• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 18th, 2022

Jeric, naka-apat na international best actor awards: KEN, aabangan kung maitutuloy ang winning streak ni Direk LOUIE

Posted on: October 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

AFTER Jeric Gonzales, si Ken Chan na kaya ang next actor na magwawagi ng award para sa movie na dinirek ni Louie Ignacio?

 

Si Ken kasi bida sa upcoming directorial project ng premyadong director titled Papa Mascot.

 

Huling nakatrabaho ni Direk Louie si Ken sa MMFF 2021 entry ng Heaven’s Best Entertainment Productions na Huling Ulan sa Tag-araw.

 

Excited si direk Louie na muling makatrabaho si Ken dahil nag-enjoy siya sa huli nilang pagsasama.

 

Kung kabado man si Ken dito sa Papa Mascot, tiyak na may assurance siya from Direk Louie na he will do good sa film.

 

“Kailangan lang naman niya magtiwala sa kanyang sarili that he can do it,” sabi ni Direk Louie the last time nakausap namin siya.

 

Halos ganito ang sinabi ni Direk Louie kay Jeric nang i-offer niya rito ang Broken Blooms. Take note, apat na international best actor awards sa festivals ang napanalunan ni Jeric.

 

Maipagpapatuloy ba ni Ken ang winning streak ni Direk Louie? Abangan!

 

***

 

SI Marian Bermundo, who is only 13 years old, ang reigning ‘Little Miss Universe’ which she won sa Georgia in Europe.

 

Via online selection napili si Marian who is in Grade 10 at mahusay sa Math.

 

Idol niya si Catriona Gray and this early she has expressed interest na sumali sa Binibining Pilipinas when she is old enough, with the hope of getting the Bb. Pilipinas Universe crown.

 

Siyempre pangarap ni Marian na mula sa pagiging Little Miss Universe ay mapapalunan din niya ang totoong Miss Universe crown na inaasam ng marami.

 

Thankful si Marian sa suporta ng kanyang mga magulang, teachers and schoolmates sa pagwawagi niya.

 

Malaki ang pasasalamat ni Marian na, at a young age, ay naranasan niya na naging isang title holder ng isang prestigious beauty contest.

 

 

(RICKY CALDERON)

Dragons ibinunton ang galit sa Beermen

Posted on: October 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINDI pumayag ang guest team na Bay Area na mahulog sa ikalawang su­nod na kabiguan.

 

 

Humakot si import An­drew Nicholson ng 39 points at 12 rebounds para banderahan ang Dragons sa 113-87 paggupo sa San Miguel sa 2022 PBA Commissioner’s Cup ka­ha­pon sa Smart Araneta Coliseum.

 

 

Bumalikwas ang Bay Area mula sa naunang 93-111 kabiguan sa Barangay Ginebra para ilista ang 5-1 baraha sa ilalim ng lider na Magnolia (4-0).

 

 

Ito naman ang ikalawang kabiguan ng San Mi­guel, hindi nakuha ang ser­bisyo ni six-time PBA MVP June Mar Fajardo na sumailalim sa surgery sa kan­yang throat injury, sa tatlong laro.

 

 

“He’s maybe the best pla­yer in the competition. They played off him and they won a championship,” wika ni coach Brian Goorjian kay Fajardo.

 

 

Nagdagdag si Hayden Blankey ng 17 points para sa Dragons, habang may tig-16 markers sina Zhu Songwei at Kobey Lam.

 

 

Pinangunahan ni CJ Pe­rez ang Beermen sa kanyang tinapos na 19 points kasunod ang 15 mar­kers ni Vic Manuel.

 

 

Nalimitahan naman si import Diamond Stone sa 11 points.

 

 

Maagang nakapagtayo ng double-digit lead ang Bay Area sa opening period, 28-17, bago ito palakihin sa 30-point lead, 86-56, sa huling 1:04 minuto ng third quarter.

 

 

Hindi na ito napaliit ng San Miguel sa final canto kung saan sila naiwanan sa 84-106 sa 1:53 minuto.

San Roque Elementary School

Posted on: October 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINANGUNAHAN ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco ang groundbreaking ng itatayong karagdagang apat na school buildings, ang San Roque Elementary School, San Rafael Village Elementary School, at Kaunlaran High School ay may four-storey building bawat isa na may walong mga classrooms habang ang Dagat-dagatan Elementary School ay may apat na four-storey building na may 12 classrooms. (Richard Mesa)

NBA legend Dikembe Mutombo patuloy na ginagamot dahil sa brain tumor

Posted on: October 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PATULOY  na nagpapagamot ang dating NBA Hall of Famer Dikembee Mutombo dahil sa brain tumor.

 

 

Ayon sa NBA na may mga doctor sa Atlanta ang tumitingin sa dating basketbolista.

 

 

Humingi naman ng privacy ang kaanak nito sa nasabing usapin.

 

 

Ang dating center ay naglaro ng 18 season sa NBA mula sa anim na koponan.

 

 

Taong 1991 ng kinuha siya ng Denver Nuggets bago lumipat sa Atlanta Hawks.

 

 

Naglaro din ito sa Philadelphia 76ers, New Jersey Nets, New York Knicks at Houston Rockets.

 

 

Nakilala siya sa pagiging magaling sa mga shot blocks at nakamit ang Defensive Player of the Year awar ng apat na beses sa kaniyang career.

 

 

Noong 1997 ay nagtaguyod ito ng charity sa kaniyang bansang Democrative Republic of Congo at nakapagtayo ng 300-bed hospital para sa mga biktima ng malaria.

Pilipinas, pangatlo pa lang sa nakapag-uwi ng korona… ALEXANDRA MAE, first Pinay na waging ‘Miss Supermodel Worldwide’

Posted on: October 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SA unang pagkakataon ay nagwagi ang Pilipinas sa Miss Supermodel Worldwide 2022 na ginanap sa India noong nakaraang October 15.

 

Si Alexandra Mae Rosales ang naging representative ng Pilipinas at kauna-unahang Filipina na manalo sa naturang pageant. Ang kanyang mga runners-up ay sina Kaylee Roxanne Porteges Zwart of Netherlands (1st runner-up); Nova Retalista of Indonesia (2nd runner-up); Sonia Alt Mansour of France (3rd runner-up) and Alina Cheveleva of Kazakhstan (4th runner-up).

 

Pinost ni Rosales sa kanyang Instagram Stories ang kanyang masayang moment sa pagpanalo ng korona para sa Pilipinas: “Thank you Miss Supermodel Worldwide for trusting me.”

 

Kinabog ng 26-year old na si Rosales na taga-Laguna ang 16 other candidates sa naturang pageant.

 

Bago lumaban sa Miss Supemodel Worldwide si Rosales, na-represent na niya ang Pilipinas naging 2nd runner-up siya sa Miss Southeast Asia Ambassadess pageant sa Kuala Lumpur, Malaysia noong 2015. Taong 2021 noong sumali siya sa Binibining Pilipinas Pageant.

 

Nagtapos sa kursong Tourism si Rosales mula sa Malayan Colleges at kumuha pa siya ng ibang kurso sa De La Salle-College of Saint Benilde.

 

Ang Miss Supermodel Worldwide ay nagsimula noong 2018 at isa itong international modelling competition and beauty pageant na ang headquarters ay nasa New Delhi, India.

 

Ang past winners ay sina Miss Belarus (2018) at Miss Thailand (2019). Two years na walang pageant dahil sa global pandemic.

 

***

 

DALAWANG pelikula ni Direk Mac Alejandre are in competition sa Asian Film Festival in Barcelona, Spain ngayong December.

 

Ito ay ang mga pelikulang May-December-January and Silip sa Apoy na parehong sinulat ni National Artist for Film Ricky Lee.

 

Sey ni Direk Mac: “On the surface level, masaya ako dahil masaya ang mga artista for the festival. Masaya ako dahil masaya ang friends ko. Masaya ako dahil proud na proud ang mother ko at ang family ko sa akin. It makes the people I love and care so happy.”

 

Higit na 30 years na raw sa paggawa ng pelikula si Direk Mac at nagpapasalamat siya na kinakaya pa rin niya ang pressure nang paggawa ng pelikula ngayon.

 

“I’m old. But I can handle the pressures in filmmaking. Through the years, I’ve learned how to handle pressures. I can contextualize and compartmentalize. Hindi lang naman ang pressures ‘pag gumagawa ka ng pelikula. I don’t compare my movies. Each and every movie has its own story.“

 

Utang na loob daw niya ang kanyang pagiging filmmaker sa mga Filipino directors na hinangaan niya noong student pa lang siya.

 

“Ishmael Bernal was one. Lino Brocka, Mike de Leon, Laurice Guillen, Mario O’Hara, Marilou Diaz-Abaya, Maryo J. de los Reyes. They are all major influences on me. I love the films of Bernal.”

 

Dapat daw abangan ang susunod niyang sexy drama na Selina’s Gold na bida si Angeli Khang at Jay Manalo.

 

***

 

MULA sa kanilang mansion sa Hollywood hills, nagdesisyon ang actor-producer na si Mark Wahlberg na iilipat ang kanyang pamilya sa kanyang ranch property sa Nevada.

 

Ayon sa aktor noong mag-guest ito sa The Talk, ginawa raw niya ang paglipat sa ibang State for his family to have a “better life”.

 

“I want to be able to work from home. I moved to California many years ago to pursue acting and I’ve only made a couple of movies in the entire time that I was there.“So, to be able to give my kids a better life and follow and pursue their dreams whether it be my daughter as an equestrian, my son as a basketball player, my younger son as a golfer, this made a lot more sense for us.”

 

Apat anak ni Mark sa asawa niyang si Rhea: Ella Rae, 19, Michael, 16, Brendan, 14, and Grace, 12.

 

Marami raw opportunity sa Nevada ngayon: “After this gubernatorial election hopefully we go to legislation and get a bill passed so we can get tax credits from the state.”

 

Iba pang plano ni Mark sa pagtira nila sa Nevada ay ang magtayo ng “state-of-the-art studio” at tawagin itong “Hollywood 2.0.” Nasa plano rin niya ang magtayo ng isang shoe factory para sa kanyang Municipal brand. Magha-hire daw sila ng maraming tauhan sa naturang state. Makakatulong pa sila sa ekonomiya ng Nevada.

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

“BLACK ADAM” INTRODUCES THE JUSTICE SOCIETY OF AMERICA TO THE BIG SCREEN

Posted on: October 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Hawkman, Doctor Fate, Atom Smasher, Cyclone — introducing the members of the Justice Society of America. See them in action in Warner Bros.’ epic superhero adventure “Black Adam,” smashing in cinemas and IMAX across the Philippines starting October 19.  

 

 

Check out the featurette “Introducing the JSA” below:

 

 

YouTube: https://youtu.be/TjhoHrYX4NY

 

 

From New Line Cinema, Dwayne Johnson stars in the action adventure “Black Adam.” The first-ever feature film to explore the story of the DC antihero comes to the big screen under the direction of Jaume Collet-Serra (“Jungle Cruise”).

 

 

In ancient Kahndaq, the slave Teth Adam was gifted the almighty powers of the gods. But he used those powers for vengeance and was imprisoned. Now, 5,000 years later, he is freed and once again wields his dark sense of justice onto the world.

 

 

Black Adam’s return is quickly noted by Carter Hall – a.k.a. Hawkman, portrayed by Aldis Hodge – who immediately puts out the call to his friend Kent Nelson, a.k.a. Doctor Fate, played by Pierce Brosnan; Al Rothstein/Atom Smasher, played by Noah Centineo; and Maxine Hunkel/Cyclone, played by Quintessa Swindell. Re-forming the Justice Society, the team is swiftly galvanized into action to contain the antihero’s destruction halfway around the world.

 

 

Aldis Hodge was cast in the dual role of Carter Hall/Hawkman—a longtime DC fan-favorite. In the film, Carter puts out the call for other Super Heroes to join him in the newly re-formed Justice Society. Instilling years of knowledge and experience into the younger members of the burgeoning team, Carter fights to protect global stability, and won’t let anything or anyone, including Black Adam, stand in his way.

 

 

Standing firmly on Hawkman’s side is Kent Nelson (Pierce Brosnan), a mild-mannered archeologist and longtime friend, as well as the wise, moral anchor for the Justice Society. When he dons the ancient alien golden Helmet of Fate, he transforms from kindly academic into the formidable sorcerer Doctor Fate, an agent of good for the Lords of Order, able to use his powers to wield magic, conjure illusions, see the future, multiply himself and teleport, allowing Kent to live well beyond his years.

 

 

With little time to prepare before they take flight to deal with Black Adam’s return, Kent joins Carter at his mansion, where they welcome the two newest members of the Justice Society. The veterans will do their best to initiate 20-year-old Al Rothstein (Noah Centineo), a.k.a. Atom Smasher, and 19-year-old Maxine Hunkel (Quintessa Swindell), a.k.a. Cyclone, into the Justice Society, while simultaneously facing the biggest fight of their lives against an unimaginably powerful opponent.

 

 

Nervous about his first outing as a Super Hero, Al can transform his molecular structure to grow in size to towering heights to become Atom Smasher. What he lacks in experience, he makes up for with brute force and an endless well of youthful optimism.

 

 

Al is also thrilled to meet fellow newcomer to the JSA Maxine Hunkel, a force of nature— literally. After being subjected to nanotechnology experimentation by an evil scientist when she was just 15, Maxine has the ability to control the wind with her mind as the Super Hero Cyclone who brings a social justice attitude and a unique power set to the team.

 

 

“Black Adam” is distributed worldwide by Warner Bros. Pictures.  Join the conversation online and use the hashtag #BlackAdam

 

(ROHN ROMULO)

Inaangkat na frozen meat posibleng magdala ng ASF, iba pang sakit

Posted on: October 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

POSIBLE  umanong makapagdala ng African Swine Fever (ASF) at iba pang sakit ang mga inaangkat na frozen meat sa bansa, ayon sa agriculture expert.

 

 

“’Yung disadvantage talaga is ‘yung sa food safety kasi we don’t know ‘yung sa source, specifically kung paano binuo ‘yung manok sa farm… (Sa imported frozen meat) depende ho talaga, kung may bacteria na na-preserve, na-kontamina ‘yung meat and then ‘yun,” sinabi ni Dr. Sherwin Camba ng College of Agriculture and Food Science ng University of the Philippines-Los Baños.

 

 

“Halimbawa, dineliver na dito sa atin, ang tendency kasi is tropical tayo diba mainit, ang masama dun ‘yung mag-tothaw tas i-fofrozen mo ulit, dun na ‘yung potential contamination,” dagdag pa niya.

 

 

Aniya pa, mas nais ng mga consumer ang fresh meat kaysa sa mga frozen meat dahil nakasisigurado itong ligtas itong kainin.

 

 

Iginiit din niya na ang mga frozen meat ay maaaring ma-kontamina lalo kung pagdating sa bansa ay matutunaw na ito dahil sa mainit na panahon.

 

 

Ayon sa mga consumer, may pangamba ang mga ito sa pagbili ng mga angkat na frozen meat dahil hindi na ito masustansya.

 

 

Para naman sa isang nagtatrabaho sa Antipolo Public Market, sinabi niya na mas malasa ang mga sariwang manok kaysa sa frozen.

 

 

Karaniwan, mas ligtas at masarap gamitin sa kusina or sa restaurant dahil mas malasa at nanunoot ang timpla sa bagong katay na manok.

 

 

“Mas masarap ‘yung ano, lokal. Bagong katay,” ani Gerald. “Ang imported ay mas matubig kaysa lokal kaya ‘di gaanong kapit ‘yung lasa.”

 

 

Sinabi naman ni Tony, tindero ng baboy at manok sa palengke, na mas mabenta ang mga local poultry kaysa sa mga imported at karaniwan ay tumatagal ang mga imported na karne ng dalawa hanggang tatlong buwan bago maubos. ‘Yung mga imported chicken nag-i-stock sila ng 2-3 months.” .

 

 

Kadalasan, hindi sinasabi sa inangkat na frozen meat kung kailan ang original date of production. Hindi rin alam kung anong tutoong kalagayan ng inangkat na frozen na manok dahil posibleng na-repack na ito at hinaluan ng pampalasa, kung kaya’t madalas ay malansa ito.

3-4 milyon dadagsa sa Manila North Cemetery

Posted on: October 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INAASAHAN na aabot mula tatlo hanggang apat na milyon bisita ang da­dagsa sa Manila North Cemetery ngayong Undas makaraan ang dalawang taon na pagsasara nito dahil sa pandemya.

 

 

Sinabi ng pamunuan ng sementeryo na ito ay posible dahil sa pagkasabik ng publiko sa mabisita ang mga namayapang kaanak sa mismong araw ng All-Saints Day (November 1) at All Soul’s Day (November 2).

 

 

Sa inilabas na paalala ng Manila local government, simula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 2 ay hindi papayagang makapasok sa Manila North at Manila South Cemetery ang hindi pa bakunado at mga batang edad 12 pababa.

 

 

“Bago tayo makapasok sa main gate, mayroon na tayong inspection area na nandoon ‘yung ­ating mga kapulisan sila na ‘yung naka-assign para mag-inspect ng vaccine card. At the same time, sila na rin ang magbaban­tay sa gate kung bata po hindi talaga papapasukin, ihohold na sila doon,” ani Roselle Castaneda, officer in charge ng Manila North Cemetery.

 

 

Ayon naman kay MPD spokesperson Police Maj. Philipp Ines, mayroong nasa 700 tauhan ng MPD ang idedeploy sa Oktubre 31. Sa Nobyembre 1 at 2 ay itataas na ito sa 1,500 pulis na magbabantay.

 

 

Paalala rin ng MPD na bawal magdala ng patalim, baril, at ano mang matutulis na bagay. Bawal din ang flammable materials, alak, mga bagay na lumilikha ng malalakas na ingay at bawal ding magsugal.

 

 

Bubuksan ang mga sementeryo sa mga nabanggit na petsa mula alas-5 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

 

 

Bagama’t “open space” ang sementeryo, hinihikayat ng pamunuan na magsuot pa rin ng face mask.  Pagbabawalan pa rin ang mga nagtitinda ng pagkain, bulaklak, at kandila sa loob ng mga sementeryo. (Daris Jose)

‘House visit’ sa media ipinatigil, iimbestigahan ng PNP

Posted on: October 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINAIIMBESTIGAHAN  ni Philippine National Police chief PGen. Rodolfo Azu­rin, Jr. ang isinagawang ‘house visit’ ng ilang mga pulis na nagbigay ng pa­ngamba sa ilang miyembro ng media.

 

 

Ayon kay PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, bukod sa imbestigasyon papanagutin din ang mga pulis na responsable sa pagpapatupad nito.

 

 

Sinabi ni Fajardo na maglalabas sila ng pa­nuntunan o sistema kaugnay ng house visit lalo pa’t walang direktang utos mula sa  PNP headquarters at National Capital Region Police Office (NCRPO) kung paano makakausap ang bawat mamamahayag na may banta sa kanilang buhay.

 

 

“There was no direct instruction or directive coming from the national headquarters na magkaroon ng house visitation sa bahay ng ating kasamahan sa media,” ani Fajardo.

 

 

Sa ngayon aniya, maliwanag na koordinasyon lamang ang sinasagawa ng bawat police district sa mga mamamahayag at pagtatanong kung may nakakatanggap sila ng pagbabanta.

 

 

Isa sa kanilang liliwanagin ay pagkakaroon ng access ng mga pulis sa address ng bahay ng media. Aniya, dapat liwanagin kung paano nakuha at ang  source ng impormasyon.

 

 

“We are not making excuses. May mali talaga sa naging procedure. Kung maganda ang intensyon, maganda ‘yung efforts nila, subalit dapat talaga nagkaron muna ng coordination or probably isinama ‘yung barangay,” dagdag pa ni Fajardo.

 

 

Samantala, ipinatigil na ni NCRPO chief Police Brigadier General Jonnel Estomo ang ‘house visit’ o pagbabahay-bahay ng mga pulis upang bisitahin ang mga mamamahayag kaugnay ng mga posibleng pagbabanta sa buhay dahil sa kanilang mga trabaho.

 

 

Ayon kay Estomo, nagpasya silang itigil na ang house visit makaraan magpahayag ng pagkabahala ang ilang mamamahayag sa sistema

 

 

Paliwanag naman ni PLtCol. Dexter Versola, tagapagsalita ng NCRPO, layon ng house visit na  makakuha ng impormasyon sa posibleng banta sa ilang miyembro ng media.

 

 

Bagama’t malinis ang kanilang hangarin, sinabi ni Versola na posibleng nagbigay ito ng maling mensahe sa mediamen. (Daris Jose)

Chief Presidential Legal Counsel Enrile, naka- relate sa kasalukuyang pinagdaraanan ni Sec. Boying Remulla

Posted on: October 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

RAMDAM at naka-relate si Chief Presidential Legal Counsel at dating Senador Juan Ponce Enrile sa pinagdaraanan ngayon ni Justice Secretary Crispin Remulla matapos masangkot ang panganay na  anak sa isyu ng iligal na droga.

 

 

Pag-amin ni  Enrile, maging siya ay dumaan sa kahalintulad na senaryo  nang  madawit ang kanyang anak na si Jack Enrile sa pagkamatay ng anak ng isang Commander ng Philippine Navy noong martial law.

 

 

Makaraan  aniya niyang bigyan ng abogado ang kanyang anak kasama ang body guard nito na dawit sa pagkakapaslang ay  ipinaubaya na niya sa korte ang lahat.

 

 

Sa huli aniya ay inabsuwelto naman ang kanyang anak sa isinampang asunto laban dito.

 

 

Wika ni Enrile, ang magagawa lamang aniya  niya sa ganitong mga sitwasyon lalo na sa hanay nilang nasa kapangyarihan ay pabayaan ang mga humahawak sa sistema ng hustisya sa bansa.

 

 

Aniya, ganito talaga ang buhay ng mga nasa gobyerno na kahit walang ginagawang kasalanan ay maaaring mabansagang may nagawang pagkakamali.

 

 

Kaya ang payo pa ni Enrile  sa mga naglilingkod sa gobyerno, asahan ang mga unpredictable o mga hindi inaasahang bagay na puwedeng mangyari gaya ng kanyang naranasan at nararanasan naman ngayon ni Secretary Remulla.  (Daris Jose)