ITINANGHAL na Best TV Station ang GMA-7 habang nakamit nina Jodi Sta. Maria at JM de Guzman ang top acting awards bilang Best Drama Actress at Actor sa matagumpay na face-to-face awards night ng 35th Star Awards For Television ng The Philippine Movie Press Club (PMPC).
Ginanap nitong Sabado, Enero 28, sa Grand Ballroom ng Winford Manila Resort and Casino sa Sta. Cruz, Manila.
Nagwagi si Jodi para sa mahusay niyang pagganap sa Kapamilya teleserye na ‘Ang Sa Iyo Ay Akin’. Nanalo naman si JM sa pasabog niyang role sa Init Sa Magdamag na napanood sa A2Z at TV5.
Pinangunahan nina Aiko Melendez, John Estrada, at Pops Fernandez ang mga bituin na nagpaningning sa gabi ng parangal bilang mga host. Dahil sa kanilang stunning looks ay humakot ng special awards ang tatlo – Pops (Female Star of the Night, Female Face of the Night); Aiko (Female Winning Look of the Night, Female Celebrity of the Night); at John (Male Winning Look of the Night, Male Face of the Night).
Bongga ang ginawang pagtatanghal ni Asia’s Nightingale Lani Misalucha sa opening number. Hinandugan din ng special number ng JAMSAP talents ang mga manonood. At para sa finale bago ianunsiyo ang huling tatlong major awards ay ang heartfelt performance ni Pop Diva Kuh Ledesma.
Pinarangalan naman ang dating aktres at veteran TV host na si Connie Angeles ng Ading Fernando Lifetime Achievement Award, habang iginawad kay Senador Raffy Tulfo ang Excellence in Broadcasting Lifetime Achievement Award. Bago pinarangalan ay binigyang-pugay muna nina Kris Lawrence, Joaquin Garcia, at JV Decena sa isang tribute number ang lifetime achievevement awardees.
Kinilala ang lakas ng tambalan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano (He’s Into Her, Season 1/A2Z) pati na rin nina Kelvin Miranda at Mikee Quintos (The Lost Recipe/GMA 7) para tanghaling German Moreno Power Tandem of the Year.
Kabilang din highlights sa gabi ng parangal ay matapos magwaging Best Drama Supporting Actress ni Sylvia Sanchez para sa ‘Huwag Kang Mangamba’, siya na rin ang tumanggap sa Best Single Performance by an Actor award ng anak niyang si Arjo Atayde para sa Doctor Hero episode ng Maalaala Mo Kaya.
Pati na rin ang award ng naka-tie ni Arjo na si Joshua Garcia, na malapit din sa puso ng aktres dahil sa pagganap nila bilang mag-lola sa teleseryeng The Greatest Love noong 2016. Nanalo naman si Joshua para sa Life’s Sketch episode ng Maalaala Mo Kaya. Masaya si Sylvia na tanggapin ang award para sa dalawang taong mahal niya.
Ang 35th Star Awards For Television ay sama-samang binuo ng mga officer at members ng PMPC sa pangunguna ng Pangulo nitong si Fernan de Guzman. Katuwang ng PMPC sa awards night ang JAMSAP Entertainment Corporation nina Jojo Flores at Maricar Moina. Sa ilalim ito ng direksyon ni Frank Lloyd Mamaril.
Narito ang ilan sa mga nagwagi:
BEST TV STATION
*GMA 7
BEST PRIMETIME TV SERIES
*Huwag Kang Mangamba (A2Z/TV5)
BEST DAYTIME DRAMA SERIES
*Primadonnas (GMA 7)
BEST DRAMA MINI SERIES (tie)
*Agimat Ng Agila / GMA 7
*He’s Into Her (A2Z)
BEST DRAMA ANTHOLOGY
*Magpakailanman (GMA 7)
BEST DRAMA ACTRESS
*Jodi Sta Maria (Ang Sa Iyo Ay Akin/TV5, A2Z)
BEST DRAMA ACTOR
*JM de Guzman (Init Sa Magdamag/A2Z, TV5)
BEST DRAMA SUPPORTING ACTRESS
*Sylvia Sanchez (Huwag Kang Mangamba/A2Z, TV 5)
BEST DRAMA SUPPORTING ACTOR
*John Estrada (Babawiin Ang Lahat/GMA 7)
BEST SINGLE PERFORMANCE BY AN ACTRESS
*Jennylyn Mercado (Sa Kamay ng Fake Healer/Magpakailanman/GMA 7)
BEST SINGLE PERFORMANCE BY AN ACTOR (tie)
*Arjo Atayde (Doctor Hero/Maalaala Mo Kaya /A2Z, TV5)
*Joshua Garcia (Life’s Sketch/Maalaala Mo Kaya/A2Z)
BEST NEW MALE TV PERSONALITY (tie)
*L.A. Santos (Ang Sa Iyo Ay Akin/ A2Z, TV 5)
*Renshie de Guzman (Huwag Kang Mangamba/A2Z, TV 5)
BEST NEW FEMALE TV PERSONALITY
*Catriona Gray (Sunday Noontime Live/TV5)
BEST COMEDY SHOW
*Pepito Manaloto (GMA 7)
BEST COMEDY ACTOR
*Paolo Contis (Bubble Gang/GMA 7)
BEST COMEDY ACTRESS
*Manilyn Reynes (Pepito Manaloto/GMA 7)
BEST HORROR/FANTASY PROGRAM
*Daig Kayo Ng Lola Ko (GMA 7)
BEST MUSICAL VARIETY SHOW
*Letters and Music (Net 25)
BEST VARIETY SHOW
*All-Out Sundays (GMA 7)
BEST FEMALE TV HOST
*Kim Chiu (It’s Showtime/A2Z, TV5)
BEST MALE TV HOST
*Paolo Ballesteros (Eat Bulaga/GMA 7)
BEST EDUCATIONAL PROGRAM
*Born To Be Wild (GMA 7)
BEST EDUCATIONAL PROGRAM HOST
*Kara David (Pinas Sarap/GTV)
BEST CELEBRITY TALK SHOW
*Magandang Buhay (A2Z, TV5)
BEST CELEBRITY TALK SHOW HOST
*Jolina Magdangal, Karla Estrada, Melai Cantiveros (Magandang Buhay/A2Z, TV 5)
BEST MAGAZINE SHOW
*Kapuso Mo, Jessica Soho (GMA 7)
BEST MAGAZINE SHOW HOST
*Susan Enriquez, Mark Salazar (I Juander/GTV)
BEST NEWS PROGRAM
*24 Oras (GMA 7)
BEST MALE NEWSCASTER
*Joee Guilas (PTV News Tonight/PTV 4)
BEST FEMALE NEWSCASTER
*Vicky Morales (24 Oras/GMA 7)
(ROMMEL L. GONZALES)