• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 11th, 2022

Ekonomiya ng Pinas mabagal na lumago sa first quarter, pumalo lang sa 8.2%

Posted on: August 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PUMALO sa 8.2% sa unang tatlong buwan ng  2022 ang ekonomiya ng Pilipinas.

 

 

Ayon sa Philippine Statistics Authority, maituturing na milder o mas banayad ito kumpara sa inisyal na 8.3% rate.

 

 

Ang revision o pagbabago ayon sa PSA ay dahil sa  downward adjustments sa mga sumusunod na sektor gaya ng “real estate and ownership at 5.9%, from 7.9%, manufacturing at 9.8%, from 10.1% at wholesale and retail trade, repair of motor vehicles and motorcycles at 7%, from 7.3%.”

 

 

Sa kabila ng mababang pigura, ang first-quarter expansion ng ekonomiya ay nananatiling mabilis kumpara sa 7.8% registered mula Oktubre hanggang Disyembre ng nakaraang taon.

 

 

Itinaas din ng ahensiya ang growth estimate para sa Net Primary Income (NPI) mula sa Rest of the World growth, mula 103.2% sa 105.4%.

 

 

Ang NPI ay tumutukoy sa pagkakaiba sa pagitan ng “inflows and outflows” ng kompensasyon ng mga empleyado at property income.

 

 

“However, it also revised downward its estimate for Gross National Income growth from 10.7% to 10.6%. GNI measures the total money earned by a country and covers both its gross domestic product and income from overseas,” ayon sa PSA.

 

 

“The Philippine Statistics Authority (PSA) revises the GDP estimates based on an approved revision policy (PSA Board Resolution No. 1, Series of 2017-053) which is consistent with international standard practices on national accounts revisions,” dagdag na pahayag ng PSA.

 

 

Nakatakda namang iulat ng PSA ang kanilang second quarter GDP figures ngayong araw ng Martes, Agosto 9, 2022. (Daris Jose)

Facebook live shopping, tatanggalin na simula Oktubre

Posted on: August 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TATANGGALIN  na ng Meta ang kanilang “live shopping feature” sa Facebook umpisa sa Oktubre 1.

 

 

“Beginning on October 1, 2022, you will no longer be able to host any new or scheduled Live Shopping events on Facebook,” ayon sa Meta.

 

 

Maaari pa rin naman na makapag-live broadcast ang FB users, pero hindi na sila maaaring makalikha ng “product playlists” o makapag-tag ng mga produkto.

 

 

Umaasa naman ang mga live sellers na patuloy silang makakapaghanapbuhay gamit ang feature na ito ng Facebook. Kumikita ang mga negosyante sa live selling sa pagpiprisinta ng kanilang produkto at pagma-mine naman ng interesadong buyers.

 

 

Marami sa mga live sellers na ito ang nawalan ng trabaho dahil sa pandemya at umaasa sa online selling habang iba naman ay sinusuportahan ang kanilang pag-aaral.

 

 

Sinabi ni Armand Bengco, isang financial expert, na ang pan­demya ang nagtulak sa maraming Pilipino na magnegosyo sa internet dahil sa dami ng taong may account lalo na sa Facebook.

 

 

Isa sa mas kilalang online selling apps ay kumikita ng US$17 ­bilyon noong 2021 lamang, kaya maging mga kum­panya ay ikinokonsidera na rin ang pag-arkila sa serbisyo ng mahuhusay na live sellers.

 

 

Isa sa dahilan ng Meta sa pagtanggal sa online shopping ay ang pagbabago sa pre­ference ng mga netizens na mas nais ngayon ang maiigsing mga videos kaya mas tututok sila ngayon sa Reels sa ­Facebook at Instagram. (Daris Jose)

SBP naghihintay ng positibong tugon ni Kai Sotto para makapaglaro sa FIBA World Cup

Posted on: August 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINDI nawawalan ng pag-asa ang Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) na mapapapayag nila si Kai Sotto na maglaro sa kasama ang Gilas Pilipinas sa FIBA Basketball World Cup 2023.

 

 

Ayon kay SBP executive director at spokesperson Sonny Barrios na nakipag-ugnayan na sila sa kampo ni Sotto.

 

 

Hinihintay na lamang nila ang positibong tugon ng kampo ng Filipino Center para mapapayag ito na makapaglaro.

 

 

Bumalik kasi sa paglalaro sa Australian National Basketball si Sotto matapos na hindi siya nakasama sa NBA Rookie Draft.

 

 

Magugunitang nakasama na ang 20-anyos na si Sotto sa FIBA Asia Cup qualifiers at FIBA Olympic Qualifying Tournament noong nakaraang taon.

Pinag-isipan muna bago tinanggap ang role ni Valentina: JANELLA, nag-alaga ng ahas at kasamang rumampa sa mediacon ng ‘Darna’

Posted on: August 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

CHIKA ni Janella Salvador sa grand mediacon ng Darna na pinag-isipan muna niyang mabuti bago niya tinanggap ang role ni Valentina.

 

 

Siyempre tinanggap din naman eventually ang role as nemesis ni Darna, played by Jane de Leon.

 

 

After niya tanggapin ang offer to play Valentina, naisipan daw ni Janella na mag-alaga ng dalawang ahas.

 

 

Hindi takot siya sa ahas. In fact, may dala siyang ahas nang rumampa siya sa red carpet ng ‘Darna’ mediacon.

 

 

Ayon kay Janella, magandang oportunidad ang pag-alok sa kanya ng role as Valentina. Ito ang unang serye niya after giving birth.

 

 

And the role is iconic. Career-defining role si Valentina at kahit sino na mag-portray ay tiyak na mapapansin ang performance.

 

 

Among the actresses na gumanap na Valentina, pinakagusto ni Janella ang yumaong actress na si Cherie Gil.

 

 

“She has class,” sambit ni Janella about the iconic actress.

 

 

Siyempre excited din siya na makatrabaho si Direk Chito Rono na naging ka-close na niya habang ginagawa nila ang Darna.

 

 

Aware daw siya na istrikto si Direk Chito pero nag-enjoy siya working with him.

 

 

Excited din siya for Jane dahil lilipad na si Darna sa Lunes, August 15.

 

 

***

 

 

MAY masturbation scene si Sean de Guzman sa upcoming Vivamax movie niya na The Influencer kung saan nakita na erect ang kanyang phallus.

 

 

Hindi naman daw nag-alangan si Sean na gawin ang eksena dahil may tiwala siya sa kanyang director na si Louie Ignacio.

 

 

“Basta may tiwala ka sa director mo, basta sa ikagaganda ng eksena, gagawin mo kung ano man ang sabihin niya,” wika ni Sean na sobrang daring sa The Influencer.

 

 

Nang tanungin kung totoo ba ‘yung nakita sa eksena, sagot ni Sean ay panoorin na lang daw uli ang pelikula.

 

 

Hindi raw prosthetic ‘yun at parte daw ng eksena na kailangan makita ang kanyang private part.

 

 

Pero inamin ni Sean na nahirapan din siyang gawin ang eksena. Ang maganda lang daw ay walang ibang tao sa shoot kundi silang dalawa ni Cloe Barreto, ni Direk Louie at ang cinematographer.

 

 

Streaming na ang The Influencer simula August 12, Biyernes sa Vivamax. Kasama rin sa movie sina Elizabeth Oropesa, Ruby Ruiz at Soliman Cruz.

 

 

(RICKY CALDERON)

Pope Francis, nagpaabot nang pakikiramay sa sambayanang Pilipino sa pagpanaw ni FVR

Posted on: August 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGPAABOT ng kanyang taos-pusong pakikiramay si Pope Francis sa sambayanang Pilipino sa pagkamatay ni dating Pangulong Fidel V. Ramos.

 

 

Ang mensahe ng Santo Papa ay ipinasa ng tanggapan ng Apostolic Nuncio sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, Agosto 9.

 

 

Ang liham ay nilagdaan ni Msgr. Alessio Deriu, kalihim ng Apostolic Nunciature.

 

 

Si Ramos ay namatay noong Hulyo 31 at ngayong araw ay inilibing ito sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City.(Daris Jose)

Ex-cycling star Lance Armstrong ikinasal sa long-time GF

Posted on: August 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

IKINASAL na ang dating cycling star na si Lance Armstrong sa kanyang longtime girlfriend na si Anna Hansen.

 

 

Sa kanyang social media ay nagpost ito ng mga larawan ng kanilang pag-iisang dibdib.

 

 

Ang 50-anyos na si Armstrong ay nanalo ng Tour de France ng pitong taon na magkakasunod mula 1999 hanggang 2005.

 

 

Nagsimula ang relasyon ng dalawa noong 2008.

 

 

May dalawang anak na sila at mas naging especial ang kasal dahil sa pagdalo ng mga ito sa kanilang kasal.

 

 

Ito na ang pangalawang kasal ni Armstrong na unang ikinasal na ito kay Kristin Richard noong 1998.

Paglahok ni Hidilyn sa national open sa Bohol, exhibition lamang – SWP

Posted on: August 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BABANDERA  ang Pinay Olympian at gold medalist na si Hidilyn Diaz-Naranjo sa gaganaping Smart-Samahang Weightlifting ng Pilipinas National Open Championship na magsisimula ngayong hapon sa Tagbilaran, Bohol.

 

 

Sa interview kay Samahang Weightlifting ng Pilipinas President Monico Puentevella, nilinaw nito na exhibition muna ang gagawin ng bagong kasal lamang na si Hidilyn.

 

 

Kabilang kasi sa hangad ni Hidilyn ay magbigay ng inspirasyon sa iba pang mga atleta na kaya rin nilang umabot ng Olympics tulad ng kanyang panalo noong nakaraang taon sa Tokyo, Japan.

 

 

Ang maraming mga atleta na tumungo sa kompetisyon ngayon ay nag-aambisyon na madiskubre at mapasama sa mga international tournaments kabilang na ang gaganaping Phnom Penh Southeast Asian Games at sa gaganaping Hangzou Asian Games sa susunod na taon.

VP Duterte itinangging siya nasa likod ng pagpapakulong kay Walden Bello

Posted on: August 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

DUMISTANSYA si Bise Presidente Sara Duterte sa mga akusasyon ng grupong Laban ng Masa na ang ikalawang pangulo talaga ang pasimuno sa kasong kinakaharap ng aktibista at dating VP candidate na si Walden Bello.

 

 

Lunes kasi nang arestuhin ng Quezon City police si Bello para sa kasong cyber libel na inihain ni Jefrey Tupas, na isang empleyado ng Office of the Vice President.

 

 

Una nang sinabi ng Laban ng Masa na state-sponsored “proxy harassment” talaga ang cyber libel suit galing kay Duterte sa mga kritiko gaya ni Walden. Anila, dummy lang talaga si Tupas.

 

 

“I have never filed a libel case in my life,” wika ni Inday Sara sa isang pahayag.

 

 

“Instead of deflecting blame, playing the victim of an imaginary case of political persecution, and dragging me into his legal woes, I suggest that Mr. Bello be reminded of the fact that a civilized and democratic society does not respect hubris.”

 

 

“The right to freedom of speech and expression does not protect anyone from defiling the name and reputation of other.”

 

 

Nagmula ang reklamo ni Tupas sa paratang ni Bello na gumagamit at tulak ng droga ang una. Matatandaang sinisante si Tupas ni noo’y Davao City Mayor Sara Duterte matapos um-attend ng isang party kung saan P1.5 milyong halaga ng droga ang nakumpiska.

 

 

Nangyari ito habang naglulunsad si dating Pangulong Rodrigo Duterte ng “madugong war on drugs.” Si Digong ay tatay ni Sara Duterte.

 

 

“That he calls the charge against him ‘silly’ speaks volumes of Mr. Bello’s character — it was clearly derision of and an insult to the Prosecutors and the time and effort they put in to uphold the rule of law,” dagdag pa ni VP Duterte.

 

 

“I am asking him to stop obsessing over me — and stop blaming me for his fall from grace.”

 

 

Si Bello ay kilalang intelektwal, guro at human rights activist. Nagsilbi rin siyang kinatawan ng Akbayan party-list noon sa Kamara.

 

 

Agad namang tumugon si Walden sa pahayag ng bise presidente, na ngayo’y kalihim din ng Department of Education (DepEd). Aniya, kahit na anong sabihin ay may kamay daw si Inday Sara sa paglabag sa kanyang freedom of speech.

 

 

“The cyberlibel charge against me was a vindictive response to questions I raised about Vice President Duterte’s performance as mayor of Davao that she was expected to answer as a candidate for higher office,” ani Bello kanina.

 

 

“Instead of engaging in democratic exchange, her camp weaponized the law by filing a cyberlibel case against me, declared me persona non grata in Davao, and branded me a narcopolitician.”

 

 

Matatandaang inilabas ni Bello ang pahayag tungkol kay Tupas noong paulit-ulit na hindi dumadalo si Duterte sa VP debates para humarap sa mga isyu. Magkalaban sila sa parehong posisyon nitong Mayo 2022.

 

 

Dagdag pa ni Bello, hindi ito gawain ng mga democratic personalities ngunit ng mga taong maliit ang respeto sa freedom of speech. Hindi rin daw maitatago sa “mabubulaklak” na retorika ang atake sa mga demokratikong karapatan.

 

 

“She should act in a manner that befits a vice president and cease disgracing herself and her office by her futile defense of an indefensible act,” dagdag pa niya.

 

 

Matagal nang inilalaban ng mga journalists at press freedom advocates ang decriminalization ng libel at maging civil case na lamang upang hindi magamit sa pangha-harass ng mga taong nagpapahayag.

 

 

Inaasahang maghahain ng kanyang piyansa ngayong araw si Bello para sa kanyang pansamantalang kalayaan.  (Ara Romero)

Nag-expire na vaccines papalitan ng COVAX facility – DOH

Posted on: August 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK  ng Department of Health (DOH) na papalitan ng COVAX facility ang mga COVID-19 vaccines na nag-expire na.

 

 

Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, na kabilang sa papalitan ng COVAX ay ang mga bakunang nabili ng mga pribadong sektor.

 

 

Dagdag pa nito na mayroong kasunduan noon pa ang COVAX facility at ang DOH na kanilang papalitan ang mga na-expire na mga bakuna.

 

 

Magugunitang aabot sa P5.1 bilyon ang halaga ng bakuna na binili ng mga private sector ang nag-expire na.

 

 

Maari lamang itong maisakatuparan sakaling magkaroon na ng sapat ng suplay ng bakuna.

 

 

Ang COVAX ay isang global initiative para sa pantay na distribusyon ng bakuna na pinangungunahan ng World Health Organization (WHO), Coalition for Epidemic Preparedness Innovations (CEPI), at vaccine alliance na GAVI. (Daris Jose)

Ads August 11, 2022

Posted on: August 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments