• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 30th, 2022

Matapos magbitiw ng nakakainsultong pahayag sa mga guro ukol sa education aid payout: Tulfo, nag- sorry

Posted on: August 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAG-SORRY si Social Welfare Secretary Erwin Tulfo sa mga guro dahil sa kanyang nakakainsultong pahayag sa mga ito  kaugnay pa rin sa pamamahagi ng educational cash assistance ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

 

 

Humingi ng paumanhin si Tulfo sa grupong Alliance of Concerned Teachers (ACT) at Teachers’ Dignity Coalition (TDC).

 

 

“Hihingi lang ho ako ng pasensya at paumanhin sa mga guro natin na nasaktan doon sa sinabi natin. Sinita tayo ng ACT Teachers party-list na hindi maganda ‘yung nasabi natin na pinagdududahan ang mga teachers natin doon sa pamimigay ng ayuda,” ani Tulfo.

 

 

“Hindi ganun eh. Ang sinabi ko ho ay baka mapag-isipan sila o maakusahan na namimili na dahil may mga kaanak,” dagdag na pahayag ng Kalihim.

 

 

Sa ulat, sinabi ni Tulfo na baka mayroon daw mga guro na papaboran ang mga estudyante sa pamamahagi ng educational assistance dahil kamag-anak nila ang mga ito.

 

 

“Baka maulit na naman na may pinaburan si teacher dahil pinsan niya ‘yung estudyante niya. Eh alam niyo naman po ‘yung mga teacher natin. Do’n lang nakatira sa paligid-ligid. Baka na naman ma-accuse na naman ho ang mga teacher. Kawawa naman,” ayon sa Kalihim.

 

 

Bilang tugon sinabi naman ni ACT Chairperson Vladimer Quetua na iresponsable ang naging pahayag ng DSWD chief.

 

 

“Isa itong napaka-iresponsableng pahayag mula sa iresponsableng opisyal na utak ng palpak na sistema ng pamamahagi ng ayuda para sa mga estudyante. Sir, you cannot cover up your own failures by nitpicking on others. Huwag kami,” ani Quetua.

 

 

Samantala, para naman kay TDC National Chairperson Benjo Basas, napaka-unfair daw na i-generalize ni Tulfo ang mga guro sa pag-kuwestiyon sa kanyang integridad.

 

 

“Napaka-unfair na i-generalize ang mga guro dahil ito ay pagkuwestiyon na sa aming integridad,” ani Basas.

 

 

“Masakit marinig itong sinabi ni Sec. Tulfo, parang sinasabi niyang mandaraya ang mga guro at nagbibigay ng pabor sa mga kamag-anak. Eh wala naman kaming kontrol sa mga programa na ‘yan kung sakali, we only facilitate and work based on the policies,” dagdag na pahayag ni Basas. (Daris Jose)

WATCH THE NEW “HEROES REUNITED” FEATURETTE FOR “SPIDER-MAN: NO WAY HOME” RETURN ENGAGEMENT

Posted on: August 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MANILA, August 29, 2022 — What’s better than one Spider-Man? How ‘bout 3?!

Columbia Pictures has just unveiled a new vignette entitled “Heroes Reunited” which features Tom Holland, Andrew Garfield and Tobey Maguire discussing their collaboration in Spider-Man: No Way Home.

Check out the video below and don’t miss Spider-Man: No Way Home back in Philippine cinemas for a limited time with new footage on September 7.

YouTube: https://youtu.be/Q7ctxb31fqc

[The film’s re-release spot may be viewed at https://youtu.be/OVY8g29JjIk]

The updated version of Spider-Man: No Way Home will feature extended scenes and 11 minutes of never-before-seen footage.  The return engagement comes in celebration of 60 years of the Spider-Man comic book character, in addition to the last two decades of Spider-Man films gracing the big screen.

About Spider-Man: No Way Home

In Spider-Man: No Way Home, for the first time in the cinematic history of Spider-Man, our friendly neighborhood hero’s identity is revealed, bringing his Super Hero responsibilities into conflict with his normal life and putting those he cares about most at risk. When he enlists Doctor Strange’s help to restore his secret, the spell tears a hole in their world, releasing the most powerful villains who’ve ever fought a Spider-Man in any universe. Now, Peter will have to overcome his greatest challenge yet, which will not only forever alter his own future but the future of the Multiverse.

The film is directed by Jon Watts, written by Chris McKenna & Erik Sommers, and based on the MARVEL Comic Book by Stan Lee and Steve Ditko. Kevin Feige and Amy Pascal are producers and Louis D’Esposito, Victoria Alonso, JoAnn Perritano, Rachel O’Connor, Avi Arad, and Matt Tolmach are executive producers. The film stars Tom Holland, Zendaya, Benedict Cumberbatch, Jacob Batalon, Jon Favreau with Marisa Tomei.

Spider-Man: No Way Home is distributed by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International.  Connect with the hashtag #SpiderManNoWayHome

 

(ROHN ROMULO)

Para paghusayin ang industriya ng pag-aasin, plano ng administrasyong Marcos, inilantad

Posted on: August 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TUTULONG ang administrasyong Marcos para sa modernisasyon ng industriya ng pag-aasin.

 

 

Sa katunayan,  isiniwalat  ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles ang plano ng administrasyon para paghusayin ang salt production sa bansa.

 

 

Sa isang kalatas, sinabi ng Office of the Press Secretary (OPS) na ang  Department of Agriculture, na pinamumunuan ni  Pangulong Ferdinand  Marcos Jr., ang mangunguna sa usaping ito kasama ang ilang ahensiya ng gobyerno.

 

 

Ang plano ayon kay Cruz-Angeles ay kinabibilangan ng mga sumusunod:

 

 

Ang DA ay magi-implementa ng mga programa at inisyatiba  para palakasin ang salt production at supply; pangungunahan naman ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang iba’t ibang  “research and development initiatives” sa  salt production at tulungan ang  marginal at artisanal salt makers; pagsasakatuparan ng  Development of the Salt Industry Project (DSIP) para sa salt makers sa Regions 1, 6 at 9; palalawigin ng DA ang  salt production areas at isusulong ang “development of technologies to accelerate salt production” ; at ang gagawing pakikipagtulungan ng DA sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Science and Technology (DOST), and Department of Trade and Industry (DTI) para i-develop  ng husto ang local salt industry sa ilalim ng Republic Act 8172, o Act for Salt Iodization Nationwide (ASIN).”

 

 

Itinaas naman ng DTI ang presyo ng asin makaraan ang ilang taon na hindi nababago ang presyo nito.

 

 

Sa katunayan, inaprubahan nito ang pagtaas sa presyo ng  iodized rock salt sa P21.75 para sa 500 grams at  P23.00 para sa one kilogram.

 

 

“When it comes to iodized salt, the suggested retail price for a 100-gram pack is set at P4.50, while the price for a 250-gram pack ranges from P9.00 to P11.75 and P16.00 to P21.25 for a 500-gram pack. One kilogram of salt is priced at P29.00,” ayon sa DTI.

 

 

Sa gitna ng pagtaas,  pinanindigan naman ng DTI na walang nagaganap na kakapusan sa suplay ng asin sa bansa. (Daris Jose)

LTFRB, pinalawig ang deadline ng aplikasyon para sa special permit ng mga ibinalik na PUB routes

Posted on: August 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINALAWIG  pa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang deadline para sa pagsusumite ng aplikasyon sa special permit ng mga binuksang ruta.

 

 

Sa abiso ng LTFRB, maaari pang mag-apply ng special permit ang mga bus operators hanggang sa katapusan ngayong buwan.

 

 

Inihayag din ng ahensya na valid at epektibo na ang mga naunang naisumiteng aplikasyon kahit wala pang SP, basta’t may hawak na itong received copy Land Transportation Office (LTO); at Valid Personal Passenger Accident Insurance.

 

 

Kung maalala, nasa 33 ruta ng PUBS ang binuksan ng LTFRB simula noong Aug. 18, na bahagi ng paghahanda sa balik-eskwela ng mga estudyante.

 

 

Sa pinakahuling datos ng ahensya, nasa 3,000 bus units na ang binigyan ng SP para maka-operate sa mga binuksang ruta.

Natsugi na sina Misha at Nisha sa ‘Idol Philippines’: REGINE, inaming ‘devastated’ silang mga hurado sa naging resulta ng botohan

Posted on: August 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SA Twitter post ni Asia’s Songbird Regine Velasquez, inilahad niya ang kanyang nararamdaman sa naganap na tanggalan sa ‘Idol Philippines’, “Alam ko maraming nagulat sa inyo, kami rin. Sabi nga ni @chitomirandajr devastated kami.

 

 

“Pero ito talaga ang patunay na YOU guys have the power to choose who will be the next @idolphilippines so VOTE for your favourite. #goodNate.”

 

 

Hindi nga kayang itago ni Regine ang kanyang pagkadismaya na tulad ng reaksyon ng mga manonood sa naging resulta ng botohan sa “Idol Philippines” last Sunday.

 

 

Hindi rin inasahan ng mga hurado ang magtsutsugi ay sina Misha De Leon at Nisha Bedaña sa naturang reality-singing competition.

 

 

Naunang nag-tweet si Chito Miranda, right after the elimination at say niya, “Sasabihin ko ulit: Devastated. As judges, we could only do so much. Nagkakatalo talaga sa votes. Please, please, please vote for your chickens.”

 

 

Nag-express ng kanyang saloobin ang isa pang hurado na si Gary Valenciano, sa kanyang tweet, “It was a tough night for us and many of you who joined us tonight. But that’s why your votes are important. If you believe in someone, don’t just hope but vote for that hopeful to get in to the next round!!!”

 

 

Pasok naman sa next round sina Ann Raniel, Bryan Chong, Delly Cuales, Khimo Gumatay, Kice, PJ Fabia, Ryssi Avila, at Trisha Gomez.

 

 

Kaya naman super mega-react ng mga Twitter followers sa post ng nanay ni Songbird…

 

 

“I think it would also help if the show can also show the percentage of judges scores, voting scores, and then the overall. It’s more transparent.”

 

 

“Pero dapat Ms. Reg 75% score manggagaling sa inyong mga judges. Dapat mas mabigat ang Say ninyo kesa voting. Kasi ang voting puwedeng Bias. Puwedeng mas madaming pera ang camp ng iba kesa sa mas deserving.”

 

 

“Eh di sana po wala na lang judges. Popular votes na lang kahit di singer pwede rin iboto. Parang ganun eh.”

 

 

“Yun kac ang system ng idol franchise mas malala pa nga sa iba kac full vote choice pa nga dapat yan ‘gang finals wala ng say ang judge hehehe buti nga sa ph eh kahit papano may percent pa rin judges.”

 

 

“It would’ve been better if the judges has the final say or has the more power or atleast kahit 70 na lang sa judge and 30 sa votes if gusto ng kita. What if nagkalat yung performer pero dahil maraming bumoto, natalo niya pa yung magaling that night?”

 

 

“Eh bakit kase pinili nyong mga judges yang mga singer na yan… tapos i elliminate nyo din paisa isa. tapos isasama nyo sa option ng viewers yung alam nyo ng hndi kagalingan? dapat sa una palang isang singer nlng punili nyo tas tapos na. db? hmmm tapos ang blame sa audience?”

 

 

“Honestly i don’t like sa pumasok sa top 8. Sana nman pag Idol yung datingan idol din para naman may benta. Sana sinama amg looks hindi lang dahil sa ganda ng boses. Sorry to say PJ doesn’t deserve kasi di sya marketable. Just my opinion.”

 

 

“Ano pang silbi ng judges kung pwede naman palang piliin ang winner through buying of votes. So ridiculous.”

 

 

“Would like to share my humble opinion…Kice is still in the running kasi althoughhe is not the strongest of singers, he has something different to offer…si Nisha maganda naman boses kaya lang parang same repertoire…my top 3: Bryan, Trisha and Kice.”

 

 

“Dapat kase 70-30 eh. Judges naman kase ang tunay na nakakakita ng husay ng mga yan, on stage or not. Kawawa din ang mananalo if sa isip ng tao hindi siya deserving. Baon agad sa pagkalaos yan.

 

 

“Alam mo miss reg. dapat mas controlado nyo nalang ang pag judge kaysa s votes!. Mga bumoboto eh kht walang alam s singing pwde mag vote.. Pero kayong mga judges mas may alam sino tlga ang magagaling! Sayang yung dalawang sha!!”

 

 

Yes sila pa rin. Give the lowest 2 talaga from sa side nila as judges ng 10/50 or pwede din 5/50 tutal hindi naman nila pinapakita scoring dba. Pag ako nag judge jan ganun ako. Kasi kawawa naman yung deserving talaga

 

 

Comment pa ng ilang netizens…

 

 

“Ibalik kasi ang text votes. Ndi lahat ng tao may access sa UPLive.”

 

 

Pang rich lang kasi ang uplive voting, paano kung wala ka n pambili ng diamond…”

 

 

“Sana yung bottom 3 na lang ang may uplive votes para worthy yung score ng judges in overall performances sad lang to send-off yung power contenders.”

 

 

“Paano kami magvovote e d pa nagperform si khimo at iba pa sa channel5, nkpost na sila sa youtube which means di pala kau live. Taping lang pala ang pacontest nyo. Unfair. Saturday napanuod ng iba ung performance ng 6, tapos d ko pa nppnuod si nisha, tapos na pala ang voting. Wow!”

 

 

“The power should be in you, judges. Only those with budget to buy diamonds can vote as much! Pamilya ni Trisha maraming pambili ng diamonds, I guess. Di niya po deserve.”

 

 

“Deserve ni Nisha na makapasok pero natalo pa sya ni Kice pangit naman yung pagkakanta nya, iba talaga pumili mga taong bayan hehe. Galing bumoto!”

 

 

“Voting really sucks!..sana wla nlng voting eh, judges nlng ang magdecide kung sino tlga deserving..really felt sorry for Nisha and Misha they are much better than those two na nakapasok😭🥴”

 

 

“At the end of the day, ang fans ang magdedesisyon kung sino ang sisikat at hindi. Kung may makinarya man ang contestant sa dulo ang totoong may fans ang sisikat.”

 

 

Kaya suggestion ng ng twitter followers:

 

“Please have Nisha and Misha sa ASAP kahit 2x a month lang. These ladies are so good… pleasing to the ears and to the eyes!”

 

 

“Waiting Nisha Bedaña on
@ASAPOfficial
Mas gaganda pa yan sa mga Biritan nila Raven at Ella nympha sobrang Power Empact pa ni Nisha!!
“Naganda c nisha, she can be a star in the making just like gigi delana.”
At dahil nga sa pinag-uusapan ang kontrobersyal na tsugihan, umaasa ang mga netizens na sana ay magkaroon ng ‘wildcard’ competition para naman makabalik ang deserving at magkaroon uli ng spot para manalong Idol Philippines.

 

 

Say pa ng netizens na para kay Nisha, “I hope may wildcard for nisha. eto nalang po, ibigay nyo na samin to HAHHAAHHAHHA,”

 

 

“Bring back nisha. SYA DAHILAN BAKIT AKO NANONOOD NG IDOL PHILIPPINES!”

 

 

(ROHN ROMULO)

PBBM, binigyang -pugay ang mga kababaihan at kalalakihan na nagpagmalas ng kagitingan para sa bayan

Posted on: August 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BINIBIGYANG-pugay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang lahat ng mga kababaihan at kalalakihan na nagpamalas ng kanilang  kakaibang katapangan at giting sa  pakikipag-laban at nagsakripisyo alang-alang sa bayan.

 

 

Ang mensahe na ito ng Pangulo ay matapos magpahayag na kaisa siya ng sambayanang Filipino  na nagdiriwang ngayon ng National Heroes Day o Araw ng mga Pambansang Bayani, Agosto 29.

 

 

“We remember and honour each of them for the sacrifices they made in our behalf so that we may live in peace, security and liberty as well as realize  our full  potential as Filipinos,” ang bahagi ng mensahe ng Pangulo.

 

 

Sinabi ng Chief Executive  na hindi dapat na malimutan ang naging pamana o legado ng mga bayani sa kanilang naging kabayanihan na aniya’y nakikita rin naman ngayon sa  mga medical professionals, civil servants,  uniformed personnel at mga ordinaryong mamamayan.

 

 

“Their deeds not only remind us of the nobility of our race, but laso invite us to take part in the difficult  but rewarding task of nation-building,” aniya pa rin.

 

 

Ayon pa sa Punong Ehekutibo, ang mga filipino ay patahak sa kadakilaan at nananatiling nananalaytay sa dugo nito ang kabayanihan.

 

 

Sa huli ay inihayag ni Pangulong Marcos na ang bawat isa’y may kani-kanyang taglay na kabayanihan na maaaring ipagmalaki at magsilbing inspirasyon sa mga susunod na henerasyon.

 

 

“We are Filipinos,  a people destined to greatness. In our veins flow the blood of heroes and in our bodies reside  the indomitable spirit required to accomplish incredible feats so long as we manifest our will into action,” ayon sa Pangulo sabay sabing “As we celebrate this day dedicated to our nation’s heroes, let us strive to fulfill our own promise so that we may also be heroes in our own right and a source of pride and inspiration for the succeeding genaration of Filipinos  to emulate.” (Daris Jose)

Gilas reresbak sa Saudi

Posted on: August 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

IBUBUHOS na ng Gilas Pilipinas ang lahat upang masikwat ang panalo laban sa Saudi Arabia sa pagpapatuloy ng fourth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers ngayong gabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

 

 

Magtutuos ang Gilas Pilipinas at Saudi sa alas-7 ng gabi kung saan inaasahang daragsain ang venue upang suportahan ang Pinoy cagers sa laban nito.

 

 

Inaabangan na ng lahat ang debut ni NBA star Jordan Clarkson ng Utah Jazz sa harap ng mga Pinoy fans.

 

 

Ito ang unang pagkakataon na maglalaro si Clarkson sa Maynila kaya’t excited na rin ang Filipino-American cager na maramdaman ang init ng suporta ng mga Pilipino.

 

 

Bago ang laro, bumisita pa si Clarkson sa Tenement Basketball Court sa Taguig para masilayan ang mga fans nito doon kahapon.

 

 

Makakasama ni Clarkson si 7-foot-3 center Kai Sotto ng Adelaide 36ers na bumiyahe pa mula sa Adelaide, Australia para makasama ang Gilas Pilipinas sa fourth window.

 

 

Lamang ang Gilas Pilipinas sa Saudi kung height at talento ang pag-uusapan.

 

 

Nariyan din sina reig­ning PBA MVP Scottie Thompason, Japeth Aguilar at Dwight Ramos na may pinakamataas na efficiency rating sa kanilang huling laro.

 

 

Desidido ang Gilas Pilipinas na makabawi mula sa masaklap na 81-85 kabiguan sa kamay ng Le­banon noong Biyernes sa Beirut, Lebanon.

 

 

Kaya naman ilalabas ng Gilas Pilipinas ang lahat para makabalik sa porma ang tropa at mabigyan ng magandang laro ang mga Pinoy fans.

 

 

Laban sa Lebanon, humataw si Clarkson ng 27 puntos habang nakalikom naman si Ramos ng 18 puntos mula sa 5-of-11 field goal shooting.

 

 

Mawawala naman sa lineup ng Gilas si Carl Tamayo na bumalik na sa kampo nito sa University of the Philippines.

 

 

Nakatakdang tumulak ang Fighting Maroons sa South Korea para sumalang sa ilang tuneup games laban sa mga koponan ng Korean Basketball League (KBL) bilang paghahanda sa UAAP Season 85 title defense ng UP.

 

 

Papalitan ni Roosevelt Adams si Tamayo sa lineup.

 

 

Nagsilbing reserve lamang si Adams sa laban ng Pilipinas at Lebanon.

May pa-surprise birthday party sa kanya sina Rhian: MAX, wish na magka-international project kaya nag-audition sa Amerika

Posted on: August 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NASURPRESA ang lahat ng mga nakarinig na para sa isang batikang aktres at the same time, mahusay na director na si Gina Alajar nang aminin nito na kinakabahan siya portraying the role of Lola Joy in “Start-Up Ph.”

 

 

Ito ang GMA Network’s adaptation ng Korean drama na “Start Up.” May mga kumuwestiyon kay Direk Gina during the online mediacon. Parang hindi naman daw siguro totoo na kinakabahan pa ito sa husay niyang actress.

 

 

Pero napa-‘on point,” at “tama” siya nang sabihin namin sa kanya na parang nage-get namin kung saan nanggagaling ang kaba niya. Dahil ‘yung role na ginagampanan niya ngayon ang maituturing na pinaka-importante, if not, ang puso ng “Start-Up Ph.”

 

 

Ang role kasi niya ang naging well-loved character ng drama. Lalo na ‘yung mga eksena nila rito ni ‘Good Boy’ na gagampanan naman ni Alden Richards.

 

 

Sabi ni Direk Gina, “Tamang-tama, you hit the point! Kasi, there will be comparison. Lalo na sa mga nakapanood. Tama ka, well-loved si Mrs. Joy.

 

 

“Actually, maraming nagsasabi nga na siya ang buhay ng ‘Start-Up’, puso ng ‘Start Up’, so ‘yon, the pressure comes from there. Will I be able to do the same, will I be able to give the heart? Gano’n kaya ang mangyayari?”

 

 

Sabi naman namin sa kanya, positibo naman kami na makikita ng mga manonood ito with her acting ability na lang.

 

 

***

 

 

NAGKAROON ng pa-surprise birthday party para kay Max Collins ang mga kaibigan niya, kabilang na rito ang isa pinakamalapit niyang kaibigan ngayon na si Rhian Ramos.

 

 

Ang alam daw ni Max, mag-staycation lang sila sa Okada Manila, pero pagpasok niya, naka-set-up ito, with all her friends at may mga paandar pa. May Marina Summers din na inimbitahan.

 

 

Naka-chat namin si Max at masayang-masaya nga raw siya. Sey niya, “My friends surprised me with intimate part at Okada, I was so happy that Marina Summers from Drag Race Philippines performed pa.”

 

 

Sa ngayon, kung may birthday wish daw si Max, talaga ang gusto niya ay sana raw, magkaroon siya ng international project this year. Few months back nga, nag-audition din siya sa U.S.

 

 

Pero ayon din kay Max, meron daw siyang exciting project na paparating, pero confidential pa. Pero goal niya ay makagawa pa ng maraming films at mas mag-grow as an artist.

 

 

Ang asawa at matagal na nababalitang kesyo hiwalay na sila na si Pancho Magno ay nag-greet naman sa Instagram nito kay Max na, “Happy Birthday Mommah.”

 

 

Nireplayan ito ni Max ng tatlong hearts emojis.

 

 

 

(ROSE GARCIA)

P453-B inilaan para sa climate-related expenditure para sa 2023

Posted on: August 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ISASAMA  sa panukalang National Expenditure Program (NEP) for 2023  ang P453 billion para sa climate change adaptation at mitigation programs at projects.

 

 

Sa isang  press statement, sinabi ng Department of Budget and Management (DBM) na ang climate-related expenditure para sa susunod na taon ay 56.4% na mas mataas kumpara sa P289.73 bilyon ngayong taon.

 

 

Sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na nag-document ang kanyang tanggapan  ng  average na 21.3 percent increase sa climate-related expenditures mula  2015 hanggang 2023.

 

 

“With the continuous help of implementing agencies and of every Filipino, we can work towards climate resiliency to safeguard a sustainable future for our country,” ayon kay Pangandaman.

 

 

Ang  joint memorandum ay naglalayong “i-  track, monitor, and report programs that help address and alleviate problems posed by climate change.”

 

 

Ang CCET process ay hakbang para sa progreso sa implementasyon ng climate change initiatives.

 

 

Tinukoy ang  CCET results, sinabi ng  DBM na  P264.89 billion ay inilaan para sa Water Sufficiency projects na binigyang prayoridad ng kasalukuyang administrasyon, P131.51 billion para sa Sustainable Energy; at P40.78 billion para sa Food Security.

 

 

Makatanggap ang Department of Public Works and Highways ng  budget allocation na P168.9 billion para sa Flood Management Program.

 

 

“This will cover the construction and rehabilitation of flood-mitigation structures and drainage systems nationwide,” ang pahayag ng  Budget department.

 

 

Ang National Greening Program ng  Department of Environment and Natural Resources ay makakakuha ng P2.49 billion para sa pagtatanim ng  6.18 million seedlings sa 11,631 hectares ng land resources, Protected Areas Development and Management Program, at Management of Coastal and Marine Areas.

 

 

Nakatuon ang pansin ng Pangulo sa pagtugon sa climate change dahil sa kinikilala nito ang Pilipinas bilang  “one of the most vulnerable countries to the impact of extreme climate disasters.” (Daris Jose)

Matapos umani ng pauri sa acting sa ‘The Influencer’: SEAN, napiling bida sa ‘Fall Guy’ at ipalalabas sa international filmfest

Posted on: August 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ANG swerte naman ni Sean De Guzman.

 

 

Matapos umani ng papuri sa acting sa huling movie niya na ‘The Influencer’, nakatakdang mag-premiere sa isang prestigious international filmfest sa Europe ang latest movie niya titled ‘Fall Guy.’

 

May second invite na ang ‘Fall Guy’ sa isang prestigious film festival sa Asia.

 

 

Si Joel Lamangan ang director ni Sean sa movie na siya rin ang nag-direk sa debut film ng aktor na ‘Anak ng Macho Dancer’.

 

 

Bilib si Direk Joel sa acting ni Sean kaya ito ang pinili niya na magbida sa ‘Fall Guy’ na ang script ay isinulat ni Troy Espiritu.

 

 

Isa pang maganda kay Sean, palaban ito sa mga sexy scenes, kahit na may nudity.

 

 

Basta raw may tiwala siya sa director ay gagawin niya kahit na anong eksena na ipagawa sa kanya.

 

 

Pero gusto rin patunayan ni Sean na may ibubuga siya sa acting kaya game din siya sa paggawa ng role na may hatid na acting challenge.

 

 

***

 

 

BUKOD sa ‘Darna’, na pinagbibidahan ni Jane De Leon, ano pa kayang creation ni Mars Ravelo ang gustong gawin serye ng ABS-CBN?

 

 

Kabilang sa mga creations ni Mars Ravelo na na-adapt na sa telebisyon ay ‘Lastikman’ at ‘Tiny Tony.’

 

 

Bida sa ‘Lastikman’ si Vhong Navarro at si John Prats sa ‘Tiny Tony.’

 

 

Ang hindi pa nagawan ng tv series ng ABS-CBN ang ‘Dyesebel’ bagamat nagawa na ito ng GMA na kung saan bida si Marian Rivera, at ilang beses na itong naisalin sa pelikula.

 

 

Kung sakaling maisipan ng Kapamilya Channel na gawin itong serye, sino sa mga favorite ninyong Kapamilya star ang gusto ninyong gumanap na Dyesebel?

 

 

(RICKY CALDERON)