello dakong ala-5:00 ng hapon sa kaniyang bahay sa Quezon City.
Dinalaw naman ni labor leader at dating presidential candidate Leody de Guzman si Bello para tignan ang kalagayan nito. (Daris Jose)
BIBILISAN na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na bibilisan ang pagpapalabas ng tulong para sa mga pamilya at indibidwal na nangangailangan ng agarang suporta sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program.
Gagamitin ng departamento ang kanilang updated guidelines para rito.
Ni-review at binago kasi ng Crisis Intervention Division ang umiiral na guidelines upang masiguro ang “mabilis at mas epektibong “delivery of assistance” kaya naman mas maraming bilang ng mga benepisaryo ang makikinabang.
Sa pamamagitan ng kamakailan lamang na ipinalabas na Memorandum Circular No. 15, “the DSWD streamlined the implementing procedure; simplified the intake and eligibility forms and documentary requirements and lengthened its validity; and adjusted the rates of assistance and the corresponding approving authorities at the Central Office and Field and Satellite Offices.”
Sa bagong guidelines, nakasaad dito na isang kliyente ay sasailalim sa 3 hakbang ng kahit na anumang serbisyo at interbensyon sa ilalim ng AICS Program — screening kung saan ang kliyente ay kailangan na magpakita ng documentary requirements na iko- cross-matched sa database; interview ng social worker upang madetermina ang tamang tulong at paano iki-claim ang tulong.
“The goal is to avoid the long lines and hours of wait by our clients as if they are at our mercy just to get the simple medical request for assistance or burial and other needs,” ayon Kay DSWD Secretary Erwin Tulfo.
Para sa financial assistance na mababa sa P10,000, sinabi ng Kalihim na ang pagpapalabas ng pera ay maaaring i-proseso sa loob ng isang araw.
“For higher amounts, the assistance will be through a guarantee letter, unless other modes are necessary as may be justified by the social worker,” ayon sa DSWD. (Daris Jose)
UMAASA ang Commission on Elections (Comelec) na makakapagdesisyon na ang Kongreso hanggang katapusan ngayong Agosto kung sususpindehin ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) upang makapaghanda sila.
Sinabi ni Election Chairman George Erwin Garcia na handa na silang humarap sa pagdinig na ipatatawag ukol sa BSKE kung sususpindehin ito o itutuloy sa Disyembre.
Sa kabila ng katwiran na makakatipid ang pamahalaan ng P8.141 bilyong pondo, personal na paniwala ni Garcia na dapat matuloy ang eleksyon upang hindi na muling mapagkaitan ng demokrasya ang mga botantE
“Tama po na magkaron ng halalan. Subalit, kinikilala natin na ito ay isang absolute na discretion ng ating Kongreso kung ipagpapaliban o itutuloy ang darating na halalan na SK and barangay election,” ayon kay Garcia.
Ang eleksyon din umano ang paraan para mapalitan na ang mga tiwali, mga walang ginagawa sa posisyon, at walang maipakitang performance sa pamahalaan.
“At the same time, ‘yan naman ay isang pagkakataon din upang mapanatili natin ang mga lider na sa ating palagay naman ay karapat-dapat na mamahala sa atin nang tuluy-tuloy,” dagdag pa niya. (Ara Romero)
KABUUANG 2.99 million mga Pinoy ang naitalang walang trabaho sa bansa ngayong patuloy na nananatili sa 6 percent ang unemployment sa buwan ng Hunyo kumpra noong Mayo.
Ang nasabing bilang ay mas mababa na kumpara noong June 2021 kung saan nasa 7.7 percent o 3.77 million ang walang trabaho.
Ang mga analyst at negosyante ay patuloy na nagsusumikap upang makabawi ang ekonomiya para sa karagdagang pagbuo ng trabaho.
NAGHAHANDA na ngayon ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila para sa face to face classes.
Kabilang dito ang pakikipagtulungan sa Manila Health Department na siyang nangangasiwa sa pag-disinfect ng paaralan.
Sa inilabas na impormasyon ng manila public information office – sinimulan na ng Manila Health department ang paglilinis o pag-disinfect sa mga silid aralan sa mga public schools sa buong lungsod.
Kabilang sa nakiisa sa nasabing aktibidad ay ang manila disaster risk reduction management office kung saan preparasyon na rin ito sa muling pagbabalik ng klase base na rin sa kautusan ng department of education. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)
SA ISANG news item nagulat ako sa pahayag ng isang taga- QC Hall na ang basehan daw kung bakit ang registered owner ang liable sa no-contact apprehension ay ang Registered Owner Rule.
With due respect po ang registered owner rule ay ginagamit para habulin ang registered-owner kapag may aksidente HINDI PAG TRAFFIC VIOLATION.
The registered-owner of the vehicle rule means that the registered owner of any vehicle even if not used for public service would primarily be responsible to the public or to other persons FOR INJURIES CAUSED BY THE LATER WHILE THE VEHICLE IS BEING DRIVEN ON THE HIGHWAY OR STREETS.
– Erezo vs Jepte G R. L9605
Supreme Court decided case.
Ibig sabihin PAG MAY AKSIDENTE AT MAY INJURY SA IBANG TAO NATURAL MAY LIABILITY ANG REGISTERED OWNER KAHIT HINDI SIYA ANG DRIVER. PERO HINDI SA TRAFFIC VIOLATION.
Pag sinuri nating mabuti ang sabi ng Korte Suprema mananagot lamang ang registered owner sa publiko kung may sakuna KAPAG ANG SASAKYAN AY MINAMANEHO NG IBA SA LANSANGAN.
Kung hindi tumatakbo ang sasakyan tulad ng naka park lang ito hindi magaaply ang REGISTERED OWNER RULE . Tulad ng mga na-tikitan ng no parking na mga sasakyan hindi maa-apply ang registered owner rule dahil ang sabi ng Supreme Court WHILE THE VEHICLE IS BEING DRIVEN ON THE HIGHWAYS AND STREETS.
Kaya with due respect pañero na taga QC Hall hindi po ako sang ayon sa sagot mo sa interview mo.
(Atty. Ariel Enrile-Inton)
HINILING ng Land Transportation Office (LTO) sa mga lokal na pamahalaan na suspendihin muna ang pagpapatupad ng no-contact apprehension policy (NCAP) habang ang mga regulasyon ay inaayos at nirerepaso pa.
Ito ay sa gitna ng mga reklamo mula sa mga public utility vehicle drivers at mga pribadong may-ari ng mga sasakyan.
Sumulat si LTO assistant secretary Teofilo Guadiz III sa mga local government units (LGUs) na nagpapatupad ng NCAP upang magkaron muna ng paguusap ang mga transport officials para ayusin ang mga regulasyon sa nasabing polisia na kung saan ay sinasabi ng mga motorista na “objectionable.”
Kung kaya’t hiniling ng mga motorista na suspendihin muna ang pagpapatupad ng NCAP hanggang hindi pa naaayos ang mga nasabing regulasyon.
“I sent the letter last Friday and I’m giving them three days to respond. If they don’t respond then I will call them directly. If the LGUs reject the LTO’s appeal, I will meet with Interior and Local Government (DILG) secretary Benhur Abalos and recommend a review and suspension of NCAP. Maybe we will look into meeting with the DILG secretary who has supervision over LGUs to look into this. We can appeal our request if in case LGUs reject it. Maybe the DILG can refine and suspend the policy in the meantime,” wika ni Guadiz.
Ang mga motorista ay nagrereklamo sa mataas na multa kahit na minor lamang ang infractions at dahil na rin sa kakulangan ng mga stoplight countdown timers na siyang nagpapahirap sa pagtupad dito lalo na sa mga intersections.
Ayon pa rin kay Guadiz na ang mga kailangan baguhin ng mga LGUs sa pagpapatupad ng NCAP ay ang mga traffic infrastructure sa kanilang lugar na dapat ay bigyan agad ng aksyon at pansin.
“We believe that they need to fix their traffic timers because some traffic lights don’t have timers and then when there are jams and they are caught in the middle of an intersection, they are fined. It shouldn’t be that way, its not the motorist’s fault that he was caught in the middle of the road during a red light so there must be a way out of this,” dagdag ni Guadiz.
Sinabi naman ni Guadiz na aayusin din ng LTO ang problema sa vehicle registration upang ang mga operators na nagbenta ng kanilang PUV units ay hindi na ang mapatawan ng multa na dapat sana ay ang bagong ng may-ari ng sasakyan ang mabigyan ng karampatang multa.
Gagawa rin ang LTO ng paraan upang ang mga PUV drivers na nakagawa ng mga violations ang mapatawan ng multa at hindi na ang mga operators.
Ang NCAP ay isang programa sa road safety at traffic management na ipanatutupad ng lokal na pamahalaan ng Manila, Paranaque, Quezon City, San Juan at Valenzuela.
Habang ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) naman ang siyang namamahala ng NCAP sa kahabaan ng EDSA. LASACMAR
IT’S Sixto Dantes turn to shine, dahil sa bunsong anak naman nina Dingdong Dantes at Marian Rivera nakatutok ang mga netizens.
Matapos ngang rumatsada ang panganay nilang anak na si Zia Dantes sa mga commercial simula noong baby pa siya, time naman ngayon ni Sixto.
Early last year, inilabas ang first endorsement ni Baby Sixto para sa Ceelin Plus na kung saan kasama ang buong pamilya Dantes.
At bago natapos ang 2021, ishinare naman ni Dingdong sa kanyang IG ang photo nila ni Sixto para sa Tender Care commercial, na kilala rin para sa mga baby products.
At dahil nga nag-three years old na si Sixto, siya ang bagong endorser nang in-endorse din ni Zia few years ago at napapanood na nga ito ngayon na kung saan overloaded ang kakyutan at kaguwapuhan ni Sixto, kaya naman kinagigiliwan ng mga netizens.
Kasama ng isang short video na naglalaman ng mga photos nila, say ni Marian, “Kung paano ko pinalaki si Zia sa tulong ng NIDO, ganoon din pagdating kay Sixto. Kaya naman ganun din ako ka-confident sa paglaki niya. Ngayong 3 yrs. old na siya, samahan niyo kaming abangan ang mga toddler adventures at explorations niya with #NIDOTotalExpertProtection 💛”
Next post ni Marian, “Finally it’s out 🤍 My latest tvc with Sixto! Proud of you anak ☺️
“Nido 3+: See what your love and TOTAL EXPERT PROTECTION can help do, with proper diet and exercise.”
Bukod dito, may pinost din ang mag-asawa, tungkol sa ini-endorse nilang produkto kasama ang dalawang anak, na makakatulong sa mga batang nangangailangan.
“Araw-araw, walang mintis, binibigyan namin si Zia at Sixto ng Ceelin Plus para siguradong ligtas sila sa banta ng mga sakit. Ngunit hindi lahat ng bata ay nakakakuha ng proteksyong tulad nito,” simula ng caption kasama ang newest photo ng Dantes Squad.
“Kaya naman, natutuwa kaming maibahagi sa inyong lahat ang #PangakongProteksyon #ImmunityForAllKids ng Ceelin, in partnership with Caritas Philippines!
“For every purchase of participating Ceelin products sa official Unilab store in Shopee, magbabahagi ang Ceelin ng katumbas na produkto para sa mga batang nangangailangan.
“Mabibigyan mo na ng doble proteksyon ang anak mo, makakatulong ka pa sa kapwa!
“Bili na sa http://bitly.ws/sNhL and siguraduhin nating laging malakas ang resistensya ng bawat bata!”
Sa true lang, nag-uumapaw ang suwerte ng magkapatid na Zia at Sixto, dahil ngayon pa lang kumikita na sila sa kanilang mga commercial projects at talagang pinag-aagawan para maging endorsers.
Patuloy ding inuulan at pinagkakatiwalaan sina Dingdong at Marian, dahil hindi sila nawawalan ng products na ini-endorse, kaya puwede na nga silang isama sa ‘Most Famous and Influential Showbiz Family’.
Wish nga ng mga netizens, sana raw ay magkaroon ng isa o dalawa pang anak sina Dong at Yan, dahil sa true lang, napakaganda talaga ng lahi nila.
(ROHN ROMULO)
LAST two weeks na lamang mapapanood ang top-rating primetime series na gabi-gabing inaabangan, ang first sports serye sa GMA Network, ang “Bolera.”
Sa recent interview kay Kylie Padilla, nang tanggapin daw niya ang offer na maging isang billiard player sa serye, itinuring na niyang ito ang perfect comeback show para sa kanya, after magpahinga nang three years sa pag-arte.
Nagpasalamat siya sa viewers dahil since the start, sinubaybayan na raw nila ito, kaya in turn, pinagbuti ni Kylie ang trabaho, pinag-aralan niyang mabuti ang character ni Joni, lalo na ang paglalaro nito ng billiards, na nag-undergo pa siya ng training sa mga nanalong billiards players sa katatapos na SEA Games sa Vietnam.
Isa rin sa pinasalamatan ni Kylie ang leading man niyang si Rayver Cruz. Hindi raw iyon ang first time nilang nagkatrabaho ni Rayver, dahil ginawa nila ang horror movie na “Dilim,” in 2014, pero bihira raw silang magkasama sa eksena noon.
“Nakita ko rito sa ‘Bolera’ na mahusay siyang drama actor, kahit minsan dito sa set, joker siya,” kuwento ni Kylie.
“Pero sa mga mabibigat na eksena namin, ang galing niya, kahit maraming distractions, tuloy pa rin siya sa pag-arte, na madadala ka at paghuhusayin mo rin talaga ang pag-arte mo.”
Marami pang aabangan ang mga viewers sa “Bolera”, isa na rito ay iyong mga oras na hindi makakita si Joni habang naglalaro ng billiards. Totoo kayang mabubulag si Joni? Ang tanong ng mga netizens, paano siya makapaglalaro ng billiards kung bulag na siya?
Paano ang pangarap niyang maibalik ang karangalan ng amang namatay, matapos madaya, kung magiging champion din siya? Pero paano mangyayari iyon, kung bulag na siya?
***
MARAMI nang nag-aabang sa bagong game show na “The Wall PH,” ng GMA Network at Viva Communications, Inc., na minahal sa Amerika at very soon ay magbibigay-saya naman sa bawat Kapuso viewers.
To be hosted by Billy Crawford, ngayong August na ito magsisimulang mapanood every Sunday sa GMA-7, na ang prizes na maiuuwi ng guest player ay maaaring umabot hanggang P10 million.
Mukhang exciting panoorin ang “The Wall PH,” abangan kung kailan ang actual airing nito.
***
ANG First Runner-Up sa katatapos na Binibining Pilipinas 2022 na si Herlene Budol, ay nagsabi nang iyon daw ang kanyang huling beauty contest na sasalihan.
Pero ngayon, nag-announce na ang kanyang manager, si Wilbert Tolentino, na tuloy pa rin si Herlene sa pag-join ng mga international beauty pageants.
Mangyayari raw iyon kung may isang kandidata na hindi makakalaban sa kanilang respective international pageant sa anumang kadahilanan, si Herlene ang ipapapalit sa kanila.
Ayon pa rin kay Wilbert, nagpaalam na raw siya sa Binibining Pilipinas Charities, Inc. at inihanap na raw niya ng sasalihang international beauty pageant si Herlene.
May mga nagtatanong kung babalikan ni Herlene ang showbiz habang wala pa siyang naka-schedule na international beauty contest?
(NORA V. CALDERON)