• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 6th, 2022

Cool Smashers kakasa sa ASEAN Grand Prix

Posted on: September 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HANDA na ang lahat sa pagsabak ng Creamline Cool Smashers sa 2022 Asean Grand Prix na idaraos sa Nakhon Ratchasima, Thailand sa Setyembre 9 hanggang 11.

 

 

Nakatakdang lumipad patungong Bangkok ang buong delegasyon sa Miyerkules.

 

 

Kumpleto ang Cool Sma­shers na magtutungo sa Thailand dahil base sa inisyal na plano, kasama si team captain Alyssa Valdez.

 

 

Matapos magkam­peon sa Premier Volleyball League (PVL) Invitational Conference, hindi nakapag­laro si Valdez sa AVC Cup na ginanap sa Philsports Arena sa Pasig City matapos itong tamaan ng dengue.

 

 

Ngunit nilinaw ni PVL official Tony Boy Liao na makakasama lamang ng team si Valdez sa Thailand. Hindi ito maglalaro upang lubusang makapagpahi­nga ang kanyang katawan.

 

 

Hindi rin naman isinasantabi ang posibilidad na maglaro ito lalo pa’t naka­ba­lik na sa magandang porma ang volleyball star matapos ang pinagdaanang hirap sa dengue.

 

 

Magbabalik na rin si middle blocker Risa Sato.

 

 

Bukod kina Valdez at Sato, sasabak din sina two-time MVP Tots Carlos, outside hitter Jema Galanza, opposite spiker Michele Gumabao, at middle b­lockers Jeanette Panaga at Celine Domingo.

 

 

Nariyan pa sina playmaker Jia Morado at libero Kyle Atienza.

 

 

Mapapalaban ang Cool Smashers dahil makakasagupa nito ang powerhouse Thailand, Vietnam at Indonesia.

 

 

Sa unang edisyon ng Grand Prix noong 2019, nagtapos sa ikatlong puwesto ang Pinay Spikers sa first leg na ginanap sa Thailand at second leg na ginanap naman sa Pilipinas.

 

 

Itinanghal na Best Middle Blocker sa parehong leg si dating national team member Majoy Baron habang Best Libero naman si Dawn Macandili sa second leg.

VP Sara, itinalagang OIC habang nasa state visit si PBBM

Posted on: September 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ITINALAGA si Vice-President Sara Duterte bilang Officer-In-Charge (OIC) habang wala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil sa kanyang state visit  sa mga bansang Indonesia at Singapore mula Setyembre 4 hanggang 7, 2022.

 

 

Sa ipinalabas na Special Order No. 75, nakasaad dito na upang matiyak na magpapatuloy ang government service, kailangan na magtalaga ng OIC para siyang mangalaga sa day-to-day operations ng Office of the President (OP).

 

 

Bukod pa rito, ang OIC ang mangangasiwa sa general administration ng Executive Department.

 

 

Kaya nga, ipinag-utos ng Pangulo kay VP Sara na  umakto bilang OIC at kung kinakailangan, “act for and on behalf of the President, except on matters that the President is required  by the Constituion to act in person, during the time that the Presidnet is outside the Republic of the Philippine from 04-07 September 2022.”

 

 

Tutulungan naman ng lahat ng departmento, ahensiya ng pamahalaan at instrumentalities ng gobyerno si VP Sara  sa lahat ng gagawin nito.

 

 

Ang lahat ng magiging hakbang ni VP Sara alinsunod sa nasabing kautusan ay maituturing na pag-akto ng Pangulo maliban na lamang kung “disapproved o reprobated” ng Pangulo.

 

 

Ang nasabing kautusan ay nilagdaan ni Executive Secretary Victor Rodriguez. (Daris Jose)

Nagsimula na ang kanyang US concert tour: ALDEN, ‘di na makapapasyal dahil babalik agad para sa taping nila ni BEA

Posted on: September 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGSIMULA na ng “ForwARd” concert tour si Asia’s Multimedia Star Alden Richards. 

 

 

But before he officially started his concert tour last September 3, sa San Mateo Performing Arts Center, nag-courtesy visit siya sa Philippine Consul General in San Francisco na si Honorable Neil Ferrer.

 

 

He also handed Consul General Ferrer a copy of GMA Pinoy TV’s #StrongerTogether Coloring Book in  partnership with NYC Filipinos.

 

 

Pero walang time si Alden na mamasyal pa roon after the concert tour dahil kailangan niyang bumalik agad para tapusin nila ni Bea Alonzo ang taping ng “Start-Up PH” na nagtatampok din kina Jeric Gonzales, Yasmien Kurdi, Boy 2 Quizon, Royce Cabrera, Kim Domingo at si Ms. Gina Alajar, sa direksyon nina Jerry Sineneng at Dominic Zapata.

 

 

                                                            ***

 

 

NATULOY na rin ang pag-sign-up sa Advanced Media Broadcasting System Channel 2 (AMBS) ng Villar Group ng mag-asawang Toni Gonzaga at film director Paul Soriano, last Thursday, September 1, 2022.

 

 

Sigurado nang isa sa mga shows na gagawin doon ni Toni ay ang isang malalim, pero very interesting na talk show.

 

 

Isa sa inaasahang grand opening salvo ng bagong TV network ay ang pagbabalik sa national broadcast television ni Willie Revillame. Nauna nang pumirma ng kontrata si Willie sa AMBS, kasama ang kanyang sikat na variety show na “Wowowin.”

 

 

Marami pang inaasahang mga bagong shows na papasok na magtatampok sa mga artistang matagal ding nawalan ng kani-kanilang mga programa.

 

 

                                                            ***

 

 

MAGSISIMULA na rin ang third installment ng “Mano Po Legacy” ang “The Flower Sisters” na magtatampok sa apat na palaban na Filipino-Chinese sisters na mag-aagawan sa atensyon ng kanilang ama at ng naiwanan nitong kayamanan.

 

 

Nagkaroon na ng story conference ang episode na magtatampok kina Aiko Melendez, Beauty Gonzalez, Thea Tolentino at Angel Guardian.

 

 

Among the four, ang challenged ay sina Thea at Angel.

 

 

“Medyo naninibago ako dahil ever since nag-start akong umarte, madalas na mga kontrabida roles ang mga ginagampanan ko, but lately, mababait naman ang roles na ginagawa ko, kaya siguro ay hihintayin ko muna ang script para malaman ko kung ano talaga ang character na dapat kong pagtuunan ng pansin,” sabi ni Thea.

 

 

“Gusto kong gumanap ng iba’ibang roles, at gusto kong makasama ang iba namang artista,” nangingiting wika ni Angel.  “Kaya ngayon excited na ako kung ano naman ang gagamapanan ko, tulad nang ikinuwento sa amin ni direk Joey Reyes noong story conference namin.”

 

 

Happy si Angel na kababalik lamang mula sa pagti-taping nila ng “Running Man Philippines,” ang reality show na collaboration ng GMA Network ng South Korea at doon nila kinunan ang buong show nina Mikael Daez, Glaiza de Castro, Ruru Madrid, Kokoy de Castro, Lexi Gonzales at Buboy Aguilar.

 

 

Matagal-tagal ding napahinga si Aiko dahil kumandidato siya sa katatapos na election.  Kaya pag-aaralan din daw niya ang bagong character na gagampanan niya.  Si Beauty naman ay on-going pa every afternoon ang kanyang “The Fake Life” sa GMA-7 after “Return To Paradise.”

 

 

(NORA V. CALDERON)

Kamukha niya at nagmana sa singing voice: SHARON, may touching birthday message kay MIEL na nag-introduce sa K-Pop world

Posted on: September 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAG-POST si Megastar Sharon Cuneta sa kanyang Instagram account ng series of photos last week, kasama ng kanyang birthday message para ang bunsong anak na babae na si Miel Pangilinan.

 

Caption niya, “Happy 18th Birthday to my youngest baby girl, my third princess, Mariel Daniella Sophia. Miel, you look like me, even sound like me, are like me and so unlike me in very many different ways!

 

“I am proud of the woman you have become and of the courage you have managed to gather and display to the world. Of course I will always miss the little girl whose world was her Mama and was always dikit to her, but as long as I know that you love me, all’s alright in my world, no matter what bad things life has and continues to throw my way every so often.

 

“I love you with all my heart, and though my heart (yet again!) breaks at you now being an adult, leaving me with no more little princesses to dote on and one last (huge) prince who’s turning 13 soon (!), I am happy that you know right from wrong and live your life on your terms without hurting anyone as you do.

 

“Happy 18th, Yeyie! Mama will love you forever and ever.❤️❤️❤️🙏🏻🙏🏻🙏🏻😘🤗🥰”

 

Dagdag pa niya, “P.S. Thank you for introducing me to the world of K-Pop and therefore adding so much life to my…jaded one?😘 And letting me be the big kid I’ve always really just been.”

 

Next post ni Mega, ang video na mula sa IG Live ni Miel, na kung saan sinasabayan niyang kumanta ang mommy Sharon niya ng ‘Bituing Walang Ningning’.

 

Infairness, si Miel pala talaga nakamana ng magandang singing voice ni Sharon, na sa malayo sa mga kapatid na sina KC Concepcion at Frankie Pangilinan, dahil may kakaiba silang istilo sa pag-awit.

 

Aba, kung seseryosohin pala ni Miel na maging singer, ay pasadong-pasado siya, kaya naman tuwang-tuwa ang mga Sharonians at followers sa IG, na kahit kami ay napahanga dahil litaw na litaw at buong-buo ang voice at halos ka-boses talaga siya ni Sharon.

 

Sa IG Live pa yun na parang nahihiya pa siyang kumanta, ano pa kaya kung seryosohan na talaga ang pagkanta niya, siguradong mas lalabas na maganda at masarap pakinggan tulad noong kabataan ni Sharon.

 

Ewan lang namin kung may balak ba si Miel na maging singer, sana naman.

 

Anyway, pinost ni Sharon ang mga kaganapan sa bonggang 18th birthday party ni Miel na may 70s theme. Ang ganda rin ng family photos na kung saan umuwi nga si KC Concepcion para maka-attend ng special day ng kapatid.

 

***

 

NAPA-WOW naman si Sharon sa IG post ng isang pop artist from Cebu na si @bastinuod na kung saan nilagyan ng ‘Darna’ effect ang cover photo niya sa isang magazine, kaya nagmukha siyang ‘Queen’ ng mga Darna sa ginawang pop art.

 

May caption ito ng, “It’s Darna season. and I’m Lazy. #DarnaSeries.

 

Ni-repost ito ni Mega ang pop art para magpasalamat, at nilagyan niya ito ng caption na, “Darn! Darn Darna! So honored you thought of still associating me with her. So grateful. Thank you so much! ❤️❤️❤️.”

 

Super-react naman ang mga followers, na dahil IG post na ito, nagka-idea tuloy sila at nagtanong kung puwedeng mag-cameo si Sharon sa ‘Darna’ tv series ni Jane de Leon.

 

May naisip sila na pwedeng lumabas si Sharon sa back story bilang Queen sa Marte.

 

Oh well, lahat naman ay posible, lalo na sa fantaserye, kaya tulad ng paglabas niya sa FPJ’s Ang Probinsyano, kalampagin na lang nila ang Dreamscape Entertainment, malay natin may mga mag-guest ang dati nang nag-Darna, hindi lang si Sharon, pati ang tulad ni Lorna Tolentino, na nag-Darna rin.

 

May isa naman netizen ang nag-comment at nag-suggest, “Glamorosa beauty! 👏🙌 requesting glam team of Ms Shawie. Plz dress her up in a dress for a change no more loose pants. Pls style her like a diva Megastar.”

(ROHN ROMULO)

Sotto magpapalakas pa!

Posted on: September 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

AMINADO si Gilas Pilipinas standout Kai Sotto na kailangan pa nitong magpalakas upang mas maging matagumpay sa mga susunod na laban na haharapin nito.

 

 

Bahagi si Sotto ng Gilas Pilipinas na sumabak sa dalawang laro ng tropa sa fourth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers na ginanap sa Beirut at Manila.

 

 

Maganda naman ang ipinamalas nitong laro.

 

 

Subalit hindi kuntento ang 7-foot-3 cager.

 

 

Kaya naman tuloy lang ito sa ensayo para mas lalo pang mahasa ang kanyang talento.

 

 

“I have to be better. I never had a perfect game and I think I didn’t play good enough,” ani Sotto.

 

 

Nabigo si Sotto sa tangka nitong maging kauna-unahang purong Pinoy player na makapasok sa NBA.

 

 

Walang humugot kay Sotto sa 2022 edisyon ng NBA Annual Rookie Draft.

 

 

Ngunit hindi ito nawa­walan ng pag-asa dahil may tsansa pa rin itong makapasok sa NBA sa tamang panahon.

 

 

Sa ngayon, balik sa Ade­laide 36ers si Sotto para sa nakatakdang pagbubukas ng 2022-2023 season ng Australia National Basketball League (NBL).

 

 

Nakakuha rin si Sotto ng payo mula sa teammates nito partikular na kay NBA star Jordan Clarkson ng Utah Jazz.

 

 

Naniniwala si Clarkson sa kakayahan ni Sotto na personal nitong nasilayang maglaro kasama ang Gilas Pilipinas sa fourth window ng qualifiers.

 

 

Kailangan lang aniya na huwag mawalan ng pag-asa si Sotto.

 

 

Sa halip, ipagpatuloy lamang ang pagsisikap nito para mas lalong mapalakas ang kanyang sarili sa paglalaro.

Pope Francis tiniyak na hindi niya kukunsintihin ang pang-aabuso ng mga pari

Posted on: September 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ni Pope Francis na hindi niya kukunsintihin ang mga pang-aabusong sekswal ng ilang miyembro ng Simbahang Katolika.

 

 

Sinabi nito na hindi maaring ituloy ng isang pari ang pagiging pari kung siya ay nang-aabuso.

 

 

Itinuturing niya ito na “isang halimaw” ang mga pari na nag-aabuso sa mga kabataan.

 

 

Hindi naman aniya itinanggi ng Santo Papa na may mga nagaganap na pang-aabuso sa mga pari.

 

 

Isa sa pinakahuling sexual abuse ng mga pari na nai-report ay sa Portugal kung saan nasa 400 katao ang nagtestigo.

“THE WOMAN KING” TO WORLD PREMIERE AT THE 47TH TORONTO FILM FESTIVAL

Posted on: September 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

September 5, 2022 — TIFF (Toronto International Film Festival) is excited to announce that TriStar Pictures’ The Woman King starring Viola Davis will have its World Premiere at the 47th edition of the Festival this week.

 

 

[Watch the film’s trailer at https://youtu.be/Urnw1iqXI9E]

 

 

The Woman King is the remarkable story of the Agojie, the all-female unit of warriors who protected the African Kingdom of Dahomey in the 1800s with skills and a fierceness unlike anything the world has ever seen. Inspired by true events, The Woman King follows the emotionally epic journey of General Nanisca (Oscar®-winner Viola Davis) as she trains the next generation of recruits and readies them for battle against an enemy determined to destroy their way of life. Some things are worth fighting for…

 

 

Directed by Gina Prince-Bythewood, the story is by Maria Bello and Dana Stevens and the screenplay by Dana Stevens. Produced by Cathy Schulman, Viola Davis, Julius Tennon and Maria Bello, Peter McAleese serves as executive producer. The film stars Viola Davis, Thuso Mbedu, Lashana Lynch, Sheila Atim, Hero Fiennes Tiffin and John Boyega. The action drama is co-financed by Entertainment One (eOne).

 

 

TIFF is also delighted to announce that Viola Davis and director Gina Prince-Bythewood will be participating in the festival’s audience-pleasing “In Conversation With…” series which features in-depth conversations with film artists, writers and cultural figures about their creative process.

 

 

The Woman King marks a new high point in both Davis and Prince-Bythewood’s remarkable careers. While Davis wowed fans in her role as whip-smart and charismatic defence lawyer Annalise Keating in the hit TV series How to Get Away With Murder (2014–2020), the Oscar, Emmy, and Tony Award winner has also built an impressive resume leading ensemble films such as Fences (2016), Widows (TIFF ’18), and, most recently, Ma Rainey’s Black Bottom (2020).

 

 

Prince-Bythewood shot onto the film scene with her beloved feature directorial debut, Love & Basketball (2000), for which she also wrote the screenplay. Since her debut, she has proven her storytelling, writing, and directing prowess again and again, focusing on stories about Black women in particular with such influential films as The Secret Life of Bees (2008), Beyond the Lights (TIFF ’14), and the wildly inventive blockbuster action thriller The Old Guard (2020).

 

 

As TIFF hosts the World Premiere of The Woman King at this year’s Festival, Davis and Prince-Bythewood will sit down for an in-depth conversation about the journey of making this stunning, paradigm-shifting film, their creative collaboration, and their respective artistic paths in Hollywood.

 

In cinemas across the Philippines starting October 5, The Woman King is distributed by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International.  Connect with the hashtag #TheWomanKing

 

 

(ROHN ROMULO)

Beermen nagkampeon sa PBA Philippine Cup matapos tambakan ang TNT 119-97

Posted on: September 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAKUHA  ng San Miguel Beermen ang kampeonato ng 2022 PBA Philippine Cup matapos tambakan ang TNT Tropang Giga 119-97.

 

 

Tinanghal bilang PBA Press Corps Finals Most Valuable Player sa laro na ginanap sa Araneta Coliseum sa harap ng 15,915 audience.

 

 

Nanguna sa panalo ng Beermen si CJ Perez na nagtala ng 25 points habang si June Mar Fajardo ay nagtala ng 19 points at 18 rebounds.

 

 

Ito ang muling pagkampeon ng Beermen matapos ang tatlong taon mula noong 2019 ng limang magkasunod na taon ng sila ay itanghal sa kampeonato.

 

 

Naging malaking hamon para sa TNT ang laro dahil sa hindi nila nakasama ang kanilang coach na si Chot Reyes matapos magpositibo sa COVID-19.

 

 

Nasayang naman ang nagawang 32 points ni Jayson Castro habang mayroong 22 points naman si MIkey Williams para sa TNT.

PBBM, nakipagpulong sa Indonesia para sa security, trade at culture

Posted on: September 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

UMALIS biyaheng Indonesia si Pangulong  Ferdinand  Marcos Jr., araw ng Linggo, Setyembre 4, 2022.

 

 

Ito ang kauna-unahang foreign trip ni Pangulong Marcos nang maupo siya bilang halal na Pangulo noong Hunyo.

 

 

Inaasahan naman na makikipagkita ang Pangulo sa  Filipino community sa kanyang pagdating sa  Indonesian capital.

 

 

“This is to once again put the Philippines in a position where we have strong alliances and strong partnerships which are necessary for us to come out of the post-pandemic economy,” ang bahagi ng mensahe ng Pangulo bago ang kanyang pag-alis.

 

 

“So I leave to undertake my first state visit to our immediate neighbors, Indonesia and Singapore. In other words, ako’y mangangapit-bahay para sa ating bansa at para sa ating ekonomiya,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Magsisimula ang aktibidad ng Pangulo sa  Indonesia ngayong araw, Setyembre 4 hanggang 6, bilang tugon na rin sa naging imbitasyon sa kanya ni Indonesian President Joko Widodo.

 

 

Inaasahan na pag-uusapan ng dalawang lider ang “active and multifaceted cooperation in defense, maritime border security, economic development, and people-to-people exchanges.”

 

 

“We’ll be discussing the current state and the future as we see it of the bilateral relationship between the Philippines and Indonesia and the changing geopolitical environment,” ayon sa Pangulo.

 

 

Para naman sa  Department of Foreign Affairs (DFA), masasaksihan din nina Marcos at Widodo ang paglagda ng ilang mahahalagang kasunduan sa larangan ng depensa at kultura at ang komprehensibong plano ng aksyon, na magtatala ng mga bilateral na prayoridad ng dalawang bansa sa susunod na limang taon.

 

 

Inaasahan ding babanggitin ni Pangulong Marcos ang kaso ni Mary Jane Veloso sa mga opisyal ng Indonesia.

 

 

Wika ng DFA, habang hinimok ng pamilya Veloso ang Pangulo na umapela para sa executive clemency.

 

 

Samantala, kabilang sa delegasyon ni Pang. Marcos sina Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, Finance Secretary Benjamin Diokno, Trade and Industry Secretary Alfredo Pascual, Budget Secretary Amenah Pangandaman, Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan, and Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Felipe Medalla.

 

 

“My state visits to our ASEAN neighbors will seek to harness the potential of our vibrant trade and investment relations. As such, an economic briefing, business forums, and meetings have been organized to proactively create and attract more investments and buyers for our exports in order to accelerate the post-pandemic growth of our economy,”ayon sa Punong Ehekutibo. (Daris Jose)

Pinas, kailangan na maging maingat sa kaso ni Mary Jane Veloso – Malakanyang

Posted on: September 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ISUSULONG ng gobyerno ng Pilipinas ang deliberasyon sa kaso ni Mary Jane Veloso, ang Filipino worker na nasa  death row  ng 12 taon sa Indonesia dahil sa kasong illegal na droga.

 

 

Tugon ito ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles nang tanungin kung bibisitahin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Veloso na nananatiling nakakulong sa Yogyakarta.

 

 

Dumating sin Pangulong Marcos sa Indonesia, araw ng Linggo para sa  three-day state visit  dahil na rin sa imbitasyon ni President Joko Widodo.

 

 

“For matters of this sensitive nature, the President will have to…We cannot say more than that. We cannot even guess as to why. Because it is of a such sensitive nature, then we proceed with deliberation, if we proceed at all,” ayon kay Cruz-Angeles sa press briefing sa Jakarta.

 

 

“I am not saying that we’re proceeding with anything. But the President is aware of the issue. Beyond that, we cannot discuss,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Sinabi ni Cruz-Angeles  na maaaring talakayin ang kaso ni Veloso sa pulong sa pagitan ng  Filipino at Indonesian officials  subalit hindi na nagbigay pa ng karagdagang detalye.

 

 

“We can’t say officially. It’s always an issue. Perhaps it will be broached by one or both countries. We’ll have to see. Well, since a pending issue, it may be inescapable. But we will announce if it is taken up,” ayon kay  Cruz-Angeles.

 

 

Tiniyak din nito na batid ni Pangulong Marcos ang apela na ginawa ng mga magulang ni  Veloso para sa negosasyon kay Widodo para sa “clemency” ng kanyang anak.

 

 

Araw ng Biyernes, bumiyahe ang ama ni Veloso, si tatay  mula sa kanilang lalawigan sa  Nueva Ecija  patungong  Department of Migrant Workers (DMW) sa Mandaluyong City para peersonal na dalhin ang kanyang letter of appeal na naka- addressed kay Pangulong Marcos.

 

 

“We have no information on whether or not it [the letter] has reached the President, but the President is aware of the issue,” ayon kay Cruz-Angeles.

 

 

Kumpiyansa naman si Cruz-Angeles na patuloy na isusulong ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Enrique Manalo ang pagsisikap na mapalakas ang karapatan at proteksyon ng mga migrant workers.

 

 

“I have no doubt in my heart that he will do everything that is possible to discuss this case and also to look at other opportunities for collaboration in strengthening migrant workers’ rights and protection not only here in Indonesia but also in Singapore and throughout ASEAN,” dagdag na pahayag nito.  (Daris Jose)