• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 12th, 2022

PIE Channel, angat sa mga palaro at talentong Pinoy… ANJI, naka-relate sa mga ‘ekstra’ at nakaranas na ibabad sa tubig

Posted on: October 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PANALONG-PANALO ang PIE (Pinoy Interactive and Entertainment) Channel sa paghahatid ng mga angat na palaro at talentong Pinoy dahil sa mas pinasiksik na mga programa sa PIENALO PINOY GAMES, PIEGALINGAN, at PAK PALONG FOLLOW ng

 

Masayang mga larong tatak Pinoy kung saan bayanihan at diskarte ang kailangan ng mga nanonood sa kanilang mga tahanan sa PIENALO PINOY GAMES.

 

Mula Lunes hanggang Biyernes maaring makapag uwi ang sambayanan ng hanggang 50,000 pesos. Pwedeng salihan ang “Matching Matching” ( 7 pm – 8 pm) na isang “matching” card game na hango sa Filipino card game na ungguy-ungguyan at ang “Dagdag Bawas” (6 pm – 7 pm) na interactive game na tungkol naman sa tantyahan.

 

Pagsapit ng Sabado, tiyak aapaw ang saya at papremyo hanggang 100,000 pesos sa “PoB Sana All!” ( 6 pm – 8 pm) na interactive comeback ng sikat na ABS-CBN game show na “Pera o Bayong.” Tuwing Linggo naman mapapanood ang “Sino’ng Manok Mo?” (6 pm – 8 pm) kung saan may tsansang manalo ng perang papremyo ang 100 viewers.

 

Magsisilbing jocks naman ng PIENALO PINOY GAMES sina Eian Rances, Negi, Sela Guia, Kevin Montillano, Nicki Morena, Ruth Paga, Nonong Ballinan (Lunes hanggang Sabado) Inah Evans, Kid Yambao, Patsy Reyes, at Jackie Gonzaga (Linggo).

 

“Mas nagu-grow kami ‘nung nadagdagan kami na hosts. Masaya po kami off-cam. Talagang ang iingay namin and meron kaming group chat na nagpaplano kami ng mga gusto naming suotin or gawin for the show,” sabi ni Eian.

 

Dagdag kuwento pa ni Eian sa mga pinagdaanang isyu noong nasa loob pa siya ng PBB house na hindi ito naging madali na kung saan natanggap siya nang pamba-bash.

 

“Hindi talaga siya naging madali dahil ilang buwan ko ring dinala ‘yun bigat,” pag-amin ng actor/host.

 

“Pero as of now, sobrang okay na ako, kumbaga, nakalipas na sa akin ‘yun, in-end up ko na lahat. Sabi ko nga noong lumabas ako ng PBB, ito ‘yung time na mas magpapakilala sa labas.

 

“Everyday kong ipo-prove ang sarili ko sa mga tao. And thank you sa PIE kasi nabigyan ako ng ganitong opportunity na sa every day show na ito, maipapakita ko kung sino talaga ako.”

 

Ibinahagi rin ni Nicki na nagdarasal sila bago magsimula ang kanilang palabas.

 

“Before mag-start ‘yung show, nagdarasal kami. Palagi naming mantra sa show, magbabago kami ng buhay today. Kasi everyday marami kaming napapapanalong viewers,” saad niya.

 

Samantala, galing ang panlaban sa talent variety block na PIEGALINGAN kasama sina Anji Salvacion, Eris Aragoza, Ralph Malibunas, Sam Bernardo (Lunes hanggang Sabado), at PAK PALONG FOLLOW kasama sina Gello Marquez, Jeremy G, Reign Parani, at Vivoree (Linggo).

 

Masaya naman si Anji na nabigyan ng pagkakataong maging isang PIE jock. “I feel so blessed na I’m here and I’m given this opportunity to showcase myself, my personality, and my talent,” kwento niya.

 

Labis naman naka-relate si Anji sa pagiging ‘extra’ na pinagdaanan pa niya, pero mas matindi pa siyang kuwento na kung saan nagiging emosyonal pag naaalala niya.

 

“Grabe talaga ang iyak ko noon, kasi it was so sad, but i was happy rin. Kasi nakababad ako sa tubig for the entire day. Hindi ako nag-swimming, para kasi ‘yun sa commercial ng sabon, double body kasi ako eh.

 

“But you know what, I appreciate life more and those people na who really work hard and auditioned so hard. Kasi it was really hard, during, wala pang pandemic, kasi yun linyahan sa audition.

 

“Tapos ‘yung pawis mo, patak na patak na, yung mukha mo, putok na putok na yun make-up mo, habang nakapila. It was a learning experience na, it just make overall make me grateful and grounded.”

 

Samantala, nagbahagi naman si Jeremy G kung bakit malapit sa kanyang puso ang kanilang show na PAK PALONG FOLLOW.

 

“Sa PAK PALONG FOLLOW we give the platform to content creators to show their talents. And then we give them the opportunity to be exposed sa mga katroPIE natin,” sabi ni Jeremy.

 

Mula Lunes hanggang Sabado, maaaliw ang viewers sa husay ng Pinoy sa “Ekstra Ordinaryo” (4 pm – 5 pm) at Ekstra Oridinaryo Next Level na mga interactive artista search para sa mga taong gustong maging ekstra at artista sa mga palabas.

 

Ngayong linggo rin gaganapin ang grand PIEnals ng “Ekstra Ordinaryo Next Level.” Maglalaban na para sa titulo ang finalists na sina Mustafa (Ang Ekstrang Action Dad ng Tarlac), Popsy (Ang Ekstrang TikTokerist ng Tarlac), Juan (Ang Ekstrang Future Direktor ng Manila), Neo (Ang Ekstrang Dreamboy ng Manila), Rinoa (Ang Ekstrang Prinsesa ng Pamilya ng Cavite), at Minnie (Ang Ekstrang Adventurer ng La Union) upang matupad ang kanilang pangarap na makita sa TV o sine.

 

Tuwing Linggo, iba’t ibang talento naman ang ipapakita sa talk-variety show na “Pak! Palong Follow” (4 pm – 6 pm) na layuning ipamalas ang kakaibang mga talento ng netizens na nagbibigay sigla sa kanilang followers sa social media.

 

Ang PIE ang unang multiscreen, real-time interactive TV channel ng bansa, kung saan pwedeng sumali at manalo ng cash prizes ang araw-araw.

 

Hanapin ang PIE channel sa pag-scan ng iyong digibox. Available rin ito sa worldwide sa website (pie.com.ph), YouTube (http://youtube.com/iampieofficial), BEAM TV, Sky Cable Channel 21, at Cablelink Channel 100.

 

Pwede ring mapanood ang PIE live sa GLife ng GCash app. Ang PIE ay hatid ng ABS-CBN, Kroma Entertainment, BEAM, at 917Ventures. Sundan ang PIE (@iamPIEofficial) sa Facebook, Twitter, Instagram at TikTok para sa mga update.

 

 

(ROHN ROMULO)

Pasadong-pasado sa pagganap bilang Maria Clara: Pag-awit ni JULIE ANNE ng ‘Ave Maria’ habang nagpi-piano, nag-trending

Posted on: October 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGING madali ang pagka-cast kay Asia’s Limiless Star Julie Anne San Jose, bilang Maria Clara sa historical fictional fantasy portal ng GMA Network, ang  “Maria Clara at Ibarra.” 

 

 

Dahil sa maganda niyang boses, husay sa pagtugtog ng musical intruments, pasadong-pasado nga siya sa role, bukod pa sa mahusay din siyang umarte.

 

 

Nag-trending last Monday, October 10, ang eksenang kinanta ni Julie Anne ang “Ave Maria” habang tumutugtog siya ng piano.  Lumutang ang boses ni Julie, habang tahimik na nakikinig ang mga bisita nila sa kanilang tahanan, sina Padre Damaso (Tirso Cruz III) at Padre Salvi (Juancho Trivino).

 

 

Pawang mahuhusay ang mga bumubuo ng cast ng serye, sa pangunguna ni Dennis Trillo as Ibarra, na puring-puri ng mga netizens ang acting niya, kahit ang pagsasalita niya ng Tagalog noong panahon ng mga Kastila.

 

 

At siyempre si Barbie Forteza as Klay, si Maria Clara Infantes ng panahon natin ngayon.  Directed by Zig Dulay, napapanood ang “Maria Clara at Ibarra” at 8 pm, after “24 Oras.”

 

 

***

 

 

NAGPASALAMAT at masaya si Rocco Nacino na nakababa na siya mula sa lock-in taping nila ng “Maria Clara at Ibarra” sa Vigan City, Ilocos, on time sa pagsisilang ng kanilang baby boy ng wife niyang si Melissa Gohing, last Sunday evening, October 9, sa The Medical City, Ortigas City.

 

 

Noon kasing mediacon ng serye ng GMA, nabanggit ni Rocco na malapit na raw magsilang si Melissa, pero hindi niya alam kung libre na siya sa taping, pero naipangako raw niya sa production na tatapusin niya ang taping ng mga eksena niya ng serye bago siya bumaba.

 

 

Ginagampanan ni Rocco ang role ni Elias at makakatambal niya si Andrea Torres bilang si Sisa.

 

 

Sa ngayon ay hindi pa ibinibigay nina Rocco at Melissa ang name ng baby boy nila, na una lamang nilang tinawag na “Baby Moon.”

 

 

Congratulations to the new daddy and mommy!

(NORA V. CALDERON)

Maraming social media posts pero tungkol sa mga endorsements: HEART, kinalimutan na ang birthday message sa ‘estranged husband’ na si Sen. CHIZ

Posted on: October 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

LAST Monday, October 10, nag-celebrate ng kanyang 53rd birthday si Senator Chiz Escudero.  

 

 

Nabigo ang mga fans nila ni Heart Evangelista, na magparamdam man lamang kahit sa social media ang actress.  Maraming posts si Heart sa kanyang social media pero tungkol lamang iyon sa kanyang mga endorsements.

 

 

May nag-try na fan kay Heart na batiin niya si Sen. Chiz, pero photos pa rin ng mga ini-endorse niya ang pinost niya, at doon nga nakita ang fingers niya na hindi na niya suot ang wedding ring nila ng Senador.

 

 

Dahil magkakasama si Sen. Chiz at mga kasamahang Senador dahil nag-attend sila sa paglagda ni President Bongbong Marcos ng SIM Card bill, sabi’y nagpa-ice cream siya dahil maraming nagpadala naman ng pagkain sa kanya.

 

 

***

 

 

MATAPOS muling makatambal ni Kelvin Miranda si Mikee Quintos sa isang episode ng “Magpakailanman” last Saturday, ngayon ay may bago na siyang katambal sa upcoming GMA Afternoon Prime series na “Unica Hija,” si Kate Valdez.

 

 

Naiiba ang kanilang seryeng gagawin dahil dual role si Kate sa drama sci-fi series at iyon nga raw ang aabangan ng mga viewers, kung sino sa dalawang Kate ang makakatuluyan ni Kelvin.

 

 

Para sa mga fans, bagay daw sina Kelvin at Kate dahil parehong maganda ang mga mata nila, very expressive.

 

 

Makakasama nila sa serye sina Katrina Halili, Mark Herras, Faith Da Silva, Athena Madrid, Boboy Garrovillo, Maricar de Mesa, Bernard Palanca, Maybelyn dela Cruz, Biboy Ramirez, Jennie Gabriel, Jemwell Ventenilla, at si Alfred Vargas sa isang natatanging pagganap.

 

 

Very soon ay mapapanood na ang “Unica Hija” sa GMA Afternoon Prime.

(NORA V. CALDERON)

HB 5402: Senior’s discount sa traffic fines, minungkahi

Posted on: October 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Ang House Bill 5402 ay inihainsamababangkapulunganupangmabigyan ng diskwento ang mga senior citizens ng 20 porsiento kung sakalisila ay mahulisamga traffic violations.

 

Si Rep. Dan Fernandez ng distrito ng Sta. Rosa City sa Laguna ang naghain ng nasabing HB.Ang HB 5402 ay naglalayonnaamendyahan ang Senior Citizens Act of 2003 (RA 7432).

 

“In furtherance of the laudable Filipino consciousness that our elderlies still much to contribute to nation-building this bill further accords our senior citizen-drivers the privilege of enjoying a discount of 20 percent on traffic fines that may be imposed upon them,” wikani Fernandez.

 

Ayon sa kanya ang mga senior citizens ay mahinana ang mga reflexes, instinct at skills sapagmamanehokumaparanoongsila ay bata pa. Dagdag pa niyanahindina sharp ang kanilangisip tungkongsapagmamaneho kung kaya’tsila ay vulnerable ngmagkamali.

 

Pinaliwanag din ni Fernandez na ang mga senior citizens ay nagmamaneho pa rinkahitnasila ay may advanced age dahilnarinsamadamingkadahilanan.

 

“Elderly Filipinos driving jeeps and cabs are still common sights on the road. Many seniors also drive their grandchildren to schools, in reporting for work or simply as designated driver of the family,” saadni Fernandez.

 

Sinabirinniyana ang diskwento ay kinakailanganlalona kung ang mga seniors ay umaasalamangsapagmamaneho ng mgapampublikongsasakyan kung saanito ay kanilangpinagkukunan ng pagkakakitaan at kabuhayan.

 

“Given the usual small amount of such charges or fines, it may be argued that whatever revenue loss to the government that might arise from the proposed discount, this would be far outweighed by the benefit of promoting the welafe and morale of our senior citizens,” wikani Fernandez.

 

Ang nasabing HB 5402 ay nakapaloob ang lahat ng mgamultasamga traffic violations napinapataw ng national government agencies at local government units.

 

Inuutusan ng HB 5402 ang Land Transportation Office (LTO) at ang Chairman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nagumawa ng implementing rules at regulations kapagnaisabatasna ang nasabing bill.

 

Sa kabilangdako naman, si veteran election lawyer Romulo-Macalintalnaisang senior citizen ay nanawagansamgamambabatasnamulingihain ang HB 9544 ni dating congressman Lito Atienza kung saannaglalayonnamabigyan ng diskwento ang mga senior citizens kung sila ay gagamit ng mga expressways.

 

“Reviving and re-filing the bill will rectify the apparent wrong committed by our legislators, especially the representative of the senior citizens in Congress,w hen they practically abandoned them,” ayon kay

 

LASACMAR

Commuters, motorcycle taxi drivers panalo sa Grab-MoveIt deal – consumer group

Posted on: October 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINURI  ng isang consumer group ang pakikipagtambalan ng Grab Philippines sa motorcycle taxi firm na MoveIt dahil anito’y makatutulong ito upang lalong maibsan ang paghihirap sa pagbibiyahe ng mga Pinoy commuter, lalo na sa Metro Manila.

 

 

Ayon sa Bantay Konsyumer, Kalsada, Kur­yente (BK3), ang investment deal sa pagitan ng Grab at MoveIt ay isang magandang balita rin para sa mga motorcycle taxi driver na nakadepende ang kita at kabuhayan sa iba’t ibang ride-hailing apps.

 

 

Ang motorcycle taxis ay nasa proseso na ng pagsasa-legal bilang isang anyo ng public transportation at ang operasyon ng mga ito sa kasalukuyan ay isang pilot study pa lamang.

 

 

“Dagdag-hirap lalo na kapag rush hour na. Malaking tulong ang dagdag bilang ng mga motorcycle taxis ng MoveIt para gumaan kahit paano ang paghihirap ng mga mananakay at maiangat ang kalidad ng kanilang araw-araw na pamumuhay,” dagdag niya.

 

 

Sinabi ni Montemar na siguradong makatutulong ang mga karagdagang MoveIt riders sa pampublikong transportasyon sa National Capital Region na problematiko na bago pa magkapandemya.

 

 

Para sa convenor ng BK3, ang Grab-MoveIt investment deal ay isang pagmamalas ng “tunay na malasakit sa ating mga kababayan na araw-araw na sumasakay sa mga pampublikong transportasyon.” (Daris Jose)