Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
ISANG grupo ng mga commuters ang humiling sa pamahalaan na hindi dapat tataas sa P12 ang minimum fare sa mga pampublikong transportasyon jeepney kung papayagan man na magkaroon ng pagtataas ng pamasahe.
Ito ang hiling sa pangunguna ni Elvira Medina, chair ng National Center for Commuter Safety and Protection, sa pamahalaan.
“The group recognizes the impact of fuel price increased on transport workers, but any fare hike should be cognizant of the welfare of the riding public. If P12, it’s equitable because it will still in the range of the higher minimum wage,” wika ni Medina.
Subalit kung tataas pa ng mahigit sa P4 hanggang P5 ang pamasahe na papayagan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ay ang grupo ay aangal na.
Kung mangyayari ang ganon, ito ay masyado ng mabigat para sa isang pasahero na namamasahe ng tatlong sakay papunta ng opisina at pauwi ng bahay o paaralan kada araw
Magiging isang “bitter pill” ang minimum na pamasaheng P15 hanggang P16 para sa isang pasahero lalo na ang inflation rate na lilikhain nito ay makakaapekto sa presyo ng mga pangunahing bilihin.
Ayon kay Medina na ang P1 na kada taas ng pamasahe ay magbubunga ng 0.30 percent increase sa inflation rate ng bansa kung saan sinabi ito ng National Economic Development Authority (NEDA).
“NEDA is saying that for every peso increase is a 0.3 percent hike in rates. If there is an increase in P5, this will be .15 percent in inflation rate. That’s very big domino effect,” saad ni Medina.
Samantala, tinuligsa naman ni Medina ang ibang PUJ operators na hindi tumutupad sa modernization program ng pamahalaan sapagkat ang mga lumang jeepney ay gumagamit ng 1 litro ng krudo kada 4 na kilotmetro lamang kumpara sa modernized jeepney na may 12 kilometro kada isang litro ng krudo.
Sinabi ng LTFRB kamakailan lamang na maaari silang magbigay ng susunod na fare hikes para sa mga PUJs subalit hindi pa nila alam kung magkano ang kanilang papayagan na fare increase.
Ang LTFRB board ay may 7 petisyon para sa fare hike na nakatala sa kanilang docket na inihain ng iba’t ibang grupo sa transportasyon tulad ng jeepneys, buses, taxis, P2P shuttles, transport network vehicle service (TNVN), at UV Express vehicles. LASACMAR.
MALAPIT na ngang matunghayan ang kaseksihan at alindog ni Julia Barretto sa latest movie ng Viva Films na Expensive Candy
Ang karakter na ginagampanan ng tinaguriang “Drama Royalty of the Century” sa kanyang bagong pelikula ang pinaka-daring at sultry dahil ibang-iba ang Julia na masisilayan sa big screen ngayong September 14.
Hindi naman nagka-problema ang aktres dahil may go signal ito ng ina si Marjorie Barretto at mga kapatid nang mag-decide siyang tanggapin ang Expensive Candy na tiyak na pag-uusapan ng mga viewers.
Tiwala kasi sila kay Jason Paul Laxamana dahil nagustuhan nila ang Between Maybes, na pinagbidahan ng aktres at boyfriend na si Gerald Anderson noong 2019, na kung saan ito rin nagsulat at nagdirek.
Kuwento ng next superstar ng Viva Films, “Nag-usap kami and she gave me the go signal.
“Actually, everybody was really excited from the very beginning and, like I said, they really loved Between Maybes at yung naging collaboration namin ni Direk JP.
“In fact, they’re all gonna be in the premiere night. Sila ang unang manonood.”
Pag-amin pa ni Julia, hindi raw niya kayang tanggihan ang direktor na sinubukan na naman ang husay niya sa pag-arte, “Never akong makaka-no kay Direk JP kahit ano pa yung ibigay niya, ipagawa sa akin, hindi ako makaka-no.
“Number one, the story is really nice. Nung nabasa ko yung script, I immediately knew I wanna do it.
“Yes, I’m very excited to do it.”
Sa naging pahayag pa niya, “Ang daming beses namin nag-usap ni Direk at saka nag-meet bago kami nag-start mag-roll. Pero siguro, my favorite thing always to do before doing a film is immersing.
“Unforgettable yung night namin ni Direk sa Angeles City and we were able to visit the walking street kung saan mismo kami nag-shoot.
“Tapos, naghanap po kami ng puwedeng reference ko for Candy, na ngayon, naging kaibigan ko rin.”
At dahil nga sa immersion na kanyang ginawa, lalong tumaas ang respeto ni Julia sa mga sex worker at marami siyang ‘di malilimutang mga karanasan sa shooting ng Expensive Candy na kung saan si Carlo Aquino ang kanyang leading man.
Happy naman ang aktres na kinu-compare ang Expensive Candy sa Pretty Woman nina Julia Roberts at Richard Gere.
Ito ang second movie ng Viva Films na magkakaroon ng theatrical release matapos magluwag at humarap sa new normal dahil sa pandemya.
Nauna na ngang ipinalabas sa mga sinehan ang Maid in Malacañang noong August 3 at pinilahan ng manonood, na showing pa rin hanggang ngayon.
Sabi pa ni Direk Laxamana, hindi siya napi-pressure na tapatan o higitan ang box-office record ng controversial movie ni Darryl Yap. Masaya na raw siya maging bahagi ng pagbabalik ng mga tao sa sinehan at hindi naman mapapahiya sa bagong obra niya na Expensive Candy na mas marami ang puwedeng makapanood dahil nakakuha ito ng PG-13 rating sa MTRCB.
(ROHN ROMULO)
NAPUNO ng emosyon ang pagtatapos ng laro ng tennis legend na si Serena Williams makaraang matalo sa third round sa US Open kay Ajla Tomljanovic ng Australia sa score na 7-5, 6-7 (4), 6-1.
Naiyak si Williams lalo na at dumadagundong sa pag-cheer sa kanya ang mahigit 23,000 fans na bumuhos sa Arthur Ashe Stadium upang panoorin ang sinasabing huling laro sa kanyang career.
“I don’t really give up,” ani Williams. “In my career I’ve never given up. In matches I don’t give up. Definitely wasn’t giving up tonight.”
Sa kabila na 40-anyos na si Williams, hindi naman kaagad siya tumiklop sa kalaban na mas bata at 29-anyos lamang na si Ajla na inabot ng tatlong oras ang game.
Nag-sorry din naman si Ajla na binigo niya ang fans sabay amin na “idol” niya si Williams.
Samantala, kung sa buong akala ng lahat ay tapos na ang maliligang araw ni Serena sa tennis court, halos urong-sulong pa rin ito at wala pang kategorikal na deklarasyon na retired na nga siya.
Nagpahiwatig pa ang 23-time Grand Slam champion na meron pa siyang ibubuga, kahit may isa na siyang anak at ngayong buwan ay ipagdiriwang niya ang kanyang ika-41 kaarawan.
“Clearly I’m still capable… I’m ready to be a mom explore a different version of Serena,” pahayag pa ni Williams. “Technically in the world, I’m still super young so I want to have a little bit of a life while I’m still walking.”
KALABOSO ang tatlong hinihinalang drug personalities matapos makuhanan ng baril at P68K halaga ng shabu nang maaresto sa buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.
Kinilala ni PLt. Joel Madregalejo, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela police ang mga naarestong suspek bilang sina Jonathan Awud alyas “Tutan”, 34, Ronie Diaz alyas “Nuno”, 34, at Richard Rivera, 24, pawang residente ng Brgy., Mapulang Lupa.
Sa report ni PCpl Pamela Joy Catalla kay Valenzuela police chief Col. Salvador Destura Jr, dakong alas-4:30 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PEMS Restie Mables ng buy bust operation sa 6356 CF Natividad St. Brgy. Mapulang Lupa kung saan nagawang makipagtransaksyon ni PCpl Noriel Boco na umakto bilang poseur-buyer ng P500 halaga ng droga kay Awud at Diaz.
Matapos tanggapin ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad lumapit ang back up na mga operatiba saka inaresto nila ang mga suspek subalit, pumalag si Awud at tinangkang tumakas.
Hinabol siya ng mga operatiba hanggang sa makorner at maaresto habang dinakip din si Rivera matapos makuhanan ng isang plastic sachet ng hinihinalang shabu.
Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 10 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price P68,000.00, buy bust money, cellphone, P300 recovered money, isang cal. 38 revolver na may dalawang bala, belt bag at coin purse.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 habang karagdagang kasong paglabag sa RA 10591 at Art 151 of RPC ang kakaharapin ni Awud. (Richard Mesa)
PINUPURI ngayon ng mga netizens si Gretchen Ho dahil sa pag-issue niya ng public apology sa maling report ng “Frontline sa Umaga” ng TV5 kunsaan, siya ang newscaster kina Vice Ganda at Marian Rivera.
Bukod sa dinilete ng TV5 ang tweet nila tungkol dito na talagang nireakan ni Vice Ganda, nag-tweet pa ng personal apology niya si Gretchen.
Tinanggap ni Vice ang paghingi ng paumanhin ni Gretchen at nag-repy rito nang, “Thank you @gretchenho. I appreciate it.”
Ang naging tweet ni Gretchen, “We issued an erratum this morning on #FrontlineSaUmaga for yesterday’s erroneous news report.
“Rest assured, we are reviewing internal processes to make sure this doesn’t happen again.
“Apologies to @vicegandako and Ms. Marian Rivera. We will do better.”
Pinuri naman si Gretchen ng mga netizens dahil sa ginawa niya. Ilan sa mga tweets na nabasa namin, “I admire the maturity of the parties involved. Kudos to Ms. Vice and Ms. Gretchen.”
“Grabe, Ms. Gretch!! Thank you!! #Respeto”
“This is how u handle the mistake maturely and professionally. Great Job
@gretchenho.”
***
ANG daming naging reaction dahil sa ipinost ng Cannes Best Actress na si Jaclyn Jose, pero deleted na rin na siya ay magreretiro na sa showbiz.
Nakausap namin ang actress over the phone at sinabi niya ang dahilan kung bakit siya nakapag-post ng gano’n at the same time, kung bakit siya nag-desisyon na i-delete na lang.
Inamin nito na nade-depress siya. Mainly because at this point, she’s technicaly living alone and lonely.
Aniya, “I mean it because masamang-masama ang loob ko kagabi with what had happened to me. I felt so bad that I want to leave the country. Umalis mag-isa at mawala.
“Kaya ko siguro naisip na hindi na ‘ko magsu-showbiz, mag-aartista. Sobrang depressed na depressed ako that time.”
Hindi na ikinaila ni Tita Jane na miss na miss niya ang mga anak at maging ang mga apo. Si Andi ay may sarili ng pamilya at sa Siargao naninirahan. Ang bunsong anak naman niya ay sumunod sa girlfriend sa America at do’n na nagtatapos ng pag-aaral.
Naiintindihan naman daw niya ang mga ito na parehong mga busy na, pero sey nga niya, “Siguro kahit sinong ina, makaka-relate o maiintindihan. If it’s not too much to ask, I know they’re busy. They have their own life. Andi has a family. My son is studying so hard. Pero gusto ko na sana lagi nila akong naaalala. Sana maaalala nila ‘ko.”
Sa ngayon, sa tamang panahon daw kung magre-retiro man siya sa showbiz. Na-overwhelm din daw siya sa mga nabasang comment at apela halos ng mga netizens at maging mga taga-industriya na ‘wag muna siyang titigil at hindi raw niya akalain na gano’n na lang pala siya naa-appreciate ng lahat.
Very grateful din siya sa Kapuso network na mahigit isang dekada, naging very generous sa kanya. Kaya feeling daw niya, parang naging selfish siya sa nai-post.
***
HINDI itinanggi ni Direk Jose Javier Reyes na isa sa mga new favorite niya ay ang VIVA star, ang beauty queen turned actress na si Janelle Tee.
Ikalawang pagsasama na nina Janelle at Direk Joey ngayon sa Vivamax.
This time, sa four parts series na “Anna.”
Ayon kay Direk Joey, tingin daw niya, si Janelle ay intelligent actress at nakikita niya na magtatagal ito sa showbiz.
Siyempre, overwhelmed naman ang sexy star sa mga narinig na papuri sa director. At nagsabing sobra siyang maraming natutunan sa director, lalo na sa mga talks nila even about life.
Sa isang banda, tungkol sa isang babae na naging prostitute para lang may pantustos sa pangangailangan ng lahat sa buhay niya ang role niya sa Anna. May nagtanong kay Janelle kung sa totoong buhay, sa isang relasyon, ano raw ang mas gusto niya—money o love.
Natatawang sagot niya, “Pwede bang both? Hahaha! Pero, siguro money kasi I can do a lot of things with money. Pero siyempre, importante pa rin ang love.
“Love with money, gano’n. Hindi pwedeng love lang, tapos wala kayong kakainin, ‘di ba?”
Ang ‘Anna’ ay magsisimulang ma-stream sa Vivamax sa September 25.
(ROSE GARCIA)
PANGARAP pala noon ng aktor na si Richard Yap ay ang maging isang doktor.
Sa latest episode ng online podcast na Surprise Guest with Pia Arcangel, ibinahagi ni Richard ang kanyang dream noon na maging isang neurosurgeon.
“I wanted to be a neurosurgeon when I was younger, and I actually took up pre-med for 2 years and a half before my father stopped me. But, if I can’t be a real one you might as well play it. So, it is a dream role,” pahayag ng aktor na gumaganap bilang si Dr. Robert “RJ” Tanyag sa upcoming GMA Afternoon Prime series na ‘Abot Kamay Na Pangarap.’
Pagpatuloy pa niya: “I took it up Medical Technology for two years. Then, my father told me to stop because he wanted me to take up a business course. After two terms in La Salle, I stopped again for a term because I wanted to go back to medicine.
“So, I applied to the University of Santo Tomas. But they wanted me to go back to first year, so I said, well never mind, might as well finish business na lang, I guess, it wasn’t meant for me. I always wanted to help people, in a way I had this idea of being a knight in shining armor for people who are sick and I have a sister who is a doctor also.”
Kaya sa kinabibilangan niyang teleserye na ‘Abot Kamay Na Pangarap’, natupad na ang ilan sa mga gusto niyang gawin noon kahit sa pag-arte lamang bilang isang doktor.
***
MARAMI ang nakaka-miss sa celebrity chef na si Chef Boy Logro.
Naging paboritong panoorin si Chef Boy sa cooking show niya na Kusina Master, hindi lang dahil sa masasarap na niluluto niya, kundi sa kanyang pagpapatawa at ang pagiging inspirasyon niya sa maraming nag-aaral ng culinary arts.
Noong magkaroon ng pandemya, tumigil na sa paglabas sa TV si Chef Boy at nag-concentrate ito sa vlogging. Nag-expire na rin daw ang kontrata niya sa GMA, pero nag-offer naman daw ang network ng renewal para magtuluy-tuloy ang cooking show niya na Idol Sa Kusina.
Pero tinanggihan ni Chef Boy ang pag-renew ng kanyang kontrata dahil mas gusto na niya ang pag-vlog dahil mas marami siyang nalalaan na oras sa kanyang pamilya at sa kanyang sarili.
During the pandemic, umuwi si Chef Boy kasama ang kanyang pamilya sa Davao kunsaan kinaaliwaan niya ang pagtanim ng mga gulay at mga punong may iba’t ibang bungang prutas.
“Doon po ako nakatira at nag-enjoy po ako sa aking farm. ‘Pag 66 years old ka na, ‘yun na talaga dapat. Dapat, kumbaga, dream ng bilang chef, dapat medyo pupunta ka na sa mga bundok-bundok. More than how many years nagta-trabaho ako. I’m happy na sa farm,” sey pa ng kinilalang Kusina Master.
Inamin ni Chef Boy na dahil sa dalawang taong pandemya ay nagsara ang kanyang cooking school at malaki ang nawala sa naging puhunan niya.
Kaya unti-unti raw siyang bumabagon at pinagdarasal niya na magbukas ulit ang kanyang school next year.
***
ON September 23 to 25 ay magaganap sa Julien’s Auctions ang pagbenta to the highest bidder ang higit sa 1,000 items na pag-aari ng legendary television icon na si Betty White.
Pumanaw ang last surviving cast member ng ‘The Golden Girls’ at ‘The Mary Tyler Moore Show’ noong December 31, 2021. Ang Julien’s Auction ang nag-asikaso ng mga naiwang mga vintage and collectible possessions ni Betty kabilang ang kanyang SAG Life Achievement Award at scripts ng ‘The Golden Girls’ na ay pirma ang buong cast.
Ilan sa mga prized items for auction na pag-aari ni Betty ay signed copy of John Steinbeck’s Nobel Prize acceptance speech, ang 36-year old size 12 lavender dress na sinuot ni Betty sa TGG in 1986, ang original director’s chair, a cream, woven-enamel ring with matching earrings, ang gown na sinuot ni Betty sa 1990 Emmy Awards, announcement card and envelope from the 1976 Emmy Awards, at isang blown-up image ni Betty na may yakap siyang lion.
(RUEL J. MENDOZA)
NILINAW ng Department of Education (DepEd) na hindi pa epektibo ang panibagong panuntunan na inilabas kaugnay sa pagsuspinde ng klase sa oras ng kalamidad at sakuna.
Ginawa ng kagawaran ang paglilinaw matapos nilang isapubliko ang DepEd Order 37 na pirmado ni Vice President at Education secretary Sara Duterte-Carpio.
Ayon pa sa DepEd, hindi pa naihahain sa Office of the National Administrative Register sa UP Law Center ang kautusan kung kaya ay hindi pa ito mai-aapply.
Kailangan din ng personal na pirma ang kautusan dahil tanging electronic signature ang mayroon ito nang ilabas sa DepEd website.
Matatandaang kahapon, ilang paaralan ang nagsuspinde ng klase sa Metro Manila bilang pagsunod sa bagong kautusang inilabas ng DepEd. (Daris Jose)
ITO ANG pahayag ni Duterte Youth Party-List Rep. Drixie Mae Cardema kasabay ng kanyang paghahain ng panukalang batas 4324 o Act to Outlaw the Communist Party of the Philippines, New People’s Army, & National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) AND ALL ORGANIZATIONS supporting them in their Recruitment, Operations, Financial Transactions, and For Other Purposes.
Nakapaloob pa sa panukala na idelara ang CPP-NPA-NDF na bilang isang “organized conspiracy” para patalsikin ang gobyerno kaya dapat itong ideklara rin na illegal at ipagbawal .
Gayundin, sinabi pa ng mambabatas na hindi rin dapat makipag-usap ang gobyerno dahil sa pagiging terorista umano ng mga ito.
“No to Peace Talks with the CPP-NPA-NDF. They are a terrorist alliance and they recruit the Filipino Youth to become rebels against the Philippine Government. They are using different front organization to recruit our youth, we must catch these front organizations,” dagdag ni Cardema.
Sinabi pa ng mambabatas na dapat din hulihin at kasuhan ang mga nagbibigay pondo o nagbabayad ng buwis at “permits to campaign” sa kanila.
Umaasa ito na maibabalik ang Anti-Subversion Law na pinaniniwalaan niyang bubuwag sa CPP-NPA-NDF at sa lahat ng kanilang front organizations.
Kaugnay nito, sinabi naman ni Kabataan Partylist Rep. Raoul Manuel na sa pagtutulak na “ubusin lahat ng CPP-NPA”, ay isinusulong umano ng Duterte Youth, na siya umanong Philippine version ng Hitler Youth, ang pagkakaroon ng karahasan at pagpaslang sa libong inosenteng pinoy kabilang na ang mga community leaders, celebrities, athletes, government officials, organizations, businesses, churches at institutions na naging biktima umano ng redtagging. (Ara Romero)
SINIGURO naman ng Department of Health (DOH) na matatanggap na sa lalong madaling panahon ng mga health care workers ang kanilang mga COVID-19 benefits.
Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire nagsumite na rin ng mga kaukulang dokumento sa Department of Budget and Management (DBM) upang maipaluwal na ang pondo para sa mga benipisyo ng mga health workers.
Nagpaalala rin naman si Vergieri sa mga health workers na meron pa kasing kaukulang requirement na kailangang sundin sa ilalim ng auditing rules at regulations sa DBM na dapat sundin.
Ito naman aniya ay nakumpleto na noong August 19.
Tiniyak din naman ng DBM na kapag natugunan naman daw ng DOH ang mga documentary requirements, agad din nilang bibilisan ang pagpapalabas ng pondo batay naman sa availability ng budget.
Sa naging panayam kay Filipino Nurses United secretary general Jocelyn Andam, sinabi nito na sana maipasa na rin sa lalong madaling panahon ang nakabinbin na panukalang batas sa kongreso na may kaugnay sa pagtataas sa sweldo.