• November 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 4th, 2023

Pamumuhunan na inaprubahan ng Board of Investments, tumaas ng 11%

Posted on: January 4th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
NAGBIGAY  ng malaking tulong ang renewable energy (RE) sa 11 porsiyentong taunang pagtalon sa mga inaprubahang pamumuhunan ng Board of Investments (BOI) sa ngayong taong 2022 habang nilalayon nila ang P1 trillion na halaga ng pamumuhunan sa 2023.
Ang datos na inilabas ng Department of Trade and Industry (DTI) ay nagpakita na ang BOI-approved investments ay tumaas sa humigit-kumulang P729 bilyon piso sa ngayon ngayong taon mula sa P655 bilyon noong 2021.
Ang inaasahang paglago ng trabaho ay humigit-kumulang 454 percent hanggang 260,000 mula noong nakaraang taon sa paligid ng 47,000.
Dagdag dito, sinabi ni Trade Secretary Alfredo Pascual na ang mga antas ng 2022 Board of Investments Approval ay malinaw na nagpapahiwatig na sa kabila ng matagal na epekto ng pandemya, kasama na ang pandaigdigang pagbaba ng mga pamumuhunan dahil sa digmaang Russia at Ukraine, ay patuloy na may malakas na kumpiyansa para sa ekonomiya ng Pilipinas.
Ipinaliwanag ng Dept of Trade and Industry na ang mga proyektong nakarehistro sa Board of Investments Approval ay tumaas sa usapin ng kapital ngunit ang mga ito ay hindi kinakailangang labor intensive.

DA, tinitingnan ang P80/kg presyo ng sibuyas ngayong taon

Posted on: January 4th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TARGET ng Department of Agriculture (DA) na ibaba ang presyo ng sibuyas ng P80/kg per kilo mula sa P170 per kilo ngayong taon.

 

 

 

Sinabi ni Agriculture Assistant Secretary at spokesperson Kristine Evangelista na inaasahan nila ang  “better supply” ng local onion harvest ngayong taon lalo pa’t hindi nila kinokonsidera ang pag-angkat noong nakaraang taon at naglagay sila ng mas maraming cold storage facilities sa strategic areas na mgpapahaba ng shelf life ng nasabing kalakal.

 

 

 

Gayunman, nais ng DA na magpalabas ang mga onion  farmers ng price points para maging stable ang farmgate prices sa buong taon.

 

 

 

“I hope it will be less than P170. I hope we can see months wherein we see P80. But the thing is, we are also looking at price stability. We’re trying to help our farmers make price points of which that their farmgate prices will be stable.

 

 

 

They know how to spread their losses as well, and to come up with price points that will be stable all throughout the year considering also the cost of cold storage facilities,” anito.

 

 

 

“P170 and even lower is…I think within all throughout the year is something we’d like to achieve,” dagdag na pahayag ni Evangelista.

 

 

 

Sinabi pa ni Evangelista, sa kalagitnaan ng Enero 2023,  umaasa ang DA ng mas mababang presyo ng sibuyas  sa gitna ng pagsisikap na mapabilis ang sapat na suplay nito (sibuyas) sa mga pamilihan at ang inaasahang harvest season.

 

 

 

Magkagayon man, sinabi ni Evangelista na kailangan pa rin nilang magsagawa ng stakeholders meeting bago sila magdesisyon  sa presyo ng sibuyas, sa presyong P200/kg o mas mababa pa.

 

 

 

“January 15 is the start of harvest. Of course the peak is March and April, but with the better supply, then we can see prices going down,” aniya pa rin. (Daris Jose)

LTO chief inutusan ang mga licensing centers tapusin mga backlog ng mga driver’s license

Posted on: January 4th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Inutusan ni Land Transportation Office chief Jay Art Tugade ang mga licensing centers sa buong bansa na tapusin ang backlog sa pagbibigay ng driver’s license sa katapusan ng buwan sa darating na taon.

 

 

 

Naglabas din ang LTO ng memorandum na nagsasaad ng guidelines para sa printing at issuance ng drivers’ licenses upang mabigyan ng solusyon ang problema sa tumataas na backlog. Nakatuon ang memorandum sa mga regional directors, division chiefs, district offices at lahat ng opisyal at empleyado ng LTO.

 

 

 

“All backlogs shall be completely addressed not later than Jan. 15, 2023,” wika ni Tugade. Ang memorandum ay nilagdaan ni Tugade noong Dec. 9.

 

 

 

Ayon sa report, ang backlog sa drivers’ licenses ay umaabot sa 92,000 cards simula nitong December. Ang backlog ay dahil sa kakulangan ng mga functional laser engravers at sa ginagawang repairs ng mga sirang units sa mga licensing centers sa buong bansa.

 

 

 

Nakalagay sa guidelines na ang mga motorista ay dapat dalahin sa pinakamalapit at accessible na LTO office kung saan may gumaganang machine. “LTO clients may also opt to undergo the end-to-end process, which includes capturing biometrics but without the issuance of the driver’s license card on the same day,” saad ni Tugade.

 

 

 

Bibigyan naman ang mga motorista ng printed official receipt na valid hanggang 30 araw. Habang ang mga LTO office naman ay makikipag coordinate sa ibang centers upang masiguro na ang driver’s license ay magagawa ng hanggang isang linggo.

 

 

 

Dagdag pa ni Tugade na hinihintay nila ang kanilang mga biniling spare parts ng mga laser printers na nasira dahil sa sensitivity at dahil na rin sa katagalan at sobrang gamit ng machines.  LASACMAR