• November 6, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 27th, 2022

Na-diagnose na apat na ang autoimmune disease: KRIS, parang gusto nang sumuko pero lumalaban para kina JOSH at BIMBY

Posted on: August 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAKALULUNGKOT naman na lumala pa ang matagal nang nilalabanang karamdaman ni Queen of All Media Kris Aquino.

 

 

Ayon kasi sa naging pahayag ng kapatid niyang si Maria Elena “Ballsy” Aquino, apat na ang autoimmune disease ng TV host-actress, “When she left, she had two autoimmune diseases. I think now there are four.”

 

 

Sa panayam kay Balsy nang isang non-government organization na ‘Banyuhay Aotearoa’ nitong Sabado, August 20, nagbigay nga siya ng update sa health condition ni Kris na patuloy na nagpapagamot sa Amerika.

 

 

Pagpapatuloy pa ng Ate Ballsy ni Kris, “Unfortunately, they’re still trying to give her the right treatment, the correct treatment. She’s not even 90 pounds now, she’s like 85 or 86.

 

 

“For the other treatments that they want to try, she has to put on more weight. She has to get a little bit stronger.

 

 

“She has so many allergies that all of the medicines they’ve been trying haven’t been working, or maybe they did but then the side effects, they were not too happy about.”

 

Kahit na gaano pa kahirap ang pinagdaraanan ngayon ni Kris at parang gusto nang sumuko, nananatili ang kanyang ‘strong fighting spirit’, ayon kay Balsy.

 

“There was a time she was really feeling that she was about to give up because she was having such a difficult time, but when she looks at pictures of her sons, when she sees them, then she knows she still has to fight because as you know, Josh is a special boy and Bimb is only 15,” sabi pa ng kapatid ng aktres.

 

“So that’s keeping her fighting spirit even stronger, and thanks to many prayers, thanks to your prayers, at least the fighting spirit is still there.”

 

Last June, pumunta si Kris sa Amerika para sa treatment ng rare disease na Eosinophilic Granulomatosis with Polyangiitis (EGPA).

 

 

Ayon sa kanyang mga doktor ay nangangailan ito ng long-term treatment na puwedeng umabot sa dalawang taon o higit pa, depende nga sa magiging pagtanggap ng kanyang katawan sa mga susubukang treatment.

 

 

Patuloy nga siyang ipinagdarasal ng mga netizens na labis na nangangamba sa kanyang karamdaman na sana’y malampasan niya at maka-recover siya pagkatapos ng matindi at masusing gamutan sa Amerika.

 

 

Komento nga nila sa entertainment blog:

 

“Praying for her recovery. Aminin, nakakamiss ang isang Kris Aquino.”

 

 

“Praying for Kris and that un nga vloggers na tinitira pa din siya ay manahimik na. Patahimikin na sana sila ni Lord.”

 

 

“Fighting Madam Krissy! Kahit di ko bet na kinampanya mo si Robin, you still have made me so happy and entertained the many years you were active in showbiz. I’m praying for your recovery 🙏’

 

 

“Grabe! Apat na autoimmune diseases. Super hyperactive immune system. I hope they find the right treatment.”

 

 

“Prayers for Kris… Hoping that they find the correct treatment for her..”

 

 

“One autoimmune disease is already difficult and magastos, ano na lang kaya yung apat. Sobrang hirap nyan.”

 

 

“Grabe praying for you Ms Kris! Get well soon! Kailangan ka pa ng mga anak mo.”

 

 

“Sana gumaling ka na Kris. praying for you…”

 

 

“Kung ako di nalang siguro magbibigay ng update kasi grabe ang mga walang pusong bashers lalo na sa fb walang patawad may sakit na nga yung tao.”

 

 

“Krisssy, i love you. You entertained us for years. Keep the faith, we are praying for you and your sons. Please be strong!”

 

 

“Kris entertained me for a lot of years. From games shows, talk shows, her vlogs before na aaliw ako sa kanya. I will pray for her.”

 

 

“Laban lang , Kris. Keep fighting the good fight. You’ll get there!”

 

 

“A shell of her former self…may our Lord heal her fully. Keep fighting Ms Kris and family.”

 

 

“Buti na lang may pera si kris, nadudugtungan buhay nya. kalungkot nga lang, lahat ng pera nya, di nya maenjoy dahil may sakit sya.”

 

 

“Pagaling ka na Krissy! Care bears na sa mga bashers and haters.”

 

 

“Poor Kris. Anti-dilawan ako pero bashers are so inhumane. I admit na during her limelight esp nung naging presidente kapatid nya, for me life was so good and sanay ako na nakikita sya kaliwat kanan sa tv, ads, and ang saya ng life ko nun. Hay.”

 

 

“Praying for your recovery. Father Pio please help her get well🙏”

 

 

“Praying for you Ms Kris 🙏 Stay strong, especially for your kids 🥺😢”God bless you Ms. Kris. You will always be our queen of all media.”

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Pinuri dahil kayang-kaya na gumawa ng action scenes: AJ, dedma na lang sa isyung ‘buntis’ at ‘di rin apektado ang ama na si JERIC

Posted on: August 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGTATANONG ang mga fans ni AJ Raval kung nagbabagong image na ba ng kanilang idol dahil nagulat sila after watching AJ sa Sitio Diablo.

 

Hindi kasi inaasahan ng mga fans na sasabak ito sa matitinding action scenes sa bagong obra ng cult director na si Roman Perez, Jr.

 

Pero in fairness kay AJ, ipinakita ng dalaga na kayang-kaya niya gumawa ng mga action scenes.

 

In fact, maraming pumuri sa husay ni AJ sa kanyang mga eksena sa pelikula. Kahit na isang babae, pinatunayan ni AJ na she has what it takes to be star.

 

Kung minimal man ang eksenang na nagpaseksi si AJ, tiyak naman na may blessing ito ng Viva. Siyempre gusto rin naman ni AJ to try something new, hindi lang basta love scenes na lang lagi.

 

Samantala, mukhang dedma na lang siya sa buntis isyu, dahil nakarampa na siya sa private screening ng movie niya. Pati na rin ang kanyang daddy Jeric Raval ay ‘di apektado, na first time nakapanood ng movie ng kanyang anak.

 

 

 

***
DAHIL sa documentary na “Hulagway” na dinirek ni Ateneo professor at filmmaker Alvin Yapan, natuklasan ng aktres na si Sue Prado na marami tayong local dialects na namatay na or near extinction.

 

Ayon pa kay Sue, magandang discovery ang nangyari sa kanilang research that took them to Palawan, Isabela at ibang lugar sa Pilipinas.

 

Noong unang binanggit sa kanya ni Direk Alvin ang tungkol sa project na ay agad nagka-interes si Sue sa naiibang research na ito tungkol sa ating mga katutubong languages.

 

Nais ni Sue at ni Direk Alvin na maipalabas amg docu sa iba’t-ibang paaralan para magkaroon ng awareness ang mga estudyante sa kahalagahan ng preservation ng ating mga wikang katutubo na iilang tao na lamang ang nakaalam.
Bahagi ng yaman ng ating kultura ang mga katutubong wika na ito kaya marapat lamang na ma-preserve ang mga katutubong wika na ito na hindi na ginagamit ng mga kabataan.

 

 

***

 

HITIK sa action ang Lee Jung Jae film titled Hunt, na pinagbibidahan nina Lee Jung Jae at Jung Woo-Sung.
Sina Park Pyong-ho at Kim Jung-do ay miyembro ng Korean Central Intelligence Agency. Ang mission nila ay mahanap ang mole within the agency at natuklasan nila ang plano sa Korean president sa spy-action film na ito.

 

Matapos nag-request ng asylum ng isang high-ranking North Korean official, kailangan na kumilos sona Park Pyong-ho at Kim Jung-do na mahanap kung sino ba ang espiya sa kanilang hanay.

 

Habang lumalalim ang kanilang imbestigasyon, mapapagsuspetsahan sina Park Pyong-ho at Kim Jung-do na diiumano mga espiya sa loob ng kanilang organisasyon.

 

Paano nila malilinis ang kanilang mga pangalan, lalo na kung hindi naman talaga involved sa masamang plano?
Pero may matinding rebelasyon sa ending na ikaka-shock ng lahat.

 

Matindi ang mga action scenes sa Hunt at halos di ka makakahinga habang nananood.

 

Maganda rin ang pagkakasulat ni Lee Jung-Hae na kwento na tiyak na magugustuhan ng mga mahihilig sa action movies.

 

(RICKY CALDERON)

Pagpapaliban ng 2022 Barangay at SK elections, aprubado sa komite

Posted on: August 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INAPRUBAHAN ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms na pinamumunuan ni Mountain Province Rep. Maximo Dalog, Jr. ang substitute bill na magliliban ng December 2022 Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa susunod na taon.

 

 

Ang substitute bill ay pinagsama-samang mahigit sa 30 panukalang batas.

 

 

Sinabi ni Dalog na kabilang dito ang napagkasunduan ng mga miyembro sa ginanap na August 16, 2022 meeting ang paglilipat ng synchronized Barangay at SK elections sa unang Lunes ng December 2023 na susundan kada tatlong taon.

 

 

Papayagan din ang incumbent officials na magkaroon ng holdover capacity hanggang sa mahalal ang kapalit o susunod nitong opisyal.

 

 

Ilan sa nais mangyari sa pagpapaliban ng halalanan ay upang mabigyan ng panahon ang mas nakararaming pinoy a makapag rehistro at mabigyan ng pagkakataon ang gobyerno na makapagpatupad ng corrective actions sa honoraria ng poll workers na ang allowance at pinapatawan ng buwis.

 

 

Inaprubahan din ng komite ang kaukulang committee report. (Ara Romero)

Mga nasasawi dahil sa COVID-19 ngayong taon pumalo na sa 1-M – WHO

Posted on: August 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NASA mahigit isang milyon na ang nasawi dahil sa COVID-19 ngayong taon lamang.

 

 

Ayon sa World Health Organization (WHO), isang nakakalungkot na balita ito dahil sa may mga kaparaanan na sana para ito ay malabanan.

 

 

Mula ng ma-detect ang nasabing virus noong 2019 ay mayroon ng mahigit anim na milyon ang nasawi.

 

 

Sinabi pa ni WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus na hindi masasabing nagtagumpay na ang mundo sa paglaban sa COVID-19 kung mataas pa rin ang bilang ng mga nasasawi dahil sa virus.

‘Florita’ iniwan P33.7-M halagang pinsala sa imprastruktura, P3.4-M sa agrikultura

Posted on: August 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MILYUNG -milyong halaga ng pinsala na ang idinulot ng nagdaang bagyong “Florita” sa buong Pilipinas sa ngayon ayon sa  National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) — ito habang apektadong populasyon lumobo sa 71,468 katao.

 

 

Ayon sa NDRRMC, Biyernes, umabot na sa P33,700,000 halaga ng damage na ang naidulot ng sama ng panahon sa buong bansa:

 

Ilocos Region (P10,200,000)

Cagayan Valley (P23,500,000)

 

 

Pagdating sa sektor ng agrikultura, pumalo na sa P3.414,672 ang halaga ng production loss o pinsala sa Region 1.

 

 

Sinasabing 324 magsasaka at mangingisda na ngayon ang apektado na siyang sumasaklaw sa 633 ektaryang taniman na bahagyang na-damage. Aabot naman na sa 223 metric tons ang volume ng production loss sa ngayon.

 

 

Bukod pa sa imprastruktura at agirkultura, aabot naman sa 33 kabahayan ang nasira mula sa Ilocos, Cagayan Valley at Cordillera Administrative Region.

 

 

Ganito ang itsura sa ngayon ng mga apektadong populasyon kung titilad-tilarin:

 

patay (2 kumpirmado, 1 for validation)

sugatan (3 kumpirmado, 1 for validation)

apektadong tao (71,468)

lumikas sa loob ng evacuation centers (3,700)

lumikas na wala sa evacuation centers (630)

 

 

Nakapagbigay naman na ng P6.32 milyong halaga ng tulong sa ngayon para sa mga pamilyang naapektuhan sa Regions 1, 2, 5 at Cordillera.

 

 

Kasama na sa mga naipamahagi ang family kits, hygiene kits, family food packs, atbp.

 

 

“As of August 25, more than P4.4 million worth of food and non-food items were already sent [by the Department of Social Welfare and Development] to affected localities, with the bulk of assistance worth P3.1 million delivered in Region II,” wika ng DSWD sa isang pahayag nitong Huwebes.

 

 

“The rest were provided in Regions I, III, CALABARZON, and the Cordillera Administrative Region (CAR).” (Daris Jose)

Budget, DepEd execs ginisa sa ‘overpriced’ laptops

Posted on: August 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGISA ng Senado ang mga opisyal ng Department of Budget and Management (DBM) at Department of Education (DepEd) kaugnay sa pag-apruba nito sa Procurement Service (PS) ng DBM sa pagbili ng umano’y overpriced laptops.

 

 

Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, tinanong ni Sen. Ronald dela Rosa ang DepEd bakit pumayag sa pagbili ng PS-DBM ng P58,000 laptop bawat isa.

 

 

Giit ni Dela Rosa, maliwanag sa record na pumayag ang DepEd na bumili ng laptop na mula sa P35,000 ay ginawa itong P58,000.

 

 

Paliwanag naman ni dating DepEd secretary Leonor Briones, si DepEd Usec. Alain Pascua ang dapat magpaliwanag dahil siya ang information communications technology chief.

 

 

Paliwanag naman ni Pascua na binigyan siya ng PS-DBM ng action slip bago pa ang pagbili kung saan nakasaad dito ang bilang at presyo ng laptops at si ICT Director Abram Abanil din umano ang pumirma sa action slip. (Daris Jose)

Presyo ng asin tumaas, pero suplay sapat – DTI

Posted on: August 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

IDINEPENSA  ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pangangailangan ng pagtataas ng presyo ng asin sa mga pamilihan at supermarkets.

 

 

Sa Laging Handa public briefing, iginiit ni DTI Undersecretary Ruth Castelo na ang mga gumagawa ng asin ay may anim na taon nang hindi nagtataas ng presyo kaya dapat maintindihan ang ginawang pagtataas ng presyo ng mga ito na kanila namang pinagbigyan.

 

 

Batay sa mga ulat, nagtaas ng P0.75 hanggang higit P3.00 ang presyo sa rock salt at iodized salt.

 

 

Paliwanag pa ni Castelo hindi kapos ang supply ng locally produced na asin sa bansa kaila­ngan lang talaga may bahagyang taas sa presyo.

 

 

Aniya, may apat na malalaking kumpanya ang gumagawa ng asin sa bansa habang mayroon din mga imported kaya hindi magkukulang ang suplay nito. (Daris Jose)

DOTr nilinaw na walang budget para sa Libreng Sakay sa taong 2023

Posted on: August 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NILINAW  ni Transportation Undersecretary for Road Transport and Infrastructure Marke Steven Pastor na hindi nakatanggap ng alokasyon sa 2023 budget ng ahensya ang pagpapatuloy ng programa ng Department of Transportation (DOTr) na magbigay ng libreng sakay sa mga commuter sa susunod na taon at magbigay ng insentibo sa mga driver at operator ng public utility vehicle (PUV).

 

 

Aniya, humiling ang ahensya ng P12 bilyon para sa service contracting program para sa taong 2023.

 

 

Sa ilalim ng National Expenditure Program (NEP), ang DOTr ay may panukalang badyet na P171.1 bilyon para sa susunod na taon, mas mataas ng 120.4% mula sa P75.8 bilyon noong 2022.

 

 

Ang service contracting o “Libreng Sakay” program ay inisyatiba ng DOTr at ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na inilunsad noong huling bahagi ng 2020 sa ilalim ng Republic Act No. 11494 o ang Bayanihan to Recover as One Act para matulungan ang mga commuter at mga sa sektor ng pampublikong sasakyan na apektado ng pandemya.

 

 

Sa ilalim ng service contracting program, ang mga operator at driver ng PUV na lumahok sa libreng ridership program ng gobyerno ay makakatanggap ng payout at lingguhang bayad batay sa bilang ng mga kilometrong binibiyahe kada linggo, may pasahero man sila o wala.

 

 

Ipinagpatuloy ng DOTr ang pagpapatupad ng programa noong 2021 at 2022.

 

 

Naunang inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang Special Allotment Release Order (SARO) at ang Notice of Cash Allocation (NCA) na nagkakahalaga ng P1.4 bilyon, na sasakupin ang karagdagang pondo na kailangan para sa pinalawig na Libreng Sakay program mula Setyembre 1 hanggang Disyembre 31, 2022. (Daris Jose)

Disney’s Live-Action ‘Pinocchio’ Trailer Reveals the Wooden Boy / James Cameron’s Remastered Version of ‘Avatar’ Returns to Philippine Cinemas

Posted on: August 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

DISNEY’S live-action adaptation of Pinocchio has dropped a new trailer, and it finally gives us a good look at the iconic character from the classic Disney film.

 

 

Watch the new trailer below: https://www.youtube.com/watch?v=hL5SSIRBatk

 

 

After Beauty and The Beast, Mulan, Lion King, and Aladdin, the beloved tale of Pinocchio is next to get a live-action adaptation from Netflix. As seen in the trailer, the live-action Pinocchio does not stray away from the classic design, while his father, Gepetto, is brought to life by Tom Hanks.

 

 

Pinocchio tells the story of the woodworker Gepetto who wishes that the puppet he made would come to life. His wish gets granted, and he treats Pinocchio like his son. However, the wooden boy would find himself in all sorts of mischief, and would soon be shipped to Pleasure Island where there are no rules for boys like him– a deal that comes with scary consequences.

 

 

Alongside Tom Hanks are stars Benjamin Evan Ainsworth who will voice Pinocchio, Joseph Gordon-Levitt as Jiminy Cricket, Lorraine Bracco as Sofia the Seagull, Cynthia Erivo as the Blue Fairy, Keegan Michael-Key as Honest John, and Luke Evans as the Coachman.

 

 

The film is set for release on Disney Plus this September 8. It is yet to be announced if the film will be available in Philippine theaters.

 

 

***

 

 

JAMES Cameron’s Academy Award®-winning 2009 epic adventure “Avatar,” the most successful film of all time, returns to Philippine cinemas September 21 — now in a remastered version.

 

 

Check out the new trailer and new poster art to celebrate the re-release of the 2009 film.

 

 

 

Written and directed by Academy Award® winner James Cameron, “Avatar” stars Sam Worthington, Zoe Saldaña, Stephen Lang, Michelle Rodriguez, and Sigourney Weaver. The film was produced by James Cameron and Jon Landau.

 

 

Nominated for nine Academy Awards® including Best Picture and Best Director, the film won three Oscars®, for Best Cinematography, Production Design and Visual Effects.

 

 

(ROHN ROMULO)

Gilas Pilipinas bigo kontra Lebanon, 85-81; 27-pts ni Clarkson nasayang

Posted on: August 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NABIGO ang Gilas Pilipinas kontra sa Lebanon, 85-81 sa kanilang paghaharap sa 4th window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers kaninang madaling araw.

 

 

Sa unang quarter ay hawak pa ng Gilas ang kalamangan hanggang sa mahabol ito ng powerhouse team na Lebanon sa laro na ginanap sa Nouhad Nawfal Sports Complex.

 

 

Bumandera sa panalo ng Lebanon ang tinagurian ngayon na Asia’s best point guard na si Wael Araki na nagtala ng 24 points.

 

 

Sa panig naman ng Gilas, nasayang ang nagawang 27 points, pitong assists at anim na rebounds ng Filipino naturalized player na si Jordan Clarkson.

 

 

Sa first half ng laro ay agad na uminit ang Utah Jazz star ng kumamada ng 18 points kasama na ang buzzer beater na 3-points.

 

 

Hindi naman tinantanan si Jordan ng matinding pangangantiyaw ng mga fans ng mga Lebanon.

 

 

Ang 7-footer na si Kai Sotto ay nag-ambag naman ng 10 points, eight rebounds, at two blocks.

 

 

Pagdating sa rebounding mas marami ang nagawa ng mga Pinoy, 48 to 36.

 

 

Gayunman, sinasabing ang nagpatalo sa Pilipinas ay ang nagawang 21 turnovers kontra sa siyam lamang para sa Lebanon.

 

 

Narito players scores: Clarkson 27, Ramos 18, Aguilar 11, Sotto 10, Thompson 4, Newsome 3, K. Ravena 3, Malonzo 3, T. Ravena 2, Tamayo 0, Parks 0, Oftana 0