• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 25th, 2023

Kalahating trilyong piso para sa climate change mitigation

Posted on: January 25th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAGLAAN ang pamahalaan ng P500 bilyong para sa mga proyektong gagawin nito na may kinalaman sa climate change mitigation.

 

 

Sinabi ni Department of Budget and Management Secretary Amenah Pangandaman, na bahagi ito ng 2023 national budget at gagamitin sa mga proyektong ilalatag ng gobyerno para  mabawasan ang masamang epekto ng pagbabago ng panahon.

 

 

Batay sa mga ikakasang proyekto ng gobyerno na may kinalaman sa climate change ay ang mga hakbang para mapigilan ang deforestration, gagawing pag-aalaga sa mga watershed at protected areas, pagsasagawa ng pagsisiyasat o research para sa climate change adaptation gayundin ng mga pagsasanay hinggil sa  community-based climate change adaptation at disaster risk reduction.

 

 

Magugunitang,  sa naging budget message noon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sinabi nito na dapat na magkaroon ng climate change expenditures na tutuon sa food security, water sufficiency, ecosystem and environmental stability gayundin sa human security at  climate smart industries and services.

 

 

Ang nasabing P500 bilyong piso na budget para sa climate change ay portion ng P5. 268 trillion national budget para sa fiscal year 2023 na mas mataas ng 4.9% sa 2022 budget. (Daris Jose)

18-anyos na factory worker, timbog sa damo sa Malabon

Posted on: January 25th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SWAK sa loob ng selda ang 18-anyos na factory worker na sangkot umano sa pagbebenta ng illegal na droga matapos mabitag ng pulisya sa buy bust operation sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

 

 

Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Amante Daro ang naarestong suspek bilang si Dave Victor Talastas, (Pusher/Newly Identified) ng No. 15 Bronze Street Brgy. Tugatog.

 

 

Ayon kay Col. Daro, dakong alas-12:30 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Capt. Alexander Dela Cruz ng buy bust operation sa Dr. Lascano St. corner Bronze St. Brgy. Tugatog, matapos ang natanggap na impormasyon na nagbebenta umano ng illegal na droga ang suspek.

 

 

Nagawang makipagtransaksyon ng isang undercover police sa suspek ng P200 halaga ng droga at nang tanggapin nito ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang plastic sachet ng marijuana ay agad siyang dinakip ng mga operatiba.

 

 

Nakumpiska sa suspek ang walong heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng humigi’t kumulang 30 grams ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na may standard drug price P3,600 at buy bust money.

 

 

Ani PSSg Jerry Basungit, mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)