• December 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 6th, 2023

Pinupuri talaga ng mga netizens ang mahusay na pagganap: JUANCHO, honored na nanalong best supporting actor sa TAG Awards

Posted on: January 6th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MASAYANG nagbabakasyon si Kapuso actor Juancho Trivino with his wife Joyce Pring and their baby boy sa Tokyo, Japan last Christmas, nang matanggap niya ang magandang balita. 

 

 

Nanalo siyang Best Supporting Actor for his stellar work as Padre Salvi in the historical fantasy portal series na “Maria Clara at Ibarra,” sa TAG Awards in Chicago, USA, kaya nag-post muna siya ng pasasalamat sa kanyang Instagram: “I have done many roles in my life, but none like this.”

 

 

“Playing Padre Salvi was such a leap of faith and trusting God’s Plan for me.  Di ko alam kung paano sasabihin na maniniwala kayo, pero honored ako na nakatanggap na ako finally ng award for this role – after 10 years in the industry.

 

 

“This is a win not only for me, not only for my very supporters #MCI family and the people that have helped me along the way, but also for Philippine culture in general.  It’s a reminder that WE can do it, we can be proud for ourselves, our history, our literary works and where we came from, that we can produce top notch content that audiences will not only enjoy, but can also learn from.  To God be the glory and praise.  Thank you TAG Awards 2022 for this recognition.”

 

 

Pinupuri talaga ng mga netizens ang mahusay na pagganap ni Juancho as Padre Salvi, pero galit sila sa kasamaan niya bilang isang pari.

 

 

Ang “Maria Clara at Ibarra” ay patuloy na napapanood gabi-gabi sa GMA-7, 8PM after ng “24 Oras.”

 

 

***

 

 

NAGBAKASYON din ng ilang araw si Kapuso actor Ken Chan sa Bangkok, Thailand bago nag-Christmas, at mukhang back to work na siya ngayon, dahil inihahanda na niya ang panibagong project na gagawin niya, bilang isang actor at co-producer.

 

 

Dream project daw ni Ken ang movie, titled “Papa Mascot,” na debut project naman ng WIDE International Film Production, in the field of entertainment.

 

 

“I am so blessed and happy to be working with these amazing actors that I dearly admire – Miles Ocampo, Gabby Eigenmann, Liza Dino, Alan Paule, Sue Prado and new child actress Erin Espiritu.  “Papa Mascot” will be directed by Louie Ignacio.  Hindi na ako makapaghintay na mapanood ninyo ang pelikulang ito!”

 

 

Sa ngayon, wala pang bagong series na naibalita si Ken na gagawin sa GMA Network, pero every Sunday ay napapanood siya sa “All-Out Sundays” at waiting pa ang mga fnas niya kung makakasama rin siya sa singing competition na “The Clash 5.”

 

 

Busy rin si Ken sa pagma-manage ng kanyang restaurant na “Café Claus,” na very recently ay napiling Philippine Outstanding Brand of the Year 2022, at ang dalawa niyang iFUEL gas stations.

 

 

***

 

 

NAMI-MISS na ni Kapuso actor Paulo Contis ang anak na si Summer kay Kapuso actress LJ Reyes, kaya last January 4, na Summer turns four-years old, nag-post si Paolo sa kanyang Instagram ng “Happy Birthday my Ganda! I miss you everyday.”

 

 

More than a year nang nagkahiwalay sina Paolo at LJ, nang umalis si LJ, kasama si Summer at ang panganay nitong si Aki kay Paolo Avelino, for New York at ngayon ay kasama na sina LJ and her kids ng mommy niya roon.  Meanwhile, bukod sa paggawa ng movies, busy si Paolo sa dalawang shows niya sa GMA Network, ang “Bubble Gang” every Friday at sa noontime show every Sunday, ang “All-Out Sundays,”

 

 

***

 

 

STARTING this Saturday, January 7, bago na ang timeslot, ng “Amazing Earth” ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

 

 

Mapapanood na ito ng 6:15PM at susundan ito ng comedy show ni Michael V. ang “Pepito Manaloto” at 7PM sa GMA Network.

(NORA V. CALDERON)

Travel restriction sa Chinese travelers, ipatupad na

Posted on: January 6th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NANANAWAGAN  ang isang health expert na magpatupad na ng mas mahigpit na travel restriction ang gobyerno sa mga biyahero na mula sa China para makatiyak na hindi kakalat sa Pilipinas ang panibagong wave ng impeksyon ng COVID-19.

 

 

“We need to ask the Chinese visitors to submit RT-PCR test 48 hours prior to the flight and of course, test them upon arrival,” payo ni Dr. Tony Leachon sa Inter-Agency Task Force on COVID-19.

 

 

“If they are to be positive, they will be quarantined for about 7 days.”

 

 

Dapat umanong gayahin na ng Pilipinas ang ipinatutupad ng ibang bansa na restriksyon dahil sa patuloy na kakulangan sa datos at transparency ng virus sa China. Aminado rin ang Beijing na imposible na nilang makalkula ang lala ng outbreak nang tapusin nila ang mandatoryong “mass testing” noong nakaraang buwan.

 

 

Ikinatwiran ni Leachon na bagaman maayos ang kundisyon ng Pilipinas, maaaring mabaligtad ito sakaling kumalat ang mga bagong subvariants na nananalasa sa China lalo na at bumababa na ang immunity ng mga Pilipino at mababa ang nagpapabakuna ng booster shots sa ngayon.

 

 

Una nang iginiit ng Department of Health (DOH) na epektibo pa rin ang ipinatutupad na health protocols ng bansa sa anumang uri ng COVID-19 variants.

 

 

Pero para kay Leachon, kailangan nang baguhin ng gobyerno ang COVID-19 protocols patunay ng pananaw ng mga eksperto sa mundo na maaaring magkaroon ng bagong COVID-19 surge sa susunod na tatlong buwan.

 

 

Dapat umanong ibalik ang mandatoryong pagsusuot ng face mask, at madaliin na ang pagbili ng mga bagong “bivalent vaccines” at dagdag na mga antiviral na gamot.

Panoorin din ang kanyang festival hopping: Sen. IMEE, ibabahagi ang kanilang ukay-ukay hacks kasama si BORGY

Posted on: January 6th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SASALUBUNGIN ni Senator Imee Marcos ang 2023 sa dalawang bagong vlogs sa Enero 6 at 7 na libreng mapapanood sa kanyang opisyal na YouTube channel.

 

Ngayong Biyernes, muling uupo si Sen. Imee sa isa sa pinaka-paborito niyang vlogging partners, ang kanyang anak na si Borgy Manotoc, kung saan magbibigay sila ng helpful tips at hacks kung papaano i-maximize ang pinaka-bonggang ukay-ukay shopping experience.

 

Bilang pareho silang style icons, tutulungan nina Imee at Borgy ang mga YouTubers kung papaano mamili sa ukay-ukay fashion maze upang makakuha ng best deals at at pinaka-magandang fashion finds para mapagibayo ang wardrobe ng kahit na sinio – ng magaan sa bulsa para sa panalong mga new looks ngayong 2023.

 

Festive mode naman ang Senadora sa pagdala niya sa kanyang mga subscribers sa Cavite at Rizal upang ipagdiwang ang pamosong pista ng Higantes and Paru-Paru.

 

Namigay din ang Senadora ng ayuda sa mga Caviteño at Rizaleño upang opisyal na simulant ang bagong yugto ng kanyang vlogging ngayong Enero.

 

Alamin ang trade secrets ng ukay-ukay shopping at makisaya kay Imee sa kanyang festival hopping at mag-subscribe sa https://www.youtube.com/c/ImeeMarcosOfficial/featured

(ROHN ROMULO)