• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 7th, 2022

Napansin din si Juancho bilang Padre Salvi: BARBIE at JULIE ANNE, nominated sa TAG Awards Chicago dahil sa ‘Maria Clara at Ibarra’

Posted on: November 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments
HINDI pa man natatapos ang GMA teleserye na Maria Clara At Ibarra ay nakakatanggap na ito ng nominasyon para sa cast.

Nilabas ng TAG Awards Chicago ang kanilang nominasyon para sa iba’t ibang kategorya at nominated si Barbie Forteza for best actress at si Julie Anne San Jose as best supporting actress.

Sobrang natuwa naman si Juancho Trivino dahil nakatanggap siya ng nominasyon bilang best supporting actor sa pagganap niya bilang Padre Salvi.

Nag-tweet si Juancho ng: “Ah wow, sa 10 years ko sa showbiz, first time ko to.”

Dumagsa ang papuri kay Juancho dahil sa mahusay na pagganap niya bilang si Padre Salvi at noong nakaraang Halloween, may mga batang nag-costume bilang Padre Salvi kasama na ang panot na bumbunan nito.

Pinost ni Juancho sa kanyang Instagram ang mga photos ng mga batang naka-costume as Padre Salvi at nilagyan niya ito ng caption na: “It’s an honor maging costume ng mga anak ninyo. Ako’y kinikilig.”

***

SINILANG na ni Ynna Asistio ang kanyang first baby sa mister na si Bully Carbonell noong nakaraang October 26 pa at pinangalanan nila itong Ava Zafina.

Sa pag-share ni Ynna ng photos ni Baby Ava sa social media, kinuwento din niya na nag-labor siya for 15 hours.

“Hello World! Im finally here! few weeks ago I got confined due to pre term labor and was on strict bed rest for almost 2 weeks, then on October 25 my bag raptured and I was in labor for 15 hours! Ngayon ko lang naiintindihan yung sinasabi nila na grabe and experience of giving birth. life changing and it made me realize how amazing it is to be a mother. all the pain and contractions and IE was all worth it hahaha! First time I saw you baby nawala lahat ng pain you came so early pero ang perfect ng timing mo! Hehe thank you everyone for all your prayers and also thank you Doctora @lizetteisip for helping me through out my pregnancy. I couldn’t have done it without your support and guidance, as well as my family and friends thank you for all your prayers!! my baby spent one week in NICU but now we’re finally home! thank you also to my husband for taking care of me @bullyxcarbonellx til this day, I can’t believe na nanay na ako!!! Pero grabeng saya ng feeling. salamat sainyong lahat! Thank you Lord for this wonderful blessing,” caption ni Ynna.

Pinost din ni Ynna na naiuwi na nila si Baby Ava: “We’re finally home! Thank you Mama @officialnadiam and to my Asistio Family for welcoming me. Im glad to be home.I love seeing mama and dada happy! @bullyxcarbonellx @asistioynna. Thank you Mimasexy for my balloons @thesexyyssa.”

Kinasal sina Ynna at Bully noong nakaraang August.

***

NAGLULUKSA ang American music industry dahil sa pagpanaw ng 34-year old singer na si Aaron Carter.

Natagpuan walang buhay si Carter sa kanyang bahay sa California noong nakaraang November 5.

“It is with great regret to confirm Aaron Carter was found unresponsive this a.m. in his home in Palmdale, California. The family has been notified and will be flying out to Los Angeles. Aaron worked very hard towards the end of his life in recovery, to be a good father and to make amends with his family,” ayon sa official statement ng rep ni Carter sa Page Six.

Ayon sa report, natagpuan si Carter sa kanyang bathtub at hindi na humihinga. Nakatanggap ng tawag ang authorities around 11:00 AM tungkol sa isang male na natagpuang nalunod sa bathtub.

Wala pang official cause of death na nare-report hanggang wala pang sina-submit na autopsy report ang naka-assign na coroner.

Nakilala si Carter bilang child star noong late ’90s at younger brother siya ng Backstreet Boys member na si Nick Carter.

Naglabas ng kanyang album noong 1997 si Carter titled Aaron’s Party (Come and Get It) at ilan sa mga singles niya ay “I Want Candy,” “Aaron’s Party,” and “That’s How I Beat Shaq.”

Noong maging teenager si Carter, na-involve ito sa paggamit drugs, nagkaroon ng problema sa mga nakakarelasyon niyang mga babae at ang pagkakaroon ng mental health issues. Carter was diagnosed with both schizophrenia and bipolar disorder.

Nakarelasyon ni Carter noon sina Hilary Duff, Lindsay Lohan, Karin Ann Paniche, Madison Parker at Lina Valentina. Noong 2017 ay sinabi ng singer na siya ay bisexual.

Inamin ni Carter na naging addicted isa sa marijuana at pag-inom ng Xanax. Ilang beses din siyang nahuli ng mga police at meron siyang mugshot mula sa 2017 arrest niya sa Georgia.

Noong nakaraang September, nag-check in voluntarily si Carter sa out-patient program ng isang rehab center. Ginawa niya ito para magkaroon siya ng rights sa custody ng kanyang anak na si Prince (11 months old). Anak niya ito sa kanyang fiancee na si Melanie Martin.

Inakusahan si Carter ng domestic violence ni Melanie at na-fracture ang tatlong ribs niya dahil sa isang pagtatalo nila. Pero sabi ni Carter ay dumadaan sa postpartum depression ang kanyang fiancee.

(RUEL MENDOZA)

Deployment ng OFWs sa Saudi, tuloy na

Posted on: November 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SIMULA  sa Nobyembre 7, 2022 ay itutuloy na ng Department of Migrant Workers (DMW) ang deployment ng mga overseas Filipino worker (OFWs) sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA) kasunod ng pagtanggal ng deployment ban sa nasabing bansa.

 

 

Ayon kay Department of Migrant Workers Secretary Susan Ople, isasama sa bagong kontrata ang pagbibigay ng proteksyon sa mga OFWs.

 

 

Magkakaroon na rin aniya ng insurance cove­rage para sa mga domestic workers na babayaran ng mga employers.

 

 

“Nandoon na ‘yung insurance coverage para sa domestic workers. Ang magbabayad n’yan ‘yung Saudi employers. ‘Yung insurance cove­rage rin para sa skilled at construction workers ang magbabayad n’yan Saudi government. Ang covered insurance, kung sakali na bankrupt ‘yung kompanya, sagot ng insurance ‘yung unpaid salaries,” ani Ople.

 

 

Sa unang pagkakataon din aniya ay magkakaroon ng “country specific employment contract” na para lamang sa mga OFWs na magta-trabaho sa Saudi.

 

 

Tiniyak din ni Ople na hindi na mangyayari ang mga naganap sa nakaraan na “naho-hostage” ng employer ang isang OFW hanggat hindi nababayaran ang nagastos ay hindi puwedeng lumipat ng employer dahil kasama sa kasunduan ang pre-termination clause.

 

 

Papahintulutan na ang isang domestic worker na lumipat o magpalit ng employer bago matapos ang kontrata batay sa mga partikular na dahilan, tulad ng hindi pagbabayad ng suweldo at mga kaso ng pang-aabuso.

 

 

Isinasaalang-alang na rin aniya ngayon ng Saudi Ministry of Human Resources and Social Development (MHRSD) ang pagkumpiska ng pasaporte bilang pahiwatig ng human trafficking.

 

 

“So pag alam namin na binawi ‘yung passport, ire-report sa ministry. Sila bahala magpatawag at magpapa-explain sa employer. Part ng partnership,” ani Ople.

 

 

Samantala, ibinahagi rin ni Ople na nagtakda sila ng mga alituntunin para sa mga blacklisted at whitelisted recruitment agencies, foreign recruitment agencies, at KSA employers ng mga maaa­ring legal na lumahok sa pagpapatuloy ng deployment ng mga OFW sa Saudi Arabia.

 

 

“Ngayon ‘yung mga agency dapat nasa whitelist ng parehong bansa, bago magpadala ng Filipino worker,” ani Ople.

 

 

Matatandaan na noong 2019, mahigit sa 189,000 na OFW ang ipinadala sa Saudi Arabia. (Daris Jose)

Parak, 1 pa arestado sa baril sa Caloocan

Posted on: November 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KALABOSO ang dalawang katao, kabilang ang isang aktibong pulis matapos makuhanan ng baril ng kanyang mga kabaro sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

 

 

Sa ulat na natanggap ni Caloocan Acting Police Chief P/Col Ruben Lacuesta mula kay Police Sub-Station 15 Commander P/Capt. Demile Tubbali, nagpapatrulya aniya ang kanyang mga tauhan sa Phase 7A, Brgy 176 Bagong Silang nang lumapit ang isang residente sa lugar dakong alas-4 ng madaling araw at ipinabatid ang nasaksihang pagdadala ng baril ng dalawang lalaki na kinilala lang sa alyas “Lel-Lek” at “Jon-Jon”.

 

 

Kaagad nagtungo sa sinasabing lugar sa Phase 7 ang mga pulis at dito nila inabutan na iniaabot ni alyas Jon-Jon sa kasama ang isang baril subalit nang makita ng dalawa ang paparating na mga pulis, kumaripas umano ng takbo ang mga ito subalit kaagad din silang na-korner matapos ang maikling habulan.

 

 

Nakuha sa suspek na si Ulrick Waldemar, alyas Lek-Lek, 34, ang isang kalibre .45 baril at tatlong magazine na pawang may kabuuang lamang 21 bala na umano’y ini-abot sa kanya ng naaresto ring si P/SSgt. Gideon Geronga, Jr. 44, alyas Jon-Jon, nakatalaga sa Quezon City Police District (QCPD) Station 16 sa Pasong Putik at residente ng Bagong Silang.

 

 

Ani Col. Lacuesta, patuloy ang ginagawa nilang 24-oras na pagpapatulya sa ilalim ng programang S.A.F.E. NCRPO na inilunsad ni National Capital Region Police Office Director P/BGen. Jonnel Estomo na magpapatunay na gising ang kapulisan habang tulog ang mamamayan.

 

 

Pinuri naman ni Regional Director BGen. Estomo ang mga tauhan ng Caloocan City Police sa pagdakip sa kanilang kabaro bilang patunay sa patuloy nilang paglilinis sa kanilang hanay.

 

 

Kasong paglabag sa R.A. 10591 ang isasampa ng mga tauhan ng Caloocan police laban sa dalawang nadakip sa piskalya ng Caloocan City. (Richard Mesa)

Lone bettor, naiuwi ang P29.7-M Grand Lotto jackpot price- PCSO

Posted on: November 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAPANALUNAN ng isang bettor ang P29.7 milyong jackpot prize sa Grand Lotto 6/55 draw.

 

 

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office, may isa pang tumaya na nanalo din naman ng halos P15.4 milyon na jackpot prize sa 6/42 Lotto draw.

 

 

Ang Grand Lotto draw ay nagbunga ng sumusunod na winning combination: 40-03-34-37-19-15, habang ang Lotto 6/42 winning combination ay 31-32-08-25-29-14.

 

 

Mayroon namang 12-katao na nanalo sa second prize na nagkakahalaga ng P100,000 at 22-katao ang nanalo ng P24,000 sa 6/42 draw.

 

 

Samantala, napanalunan din ng nag-iisang tumaya para sa 6D Lotto grand prize na halos P1.8 milyon at nakuha ang mga winning combination.

 

 

Matatandaan na noong unang bahagi ng nakaraang buwan, 433-katao ang nanalong tiket ang iniugnay sa P236,091,188.40 na jackpot prize ng 6/55 Grand Lotto. (Daris Jose)

Kelot isinelda sa panghahalay sa nene sa Navotas

Posted on: November 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang lalaki matapos gahasain ang isang menor-de-edad na babae na may problema umano sa pag-iisip sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

 

 

Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang suspek bilang si Rodante Tenso, 40 ng 147 R. Domingo St., Brgy. Tangos North.

 

 

Sa isinagawang imbestigasyon ng Women’s and Children Protection Desk (WCPD) ng Navotas police, lumabas ang biktima na itinago sa pangalang “Marimar” upang bumili ng pagkain nang lapitan ng suspek ay yayain na sumama sa kanya dakong alas-3 ng hapon.

 

 

Sumama naman umano ang biktima sa bahay ng suspek kung saan siya pinagbantaan nito bago pinaghahalikan saka sapilitang ginahasa ng manyakis na lalaki.

 

 

Matapos ang insidente, lumabas ang biktima at humingi ng tulong sa mga concerned citizen na sila namang tumawag ng mga barangay tanod na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

 

 

Kasong pagpabag sa RA 11648 (Statutory Rape) ang isinampa ng WCPD laban sa suspek sa Navotas City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

Halaga ng piso, 85 sentimo na lang – PSA

Posted on: November 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TULUYAN nang bumagsak ang purchasing power ng Philippine peso kontra US dollar dahil sa mas tumaas na inflation nitong buwan ng Oktubre.

 

 

Sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang halaga ng piso noong 2018 ay katumbas na lamang ng 85 sentimo noong Oktubre.

 

 

Nitong Hulyo, katumbas pa ito ng 86 sentimo.

 

 

Nakakalkula ang purchasing power ng Philippine peso sa pamamagitan ng paghahati ng “1” sa consumer price index, multiplied by 100.

 

 

Sinabi ni PSA chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, kung susuriin, ang year-to-date purchasing power ng piso ay nasa 87 sentimo laban sa halagang piso nito noong 2018.

 

 

Isa rin sa itinuturong dahilan sa pagbaba ng halaga ng piso ay ang paghina rin ng ating pananalapi laban sa US dollar.

 

 

Matatandaang inulat ng PSA na bumilis ang inflation o ang pagtaas ng presyo ng mga bililhin nitong Oktubre.

 

 

Naitala ang inflation sa 7.7 percent kumpara sa 6.9 percent noong Setyembre.

 

 

Ito na ang pinakamabilis na inflation na naitala sa nakalipas na 14 taon.

 

 

Kahit bumilis ang inflation, pasok pa rin naman ito sa forecast ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa 7.1 hanggang 7.9 percent.