HINDI raw makalilimutan ni Carmina Villarroel ang masakit na sampal na natanggap niya mula sa isang aktres.
Sa podcast na Wala Pa Kaming Title, kinuwento ng ‘Abot Kamay Na Pangarap’ star ang naging experience niya sa eksenang iyon.
“May buwelo, ‘yung talagang galing dito sa baba paganoon sa akin. Nawala ako sa frame at nahulog ako sa sofa. Buti na lang may sofa kasi kung walang sofa nahulog ako sa floor!” natatawang kuwento ni Mina.
Hindi na lang pinangalanan ni Mina kung sino ang aktres na iyon. Pero hindi raw mawala sa alaala ni Mina yung sakit ng sampal na iyon.
Nagpapasalamat si Mina sa kanyang presence of mind dahil nakatayo siya agad para hindi na raw mag-take two.
“Napikon ako, kasi ang sakit, ang sakit. Imagine-in mo may buwelo. Nahulog ako sa silya. Buti may presence of mind ako na tumayo ako kasi baka ma-take two e ayoko kasi ang sakit,” tawa pa ulit ni Mina.
***
NAGTAYO ng sarili niyang foundation ang kauna-unahang winner ng Drag Race Philippines na si Precious Paula Nicole para masuportahan nito ang Golden Gays.
Ang Precious Foundation ay isang non-governmental organization na ang layunin ay ang tulungan ang mga gay senior citizens.
“‘Yung pagkapanalo ko sa Drag Race, hindi lang ‘yun basta korona. Kayo ang korona kong lahat. Hindi po nawala sa isip ko na tulungan kayo kapag meron na akong sapat na kakayanan. Kayo ang aking korana.”” sey ni Precious sa kanyang pa-thanksgiving party.
Bago pa man sumali ng Drag Race PH si Precious, matagal na siyang supporter ng Golden Gays.
“When I was starting drag, sumasama lang ako sa mga friends ko na drag queens para bigyan ng tulong ‘yung mga golden lolas natin na nawalan na po ng tahanan ngayon. Dahil may mga taong nagmamahal sa ’kin at nagmamahal sa inyo, hindi po tayo titigil sa ganitong okasyon na lang. Ang ‘Precious Thanksgiveyn’ po ay magiging ‘Precious Foundation’ na,” diin pa niya.
Sinisimulan na raw gawin ang mga bahay para sa mga Golden Gays. Nakumpleto raw ang mga ito sa 2023.
Kasama pa ni Precious para aliwin ang mga golden lolas ay ang mga Drag Race PH contestants na sina Brigiding at Vinas DeLuxe. Dumating don ang Drag Race PH Untucked director na si ice Seguerra at inawit ang hit song niyang ‘Pagdating Ng Panahon’.
***
IBA rin kung magpaandar sa promo ng kanyang bagong TV series sa Apple TV+ na Chief of War si Jason Momoa.
Sa pag-guest ng ‘Aquaman’ star sa talk show na Jimmy Kimmel Live, walang takot na pinakita nito ang mga pisngi ng kanyang malaman at mabilog na puwet habang suot niya ang costume mula kanyang pinagbibidahan na TV series.
Paliwanag ni Momoa na ang suot niya ay hindi loincloth kundi traditional malo na sinusuot ng mga Hawaiians na tulad niya.
“I’m doing a show. I’m a creator, writer, director, producer, and actor on this Apple series, That’s what I wear every day. I was just getting ready for the role ’cause I like to get into character, and so I was tanning my white ass. I actually don’t even like wearing clothes anymore. I’m in it every day. I wear it all the time.”
Noong i-dare ni Kimmel si Momoa na ipakita nito na suot niya ang malo, hindi nagdalawang-isip ang aktor na hubarin niya ang suot niyang silk shirt and pants at coat. Napa-wow na lang si Kimmel nang makita nito ang puwet ni Momoa.
Bukod sa Chief of War series, mapapanood din si Momoa sa fantasy film na ‘Slumberland.’
(RUEL J. MENDOZA)