• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 14th, 2022

12 nalambat sa drug ops sa Camanava, halos P1M shabu, nasamsam

Posted on: October 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINURI ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Ponce Rogelio Peñones Jr ang District Drug Enforce Unit (DDEU-NPD) at Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela Cities Police Stations sa matagumpay na drug operation na nagresulta sa pagkaaaresto sa 12 drug suspects at pagkakakumpiska sa halos P1 milyon halaga ng illegal na droga.

 

 

Alas-11:45 ng gabi nang masakote ng mga operatiba ng DDEU-NPD sa pamumuno ni PLt Col. Renato Castillo sa buy bust operation sa Edsa Monumento, Brgy. 86, Caloocan City si Emmanoel Lemaire alyas “Manoy”, 29 ng Quezon City at nakuha sa kanya ang nasa 25 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P170,000, buy bust money, cellphone at isang motorsiklo.

 

 

Sa Brgy. 176, natimbog naman ng mga operatiba ng SDEU ng Caloocan police sa pangunguna ni P/Major Dennis Odtuhan, kasama ang 3rd MFC RMFB-NCRPO sa ilalim ng pamumuno ni P/Col. Ruben Lacuesta sa buy bust operation sa Kaagapay Road alas-3 ng madaling araw si Mary Grace Cabuhay alyas “Grace”, 46 ng CD-NAI Dalangahita St. San Vicente Ferrer, Brgy. 178.

 

 

Nasamsam kay Cabuhay ang humigi’t kumulang 100 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price P680,000.00 at buy bust money.

 

 

Nabitag din ng mga operatiba ng SDEU ng Malabon police sa pamumuno ni P/Col. Albert Barot sa buy bust operation sa MH Del Pilar corner Prelaya St., Brgy. Tugatog, Malabon City sina Michael Ramos, 34, Francisco Denoman, 61, at Erwin Joseph Bautista. Nakumpisa sa kanila ang nasa 3.4 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price ₱23,120.00, P500 marked money at P300 bills.

 

 

Umabot naman sa 10.5 gramso ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price ₱ 71, 400.00 at P500 buy bust money ang nasamsam ng mga operatiba ng SDEU ng Navotas police sa pamumuno ni P/Col. Dexter Ollaging kay Edison Quizon, 29 at Margie Baltazar, 49, matapos matiklo sa buy bust operation sa Judge Roldan St. Brgy. San Roque, Navotas City alas-12:15 ng madaling araw.

 

 

Samantala, arestado din ng mga operatiba ng SEDU team ng Valenzuela police sa pangunguna ni PLT Joel Madregalejo, sa ilalim ng pamumuno ni P/Col. Salvador Destura Jr, sina Nestor Monteverde, 27, Jessie Antipolo, 34, Jesie Mansalay, 34, Josie Santos, 22 at Reymart De Jesus, 30, matapos maaktuhang gumagamit ng shabu sa loob ng isang bahay sa Bagong Nayon, Brgy. Bagbaguin, Valenzuela City alas-2:20 ng madaling araw.

 

 

Nakumpiska sa kanila ang humigi’t kumulang 7 grams ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price ₱ 47,600.00, P300 recovered money, 4 cellphones at mga drug paraphernalias. (Richard Mesa)

Bagong voter registration system na “Register anywhere,” kasado na-Comelec

Posted on: October 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KASADO na para sa pilot testing ang panibagong sistema ng Commission on Elections na naglalayong mabigyan ng pagkakataon ang mga voter registrants na makapagparehistro kahit hindi sa kanilang siyudad o bayan na kinabibilangan.

 

 

Sa Laging Handa Public briefing, sinabi ni COMELEC Spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, bunsod ng pagiging abala ng mga dapat na magparehistro ay nababawasan ang pagkakataon na sila ay makapag-patala o di kaya kailangan pang umabsent sa trabaho.

 

 

Kaya aniya  sa pamamagitan aniya ng “Register anywhere system,” ay maaari ng makapagpa-rehistro,  halimbawa sa ilalagay nilang booth sa isang mall na duon ay , gagawin na ang thumbprint… pagpapalitrato at iba pang proseso na ginagawa sa voters registration.

 

 

“Kung natatandaan ninyo po, ang proseso kasi ng ating pagrirehistro sa Republic Act 8189, kailangang pumunta tayo doon sa tanggapan namin or doon sa satellite registration be it in a mall or covered court or kung saan mismo kung saan ka naka-resident – city or municipality,” ayon kay Laudiangco.

 

 

“Ang mahirap po dito kasi…  iyong mga kababayan natin kadalasan nagtatrabaho sa siyudad o munisipyo na kung saan hindi sila nakatira. Nababawasan iyong pagkakataon at masyadong abala sa kanila na mag-a-absent pa sa trabaho para lang makarehistro,” wika pa nito.

 

 

Wika pa ni Laudiangco, lahat  ng datos na nakuha sa isang nagparehistro ay ipadadala sa tanggapan na nakasasakop kung saan residente ang isang registered voter kung kayat ang posting ng pangalan ay sa munisipyo pa rin ng isang nag-avail ng register anywhere.

 

 

Samantala, kapag naging matagumpay ni Laudiangco ang pilot testing sa National Capital Region ay iro- roll out aniya nila ito sa buong bansa.

P500k hanggang P4m penalty sa lalabag sa data privacy

Posted on: October 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TINATAYANG aabot sa P500k hanggang P4 milyong piso ang posibleng kaharaping penalty hinggil  sa paglabag sa data privacy alinsunod na rin sa kamakailan lamang na nilagdaang SIM card registration Act.

 

 

Ito ang inihayag ni DICT Secretary John Ivan Uy sa Laging Handa public  briefing  sa gitna ng ginagawang pagbalangkas sa Implementing Rules and Regulations o IRR ng SIM card registration Act.

 

 

Ani Uy, kailangan lang na mai- outline kung anu- anong paglabag ang babagsak sa  range ng penalty na ipatutupad ukol sa bagong batas na kung saan ay tinitiyak na mapapangalagaan ang data privacy ng isang nagmamay- ari ng sim card.

 

 

Responsibilidad aniya ng mga telcos ang pag- iingat ng anumang impormasyon ng kanilang subscribers.

 

 

Ang mga ito aniya ang primary repository ng anumang  data ng isang subscriber lalo na ang mga post paid clients nila na ayon kay Uy ay matagal na nilang hawak .

 

 

Kaya aniya kung may data leak man na mangyayari ay  may kailangang sagutin dito ang mga telcos. (Daris Jose)

Chinese illegal workers na napatawan na ng visa cancellation, nasa higit 1, 400 – DOJ

Posted on: October 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PUMALO na sa mahigit 1,424 na dayuhan  ang  napatawan  ng visa cancellation dahil  iligal na nagta-  trabaho sa bansa.

 

 

Sa Laging Handa Briefing,  sinabi ni DOJ spokesperson Assistant Secretary Atty. Mico Clavano, batay sa hawak nilang datos, “as of October 10″, nasa 1,424 pa lamang na illegal workers ang napatawan na ng kanselasyon ng kanilang visa.

 

 

Malayo pa aniya ito sa target na 48, 482 na Chinese Nationals na iligal na nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa.

 

 

” Ang goal po natin ay makansela ang buong 48,482 na Chinese nationals na nandito pa din at nakita natin na employed pa din sila doon sa mga illegal POGOs; so out of the 48,000 plus – 1,424 as of the other day ‘no, as of Monday ang nakansela na po,” ayon kay Clavano.

 

 

Wika pa ni Clavano, may mga natatanggap silang report na may Chinese nationals na humihingi ng tulong para makalipat sa mga legal na POGO companies.

 

 

” Wala pa pong dumating sa office ng DOJ, although mayroon po kaming na-receive ho na report na may mga Chinese nationals na humihingi ho ng tulong para makapag-transfer ho sila doon sa mga legal na POGO companies,” aniya pa rin sabay sabing “wala pa naman kaming na-receive na report doon sa sinabi ninyo po na nag-offer po ng suhol ‘no. Pero once na dumating iyan sa atin, of course we will conduct the necessary investigation, the necessary procedures will be put into place para po hindi mangyari ho iyong ganoong bagay.”

 

 

Ito ngayon aniya ang pinag-aaralan ng Bureau of Immigration and Deportation (BID) lalo na sa kung papaano ang magiging proseso para makapasok sa mga legal na POGO operations.

 

 

“So iyon po ‘yung inaaral po natin sa Bureau of Immigration kung papaano po iyong magiging proseso noon dahil manggagaling ho sila sa mga iligal na POGO pero ang gusto nila pumasok doon sa mga legal, kaya iyon, kailangan ho nating aralin iyon. Ang policy na sinet ho ng DOJ sa start ay bumalik ho muna sa China bago sila bumalik dito at ma-employ doon sa mga legal na POGO companies. Pero dahil marami na ho ang humingi ng tulong para mag-transfer na ho sila, inaaral natin iyan,” litaniya nito. (Daris Jose)

Pilipinas, malapit nang maabot ang COVID-19 endemic stage – eksperto

Posted on: October 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NANINIWALA si infectious diseases expert Dr. ­Rontgene Solante na malapit nang maabot ng bansa ang tinatawag na “endemic stage” ng COVID-19 sa kabila ng pagluluwag sa paggamit ng face mask at bagal ng pagpapabakuna sa ngayon.

 

 

“Malapit na. Sa tingin ko, maaabot din natin ‘yan. We just have to continue our ginagawa ngayon para maabot natin ‘yun,” saad ni Solante.

 

 

Ipinaliwanag ni Department of Health (DOH) ­officer-in-charge Maria Rosario Vergeire ang kahulugan ng endemic ay kung kailan maabot na ang estado na ang mga kaso ay “stable, constant, and predictable”.  Dito umano magkakaroon na ng balanse sa trans­misyon at immunity ng tao.