• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 18th, 2022

PBBM, nasa Thailand para lumahok sa APEC

Posted on: November 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ILANG  araw lamang matapos bumalik sa bansa, bumiyahe na  si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para lumahok sa ika-29 Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders’ Meeting (AELM) sa Thailand.

 

 

Sa kanyang departure statement sa Villamor Air Base, nangako si Marcos na dadalhin niya ang pag-asa at adhikain ng bansa para sa isang mapayapa at maunlad na rehiyon ng Asia-Pacific.

 

 

Sinabi ng Pangulo na layunin niyang i-unlock ang economic potential, i-digitalize ang partisipasyon ng bansa sa digital economy, at sustainable development, gayundin ang pagtugon sa climate change crisis, at iba pa.

 

 

“Ang dala natin sa ganitong mga summit at mga meeting [ay] ang ating mga pangarap,” ani Marcos.

 

 

Inaasahang makikipagkita ang Pangulo at Unang Ginang Louise Araneta-Marcos kay King Maha Vajiralongkorn Phra Vajiraklaochaoyuhua at Queen Suthida Bajrasudhabimalalakshana.

 

 

Makikipagpulong din si Marcos sa mga pinuno ng negosyanteng Thai sa sideline ng APEC upang imbitahan sila na mamuhunan sa bansa at talakayin ang agenda sa ekonomiya ng administrasyon.

 

 

Makikipagpulong din ang Pangulo sa Filipino community sa Thailand.

 

 

Sinabi rin ni Marcos na ang APEC ay nananatiling isa sa mga pangunahing “platforms” ng Pilipinas sa pakikipag-ugnayan sa mga ekonomiya sa rehiyon ng Asia-Pacific.

 

 

Bago ang biyahe sa Thailand, dumalo si Marcos sa ASEAN Summits at Related Summits sa Cambodia  mula Nobyembe 10 hanggang 13.

 

 

Makikipag-ugnayan ang Pangulo sa iba pang mga lider kung paano haharapin ang food and energy security at ang economic inclusion ng micro, small, and medium enterprises (MSMEs) ng bansa. (Daris Jose)

Full distance learning di na puwede sa 2nd semester -Commission on Higher Education

Posted on: November 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINDI  na umano papayagan ang mga colleges at universities na magpatupad ng implementasyon ng distance learning simula sa second semester ng Academic Year 2022-2023.

 

 

Ito ang nakapaloob na order mula sa Commission on Higher Education (CHED) na pirmado ng chairman na si Prospero de Vera.

 

 

Sa ilalim ng CHEd Memorandum Order No. 16 na may petsa nitong nakalipas na araw, ang mga higher education institutions (HEIs) ay papayagan lamang sa kanilang degree programs sa pamamagitan ng full in-person classes o hybrid learning.

 

 

Nilinaw pa sa direktiba na magkakaroon lamang ng full distance learning delivery, kasama na ang fully online modality sa mga higher education institutions kung may approval mula sa Commission on Higher Education.

 

 

Ayon pa sa CHEd ang naturang mga higher institution na magpapatupad naman ng degree programs sa pamamagitan hybrid learning ay kailangang maglaan ng “50 percent ng total contact time” para naman onsite learning o kaya in-person classes.

 

 

Inihalimbawa pa sa panuntunan sa mga kolehiyo na sa isang three-unit course na kailangan ang 54 contact hours, ang 27 hours ay dapat iukol sa physical learning facility tulad sa classroom, laboratory at iba pang related learning spaces.

 

 

Ang natitira namang oras na contact time ay maari naman sa pamamagitan ng distance learning modalities tulad ng “self-paced printed o online learning modules, synchornous/ asynchronous learning sessions, atremote guided peer learning approaches.”

 

 

Nilinaw din ng CHED na ang mga laboratory o shop courses na merong on-the-job training (OJT) at merong apprenticeship programs ay dapat na rin daw sa pamamagitan ng onsite learning experiences sa pagsapit sa second semester.

 

 

Kung maalala ang in-person classes ay ipinagbawal simula noong unang bahagi ng 2020 dahil pa rin sa COVID-19 kaya isinagawa ang remote learning.

 

 

Noong nakalipas namang taon ang mga colleges at universities ay unti-unti ng nag-resume tungo sa traditional classroom setup. (Daris Jose)

COMELEC, MAGDARAOS NG SUMMIT

Posted on: November 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAGDARAOS ng tatlong araw na  Election Summit ang Commission on Election (Comelec) at kanilang mga stakeholders sa Enero 2023.

 

 

Layon ng kauna-unahang summit na mapagbuti ang pagdaraos ng halalan sa bansa, ayon kay Comelec Chairman George Garcia.

 

 

Sinabi ni Garcia na nakipag kapit-bisig ang  Comelec sa lahat ng civil society organizations,  citizens group na gustong magkaroon ng isang malusog na demokrasya, maayos, malinis na halalan sa ating bansa na aniya ay isang importanteng pundasyon .

 

 

Kinikilala rin aniya  ng Comelec na ang pagkakaroon ng halalan sa bansa ay hindi lamang isang obligasyon ng Comelec kundi  dapat obligasyon din ng bawat isa sa atin.

 

 

Ayon pa kay Garcia ,  makasaysayang paglagda ng kasunduan na ginanap sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila o PLM sa Intramuros, Maynila kasama ang pinakamaraming mga organisasyon dahil kauna-unahang itong mangyayari sa bansa

 

 

Pamumunuan ang Election Summit 2023 ni Comelec commissioner Nelson Celis.

 

 

Magiging bukas din sa publiko ang Election Summit para maging  transparent ang kabuuang proseso nito para sa lahat.

 

 

Dagdag pa ng dalawang Comelec officials, magiging bukas din sa publiko ang Election Summit para maging mas transparent ang kabuuang proseso nito para sa lahat.

 

 

“Ito ay  tungkulin ng bawat isa sa atin. Ang  mga ganitong inisyatibo ng Comelec ay pamamaraan para kami ay makapakinig, at the same time kayo’y makapagbigay ng inyong mga adhikain at saloobin,” saad ni  Garcia.

 

 

Ayon pa kay Garcia, gagamiting absehan sa mga susunod na aksyon o hakbang ng Comelec ang anumang magiging rekomendasyon  na mabubuo sa Summit para sa pagdaraos ng halalan sa 2025, 2028 at sa mga susunod pang eleksyon.

 

 

Kasama sa mga lumagda ng MOA kahapon  ang National Movement for Free Elections o NAMFREL, Parish Pastoral Council for Responsible Voting o PPCRV, Legal Network for Truthful Elections o LENTE, at iba’t iba pang poll watchdogs at civil society organizations.

 

 

“The electoral process should not be limited to the voters coming to the polls. But more importantly, their participation should be engaged from the very beginning… from the formulation of platforms, selection of candidates to actual registration of the candidates, the campaign, the voting and finally the election and counting of votes. I believe that the biggest challenge of our democracy today is the meaningful participation of our people in every step of the electoral process and resist from the merely performing their role as spectators,” ayon naman  kay PLM President Prof. Emmanuel Leyco kasabay ng pahayag na magiging bukas ang PLM  sa mga susunod pang pagdaraos ng mga aktibidad ng Comelec kaugnay ng Election Summit 2023.

 

 

Planong ng Comelec na idaos ang summit sa huling linggo ng Enero sa susunod na taon. GENE ADSUARA

Napili bilang official spokesperson ng ‘SportsPlus’: SamYG, ibinahagi ang kahalagahan ng sports sa mga Pilipino

Posted on: November 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INANUNSYO ng bagong premier online mobile sportsbook na SportsPlus na napili nito si SamYG bilang opisyal na tagapagsalita.

 

Isang longtime radio jock, nakilala si Sam YG sa sikat na programa sa radyo, ang ‘Boys Night Out.’

 

Para sa kaniya, aprubadong-aprubado ang kapana-panabik na sportsbook mobile site.

 

Nang tanungin tungkol sa bago niyang gampanin, ibinahagi ni Sam YG ang kahalagahan ng isports sa mga Pilipino.

 

“Their love of sports goes beyond fandom,” aniya. “Di nga lang siya fandom for some, parang naging way of life na rin siya. SportsPlus takes this passion and reinforces it with more fun and excitement.”

 

Sa online mobile sportsbook, maaari nang pumusta ang mga tagapagtangkilik ng iba’t ibang mga laro sa kanilang mga paboritong atleta at kuponan, na talaga namang nakasasabik. Kung iisipin, kakaiba ang pakiramdam kung nakatali ang kapalaran ng isang tao sa resulta ng isang malaking laro. Para matikman ang ganitong klaseng excitement, maaaring magrehistro sa https://bit.ly/sportsplusph.

 

Dinesenyo ang SportsPlus upang gawing madali at nakasasabik pa rin ang sportsbooking para sa mga gumagamit nito. Akreditaro ng PAGCOR, ginawang mabilis ng SportsPlus ang pagrehistro para sa mga edad 21 pataas. Pagkatapos magrehistro, maaari nang magsimulang tumaya ang mga SportsPlus users sa kanilang mga paborito, gamit lamang ang P100.

 

Maraming mga larangan ng isports ang matatagpuan sa online sportsbook, gaya ng basketball, football, boxing, MMA, tennis, at iba pa. Dagdag pa rito ang competitive odds na handog ng SportsPlus. Maaari ring pumusta sa mga malalaking liga ng isports gaya ng NBA, NHL, Premier League, UFC, at iba pa.

 

Optimalisado rin ang SportsPlus para sa lahat ng mobile device. Hindi na kailangang mag-download ng app: gumagana ang site sa kahit anong standard mobile browser gaya ng Firefox, Chrome, at Safari.

 

Mayroon ding built-in na GCash ang mobile site, kaya lalo nang simple ang paglipat ng pera mula sa GCash papunta sa site para magamit.

 

“Sobrang exciting nga,” sabi ni Sam YG, tungkol sa SportsPlus. “Anytime, anywhere, I can place my bets and cash in and cash out. Ang galing niya at ibang klaseng enjoyment talaga siya. Magugustuhan niyo to. Play for the chance to win the game na!”

 

(Paalala: Ang paglalarong ito ay para lamang sa edad 21 pataas. Panatilihing masaya. Maging responsable sa paglalaro).

 

***

 

MAGKAKAROON ng Dance Versus Climate Change (from the Philippines to the world) sa November 30, 2022.
Ipalalabas ito exclusively sa ALLTV Channel 2 with drone shots.

 

Lahat ng contestant will be ask to spread in the street and dance with ala-mardi gras colorfull costumes and at the same time for 25 minutes with marathon.

 

The best dance interpreter of the song will win the P30K pot money.

 

]https://youtu.be/qFLMJbdY6gY

 

Level up din ang cosplay contest to mere costume only.

 

Special award: 30K (voluntary joining only for this contest), separate sign up needed on site for this dance contest special award.

 

Para sa costume only contest: 1st prize is 20K, 2nd prize is 15K, 3rd prize is 10K at may consolation prizes na 2K at 1K each.

 

In-organize ito ng CAPMI and KSMBPI na kung si Dr. Michael Raymond A. Aragon ang parehong founding chairman.
Sponsor ng naturang pa-contest ang Offshore Mining Chamber of the Philippines (OMCPI). This is Philippines gateway to the BLUE ECONOMY via clean ang green offshore mining technology.

 

Si Doc Mike din ang umuupong chairman ng OMCPI.

 

Sa iba pang information and mechanics ng pa-contest:
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=pfbid056UQF51Tg6UfBxygDDaA6ykTinYJZW1CJh7QwPejrfvyMLdHXEqzjJba4xgnPf6Xl&id=100069001964313&sfnsn=mo&extid=a

 

Samantala, ang Jazz Band ni Doc Aragon na JAZZ CLEAN AIR BAND o sa Tagalog, Banda ng Malinis na Hangin, ay magco-concert din sa Nov. 30 sa Sct. Borromeo, kasama ang Clean Air Singing Ambasadors na sina Bb Pilipinas Ali Forbes at singing diva Cess Cruz.

(ROHN ROMULO)

Bakit naka uniform si Fajardo pero hindi naglaro sa SMB vs Magnolia?

Posted on: November 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

JUNE Mar Fajardo ay naghahanap na maglaro sa susunod na laro ng San Miguel sa PBA Commissioner’s Cup habang naghihintay ng clearance mula sa mga doktor.

 

Sa wakas ay nagpakita ng uniporme ang six-time.MVP noong Miyerkules, ngunit hindi pinasok ni coach Leo Austria sa 85-80 pagkatalo sa Magnolia noong Miyerkules ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

 

“Siguro next game or the next game pa. Hihingi lang kami ng clearance sa doctor na payagan na akong maglaro,” said Fajardo.

 

Maaaring dumating iyon laban sa Phoenix sa Sabado o Terrafirma sa ika-23.

 

Hindi sinasadya ni Fajardo ang huling anim na laro ng Beermen matapos sumailalim sa operasyon sa kanyang lalamunan kasunod ng hindi sinasadyang siko ni Rain or Shine import Steve Taylor Jr.

 

Isang buwan siyang wala sa aksyon, ngunit sumama na siya muli sa Beermen sa pagsasanay at lumahok sa five-a-side, full-contact scrimmages.

 

“Sana nga magtuluy-tuloy na,” ani Fajardo.

 

Idinagdag niya na ang isang metal ay inilagay sa kanyang lalamunan pagkatapos ng operasyon, na sa una ay nagdulot sa kanya ng kakulangan sa ginhawa.

 

“Dami ko ng metal sa katawan,” pag-amin ni Fajardo sabay kindat. “Nakakapanibago nung una pero ngayon nasanay na. Bawal pa sa akin yung mga spicy pero nakakain ko na lahat.”

 

Sinabi ni Fajardo na sabik siyang bumalik sa aksyon sa hangaring tulungan ang lumulubog na bid sa pagpapanatili ng titulo ng Beermen.

 

Bumagsak ang San Miguel sa 3-5 na rekord nang makaranas ito ng ikalawang sunod na pagkatalo, bumagsak sa ika-10 puwesto sa standing at sa labas ng quarterfinal picture,

 

“Pagbalik ko gusto ko makatulong sa team,” said Fajardo. (CARD)

US VICE PRESIDENT Kamala Harris, DARATING SA PALAWAN

Posted on: November 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SASALUBUNGIN ng Philippine Coast Guard (PCG) si United States (U.S.) Vice President Kamala Harris sakay ng BRP Teresa Magbanua (MRRV-9701) sa Puerto Princesa, Palawan sa Martes, 22 Nobyembre 2022.

 

 

Sinabi ni PCG Spokesperson, CG Commodore Armando Balilo, na magkakaroon ng briefing kay U.S. Vice President Harris sa kasalukuyang maritime operations ng coast guard sa Palawan.

 

 

Ito ay gagawin matapos ang paglilibot sa isa sa dalawang malaking barko ng PCG.

 

 

“Aside from Coast Guard officers, officials from the Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Department of Transportation (DOTr), and local government units (LGUs) will board BRP Teresa Magbanua (MRRV-9701) to listen to the Vice President’s address,” saad ni  Balilo  .

 

 

Pangungunahan nina PCG Deputy Commandant for Operations, CG Vice Admiral Rolando Lizor Punzalan Jr, PCG District Palawan Commander, CG Captain Christopher Meniado, at BRP Teresa Magbanua (MRRV-9701)’s Skipper, CG Commander Erwin Tolentino, ang pagbuo ng Coast Guard’s welcoming party sa US Vice President. (GENE ADSUARA )

Ang mga referee sa laro ng JRU-Benilde ay inilagay sa ilalim ng preventive suspension

Posted on: November 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Ang mga opisyal na humawak sa laro sa pagitan ng Jose Rizal University at St. Benilde ay pawang isinailalim sa preventive suspension ng liga sa pagbagsak ng John Amores rampage.

 

Inihayag ni Herc Callanta ng Lyceum, ang chairman ng adhoc investigation committee, na ang mga referees na sina Anthony Sulit, Dennis Escaros, at Antonio Baguion Jr. ay lahat ay pinagbawalan na tumawag sa anumang laro mula noong insidente.

 

“They are under preventive suspension at the moment. Automatic yan if there’s a unfortunate incident that took place, there’s an automatic preventive suspension,” he said on Wednesday.

 

“Hangga’t hindi sila nalilinis, hindi sila pinapayagang mag-officiate.”

 

Hiniling ng liga sa lahat ng tatlong opisyal na isumite muna ang kanilang mga testimonya kay basketball commissioner Tonichi Pujante at pagkatapos ay sa NCAA Management Committee (Mancom) upang ipaliwanag ang kanilang panig sa usapin.

 

Ibinunyag ng mga source ng Spin.ph na isa sa mga opisyal ang nabangga ni Amores sa kanyang pagbabalik sa bench at tumugon ng mga panunukso na lalong nagpalala sa dati nang tensiyonado na sitwasyon bago pa man makasuhan ang Heavy Bombers forward sa bench ng Blazers noong nakaraang linggo.

 

Ang seguridad ay pinalakas din ng mas maraming bouncer at opisyal mula sa San Juan Police Station na inarkila upang magpatupad ng kaayusan sa mga laro.

 

“Nagdagdag kami ng mas maraming bouncer para sa sahig at sa mga stand, not to mention having apat na pulis. Suffice it to say, we’ve already augmented and beefed up the security,” the official said.

 

Gayunpaman, humingi ng pasensya si Callanta habang patuloy na iniimbestigahan ng NCAA ang usapin hanggang sa makabuo sila ng kanilang huling hatol.

 

“I don’t want to preempt the results of the investigation cause we’re still going to go through all the footages from different angles as well as accounts from both sides, JRU and St. Benilde,” he said.

 

“As far as the players are concerned, yun na yun. Pero yung peripherals, yung security, referees and officiating, those are still forthcoming.” (CARD)

Tulak timbog sa buy bust sa Caloocan, P510K shabu, nasabat

Posted on: November 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAHIGIT kalahating milyong pisong  halaga nang hinihinalang shabu ang nasamsam sa isang umano’y tulak ng ilegal na droga matapos maaresto sa buy bust operation sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

 

 

Kinilala ni Caloocan police chief Col. Ruben Lacuesta ang naarestong suspek bilang si Michael Labriaga, 34 ng Brgy. 175, ng lungsod.

 

 

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Ponce Rogelio Peñones Jr, sinabi ni Col. Lacuesta na dakong alas-12:20 ng hapon nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Major Dennis Odtuhan, kasama ang 3rd MFC RMFB-NCRPO ng buy bust operation sa Robis 1, Brgy. 175.

 

 

Isang undercover police ang nagawang makipagtransaksiyon sa suspek ng P50,000 halaga ng shabu at nang tanggapin nito ang marked money mula sa isang pulis na nagsilbi bilang poseur buyer kapalit ng isang large transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu ay agad siyang sinunggaban ng mga operatiba.

 

 

Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 75 grams ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price P510,000.00, buy bust money na isang P1,000 bill at P49 pirasong P1,000 boodle money at coins purse.

 

 

Pinuri naman ni National CapitalRegion Police Office (NCRPO) Director P/BGen. Jonnel Estomo ang masigasig na kampanya ng Caloocan City Police kontra illegal na droga na nagresulta sa pagkakaaresto sa notoryus umanong drug pusher.

 

 

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Magho-host ang Pilipinas sa prelimnary leg ng Volleyball Nations League Tournament sa 2023

Posted on: November 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Muling magho-host ang Pilipinas ng isa sa mga preliminary event ng Volleyball Nations League men’s tournament sa susunod na taon.

 

Inihayag ng liga noong Biyernes na ang Pasay City ang magiging venue para sa ilan sa mga laro sa Hulyo 4-9. Ang mga magkakalaban na koponan sa Philippine leg ng torneo ay ang Japan, China, Slovenia, Brazil, Poland, Italy, Netherlands, at Canada.

 

Noong nakaraang Hunyo, ang Araneta Coliseum sa Quezon City ay nag-host ng mga laro para sa parehong panlalaki at pambabae na torneo sa Philippine leg ng VNL.

 

Bukod sa Pasay City, ang iba pang host city para sa men’s tournament ay ang Ottawa, Canada; Nagoya, Japan; Rotterdam, Netherlands; Orleans, France; at Anaheim sa California, USA.

 

Ang VNL finals ay sa Hulyo 12-16 para sa women’s event at Hulyo 19-23 para sa men’s competition. Ang host city para sa finals ay iaanunsyo sa Disyembre.

 

Nasungkit ng Team Italy ang kampeonato ngayong taon sa women’s division, habang nakuha naman ng France ang korona sa men’s series. (CARD)

Ads November 18, 2022

Posted on: November 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments