• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 30th, 2022

EJ Obiena muli na namang nakasungkit ng gold medal sa Germany

Posted on: August 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PATULOY sa kanyang pamamayagpag sa Europa ang Pinoy Olympian na si EJ Obiena matapos makasungkit na naman ng panibagong gold medal sa kanyang nilahukan na 2022 True Athletes Classic in Leverkusen, Germany.

 

 

Ito ay makaraang makuha ni Obiena ang 5.81 meters upang talunin ang mga karibal na atleta mula sa Netherlands na si Rutger Koppelaar at ang pambato ng Australia na si Kurtis Marschall matapos ang tinatawag na countback dahil nagpare-pareho silang nagtala ng record.

 

 

Ito na ang ikalawang korona ni Obiena sa loob lamang ng isang linggo nang kanya ring mapagwagian ang 26th Internationales Stabhochsprung-Meeting sa Jockgrim, Germany.

 

 

Ayon kay EJ masaya siya na magbigay ng karangalan para sa Pilipinas.

 

 

Pero aminado naman ito sa labis niyang frustrations na hindi nalagpasan ang 5.95 meters.

 

 

Sinabi ni EJ kailangan umano niya ang technical adaptations para sa susunod na mga adjustment.

 

 

Si Obiena ay muli na namang sasabak sa St. Wendel City Jump sa Aug. 31.

 

 

“I am very happy to bring home the (gold) against a great field. But on the other hand I am frustrated by missing 5.95m again. We have boiled it down to some technical adaptations, which at these heights makes the difference between a miss or a make. Like anything in life, this is all about continual improvement,” ani Obiena sa statement.

Ads August 30, 2022

Posted on: August 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Education aid payout, generally smooth

Posted on: August 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

“GENERALLY smooth” ang ginawang distribusyon ng educational assistance sa mga estudyanteng benepisaryo sa  Department of Social Welfare and Development-designated payout centers na nagpatuloy, araw ng Sabado, Agosto 27 maliban lamang sa mga “isolated hitches” o hadlang sa ilang lugar sa bansa.

 

 

Sinabi ni DSWD spokesperson Assistant Secretary Rommel Lopez na “generally smooth” ang  nationwide distribution ng educational aid.

 

 

Nauna rito, sinabi ni  DSWD Secretary Erwin Tulfo na ang cash distribution ay tatapusin sa loob ng anim na Sabado na nagsimula na noong Agosto 20 at magtatapos sa Setyembre 24.

 

 

“However, there were some hitches in the process on the second Saturday of the payout,” ayon kay Lopez.

 

 

Dahil sa pagdagsa ng tao na karamihan ay walk-ins — sa  Boac, Marinduque ay nagdesisyon ang DSWD, Philippine National Police (PNP), at local government unit (LGU) na kanselahin ang payout.

 

 

“Gayunpaman, ito ay tinitingnan ng DSWD Central Office na mga isolated places lang naman po, kasi, overall po sa bansa ay maayos po ‘yung pamamahagi ng educational payout na nangyare. So tinitingnan po natin ‘yung mga isolated situation in some places, pero sinisiguro po ng DSWD na aayusin din po natin ‘yung sistema dito po sa mga apektadong lugar,” ayon pa rin kay  Lopez.

 

 

At dahil sa pagkalito at mahabang pila noong nakaraang Agosto  20 -ang unang anim na Sabado na itinakda para sa  payout — nagpasaklolo na ang DSWD Department of the Interior and Local Government (DILG) na mag- request sa LGUs para sa technical assistance. (Daris Jose)

Mga makabagong bayani, pinarangalan ni PBBM

Posted on: August 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINARALANGAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga makabagong bayani ng makabagong panahon dahil sa malasakit at kabutihang loob ng mga ito na naging mas mabuti ang kalagayan ng  bansa ngayon.

 

 

Sa pagdalo ng Pangulo sa National Heroes Day event sa Libingan  ng mga Bayani, araw ng Lunes, Agosto 29,  bahagi ng talumpati  nito ang pagkilala sa mga magsasaka, agricultural worker na buong araw ay nagsisikap upang matugunan ang  mga pangangailangan para sa seguridad ng suplay ng pagkain.

 

 

“Kung hindi dahil sa kanila, wala tayong pagkaing maihahaing sa ating mga pamilya. Tunay silang mga bayani kailanman,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

Pinasalamatan din niya ang  mga sektor ng kalakalan at industriya na nangunguna sa landas tungo sa maunlad na ekonomiya.

 

 

May mga hamon man aniyang hinaharap sa nagdaang dalawang taon ay patuloy pa ring binuksan  ng mga ito ang kanilang mga negosyo para sa publiko.

 

 

Kahanga-hanga rin aniya  pakikiisa ng mga ito sa pamahalaan lalo na may mga negosyong matapat na nagbabayad sa  kanilang empleyado kahit na nauubusan na ang kanilang pondo.

 

 

Bukod dito, ikinararangal din ng Punong Ehekutibo ang lahat ng mga manggagawang Pilipino na nagtatrabaho ng buong husay at buong dangal. Sa bawat likha aniya ng   mga kamay ng mga ito ay mas lalong  pinagtitibay ang pundasyon ng  ekonomiya at  lipunan.

 

 

“Isang malaking karangalan ang makapiling kayong lahat sa pagdriwang ng araw ng mga bayani. panatag nating naitataguyod ang ating sarili at ang ating bansa ngayon dahil sa mga dakilang bayani ng ating bayan. Kaya sa pagtitipong ito, buogn lugod nating kinikilala ang ipinamalas nilang tapang, malasakit at pagibig sa ating tinubuang lupa,” ayon sa Pangulo.

 

 

“ginugunita din natin ang taimtim… ang pawis, dugo at buhay na kanilang inalay para sa ating kapakanan, kalayaan at kinabukasan. dahil sa kanilang sakripisyo, gumaan ang mga suliranin pinapasanan natin sa buhay at sa lipunan. inialay nila ang kanilang lakas at kakayahn hindi para sa papuri o gatimpala kung hindi upang pagtibayin ang diwa ng pagkakaisa at upang makamit ang ating mga pangarap para sa bayan,” dagdag na pahayag ng Pangulo.

 

 

Ngayon naman aniya na nagbalik na sa paaralan ang  mga kabataang mag-aaral, pinapurihan  din ng Pangulo ang  mga guro at iba pang kawani sa sektor ng edukasyon dahil sa  hindi matatawarang dedikasyon ng mga ito sa kanilang pagtutulungan na maging ligtas ang pagbubukas ng klase.

 

 

Panatag aniya ang  kanyang kalooban nasa mabubuting kamay ang mga kabataan.

 

 

Sa kabilang ako, sinabi pa ng Pangulo na hindi rin aniya dapat  kinakalimutan ng lahat ang mga propesyunal at mga manggagawa sa sektor ng kalusugan na araw-araw na  nakikipagsapalaran sa panganib ng kalakip ng kanilang sinumpaang tungkulin.

 

 

“Kanilang isinasalang-alang ang sariling kaligtasan at kalusugan malagpasan lamang ng ating mga kababayan ang pandemyang kinahaharap natin ngayon,” ani Pangulong Marcos.

 

 

Kabilang din aniya sa  mga frontliner ang kapulisan, ang mga sundalo, ang mga barangay official, community leader, pati na rin ang mga ecological warriors at iba pang sektor na sa kani-kanilang paraan at mga tungkulin ay patuloy na naglilingkod sa bayan at sa mga kapwang mamamayan.

 

 

Hindi rin aniya niya kinakalimutan ang  mga manggagawang mandarayuhan o mas kilala  sa tawag na OFW.

 

 

“Silang lahat na nagsasakripisyo sa ibayong dagat mabigyan lamang ng magandang kinabukasan ang kanilang mga mahal sa buhay. Sa kabila ng mga pagsubok ng kanilang hinaharap, sinisuguro natin na sila ay ligtas lalo na ang mga naiipit sa mga kaguluhan sa bansang kanilang kinaroroonan,” lahad  nito.

 

 

Samantala,  sa  pagdiriwang ngayon ng National Heroes Day ay  inaalala rin aniya ng lahat  ang kabayanihan ng mga beteranong nakipaglaban noong panahon ng digmaan.

 

 

Makakaasa aniya ang  mga beteranong sundalo na  mananatiling aktibo ang gobyerno sa pagsusulong ng mga programang tutugon sa pangangailangan ng mga ito  lalo na para sa kanilang mga rekisitong may kinalaman sa  pangkalusugan.

 

 

“Kaisa ng Philippine Veterans Affairs Office, magpapatayo tayo ng mga ospital sa Visayas at Mindanao na ilalaan natin para sa ating mga beterano. Nais ko rin kunin ang pagkakataong ito upang magpaalala sa lahat na sumunod na sa direktibo  ng pamahalaan hinggil sa ating kalusugan,” ayon sa  Chief Executive.

 

 

Inanyayahan naman ng Pangulo ang lahat na magpabakuna at makiisa sa  mga vaccination program upang mapangalagaan ang kalusugan hindi lamang ng mga sarili kung hindi na rin ng mga kapwa.

 

 

Ito aniya  ang  tamang panahon upang pagtibayin ang  lakas at maghanda sa mabilis at siguradong pagbangon ng  ekonomiya.

 

 

“Manalig tayong sisikat at sasapit din ang mas ligtas at mas masaganang kinabukusan para sa ating lahat,” giit ng Pangulo.

 

 

“Ipinamalas sa atin ng kasaysayan na ang ating kolektibong lakas ay maghahatid sa atin sa ruruok ng tagumpay. Ang mga bayaning nagalay ng sarili para sa atin ay huwarang patutuo sa pangako ng pag-asa ng ating pinanghahawakan. kaya naman dapat lamang natin pahalagahan ng wasto anga ting kalayaan at ibaling ang ating mga kinikilos na ayon sa pag-ibig at pagmamalasakit sa kapwa,” aniya pa rin.

 

 

“Habang ang mga makabagong panahon ay nagbibigay sa atin ng mga pagbabagong kailangang harapin, tiyak na malalampasan natin ang kahit na anong pagsubok kung magiging bayani tayo sa ating mga sariling pamamaraan. Gamitin natin ang ating kakayahan upang panibaguhin ang ating kapaligiran para sa higit na ikakabuti ng lahat,” lahad  nito.

 

 

Ang panawagan pa ng Pangulo sa lahat ay huwag ikulong ang mga sarili sa hidwaan at paghihilahan ng pababa. Sa halip aniya ay maging instrumento  ng pagkakaisa, ng kapayapaan.

 

 

“Umaasa ako na sa halimbawa ng ating mga dakilang bayani, higit nating isasabuhay ang kanilang ipinakitang pagibig sa bayan at ipinagtatanggol at ipinaglalaban nilang panata sa kabutihan. Buong tapang nating harapin ang anumang hamon na hinaharap na may tiwala tayo na higit na lalakas at magiging matagumpay kung tayo ay patuloy na magkakaisa at magtutulungan bilang isang bansa,” ayon sa Pangulo.

 

 

“Maraming salamat po sa inyong lahat. Mabuhay ang mga Pilipinong bayani, noon, ngayon at kailanpaman,” ang pagbati nito. (Daris Jose)

Pagtiyak ng SSS, walang data records ng mga miyembro ang naapektuhan ng sunog sa main office

Posted on: August 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ng Social Security System (SSS) na walang data records ng mga miyembro nito ang naapektuhan ng sunog na tumama sa main office, Linggo ng madaling araw, Agosto 28.

 

 

Sa isang kalatas, sinabi ng  SSS na ang lahat ng payments ay tatanggapin at ipo-post nang naaayon.

 

 

“SSS assures the public that all member data records are not affected and there is no interruption in the delivery of its services in all branches and via online thru My.SSS, SSS Mobile App, and uSSSap Tayo portals,”dagdag na pahayag nito.

 

 

Sa ulat, nasunog ang bahagi ng main building ng Social Security System (SSS) sa East Avenue, Barangay Pinyahan, Quezon City, sa nasabing araw.

 

 

Ayon sa Bureau of Fire Protection-National Capital Region (BFP-NCR), nagsimula ang sunog sa electric room ng data center sa unang palapag ng gusali.

 

 

Itinaas ang first alarm bandang 2:05 a.m. at naapula ang apoy ng 5:11 a.m.

 

 

Walang namang naiulat na nasaktan sa sunog na tumupok sa P700,000 halaga ng mga gamit ng ahensya.

 

 

Inaalam na ang sanhi ng sunog at kung may iba pang mga kwarto sa punong tanggapan na naapektuhan ng sunog. (Daris Jose)