HABANG naghihintay ang milyong Filipino para sa kanilang PhilID, o National ID cards na mai-deliver sa kanilang bahay, may ilan naman ang nagrereklamo sa printout ng ePhilIDs, habang ang ilan naman ang nakatanggap ng dalawa o higit pang cards.
Sinabi ng Philippine Statistics Authority (PSA) na “as of last week”, 74.2 milyong Filipino ang nagpa-rehistro para sa Philippine Identification System (PhilSys), na may 22.5 milyong cards naman ang naipadala na.
Sinasabing 22.5 milyong PhilID cards ang naipadala na sa Philippine Postal Corporation (PhilPost), 17.6 milyon o 78.2% ang nai-deliver sa mga registrants sa buong Pilipinas” as of Oct. 14.”
Ang PhilID, pangunahing sangkap ng PhilSys, ay nagpahayag na sa loob ng anim na buwan ay maide-deliver nito ang nasabing cards subalit sa kasalukuyan, dahil sa hirap na mag- produce ng PVC cards, nagdesisyon ang PSA na magpalabas ng printable version.
Kaugnay nito, sinabi naman ni national statistician at civil registrar general Dennis Mapa na ang printed ePhilIDs ay ipalalabas sa PhilSys registration centers, subalit binigyang-diin na ang mga Filipino na nagparehistro ay makatatanggap ng kanilang PVC cards kahit pa nakatanggap na ang mga ito ng kanilang printout ePhilIDs.
Paliwanag pa ni Mapa, mayroon aniyang delay sa printing ng PVC PhilID cards dahil hindi inaasahan ng PSA ang mataas na volume of registrants.
Mayroong 74.2 milyon ang kumatawan sa 98.7% ng mga Filipino na ang edad ay may 15 taong gulang pataas.
Ani Mapa, “only about 51.2 million identities had been through backend verification, while only 45 million “unique” 12-digit PhilSys numbers have been created because of this, “we have a backlog of about 29 million.”
“The exceptional pace of meeting the registration target created a substantial gap among the accomplishment rates of the registration which is moving very fast, the backend identity verification, and subsequently the delivery of the PhilIDs,” ang wika ni Mapa.