• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 14th, 2022

UFC mma veteran Elias Theodorou pumanaw na, 34

Posted on: September 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PUMANAW  na ang dating UFC mixed martial arts veteran Elias Theodorou dahil sa cancer sa edad 34.

 

 

Mayroong record itong 19 panalo at tatlong talo bilang professional mixed martial arts sa world’s premirer MMA organization.

 

 

Noong 2014 hanggang 2019 ng makapasok ito sa UFC ay mayroong record siya na walong panalo at tatlong talo.

 

 

Taong 2019 ng pakawalan na siya ng UFC matapos ang unanimous decision na pagkatalo kay Derek Brunson

 

 

Kahit na wala na sa UFC ay lumaban pa rin ito at tatlong beses pa ito sa na ang huli ay noong Disyebmre 2021 ng talunin si Bryan Baker sa pamamagitan ng unanimous decision.

 

 

Siya rin ang unang MMA fighter na nakatanggap ng therapeutic use exemption ng canabis noong Enero 2020.

Meralco Avenue sa Pasig sasaraduhan simula Oct. 3hanggang 2028

Posted on: September 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ISANG bahagi sa Meralco Avenue sa lungsod ng Pasig ang sasaraduhan sa trapiko simula sa Oct. 3 dahil sa gagawing civil works sa Shaw Boulevards kaugnay sa pagtatayo ng P488.48 billion na Metro Manila Subway project.

 

 

 

Tinatalang hanggang 2028 ang pagsasara ng nasabing pangunahing lansangan sa Pasig ayon sa Department of Transportation (DOTr).

 

 

 

Ngayon pa lang ay pinaaalalahanan na ang motoring public naiwasan ang paggamit at pagdaan sa Northbound at Southbound lanes ng Meralco Avenue kapag nasimulan na ang konstruksyon ng subway sa Oct. 3.

 

 

 

“The road closure will take effect until 2028 and will cover the front section of Capitol Commons up to Shaw Boulevard. Meralco Avenue will serve as the access point to the Shaw Boulevard station of the Metro Manila Subway,” wika ng DOTr.

 

 

 

Binalangkas na ang magiging alternative routes para sa mga motorista na maaari nilang daan sa pagtutulungan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), at ng lungsod na pamahalaan ng Pasig.

 

 

 

Sa ilalim ng nasabing rerouting scheme, ang mga traditional jeepneys na papuntang Shaw Boulevard na galing Meralco Avenue na dating dumaraan sa Captain Henry Javier street ay sa Danny Floro na kailangan dumaan.

 

 

 

Habang ang mga modern jeepneys na dating dumadaan sa Dona Julia Vargas Avenue ay magkakaroon ng rerouting papuntang San Miguel Avenue.

 

 

 

Ang mga UV Express ay bibigyan ng pagkakataon na dumaan katulad ng sa modern jeepneys at maaari rin silang magkaroon ng access sa Anda Road papuntang Camino Verde.

 

 

 

Habang ang mga pribadong sasakyan ay maaari naman magkaroon ng access sa lahat ng nasabing routes.

 

 

 

Umaapela ang DOTr sa publiko sa kanilang pang-unawa habang ginagawa ang civil works sa nasabing subway kung saan sila ay siguradong maaabala. Ang nasabing proyekto ay siyang kauna-unahang underground railway sa bansa.

 

 

 

Ang P488.48 billion subway ay binigyan ng pondo mula sa Japan kung saan ito ay may habang 33 kilometers na dadaan sa pitong (7) lungsod mula Valenzuela hanggang Pasay.

 

 

 

Travel time mula Quezon City kung saan magkakaroon ng limang (5) istasyon papuntang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay magiging 35 na minuto lamang.

 

 

 

Ang Megawide Construction Corp. ang nakakuha ng kontratang (CP) 104 ng subway na nagkakahalaga ng P17.75 billion kasama dito ang istasyon ng Ortigas North at Ortigas South at ng tunnels na magdudugtong sa mga ito.

 

 

 

Nagbabalak din ang Megawide na sumali sa bidding ng CP 105 kung saan ang istasyon mula Shaw Boulevard papuntang Bonifacio Global City sa Taguig ay itatayo.

 

 

 

Pagkatapos ng istasyon sa BGC, magkakaroon naman ng mga limang (5) istasyon sa Lawton at Senate sa Manila, FTI sa Taguig, Bicutan sa Parananque at NAIA sa Pasay City.  LASACMAR

Ads September 14, 2022

Posted on: September 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Consistent top-rating show, kaya extended sa third season: DINGDONG, ibinuking si MARIAN na dalawang linggo bago naka-move on sa sinagot sa ‘Family Feud’

Posted on: September 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

AMINADONG fan ng sikat na social media influencer na si Zeinab Harake ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

 

Kinikilig talaga ito kay Marian.

 

Aniya, “Meron akong crush sa Beautéderm family. Totoo po, kung ano man ang arte ko ngayon, feeling ko, dito ko masasabi, ‘Ate Yan! Si Ate Yan talaga, Marian Rivera po, nine years old pa lang ako, siya na ang pine-peg ko, sa ngiti ko, sa galaw ko.

 

“And super excited din po akong makasama ang iba kong mga kapatid sa Beautéderm family ko.”

 

Nang mag-follow raw si Marian sa Instagram account niya, ibinuking ng Beautéderm C.E.O. na si Ms. Rhea Tan si Zeinab sa naging reaksiyon nito na sinabing pwede na raw siyang mamatay.

 

Kaya sey ni Ms. Rhei, “Patay agad?!”

 

Sabi naman ni Zeinab, “Kasi ‘yung reaksiyon ko. Kaya sabi ko, binuo ni Ate Yan ang araw ko. Pinasaya ni Ate Yan ang morning ko. Morning kasi ‘yon no’ng nag-follow siya.”

 

Bukod dito, kahit nga hindi pa makapag-commit ng sagot si Zeinab kung papasukin na rin ba niya ang mundo ng pag-arte, pero nang tanungin ito kung si Marian ang makakasama, mabilis na sumagot ito nang, “Kahit extra lang ako.

 

“Basta movie po ni Marian, sasama po talaga ‘ko. Kahit taga-punas ni Ate Yan, opo, sasama ko. Pwede! Sobrang dream ‘yon kung mangyayari.”

 

Hindi pa raw siya nagkakaroon ng chance na makita si Marian sa personal, pero nagkaka-chat na raw sila.

 

Malaki naman nga ang posibilidad na magkita sila ngayong isa si Zeinab sa mga bagong endorser ng Beautéderm. Siya ang face ng Koreisu toothpaste na mismong si Zeinab ay na-prove na ang effectiveness at gawang Japan din.

 

***

 

NAKAAALIW naman ang rebelasyon ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes tungkol sa asawa na si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.

 

Nagkaroon ng pagkakataon na makapag-guest at makapaglaro ang inyong lingkod kasama ang aming entertainment editors na sina Lito Mañago, Anna Pingol at Rohn Romulo sa Family Feud.

 

Talaga naman na isa yata ito sa mga game show sa telebisyon na napakasaya pero nakaka-tense sa mga contestants. Sinabi namin kay Dingdong na nakakakaba.

 

At saka niya naikuwento na natatawa, “Pero alam niyo, si Marian, dalawang linggo na after niyang maglaro, iniisip pa rin niya.”

 

Ang tinutukoy siguro ni Dingdong, two weeks na, tila hindi pa nakaka-move-on si Marian sa maaaring hindi nakasama sa top answer na sagot nito.

 

Anyway, magtatapos na rin ang second season ng Family Feud na extended na nga, pero ang good news, dahil nga isa ito sa consistent top-rater talaga, another extension for the show. At tuloy-tuloy na raw ito for another season, which is, third season na ng Family Feud kunsaan, mahusay na nagagampanan talaga ni Dingdong bilang host.

 

***

 

HALATANG nag-e-enjoy si Barbie Imperial kapag ang content ng Youtube vlog niya ay ang sumagot ng mga controversies sa kanya.

 

Aminin na rin na si Barbie ang isa sa mga artista ngayon na masarap interbyuhin dahil talagang wala itong inuurungang tanong at isyu.

 

So, sa vlog nga niya, sinagot niya ang isyu sa kanya na kabit naman siya ng isang pulitiko.

 

At napa-“my god ito” saka sinabing, “Sana wala akong mga bayarin dito sa bahay. Feeling ko naman, as an artista, hindi mo talaga maiiwasan na masabihan ka na kabit ka nig anito, ganyan… ‘yung mga sugar daddy.

 

“Actually, noong nag-Tanduay ako, mula nang mag-calendar girl ako, ang dami talagang nagsasabi sa akin na, ‘gusto ka raw maka-date ni ganito-ganyan,’ ‘gusto ka raw ilabas, dalhin sa ibang bansa, shopping.’ Pero for me, no talaga.”

 

Katwiran ni Barbie, hindi naman daw kasi siya materialistic na babae at magbibili ng kung ano-anong mga branded na gamit.

 

Sabi pa niya, “Parang mas masarap sa feeling na pinag-iipunan mo kung ano ang meron ka ngayon. Mas masarap na pinaghihirapan mo dahil mas lalo mong gugustuhin. Feeling ko kasi, if madali kong makukuha ang mga bagay, tatamarin na ‘ko sa life, gano’n.”

 

Malaking factor rin daw na probinsyana ang nanay at pamilya niya, so nakakahiya raw kung gagawin niya.

 

Sey pa niya, “conservative” raw siyang talaga at kahit nga raw sa mga kissing scenes niya, hindi rin pinapanood ng parents niya.

 

Itinanggi rin niya ang tungkol kay Sandro Marcos. Nothing romantic daw talaga sa kanilang dalawa, as in, magkaibigan lang daw sila.

 

 

 

(ROSE GARCIA)

P1 bilyong SRA ng health workers, wala pang pondo

Posted on: September 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NANANATILING  wala pang pondo ang P1 bil­yong COVID-19 Special Risk Allowance (SRA) para sa mga health workers sa loob ng dalawang taon makaraang tumama ang pandemya sa bansa.

 

 

Sinabi ito ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire sa presentasyon ng panukalang pondo ng ahensya para sa 2023 sa Kongreso.

 

 

Nakikipag-ugnayan naman umano sila sa Department of Budget and Ma­nagement (DBM) at hanggang ngayon ay naghihintay pa ng tugon nito.