• November 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 3rd, 2022

NPC, sinimulan na ang imbestigasyon sa text scams na kasama na ang buong pangalan ng receiver sa mensahe

Posted on: September 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SINIMULAN na ng National Privacy Commission (NPC) ang imbestigasyon sa lumalalang  text scams na naglalaman na ngayon ng  pangalan ng subscriber.

 

 

Sa isang kalatas, sinabi ni  NPC Commissioner John Henry Naga na mahigpit na minomonitor ng kanilang ahensiya ang  “the proliferation of unsolicited text messages,”  tiniyak sa publiko na nakikipag-ugnayan na ang NPC sa mga  key stakeholders para labanan ang  nasabing  fraudulent activity.

 

 

Bukod pa rito, nakipagpulong na aniya sila sa telco players kung saan nangako aniya ang mga ito na paiigtingin ang kakayahan kabilang na ang technological at security safeguards,  kontra scammers.

 

 

“We are also in coordination with the National Telecommunications Commission (NTC) to share information and conduct concerted actions to the full extent of our respective mandates,” ani Naga.

 

 

Bilang bahagi pa rin aniya ng ‘awareness initiatives’ ng ahensiya, magkakaroon aniya ng  public webinar sa susunod na linggo, Setyembre 7 kung saan tatalakayin ang  panganib  at pinsala kapag natanggap ang text messages, at maging ang “best practices” para protektahan ang users.

 

 

Nauna rito,  dahil sa mas nagiging creative ang mga text scammer ngayon ay kaagad na  inatasan ng NTC ang mga telecommunications company sa bansa na magsagawa ng text blast para balaan ang publiko.

 

 

Ilan sa mga ito ay mga text message patungkol sa pekeng trabaho, lucky winner, at iba pang money scams.

 

 

At ang pinakabago ay ang personalized na mga text scam kung saan nakalagay mismo ang pangalan ng recipient.

 

 

Kaya naman si NTC  Commissioner Gamaliel Cordoba, inatasan ang telcos kabilang ang DITO Telecom, Globe at Smart na simula August 31 hanggang September 6 dapat magpadala ng text blast ang mga ito sa kanilang subscribers.

 

 

Partikular na nakalagay rito ang mensahe na “Huwag pong maniwala sa text na naglalaman ng inyong pangalan at nang-aalok ng trabaho, pabuya o pera, ito po ay scam”.

 

 

Nakasaad pa sa kautusan ni Cordoba ang pag-block sa SIM cards na ginagamit sa mga scam.

 

 

Inatasan din ang lahat ng regional directors at mga officer-in-charge ng NTC na palawakin ang information campaign laban sa mga bagong variant ng scam gaya ng pekeng trabaho at iba pa.

PSC chair Noli Eala inilatag ang mga pagbabagong gagawin sa ahensiya

Posted on: September 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

IBINAHAGI  ng bagong talagang chairman ng Philippine Sports Commission (PSC) Noli Eala ang mga programa niya para sa nasabing ahensiya.

 

 

Matapos ang pagtalaga sa kaniya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ay tiniyak nito na magkakaroon ang PSC ng pangmatagalang programa na ikakatagumpay ng mga atleta.

 

 

Palalakasin din ito ang inisyatibo sa sports at lahat aniya ng mga atleta ng bansa ay makakatiyak ng suportang matatanggap mula sa PSC.

 

 

Makikipag-ugnayan dini sa mga pribadong sektor para hilingin ang ilang mga kakailanganing para sa ahensiya.

 

 

Pinuri naman ni Philippine Olympic Committee (POC) president Rep. Abraham “Bambol” Tolentino sa pagkakatalaga kay Eala dahil sa magandang record nito sa mga programa ng palakasan.

 

 

Bagong naging PBA commissioner kasi si Eala ay itinaguyod nito ang regional league na Liga Pilipinas at naging executive director ng Samahang Basketball ng Pilipinas.

No garage, no car’ sa Metro Manila, 9 probinsya, isinulong

Posted on: September 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ISINUSULONG  ni Senate Majority Leader Joel ­Villanueva ang pag-obliga sa mga may-ari ng sasakyan na magpakita ng pruweba na mayroon silang garahe bago sila makapagparehistro ng sasakyan sa Land Transportation Office (LTO).

 

 

Ayon kay Villanueva, ito ay para matigil ang pag-park ng mga sasakyan sa gilid ng kalsada na nagdudulot ng matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko sa mga pangunahing lansangan.

 

 

Sa Senate Bill 925 o “No garage, no car” bill, paiiralin ito sa Metro Manila at mga siyudad na Angeles, Baguio, Bacolod, Batangas, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo at Olongapo.

 

 

Sa mga nasabing lugar, pagbabawalan ng LTO na irehistro ang sasakyan na walang pruweba na may garahe o parking.

 

 

Kapag inirehistro ang sasakyan ng walang parking ay papatawan ng tatlong buwan na suspension at walang suweldo ang sinumang kawani o opisyal ng LTO.

 

 

Habang ang motorista na magsisinungaling sa LTO na may parking space ay pagmumultahin ng P50,000 sa bawat paglabag at sususpindihin ang lisensya ng tatlong taon gayundin ang rehistrasyon ng bawat sasakyan.

 

 

Paliwanag ng majority leader, sinabi ng Japan International Coordination Agency (JICA) na nasa P3.5 milyon ang nawawalang oportunidad kada araw sa Metro Manila noong 2017 dahil sa traffic at aabot ito sa P5.4 bilyon kapag hindi inaksyunan. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Presyo ng bigas, tataas ng P4 sa Oktubre

Posted on: September 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGBANTA ang farmers group na Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na posibleng tumaas ang presyo ng bigas ng mula P3 hanggang P4 sa susunod na buwan ng Oktubre.

 

 

Ito, ayon sa SINAG ay dahil hindi naibigay ng pamahalaan sa mga palay farmers ang cash aid na gagamitin sana sa panahon ng pagtatanim.

 

 

Dahil anila sa delay ng pagkakaloob ng ayuda, tumaas na ang presyo ng input sa mga sakahan na ugat ng pagtataas sa presyo ng bigas.

 

 

Nilinaw naman ng Department of Agriculture (DA) na dahil kulang sa requirements na kailangan para maipalabas ang pondo sa mga magsasaka kayat hindi naibigay sa tamang oras ang cash aid.

 

 

May P5,000 ang cash aid ng bawat magsasaka.

 

 

Sinasabing ang requirement lamang ng Landbank ay ang magkasamang magpapalitrato ang mga tauhan ng DA sa mga magsasaka.

 

 

Hindi naibigay ang picture dahil walang photographer ang DA noong panahong iyon.

 

 

Gayunman, nangako si DA Undersecretary Domingo Panganiban na pabibilisin na ang gagawing pamamahagi ng ayudang pondo sa mga magsasaka. (Daris Jose)

Badminton tournament sa Hong Kong muling kinansela sa ikatlong pagkakataon

Posted on: September 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KINANSELA  ng Badminton World Federation (BWF) ang kanilang nalalapit na Hong Kong Open tournament dahil pa rin sa banta ng COVID-19.

 

 

Ang nasabing torneo na gaganapin sa Nobyembre ay siyang pangatlong pagkakataon na ito ay ang kinansela.

 

 

Ang Super 500 tournament ay gaganapin sa Kowloon mula Nobyembre 8-13.

 

 

Ayon sa BWF na nakikipag-ugnayan sila sa gobyerno ng Hong Kong para maluwagan ang ilang restrictions.

 

 

Ilan sa mga hindi nila nagustuhan ay ang pagkakaroon pa ng quarantine period sa mga dayuhan na mula sa ibang lugar.

Shia LaBeouf Joins Francis Ford Coppola’s ‘Megalopolis’ Amid Controversy

Posted on: September 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

FRANCIS Ford Coppola’s new movie, Megalopolis, adds Shia LaBeouf to its star-studded cast amidst several controversies surrounding the actor. Coppola, the legendary writer/director behind The Godfather trilogy and Apocalypse Now, is widely regarded as one of the greatest filmmakers of all time.

 

 

However, his 1982 self-financed flop, One from the Heart, hindered his career as he spent the rest of the decade working to pay back his debts. Now, Coppola is betting it all again by self-financing another passion project.

 

 

Megalopolis, which Coppola wrote during the 1980s, is reportedly set in an alternate reality version of New York City called New Rome, and the film’s logline hints at an “epic story of political ambition, genius, and conflicted love.” The all-star Megalopolis cast already includes Adam Driver, Forest Whitaker, Nathalie Emmanuel, Jon Voight, Laurence Fishburne, and Aubrey Plaza. Now, with filming set to start this fall, Coppola’s $100 million movie has added another big name to its cast.

 

 

After initial reports first surfaced several weeks ago, Variety has confirmed that LaBeouf has joined the growing cast of Megalopolis. Though the controversial actor is the headline, Talia Shire, Jason Schwartzman, Grace Vanderwaal, Kathryn Hunter, and James Remar have also been added to the cast. Each actor’s role is still undisclosed, though LaBeouf’s is reportedly a “leading role.”

 

 

LaBeouf’s casting in Megalopolis is surprising given the several controversies surrounding the actor. For the past few years, he has essentially been blacklisted by Hollywood ever since musician FKA Twigs filed a lawsuit accusing him of sexual battery, assault, and infliction of emotional distress in 2020, a case which will first appear in front of a judge in April 2023. LaBeouf was cast in Olivia Wilde’s Don’t Worry Darling.

 

 

However, he departed the project soon before filming began, leading to a recent public disagreement between the director and star over his reasons for exiting the project. LaBeouf also recently admitted to lying about being abused by his father to help promote his 2019 film Honey Boy.

 

 

Despite the mounting controversies against the actor, LaBeouf is set on a comeback. His next project will be Abel Ferrara’s film Padre Pio, which premieres at the Venice Film Festival later this summer, and Megalopolis should continue to get the actor’s career back on track. By putting up $120 million of his own money to finance Megalopolis, Coppola is already taking a major gamble to make the passion project possible, but casting a controversial actor like LaBeouf might be an unnecessary risk not worth taking. (source: screenrant.com)

 

(ROHN ROMULO)

DepEd, binago ang alituntunin hinggil sa suspensyon ng klase sa panahon ng sakuna, kalamidad

Posted on: September 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

AWTOMATIKONG suspendido na agad ang klase sa lahat ng antas sa basic education, online at in-person sa lahat ng mga lugar na mayroong deklarasyon ng “typhoon, flood o rainfall warning” na ipinalabas ang Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA).

 

 

Ito ang nakasaad sa binagong  guidelines na ipinalabas ng DepEd hinggil sa kanselasyon o suspensyon ng klase at  trabaho sa eskuwelahan pagdating ng bagyo, matindi at malakas na pag-ulan at pagbaha.

 

 

Sa panahon na may bagyo, ang in-person at online classes sa lahat ng antas ay awtomatikong kanselado sa mga eskuwelahan na ang  Local Government Units (LGUs) ay  may  Tropical  Cyclone Wind Signals (TCWS) 1, 2, 3, 4 o 5  ng PAGASA.

 

 

Kung ang TCWS ay ipinalabas sa panahon na ang klase ay nagsimula na, dapat na agad na suspendihin ng eskuwelahan ang klase at trabaho at kaagad na pauuwin ang lahat sa kanilang tahanan, kung ligtas itong gawin.

 

 

Gayunman, obligado naman ang eskuwelahan na panatilihing ligtas ang mga estudyante at mga tauhan nito sa loob ng eskuwelahan  kung ang pagbibyahe ay hindi na ligtas.

 

 

Ang Local Chief Executive naman ang magdedesisyon ng kanselasyon o suspensyon ng klase sa mga pagkakataon naman na malakas ang ihip ng hangin  sa partikular o lahat ng lugar  ng LGU subalit hindi dahil sa mayroong  bagyo.

 

 

Para naman sa heavy rainfall o matinding buhos at malakas na  pag-ulan, ang in-person o online classes sa lahat ng antas ay awtomatikong kanselado  sa mga eskwelahan na matatagpuan sa LGUs na may ipinalabas na Yellow, Orange at Red  Rainfall Warning ng PAGASA.

 

 

Kung ang warning ay ipinalabas sa panahon na ang klase ay  nagsimula na, awtomatikong susupendihin ng eskuwelahan ang klase at trabaho at kaagad na pauwiin ang mga estudyante at tauhan ng mga ito sa kanilang bahay, kung ito’y ligtas pa rin na gawin.

 

 

Gayunman, ang mga eskuwelahan ay obligado na panatilihing ligtas ang mga estudyante  at tauhan nito sa loob ng eskuwelahan kung ang pagbyahe  ay hindi na ligtas.

 

 

Ang Local Chief Executive pa rin ang magdedesisyon ng kanselasyon o suspensyon ng klase sa pagkakataon na mayroong “torrential rains” sa partikular o lahat ng lugar ng LGUs subalit walang ipinalabas na Heavy Rainfall Alert mula sa PAGASA.

 

 

Habang sa panahon naman ng pagbaha, ang in-person at online classes sa lahat  ng antas ay awtomationg kanselado sa mga eskuwelahan  sa LGUs na mayroong ipinalabas na Flood Warning ang PAGASA.

 

 

Kung ang Flood Warning ay ipinalabas sa panahon na ang klase ay nagsimula na, kaagad na sususpendihin ng eskuwelahan ang klase at trabaho at kaagad na pauuwin ang lahat sa kanilang tahanan, kung ligtas na gawin ito.

 

 

Gayunman, obligado naman ang mga eskuwelahan  na panatilihing ligtas ang mga estudyante at tauhan sa loob ng eskuwelahan  kung ang pagbiyahe ay hindi na ligtas. (Daris Jose)

OVP, dinepensahan ang confidential expenses, good governance fund

Posted on: September 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

DINEPENSAHAN ng Office of the Vice-President (OVP) ang  confidential expenses at good governance funds sa ilalim ng 2023 budget proposal.

 

 

Sinabi ni Office of the Vice President (OVP) spokesperson Reynold Munsayac  na ang  P2.2-billion good governance fund ay inilaan para sa public assistance, gaya ng basic social services, medical at burial assistance,  “Libreng Sakay” project, at livelihood programs.

 

 

Habang ang  P500-million “confidential expenses” ay gagamitin naman sa  mga programang may kinalaman sa  peace and order, at national security.

 

 

“The confidential fund was requested and will be utilized using the parameters set by the DBM (Department of Budget and Management) and the COA (Commission on Audit) in their joint circular,” ayon kay Munsayac.

 

 

“The position and mandate of the Vice President allows her to utilize those kinds of funds regarding peace and order and national security, especially [since] we have livelihood projects that will be implemented in conflict areas,” dagdag na pahayag nito.

 

 

At nang hingan ng komento sa usapin na mas  mataas ang budget na hiningi ni Duterte kumpara sa budget ni dating  Vice President Leni Robredo, sinabi ni Munsayac na may sariling “priority projects” ang bawat ahensiya ng pamahalaan.

 

 

“Bawat po head of agency, executive man yan o kung anong ahensya hawak niya, mayroon po silang priority projects at kami po, ang request namin na budget, iyan iyong sa tingin namin kailangan namin para i-implement namin iyong mga priority projects namin,” anito.

 

 

“Siguro iyong nakaraang administrasyon, mayroon silang certain projects at iyong budget nila ay sufficient na para doon,” ayon pa rin kay Munsayac.

 

 

Tiniyak ni Munsayac  na magiging  transparent  ang OVP sa paghawak ng pondo.  (Daris Jose)

First time gumawa ang Superstar ng anti-hero role: ‘Kontrabida’ ni NORA, nakatakdang mag-compete sa isang prestigious film festival

Posted on: September 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ANG ganda naman ng balita na ang movie ni Superstar Nora Aunor titled ‘Kontrabida’ ay in competition this November sa isang prestigious film festival.

 

 

Hindi pa raw pwedeng i-reveal kung saan festival nakatakdang mag-compete ang ‘Kontrabida’ pero ngayon pa lang ay marami na ang excited dahil muling matatampok ang husay ni Ate Guy sa international scene.

 

 

Directed by Adolf Alix, Jr., kakaibang project for Ate Guy ito dahil first time niyang gumawa ng anti-hero role.

 

 

Produced by Joed Serrano, matagal na rin naman tapos ang pelikula pero naghihintay pa raw ang production ng magandang playdate kaya hindi pa ito ipinapalabas.

 

 

Kaya magandang balita na napili ang ‘Kontrabida’ para mag-compete sa isang festival. Kung mananalo ang movie ay magandang come on ito para ma-curious na mga tao na panoorin ito.

 

 

Kabilang sa movies ni Ate Guy na nag-compete abroad ay ‘The Flor Contemplacion Story’ for which she won Best Actress sa Cairo International Film Festival at ‘Thy Womb’ kung saan umani rin siya ng parangal hindi lang locally kundi internationally.

 

 

Matagal na rin naman since a movie of Ate Guy competed in an international film festival kaya nakaka-excite ang balitang ito.

 

***

 

MARAMI ang nagulat nang ianunsiyo ng Cannes Best Actress awardee na si Ms. Jaclyn Jose ang kanyang retirement.

 

 

“Masakit pero I have to go,” pahayag ng aktres sa kanyang post in her Instagram account.

 

 

May kinalaman ang kanyang mga anak na sina Andi Eigenmann at Gwen Garimond Ilagan Guch sa kanyang desisyon to retire

 

 

Kung desidido na si Jaclyn na talikuran ang showbiz, ang ‘Bolera’ na ang magiging huling serye niya sa TV.

 

 

Tiyak na mami-miss ng kanyang mga fans ang mahusay na aktres, ang una artistang Pinoy na nagwagi sa Cannes.

(RICKY CALDERON)

Marcos nangako ng pantay na sahod sa government, private nurses

Posted on: September 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NANGAKO si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magkakaroon ng pantay na sahod ang mga nurse sa pampubliko at pribadong ospital.

 

 

“As part of our goal to raise the profile and improve the working condition of nurses, we seek to address the disparity in salaries between nurses in government hospitals with those in the private sector,” pahayag ng Pangulo sa 65th Nurses Week at 100th anniversary celebration ng Philippine Nurses Association (PNA) na ginanap sa Manila Hotel.

 

 

Nabatid na ang mga nurse sa gobyerno ay kumikita ng P30,000 hanggang P40,000 kada buwan habang P8,000 hanggang P20,000 lang umano ang sahod ng mga nurse sa private.

 

 

Kinilala rin ng Pangulo ang naging ambag ng mga Pinoy nurse na pinaganda ang pangalan ng Pilipinas sa buong mundo dahil sa kanilang serbisyo at pag-asikaso sa mga pasyenteng tinamaan ng COVID noong panahon ng pandemya.

 

 

Muling binanggit ni Marcos na noong tinamaan siya ng COVID-19 noong 2020 ay gumaling siya at iba pang pasyente na dinapuan din ng virus dahil sa mahusay na pangangalaga ng mga nurse.

 

 

Bukas din ang Pangulo na dagdagan ang quota sa deployment ng mga Pinoy nurses na nais magtrabaho sa ibang bansa.

 

 

Sa ngayon ay 7,500 ang limitasyon sa bilang ng Pilipino nurses na maaaring lumabas ng bansa kada taon upang doon magtrabaho.

 

 

Aminado si Marcos na kulang pa ang P25.82 bilyon halaga ng benefits na ibinigay ng gobyerno sa mga nurses.

 

 

Dapat aniya ay isama sa kasalukuyang benepisyo ang hazard duty pay, COVID-19 sickness at death compensation, meals, accommodation at transportation allowances, life insurance, Special Risk Allowance (SRA) at COVID-19 allowance. (Daris Jose)