MARAMING netizens ang natuwa nang ipakilala na ng ‘The Voice Kids Philippines’ Season One winner na si Lyca Gairanod ang kanyang boyfriend sa social media.
Kaka-turn 18 lang ni Lyca noong nakaraang November 21 at puwede na nga niyang ipakilala sa publiko ang kanyang boyfriend na si Kyle Walle na naging boyfriend niya noong March.
Sa pinost ni Lyca na photos sa kanyang Instagram, kasama niya si Kyle at HHWW (Holding Hands While Walking) sila. Nilagyan ito ni Lyca ng caption na “Spend time w u.”
Ilang sa mga netizens ang nag-senti dahil ang bilis ng panahon dahil ang dating 10-year old na anak ng mangingisda at nasanay sa buhay na nangongolekta ng bote, diyaryo at garapa para may makain ang pamilya niya sa pang-araw-araw ay dalagang-dalaga na at may boyfriend na.
Sa ibang IG posts pa ni Lyca, nilalantad na rin nito ang kanyang alindog sa mga kuha niyang naka-bikini siya sa beach. May ilang netizens na pinagbabawalan si Lyca na magpa-sexy, pero may iba naman na nagsasabing okey lang dahil nasa tamang edad na ito at may alindog namang ipagmamalaki ito na tiyak ay gusto ng kanyang boyfriend.
***
MATINDING stress ang naranasan ni Herlene “Hipon Girl” Budol dahil sa mga nangyaring sa kanya sa Uganda kunsaan dapat ginanap ang Miss Planet International pageant.
Dahil dito ay bumalik daw ang sakit niyang alopecia o ang pagkalagas ng kanyang buhok. Una raw niya itong naranasan noong sumali siya sa Binibining Pilipinas pageant.
Gumaling naman daw siya after the pageant, pero bigla raw itong bumalik dahil sa hindi magandang experience niya sa Uganda.
“Nagka-alopecia po akong malaki… Masaya naman ako doon sa Binibini. Pero siyempre ‘yung pressure, ‘yung wala kang kaalam-alam, sobrang bobo mo roon sa ibang bagay,” sey ni Herlene.
Ayon pa kay Hipon Girl, lumala pa ang kanyang kondisyon sa pagpanaw ng kanyang lola, at sa bangungot na naranasan sa Miss Planet International 2022.
“Nagka-alopecia ako. Dati maliit lang ito kaya ngayon nagulat ako. Nadagdagan ‘yan ng Africa. Tapos ‘di ako matae. ‘Yon pala stress. Tapos hindi ako nakakatulog. Hindi ako nakakatulog nang walang iniinom na melatonin,” sey pa niya.
Kuwento niya na para raw silang mga pulubi sa Uganda na walang pagkain at walang matuluyan. Wala raw ginawa ang organizers ng pageant na pinabayaan na lang daw sila.
Mabuti na lang daw at nakilala si Hipon ng isang OFW roon at tinulungan siya nito.
Nilapitan daw siya ng OFW at humilling na magpa-selfie sa kanya. Doon na raw kinapalan ni Hipon ang mukha niya at humingi siya ng saklolo rito.
“‘Di ba dinala kami sa mall, sabi sa akin ng OFW, ‘Uy, Hipon pa-picture.’ Buti nakilala po ako nun. Nung nakilala ako, talagang kinapalan ko ang mukha ko.
“Para nga akong pulubi, sabi ko, “‘Te, libre mo naman ako, penge naman akong—pengeng kahit ano, barya. Pambili lang ng kayang bumili ng kahit tinapay. Pero nilibre niya po kami sa parang fast food chain,” kuwento niya.
Dahil sa paghingi niya saklolo sa ating kababayan, nagbayanihan ang mga OFW para mabigyan ng tulong si Herlene habang nandoon siya sa Uganda.
Kaya naman laki ng pasasalamat niya sa atin mga kababayan doon dahil hindi raw nagdalawang-isip ang mga ito na tulungan siya hanggang sa makauwi na siya ng Pilipinas.
Post ni Hipon sa Instagram: “Sobra pa sa korona yung maiuuwi ko para sa pilipinas. Dahil sa baon kong aral na natutunan. napatunayan kong Sa Oras ng pangangaylangan May pilipinong mag dadamayan kahit saang bansa panalo ang Pilipinas with or without crown I’m proud to a Filipina. Salamat sa Filipino community sa Uganda.”
(RUEL J. MENDOZA)