• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 20th, 2022

PBBM, nakipagpulong sa Pinoy community sa US, nagpasaklolo at humingi ng suporta para sa turismo

Posted on: September 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAKIPAGPULONG si Pangulong  Ferdinand  Marcos Jr. sa  Filipino community sa New Jersey, USA.

 

 

Hinikayat niya ang mga ito na suportahan ang turismo at mamuhunan sa Pilipinas.

 

 

Hinarap ni Pangulong Marcos ang mga Filipino na nagmula hindi lamang sa  New Jersey kundi maging sa New York at Canada na nagtipon-tipon sa  New Jersey Performing Arts Center.

 

 

Sa naging talumpati ng Punong Ehekutibo, kinilala nito ang mga sakripisyo at ambag ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa economic recovery.

 

 

“Kahit nasa malayo kami ay pinapanood namin kayo, pumuputok po ang puso namin ‘pag nakita namin ang inyong ginagawa na itinataas at pinapatingkad ang pangalan ng Pilipinas sa buong mundo,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

Pinasalamatan din ng Chief Executive ang  mga  Filipino sa Estados Unidos sa kanilang remittances account na pumalo sa 40% ng mahigit sa $3.4 billion total remittances.

 

 

“‘Yung remittances na pinadala ninyo, alam ko ang iniisip ninyo ay tulungan ang mga pamilya ninyo. Pero kahit hindi niyo nararamdaman, malaking naitulong ninyo sa ekonomiya ng Pilipinas. At siguro hindi lang malaki ang naitulong, binuhay ninyo ang ekonomiya ng Pilipinas,” ayon sa Pangulo.

 

 

“We have over 10 million kababayans all over the world, and as your President, I understand and know fully well the significant impact of the Philippine diaspora on our motherland, especially in terms of supporting our post-pandemic economic recovery,” ang dagdag na pahayag ni Pangulong Marcos.

 

 

Pinasalamatan din nito ang mga  medical frontliners para sa kanilang kabayanihan lalo na sa panahon ng  COVID-19 pandemic nang maipamalas ng mga ito ang kanilang mahalagang naging kontribusyon.

 

 

Hinikayat naman ng Punong Ehekutibo ang audience na magkapit-kamay para i-promote ang  “tourism, invest” sa Pilipinas at mangyaring bisitahin ang bansa upang maipakita ang ganda nito.

 

 

Malaki aniya ang maitutulong nito para sa  economy recover, at isa aniya ito sa prayoridad ng kanyang administrasyon.

 

 

Tinatayang may 100,000 Filipino ang nakatira sa New Jersey, karamihan sa mga ito ay health workers.

 

 

Sa kabilang dako, kasalukuyang nasa Estados Unidos na si Pangulong Marcos para makibahagi sa ika-77 na United Nations General Assembly (UNGA).

 

 

Sa kanyang arrival sa United States of America, dinaluhan ng Punong Ehekutibo ang pagtitipon ng Filipino community sa New Jersey Performing Arts Center sa New Jersey.

 

 

Sa mga darating na araw, makikipagpulong naman ang Pangulo sa  iba’t ibang  world leaders, business people, at potential investors at magtatalumpati sa economic briefings sa New York.

 

 

“In the coming days, so besides the meetings with the political leadership, it will also be for potential investors, other business leaders dahil gusto natin para paahunin nga natin, para pasiglahin natin ang ekonomiya na makapag-invest at ‘pag nag-invest mayroong bagong negosyo. Kapag may bagong negosyo, may trabaho,” anito.

 

 

Kabilang naman sa mga opisyal ng pamahalaan na kasama ni Pangulong Marcos sa working visit niyang ito ay sina   Unang Ginang  Louise Araneta-Marcos, Ambassador Jose Manuel G. Romualdez, Ambassador Antonio Manuel R. Lagdameo Sr., Speaker Ferdinand Martin Romualdez, at mga anak na sina  Ilocos Norte Rep. Ferdinand Alexander A. Marcos III, at Joseph Simon A. Marcos.

 

 

Kasama rin ng Pangulo ang ilan sa miyembro ng kanyang gabinete gaya nina Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, DFA Sec. Enrique Manalo, Finance Sec. Benjamin Diokno, Budget Sec. Amenah Pangandaman, NEDA Sec. Arce Balisacan, BSP Gov. Felipe Medalla, DOT Sec. Christina Frasco, DPWH Sec. Manuel Bonoan, DOTr Sec. Jimmy Bautista, DICT Sec. Ivan John Uy, DMW Sec. Toots Ople, DTI Sec. Alfredo Pascual, PMS Sec. Naida Angping, at Special Assistant to the President Antonio Lagdameo Jr.

 

 

Samantala,  sa labas ng New Jersey Performing Arts Center, may ilang mga Pinoy ang nagsagawa ng rally. Isinigaw ng mga ito na  hindi dapat kalimutan ang nangyaring  paglabag sa karapatang pantao noong panahon ng  Martial Law . (Daris Jose)

Bilang pagsuporta sa magandang adbokasiya ng Musa: VINA, bonggang-bongga na rumampa sa ‘New York Fashion Week’

Posted on: September 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TUWANG-TUWA si Vina Morales dahil sa bonggang-bongga siyang rumampa sa runway ng New York Fashion Week para sa Musa.

 

Pinag-usapan nga ang 46-year old na singer/actress na naging bahagi ng catwalk para sa isang layunin na malapit sa kanyang puso.

 

Caption niya sa IG post, “Such an honor to do the grand finale walk at the New York Fashion Week of Musa event for a good cause.”

 

 

Nag-express si Vina ng kanyang pagsuporta sa adbokasiya ng Musa, na ang layunin ay tulungan ang mga bilanggo at katutubong tribo sa Davao del Norte para sa ikabubuti ng kanilang buhay.

 

 

Dagdag pa ni Vina, “A little trivia is that my great great grandmother who married an American soldier during the war is from a Tagakaulo tribe which originates from Davao del Sur.

 

 

“I congratulate my co-Bisaya/friend/designer @musafabric_by_joysoo for the success and for this advocacy , i will continue to support in any way i can.”

 

 

***

 

 

MULING humarap sa entertainment media ang Batch 1 ng SocMed House: Bahay ni Direk Miah, matapos nilang mag-exit last September 11, na kung saan nagpamalas nga ang nine housemates ng kanilang acting skills.

 

Na ngayon ay balik na uli sila sa kani-kanilang buhay, tulad sa kani-kanilang trabaho at pagbabalik-eskuwelahan.
Sa Miyerkoles, September 21, papasok na ang Batch 2 na may ten housemates, a hopefully walang malaglag dahil hindi nakapasa sa antigen test. Napapanood ito sa kanilang Facebook page at KRTV YouTube channel.

 

Samantala, sinisimulan na ngang planuhin ng KSMBPI (Kapisanan ng mga Social Media Broadcasters sa Pilipinas) ang movie na nakatakdang gawin ng mga housemates, after na makapasok na ang lahat sa apat na linggo, kaya waiting pa sila sa Batch 3 and 4.

 

Ang movie ay ididirek pa rin ni Jeremiah Palma, na nagdirek ng short film na ‘Umbra’, na pinagkalooban ng dalawang international awards.

 

May tentative title na ‘Ang mga Seksing Multo sa SocMed House’, na kung saan pasok lahat ng housemates at balitang may makakasama rin silang mga sikat na aktor at aktres.

 

Pagbibiro pa ng founding chairman ng KSMBPI na si Doc. Michael Aragon kung bakit horror ang tema ng first movie nila, “meron kasing nagmumulto sa socmed house, and we will know sa pagpasok ng Batch 2, kung magpaparamdam uli ang multo. Pero ayaw naming sabihin dahil baka matakot ang mga new housemates, dahil wala pa naman tayong confirmation, kasi based pa lang ‘yun sa testimony ng isang housemate na nakaramdam, baka open yun third eye niya.

 

“Gusto ko nga matulog doon, para ako na mismo maka-experience. Para pag nagparamdam sila sa akin, may papel at ballpen na akong hawak, para ipa-sign up ko na sila.”

 

Pangako pa ni Dr. Michael na magiging maganda ang movie na gagawin nila na papasa na panlasa ng mga Pinoy, pati na sa international filmfest, na balak ng simulan sa October.

 

“Together with a very good storyline, we would to apply a ‘new’ technology, na hindi ginagamit sa pelikula ang gagamitin namin. So that our movie, pag prinesent sa international platforms, iba siya and to show na ang mga Filipinos are talented.”

 

Mala-‘Blairwitch Project’ daw ang gusto nilang i-peg sa horror movie kaya gagamitan nila ito ng bagong technology sa paggawa ng pelikula.

(ROHN ROMULO)

One-time extension sa education assistance program, pinag-aaralan ng DSWD

Posted on: September 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINAG-AARALAN ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magbigay ng one-time extension sa pamamahagi ng educational assistance program nito.

 

 

Ito ay bago ang nalalapit na pagtatapos ng kanilang anim na linggong payoout sa darating na September 24, 2022.

 

 

Ngunit paglilinaw ni DSWD Spokesperson Romel Lopez, ang naturang extension ay nakadepende pa rin sa availability ng pondo ng kagawaran mula sa Php1.5 na allocation pagkatapos ng huling araw ng pamamahagi ng naturang ayuda.

 

 

Dagdag pa niya, kasalukuyan nang pinag-aaralan ni DSWD Sec. Erwin Tulfo ito dahil sa dami na rin ng mga aplikante nais na mapabilang sa naturang programa.

 

 

Samantala, sa kaparehong pahayag ay muli rin binigyang-diin ni Lopez na hindi sila muling tatanggap pa ng mga bagong aplikante dahil ang mga kababayan natin na walang access sa internet o gadget lamang ang kanilang kukunin sakaling matuloy ang naturang plano.

Sports na arnis kabilang na sa medal event sa 32nd SEA Games

Posted on: September 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SA PAGKAKATAON ang Filipino martial arts na arnis ay kabilang na sa medal event ng 32nd Southeast Asian Games na gaganapin sa Cambodia sa Mayo 2023.

 

 

Isa kasi ang arnis na isinama sa 49 sports at 608 events na inanunsiyo ng Philippine Olympic Committee.

 

 

Labis naman na ikinatuwa ni Senate President Miguel Zubiri bilang pangulo ng Eskrima Kali Arnis Federation president at chairman sa pagsama na ng arnis sa SEA Games.

 

 

Dagdag pa nito na noon pa man ay kanilang isinusulong na dapat isama ang sports na arnis sa anumang international sporting events.

DIRECTOR SAYS “SMILE” A HORROR FILM THAT FEELS LIKE A PANIC ATTACK

Posted on: September 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SOME horror movies aim to subtly spook audiences. 

 

 

Others try to make viewers squirm in their seats. But filmmaker Parker Finn had a far more ambitious goal in mind when he set out to write and direct his debut feature, Smile. “I wanted to make a movie that felt like a sustained panic attack from start to finish,” he says.

 

 

[Watch the film’s featurette at https://youtu.be/-U68rvBEev4]

 

 

The chilling story of a clinical psychiatrist who begins experiencing terrifying and inexplicable occurrences following a bizarre encounter with a patient, Smile was inspired by a short film Finn made in 2020. Titled Laura Hasn’t Slept, the short starred Caitlin Stasey — who also has a memorable role in Smile — and won a Special Jury Award in SXSW®’s Midnight Short category. The 11-minute film generated intense industry buzz around Finn, who successfully pitched a feature version to Paramount Pictures and producers Marty Bowen and Wyck Godfrey’s Temple Hill Entertainment.

 

 

Although drawing thematic inspiration from Laura Hasn’t SleptSmile takes the story in a frightening new direction. Finn says he wanted to explore what it would be like to experience your mind turning against you in horrifying ways. “You know that sense of dread you feel when you wake up from a bad dream? That feeling of panicky doom that lingers with you afterwards, even though you know it wasn’t real? I wanted Smile to capture that feeling on screen.”

 

 

A lifelong fan of horror, Finn believes one of the prerequisites of the genre is characters worth caring about. “The scariest movies are the ones that work first as dramatic stories, so my goal was to create a great lead character — because if you’re invested in her, you’ll be invested in her plight,” he explains. “Then you can start layering in shocking moments that strike at the core of what the audience is afraid of, and find ways to pull the rug out from under them and subvert their expectations in terrifying ways.”

 

 

Smile centers on Dr. Rose Cotter, a dedicated psychiatrist at a public hospital whose mission is to ensure her troubled patients get the help they need. But when a malevolent evil enters Rose’s life, the tables turn and she finds herself struggling to convince her friends and family that the surreal nightmare she’s experiencing is real. As her fight for sanity and survival becomes increasingly desperate, she’s forced to investigate the bizarre mystery and piece together clues to figure out what’s happening to her.

 

 

Reflecting on his journey from short filmmaker to feature writer-director, Finn says he can’t wait to terrify legions of moviegoers around the world. “Nothing can prepare you for what happens in Smile,” he says with a mischievous grin. “It’s going to shock you, it’s going to scare you, and you’ll want to cover your eyes. It’s got big, frightening moments that will cause you to jump out of your seat, but it also leans in to this creeping sense of unease that slowly burrows its way beneath your skin. Basically, it’s a roller coaster that you’re going to want to talk about with your friends as soon as it’s over.”

 

 

In cinemas across the Philippines September 28, Smile is distributed in the Philippines by Paramount Pictures through Columbia Pictures.  Follow us on Twitter at www.twitter.com/paramountpicsph/; Instagram at www.instagram.com/paramountpicsph/  and YouTube at  https://www.youtube.com/channel/UCsZ7igjHZB-5k8DDM7ilVJw.

 

 

Connect with #SmileMovie and tag @paramountpicsph

 

(ROHN ROMULO)

Irene Marcos Araneta, dumalo sa libing ni Queen Elizabeth

Posted on: September 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TUMAYONG special representative ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang kanyang kapatid na si Irene Romualdez Marcos- Araneta sa state funeral ng Kanyang Kamahalan Queen Elizabeth II.

 

 

Kasama ni  Irene Romualdez Marcos- Araneta ang kanyang asawa na si  Gregorio María Araneta III.

 

 

Sa isang kalatas, sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles,  ang mag-asawang Irene Romualdez Marcos-Araneta at kanyang esposo ang dumalo sa nasabing  state funeral na nagsimula sa  lying-in-state  ng Reyna na mangyayari, araw ng Linggo  (London time).

 

 

Araw ng Linggo, (Philippine time), Setyembre 18 ay lumipad  na kasi si Pangulong Marcos tungong Estados Unidos para dumalo sa ika-77 United Nations General Assembly (UNGA) na may temang “Watershed Moment, Transformative Solutions to Interlocking Challenges”

 

 

na gaganapin sa New York.

 

 

Ang Pangulo ay inaasahang magsasalita sa harap ng mga lider ng iba’t ibang bansa  sa dadalo sa taunang UNGA sa Setyembre 20 ng alas-3:15 ng hapon, oras sa New York o alas-3:13 ng hapon sa Pilipinas.

 

 

Inaasahang tatalakayin ng Pangulo sa kanyang pananalita ang isyu ng climate change, rule of law, at food security.

 

 

Nakatakda namang bumalik ang Pangulo sa Setyembre 24.

 

 

Matatandaang, nakiisa si Pangulong Marcos sa ibang lider ng buong mundo na nagluluksa sa pagpanaw ni Queen Elizabeth II na pinakamatagal na namunong British monarch.

 

 

Inilarawan ni Marcos ang pagkamatay ng 96-taong-gulang na monarko bilang isang malaking kawalan sa buong mundo.

 

 

Sinabi ni Marcos na labis siyang nalungkot sa pagkamatay ni Queen Elizabeth II. “It is with profound sadness that we receive the news of the passing of Her Majesty Queen Elizabeth II in Balmoral Castle yesterday evening,” ani Marcos.

 

 

Sinabi ni Marcos na maaalala ang reyna sa pagpapakita ng dakilang dignidad ng isang tunay na monarko, pagtupad sa tungkulin, at debosyon sa lahat ng nasa kan­yang nasasakupan.

 

 

Ayon pa kay Marcos, ang sambayanang Pilipino at ang mga nagtatrabaho sa England bagaman at hindi sakop ng Reyna, ay nagkakaroon ng matinding pagma­mahal kay Queen Elizabeth bilang isang Reyna, bilang ina, at bilang isang lola.

 

 

Si Queen Elizabeth II, ang pinakamatagal na mo­narko ng Britain ay namatay nang mapayapa noong Huwebes ng hapon sa Balmoral Castle, ang kanyang tahanan sa Scotland, ayon sa isang pahayag ng Bucking­ham Palace.

 

 

Ang kanyang huling pagpapakita sa publiko ay noong Platinum Jubilee noong Hunyo. Ang reyna, na naluklok sa trono noong 1952 pagkatapos mamatay ng kanyang ama at naghari sa loob ng pitong dekada.

 

 

Siya at ang kanyang yumaong asawa, si Prince Philip ay may apat na anak – si Prince Charles, ang taga­pagmana ng trono; Princess Anne; at Prince Andrew at Edward.  (Daris Jose)

Ads September 20, 2022

Posted on: September 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Pagpapasara sa POGO, pinag-iisipan na ni PBMM

Posted on: September 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINAG-IISIPAN na umano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapasara sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa.

 

 

Sinabi ni Sen. Imee Marcos na nakausap niya ang Pangulo noong nagtungo siya sa Palasyo para dumalo sa kaarawan ng kapatid at ito ang isa sa kanilang mainit na napag-usapan.

 

 

Iginiit umano ng Senador kay Pangulong Marcos na kung hindi kayang ipatupad ang task force na tututok sa mga iligal na aktibidad ng POGO na mukha umanong hindi talaga dahil ilang taon na ang kaguluhan na ito ay dapat itigil na lamang.

 

 

Sinabi umano ito ni Marcos dahil alam naman niya na ayaw talaga ito ng Presidente tulad ng pag-ayaw sa E-sabong na kikita nga subalit maliit lamang ito at hindi sapat ang halaga para sa krimen tulad ng kidnapping, abduction at iba pa.

 

 

Sa tingin din ng senador, mas malaki ang kita ng “under the table” kaysa sa ibinabayad na buwis ng POGO sa gobyerno.

 

 

Sa kabila nito ay wala pa umanong pinal na desisyon ang Pangulo kung dapat nang buwagin ang POGO sa bansa.

 

 

Naniniwala rin si Sen. Imee na kahit ipasara ang POGO ay hindi ito makakaapekto sa relasyon ng China at Pilipinas. (Daris Jose)

Confident na na-meet ang expectations sa kinalabasan ng ‘Start-Up PH’: BEA, very thankful and flattered sa mga papuri ni ALDEN

Posted on: September 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

CONFIDENT si Alden Richards na na-meet ang expectations nila sa kinalabasan ng Philippine version ng Start-Up.

 

 

Kahit daw hindi naman siya nakakapanood ng playback during the taping pero based sa trailer ng Start-Up ay they have a good show.

 

 

“We have something that we are very proud of. Hindi naman natin masisisi ‘yung mga fans na nag-e-expect sa show namin kasi sobrang minahal nila ang Korean version ng Start-Up. Siyempre para sa kanila, they want to protect their love for the show.

 

 

“Siyempre gusto rin nilang makita na ang Pinoy version ng Start-Up is worth their while,” wika pa ni Alden.

 

 

Sa tingin din ni Alden, napapanahon na para magkaroon din ng sariling version ng Sandbox sa Pilipinas.

 

 

“Sandbox is a tool for people who have dreams, para magkaroon sila ng backbone. Madaling mangarap pero kailangan din natin ng mga taong tutulong sa atin, to guide our path, so we can put into action ang mga dreams natin.

 

 

“Magandang tool ang Sandbox para sa mga Filipinos who aspire to be somebody, para matulungan sila at mabigyan ng guidance para matupad ang mga pangarap nila.”

 

 

Unang nakatrabaho ni Alden si Bea Alonzo sa isang endorsement shoot sa Bangkok. Very vocal si Alden na fan siya ng tandem nina Bea at John Lloyd Cruz. Ang dream nga ni Alden ay magkasama sila ni Bea sa isang project together.

 

 

“Just like Start-Up, natutupad ang mga pangarap. You get what you wish for. Yung mga nakita ko kay Bea dito sa Start-Up, she puts good pressure on me. Kasi never ako nagkaroon ng eksena kay Bea na hindi niya memorized ang linya.

 

 

“With the way she handles her scenes, sabi ko hindi ako pwedeng petiks. Hindi ako pwedeng chill-chill lang. Ito’ng taong ito ay pinapakitaan ka ng effort at ibinibigay 100 percent every taping day kaya dapat ibigay ko rin ang best ko,” paliwanag ni Alden.

 

 

Sinabi rin ni Alden na sobrang magaling makisama ni Bea. Just like noong una silang nagkasama sa trabaho sa Bangkok, four hours silang nag-usap para hindi sila naubusan ng topic.

 

 

Very happy daw siya at ang buong cast sa pagkakataon na makatrabaho si Bea.

 

 

Sa September 26, Monday, ang pilot airing ng Start-Up sa GMA Telebabad after Lolong.

 

 

***

 

 

MASAYANG-MASAYA naman si Bea Alonzo sa mga magagandang salitang winika ni Alden Richards para sa kanya.

 

 

Very thankful and flattered si Bea sa mga papuri ni Alden sa kanya. Si Alden ang parang welcoming committee sa kanya sa GMA.

 

 

Say pa ni Bea, si Alden daw is the one who sets the happy mood on the set, unlike her na sobrang seryoso kung minsan.

 

 

“Natutuhan ko kay Alden na hindi ko naman kailangan na maging masyadong seryoso on the set. Pwede rin naman akong mag-enjoy even if I am working,” pahayag ni Bea.

 

 

Now that she’s doing Start-Up, dama ni Bea ang challenge. Hindi naman daw siya fearful. Ang kaibahan daw this time compared when she was starting her career, noon ay marami siyang gustong patunayan.

 

 

She was in her teenage years kaya para mas nakaka-pressure sa kanya that time dahil sa pressure mula sa mga tao.

 

 

Now that na she’s in her 30s, nagkaroon din siya ng adjustment dahil she is working with a new set of people. She has to be on her toes.

 

 

“Siyempre I want to make them feel na okay ako katrabaho. I want to be the best version of myself at maayos ang trabaho ko. Ngayon that I am starting again, mas ini-enjoy ko ang every moment.

 

 

“Unlike dati na may shadow of fear and pressure, ngayon mas ini-enjoy ko ang work.

 

 

“Now I have a second chance to start up again, now I know how to enjoy myself while working.”

 

 

Start-Up is directed by Jerry Lopez Sineneng and Dominic Zapata.

 

(RICKY CALDERON)

Mahigit P1 bilyong piso sa educational aid, naipamahagi na

Posted on: September 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PUMALO na sa mahigit P1 bilyong piso ang naipamigay ng  Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga  indigent learners.

 

 

May kabuuang P1,033,610,800 na education assistance ang naipamahagi sa bansa mula  Agosto  20 hanggang Setyembre  17, 2022.

 

 

Tinatayang may 414,482 estudyante ang nakinabang mula sa programa kabilang na ang 136,349 college students, 58,502 senior high school, 92,856 junior high school, at 126,775 elementary students.

 

 

Nito lamang Setyembre 10, inanunsyo ng DSWD na isinara niya ang   online application para sa educational assistance program para sa indigent students bunsod ng mataas na  volume ng aplikasyon laban sa limited available funds. (Daris Jose)