• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December 20th, 2022

Colleges, universities planong lagyan ng ‘Register Anywhere’ ng Comelec

Posted on: December 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments
PLANO ng Commission on Elections (Comelec) na maglagay pa ng mas ma­raming site para sa Register Anywhere Project (RAP) nito, partikular sa mga kolehiyo at unibersidad.
Sinabi ni Comelec Spokesperson John Rex Laudiangco na kasaluku­yang nakikipag-ugnayan sila sa Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHED) para magkaroon ng RAP ang ilang kolehiyo at unibersidad.
Sinabi ni Laudiangco na asahan na magkakaroon ng registration sites sa mga nangungunang unibersidad at kolehiyo sa lalong mada­ling panahon.
Pinaplano nilang magsagawa ng RAP sa ilang mga institusyong pang-edukasyon sa Enero 2023.
Nagsimula ang pagpapatupad ng RAP noong Disyembre 17, at magtatapos sa Enero 22, 2023— tuwing Sabado at Linggo, maliban sa Disyembre 24, 25, at 31, 2022 pati na rin sa Enero 1, 2023.
Sa kasalukuyan, ginaganap ang RAP sa SM Mall of Asia, SM Fairview, SM Southmall, Robinson’s Place Manila, Robinson’s Galleria, Robinson’s Mall Tacloban, SM City Legazpi, at Robinson’s Mall Naga.
Nakipag-coordinate na rin sila sa Department of Transportation (DOTr) para lalo pang isulong ang RAP.
“Sa MRT at LRT, may posters na rin po diyan. Tumutulong ang Department of Transportation pati na rin po sa ibang mga terminal para maipakalat sa ating mga kababayan ang registration na nagaganap,”aniya pa. (Daris Jose)

Target ng warrant of arrest, 3 pa timbog sa shabu sa Caloocan

Posted on: December 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

APAT na hinihinalang drug personalities, kabilang ang na-rescue na 16-anyos na estudyante ang arestado nang maaktuhan ng mga pulis na nagta-transaksyon umano ng illegal na droga sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Kinilala ni East Grace Park Police Sub-Station 2 Commander PLt Joemar Ronquillo ang naarestong mga suspek bilang si Antonio Cuevas, 58 ng Brgy. 36 Maypajo, Jayson Esguerra, 33 ng Tondo,Manila, Michael Ballesteros, 36 ng Brgy. 50, 5th Avenue at ang 16-anyos na binatilyong Alternative Learning System (ALS) student.

 

 

Sa report ni PLt Ronquillo kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, sinabi niya na nagsagawa sila ng manhunt operation upang isilbi ang isang warrant of arrest na inisyu ng MTC Branch 50, Caloocan City kontra kay Cuevas para sa kasong Attempted Homicide.

 

 

Nang ipatupad ang nasabing warrant dakong alas-7:30 ng gabi ay naaktuhan ng mga pulis si Cuevas, kasama sina Esguerra, Ballesteros at binatilyo na nagta-transaksyon umano ng illegal na droga sa Rajah Soliman St., Brgy. 36 na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga ito.

 

 

Nang kapkapan, nakumpiska ng mga pulis sa mga suspek ang limang pirasong small heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price P52,543.

 

 

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 habang ang menor-de-edad ay isasailalim muna sa pangangalaga ng City Social Welfare and Development para sa tamang disposisyon. (Richard Mesa)

2023-2028 PDP, hindi pa kumpleto

Posted on: December 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments
HINDI pa kumpleto ang dokumento ng  2023-2028 Philippine Development Plan (PDP) kaya’t naunsiyami ang pag-apruba sana ni Pangulong  Ferdinand  Marcos Jr., araw ng Biyernes.
Habang inilarawan ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang  blueprint bilang  “ready for implementation,” sinasabing ang  “final version” ay ide-deliver  “by the end of this year.”
Dahil dito, itinakda sa Enero 2023 ang opisyal na  public launch ng 2023-2028 PDP.
Mananatili namang kakatiting ang detalye ng  2023-2028 PDP  maliban sa kakaunting macroeconomic targets na nakadetalye sa  NEDA primer gaya ng “Gross domestic product growth of 6.5 to 8.0 percent through 2028; Unemployment hitting 4.0 to 5.0 percent in 2028 from around 8.0 percent as of 2021; Poverty declining to 9 percent of the population by 2028; and Wage and salaried workers accounting for 53 to 55 percent of total employment from 48 percent in 2021.”
Sa kabilang dako, sinabi ni Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan na kasama sa PDP ang  “A 2023 GDP growth target of 6.0 to 7.0 percent;  Inflation and food inflation hitting 2.5 to 4.5 percent in 2023 and 2.0 to 4.0 percent from 2024 to 2028; The national government debt-to-GDP ratio narrowing to 48 to 53 percent by 2028 from 63.7 percent this year; and  A 2028 poverty target of 8.8 to 9.0 percent from 18.1 percent last year.
“The expiring 2017-2022 PDP’s core indicators included targets for gross national income (GNI), subsistence, underemployment and human development index and global innovation index rankings. The final update to the 2017-2022 plan even included a list of legislative priorities,” ayon kay Balisacan.
Araw ng Sabado, sinabi ni  Balisacan na kumpiyansa siya na ang GNI ay magi- improve sa 2025 para payagan ang Pilipinas na  ma-classify bilang upper-/middle-income economy.
Samantala, ang overall goal ng 2023-2026 PDP, ayon sa NEDA primer, ay ” reinvigoration of job creation and poverty reduction” sa pamamagitan ng  pagbabalik ng ekonomiya  sa high-growth path kasunod ng  Covid-19 pandemic.
“It remains committed to achieving the long-term AmBisyon Natin 2040 vision but with a focus on the Marcos government’s eight-point agenda of: Protecting purchasing power;  Reducing vulnerability and mitigating the scarring from the pandemic; Ensuring sound macroeconomic fundamentals; Creating more jobs, Creating quality jobs; Creating green jobs; Ensuring a level playing field; and Upholding public order and safety and peace and security,”ayon sa NEDA primer.
“In particular, the primer highlighted that arresting inflation would be a priority, to be accomplished via “holistically” addressing food, energy and transportation/logistics constraints “to ensure that there is enough supply of basic goods and services that is affordable and accessible to all,” ayon pa rin sa ulat.
Binigyang diin din ang pangako na bawasan ang epekto ng pandemiya, sa pamamagitan ng patuloy na implementasyon sa “risk-managed interventions to fully reopen the economy” at tiyakin na hindi mababalam  at masisiguro ang delivery ng social services gaya ng kalusugan, edukasyon at social protection.
“The jobs agendas were the final items to be stressed in the primer, which stated that “productivity-enhancing investments will be promoted while exercising prudence in fiscal management, “ayon pa rin sa NEDA.
Idagdag pa ang ” A more holistic Build, Build, Build program will be implemented, public-private partnerships will be strategically utilized, local governments supported in terms of spending wisely on infrastructure and the country’s internet will also be upgraded.”
Ang Employability ay itataas sa pamamagitan ng  “avenues for retooling/reskilling and effective job facilitation processes and “special attention” will be given to developing sustainable technologies to create green jobs and livable communities.”
Binigyang diin sa NEDA primer na  “jobs strategy will be supported by enhanced implementation of the National Competition Policy and the accelerated operationalization of amended laws governing foreign investments.” (Daris Jose)