About SLUMBERLAND:
Unravel the conspiracy with all-star cast led by Christian Bale, Margot Robbie, John David Washington in “Amsterdam”
Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
About SLUMBERLAND:
Unravel the conspiracy with all-star cast led by Christian Bale, Margot Robbie, John David Washington in “Amsterdam”
MAAARI pa ring magmay-ari ng maraming simcards ang isang indibidwal.
Ito ang sinabi ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy kaugnay ng ipatutupad na bagong Simcard Registration Act.
Aminado si Uy na may mga lugar na walang signal o mahina ang signal ng isang telecommunication company kaya yung may malakas na signal na sim card ang siyang ginagamit.
Kaya maaari aniyang magkaroon ng maraming simcard ang isang indibidwal basta ang lahat ng ito ay nakarehistro sa kaniyang pangalan.
Sinabi ni Uy na wala namang nakasaad sa batas na bawal magkaroon ng maraming simcard ang isang indibidwal, basta ito ay kilala o rehistrado at hindi ginagamit sa iligal na gawain. (Daris Jose)
PUMIRMA ng endorsement deal sa sports apparel na Nike ang panganay na anak ni Los Angeles Lakers star LeBron James na si Bronny.
Isa lamang si Bronny sa limang amateur basketball players na pumirma ng endorsement deals.
Una naging bahagi si Bronny ng Nike marketing ng pinakabagong sneakers na Nike LeBron 20.
Hindi naman binanggit dito kung magkano ang halaga ng nasabing kontrata.
Ang NBA star pumirma ng lifetime Nike deal noon pang 2015.
Tatlong mga babae ang pumirma sa kontrata na sina JuJu Watkins mula sa Sierra Canyon ; Caitlin Clark ng University of Iowa; Haley Jones ng Standford at ang pang-lima ay si D.J. Wagner ng New Jersey high school.
SUPORTADO ng National Privacy Commission (NPC) ang rekomendasyong pagpapasa ng SIM Card registration bill sa bansa na tanging lagda na lamang ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang hinihintay.
Sa isang statement ay sinabi ng komisyon na ito ay upang maiwasan ang paglaganap ng iba’t-ibang uri ng kriminalidad na isinasagawa sa pamamagitan ng electronic communication.
Ayon sa NPC, batid nito na talagang kakailanganin ng malakihang koleksyon ng personal data sa pagpapatupad ng SIM card registration system dahilan kung bakit anila kinakailagan talaga ang pagkakaroon ng technology-neutral approach at future-proof na proposed legistlation upang makamit ang layunin nito sa paraang pinapanatili pa rin ang paggalang sa mga karapatan at kalayaan ng mga data subjects.
Dagdag pa ng ahensiya, hindi dapat na mapunta pa sa mga retailer ang pasanin nang pagtukoy sa pagkakakilanlan ng mga SIM card buyer lalo na’t wala naman itong kaalaman o maayos na mapagkukunan ng datos para ma-verify ang identity ng data subjects at authenticity ng identification cards na ipapakita nito.
Ito ay dahil sa posible anilang magresulta lamang sa overcollection at hindi wasto o hindi sapat na monitoring at security practices, bagay na pinagtibay naman ng Section 5 ng naturang Bill.
Bukod dito ay sinabi rin ng NPC na hindi rin nito hinihikayat ang paggamit ng centralized server o database dahil naman sa posibilidad na magdulot ito ng malaking panganib sa oras na may mangyaring security breach dito.
Pinagtibay naman ito ng Section 6 ng naturang Bill na nag-aatas naman sa mga ahensya ng gobyerno o public telecommunications entities (PTES) na panatilihin ang paggamit ng kanilang database sa pagpo-proseso, activate, deactivate o subscription ng mga SIM card.
Samantala, sa ngayon ay inaasahan nang malalagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang naturang bill matapos itong ipasa ng dalawang chamber ng Kongreso.
Habang tiniyak naman ng privacy commission na mahigpit din itong nakikipag-ugnayan sa mga ahensya ng gobyerno para naman sa pagbuo ng mga guidelines sa pagpapatupad ng panukalang batas sakaling maaprubahan na ito ng punong ehekutibo.
BALIK-ENSAYO na si eight-division world champion Manny Pacquiao para paghandaan ang exhibition match nito kay Korean YouTuber DK Yoo na idaraos sa Disyembre 10 sa South Korea.
Bagama’t isang exhibition match lamang ito, nais pa rin ni Pacquiao na buhusan ng oras ang paghanda para dito dahil hindi biro sumalang sa isang boxing fight.
Kaya naman hangad ni Pacquiao na mapanatiling mataas ang kundisyon ng pangangatawan nito upang masiguro na handa ito sa laban bago tumulak patungong South Korea.
Sa isang video, sumalang si Pacquiao sa ilang training session sa gym nito sa General Santos City.
Kitang-kita ang bagsik at lakas ng kamao nito sa bawat suntok na binibitawan nito.
Pinaghahandaan ni Pacquiao ang laban na tatawaging 2022 Special Boxing Match Pacman vs DK Yoo.
Excited na si Yoo na makasagupa ang isang boxing legend na tulad ni Pacquiao.
“For special match with Pacquiao,” ani Yoo sa kanyang naunang post.
Kailangan ding paghandaan ni Pacquiao ang laban dahil hindi rin birong kalaban si Yoo dahil may experience ito sa martial arts.
Si Yoo ay isang sports and fitness instructor at founder ng Warfare Combat System.
Kaya naman posibleng makapagbigay ito ng magandang laban kay Pacquiao.
Retirado na sa professional boxing si Pacquiao kung saan huli itong nasilayan sa aksyon noong Agosto.
Lumasap ito ng unanimous decision loss kay Cuban Yordenis Ugas sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada.
MATAPOS ang naganap na pagbagsak ng scaffolding sa Quezon City na ikinasawi ng isang trabahador, hiniling ng women workers group ang pagpataw ng mas mabigat na parusa at multa sa mga lababag sa Occupational Safety Health (OSH) law.
Tanong ng Kilusan ng Manggagawang Kababaihan (KMK) kung ilan pang manggagawa ang masasawi sa trabaho bago panagutin ang mga kumpanya na nagpabaya sa kanilang trabahador.
Matatandaan na isa ang nasawi at sampu ang sugatang trabahador matapos bumigay ang scaffolding sa construction site na kanilang pinagtatrabahuan sa Sto. Cristo Street, Barangay Balingasa, Quezon City nitong Martes.
Ayon sa KMK, dapat na imbestigahan ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Quezon city government ang aksidente upang madetermina ang pananagutan ng kumpanya at kung mayroon umanong posibilidad na pagbabaya sa insidente.
Dapat ding alamin kung naglaan ang kumpanya ng safety seminars at training sa manggagawa upang madagdagan ang kamalayan ng mga ito ukol sa occupational hazards sa kanilang trabaho at mabawasan ang panganib sa lugar ng trabaho.
Gayundin, nararapat ding magsagawa ng imbestigasyon kung nagawa pang tuparin ng kumpanya ang kanilang mandato sa ilalim ng batas sa pagbibigay ng mga kaukulang personal protective equipment (PPE) sa kanilang trabahador.
Pinaalalahanan din ng KMK ang gobyerno na siguruhin na ang mga apektadong manggagawa na natigil sa kanilang trabaho habang nagsasagawa ng imbestigasyon ay patuloy na makakatanggap ng sahod. (Daris Jose)
Si Rowena J. Tiongson, pinuno ng Provincial Social Welfare and Development Office, at ang mga pinuno ng Office of Senior Citizens Affairs-Bulacan sa pangunguna ni Pangulong Angelito Santiago (nakaupo sa pinaka kaliwa) at Federation of Senior Citizens Associations of the Philippines-Bulacan Chapter sa pamumuno ni Pangulong Jose Mina (nakaupo sa pinaka kanan) kasama sina Commissioner Reymar R. Mansilungan (nakaitim) at Commissioner Rainier Cruz (nakaupo sa tabi ni Mansulingan) ng National Commission of Senior Citizens-Luzon sa isinagawang 2022 Elderly Week and Recognition of Sentenaryong Bulakenyo na ginanap sa Balagtas Hall, Hiyas ng Bulacan Convention Center, Lungsod ng Malolos, Bulacan noong nakaraang Huwebes, Oktubre 6, 2022. Kasama rin sa larawan ang focal persons ng PSWDO na sina Domenic Alegria at Leah Jean Fernando. INSET: Ang 80 sentenaryong Bulakenyo na tumanggap ng P10,000 na insentibo at pagkilala mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan na dumalo sa pamamagitan ng Zoom teleconferencing. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)
MAGPAPATUPAD ang Manila Electric Company (Meralco) ng mahigit pitong sentimo kada kilowatt hour (kWh) na tapyas sa singil sa kuryente ngayong Oktubre.
Ayon sa Meralco, ang overall rate para sa isang typical household ay babawasan nila ng 7.37 sentimo/kWh ngayong buwan, o magiging P9.8628/kWh na lamang mula sa dating P9.9365/kWh noong Setyembre.
Nabatid na ang naturang adjustments ay nangangahulugan ng P15 na pagbaba sa total electricity bill ng mga kostumer na nakakakonsumo ng 200 kWh kada buwan; P22 na bawas sa mga nakakagamit ng 300 kWh; P29 sa mga nakakakonsumo ng 400 kWh at P36 naman para sa mga nakakagamit ng 500 kWh kada buwan.
Sinabi ng Meralco na mas mura pa ang power rates ngayon para sa residential customers kumpara noong 2012 na nasa P10.661/kWh; 2014 na nasa P10.465/kWh at 2018 na nasa P9.976/kWh.
Ipinaliwanag naman ng electric company na ang pagbaba ng singil sa kuryente ay dulot ng pagbaba ng feed-in-tariff allowance na nabawasan ng 6.19 sentimo/kWh, matapos na aprubahan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang mas mababang koleksiyon simula ngayong Oktubre.
Dagdag pa ng Meralco, bumaba rin ang generation charges para sa buwang ito ng 2.01 senitmo/kWh o naging P6.9192/kWh mula sa dating P6.939/kWh noong nakaraang buwan, dahil sa lower costs mula sa supply contracts ng kumpanya.
Maging ang charge mula sa independent power producers (IPPs) at power supply agreements (PSAs) ay nabawasan din umano sa buwang ito. (Daris Jose)
PORMAL nang nagbitiw sa tungkulin si Atty. Cheloy Velicaria-Garafil bilang chairperson ng Land Transportation Franchisin and Regulatory Board (LTFRB).
Sa pagbibitiw niya bilang chairperson ng LTFRB ay tinanggap naman niya ang alok na tumulong sa tanggapan ng Office of the Press Secretary bilang Undersecretary at OIC.
“Today, October 7, 2022, I tendered my resignation as LTFRB Chairperson as I have accepted the offer to help in the Office of the Office of the Press Secretary as its Undersecretary and OIC,” ayon kay Velicaria-Garafil.
“This is a great honor and privilege and i thank the President for this opportunity to once again work with him in his administration to serve the Filipino people,” wika pa nito.
Sa kabilang dako, “yes” naman ang naging tugon ni Executive Secretary Lucas Bersamin nang tanungin kung si Velicaria-Garafil ang tatayong OPS OIC at Usec.
Samantala, deadma lang si Atty. Cheloy Garafil kung Officer in Charge (OIC) lang ang kanyang status sa sa Office of the Press Secretary (OPS).
Sa naging panayam ng Malacanang Press Corps kay Atty. Garafil, tinuran nito na mas binibigyang bigat niya ang “trust and confidence” na ipinagkaloob sa kanya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para pamunuan ang OPS.
Wika nito, hindi na importante sa kanya kung OIC man ang kanyang estado sa kanyang bagong trabaho dahil ang mahalaga ay ang pagkakataon na ipinagkaloob sa kanya nni Pangulong Marcos na makatulong sa OPS.
Matatandaang, noong nakaraang linggo ay ipinatawag si Atty. Garafil ni Pangulong Marcos at doon ay inialok sa kanya ang puwesto.
Ayon sa Chief Executive, kailangan aniya niya ng isang taong maaaring makatulong sa naturang tanggapan na agad naman niyang tinanggap.
Habang nito lamang nakaraang Huwebes ay nagpahapyaw na ang Punong Ehekutibo na ang kanyang itatalaga sa OPS ay kaibigan ng media at isang media practitioner na maalam sa messaging.
Si Atty. Garafil ay dating TV reporter at naging print journalist din bukod pa sa isa itong abogado at nagsilbi rin bilang Chief of Staff ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. (Daris Jose)