• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 26th, 2023

Pinas, makawawala sa ₱13T nat’l debt sa pamamagitan ng eco growth

Posted on: January 26th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  na ang “guiding principle” para sa plano ng kanyang administrasyon para makawala mula sa ₱13-trillion national debt ay ang  economic growth. 
“We will pull ourselves out of debt via growth. That really is the guiding principle to the economic plan,” ayon sa Pangulo nang tanungin ukol sa kanyang plano para maibaba ang  national debt.
Base sa pinakahuling  data mula sa  Bureau of Treasury, ang  utang ng bansa ay nananatiling nasa “record high level,” tumaas ng 0.02% o ₱3.15 bilyong piso mula Oktubre hanggang Nobyembre.
Sinabi pa ng Pangulo na tututukan niya ang mga  investment pledges para makalikha ng mas maaming trabaho, na magt-translate sa patuloy na paglago na makahahaltak sa bansa mula sa utang.
Tinukoy ang  4.2% unemployment rate, sinasabi na ng  recession ay hindi na matatamaan kung ang rate ay magpapatuloy sa ‘downward trend.’
Ang paliwanag pa ng Pangulo, ang paglago ng ekonomiya ay hindi lamang sa investments kundi nangangahulugan ito ng naging maayos na kalidad ng hanapbuhay at iba pang dahilan.
“It’s not one simple thing. There is no silver bullet. We have to do very many things to make it right because what we are in fact doing is restructuring the entire Philippine economy to adjust to the new world global economy,” aniya pa rin.
Muli namang binanggit ng Pangulo ang pangangailangan ng pamahalaan na “i-digitalize” at “streamline” ang burukrasya para sa mas mabilis na pagproseso sa mga dokumento para sa mga mamamayan at  investors.
“The ease of doing business is because we’re talking about trade. So digitalization is going to be a very important part of that,” aniya pa rin.
Ayon sa Chief Execuive,  ang tanging entity na hindi maabot ng mga Filipino sa pamamagitan ng  internet ay ang pamahalaan, isa pang dahilan kaya’t itinutulak ng Pangulo ang digitalisasyon sa mga ahensiya.
“We have to digitalize Customs. We have to digitalize all of these collecting agencies so that the BIR, even the Central Bank, the payments can be made over the internet. All of those things that we don’t do now,” anito.
“Let’s digitalize the government. That will take us a long way to helping in the ease of doing business,” wika pa nito. (Daris Jose)

Diskuwento sa pamasahe ipapalit sa libreng sakay ng EDSA Bus Carousel

Posted on: January 26th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
PINAG-AARALAN na ng Department of Transportation (DOTr) ang posibilidad na magbibigay ng mga diskuwento sa mga pamasahe sa mga manananakay ng EDSA bus Carousel.
Ang nasabing hakbang ay isa sa mga nakalinyang options sa halip na ang pagbabalik ng libreng sakay sa mga EDSA bus carousel.
Sinabi ni DOTr Undersecretary Mark Steven Pastor na kanilang tinitignan ang mga makapagbigay ng subsidiya at mga diskuwento sa mga pasahero.
Isinangguni na rin nila ang plano sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Magugunitang inamin ng Mega Manila Consortium Corporation (MMCC) isa sa dalawang grupo na nagpapatakbo ng EDSA Bus Carousel na nabawasan ng 20 porsyento ang mga pasahero mula ng magsimula silang maningil ng pamasahe nitong Enero 1. (Daris Jose)

Super fan kaya ‘di pinalampas ang concert: CATRIONA, inaming best night ang naging ‘reunion’ nila ni NEYO

Posted on: January 26th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MAY argumento sa lumabas na recent photo nina McCoy de Leon at Elisse Joson.   

 

 

Pagkatapos kasi na lumabas ang mga statement ni McCoy insinuating na hindi sila okay ni Elisse o hiwalay na sila

 

 

Absent si McCoy sa nakaraang mga birthday celebration ni Elisse. May interview rin na lumabas sa tatay ni McCoy na nagsasabing nahihiya siya sa nangyari, heto’t biglang may sighting na magkasama sila at mukhang all’s well naman na sa kanila.

 

 

 

‘Yun nga lang, may ilang netizens na nagki-claim na luma na raw ang picture. Matagal na raw ‘yon at maliit pa ang anak nila na si Felize.  

 

 

Just to make sure, may tinanong kami na alam naming kilala talaga ang dalawa.  Ayon dito, hindi siya nakikialam o nagtatanong dahil personal na ng dalawa ‘yon.

 

 

 

Pero mukhang naniniwala siyang recent ang sightings.

 

 

 

Lalo pa nga at nasundan pa ito ng panibagong sighting. Sa restaurant pa rin kunsaan, may Tiktok account na nag-post ng video na makikita sa background sina McCoy at Elisse. 

 

 

 

Marami rin ang nagtanong dito kung legit daw ba ang video at legit din na ang McLisse nga ‘yon na sinagot naman ng Tiktok user na  sa tingin daw niya, mukha namang masaya si Elisse.  

 

 

 

Nitong Sabado, January 21 lang nakitang huling magkasama nga ang dalawa.

 

 

 

Siyempre, happy ang mga McLisse fans na makitang mukhang nagka-ayos o nagkabalikan ang dalawa for the 2nd or 3rd time. 

 

 

Pero sana raw this time, totohanan na at may mga bilin for McCoy na, “’wag ka ng humanap ng iba. Ang ganda na ni Elisse,” huh!

 

 

 

***

 

 

 

BEST night para kay Catriona Gray ang nangyari sa kanya sa concert ng American singer/songwriter na si Neyo sa SM MOA noong Lunes ng gabi.  

 

 

Super fan pala ang girlfriend ni Sam Milby at Miss Universe 2018 ng singer.

 

 

 

Kaya naman hindi nito pinalampas ang concert ni Neyo.  ‘Yung hindi niya ine-expect na magiging bahagi siya ng concert nang siya ang mapili sa audience na umakyat sa stage.

 

 

 

Ang totoo, reunion na nila ito dahil nang manalo si Catriona sa Miss Universe, isa si Neyo sa mga nag-perform. So masayang-masaya nga ang fangirling heart ni Catriona ng gabing ‘yon.

 

 

 

Sabi niya sa kanyang Instagram caption, “Obviously had the best night ever last night at the @neyo concert in Manila!  I actually watched him in concert in SM MOA back in 2010. I’m such a fan.

 

 

 

“Tapos backstage at MU2018, I was too shy to say hi.

 

 

 

“So last night, Neyo asked for members from the audience to dance, siyempre hindi ako dancer! But then everyone around me was pointing to me and, taking notice, one of the stage managers picked me to take me to the stage. Kinabahan ako tuloy.  Pero ang alam ko, I can’t dance but I know how to walk.

 

 

 

“Fangirling aside, considering @neyo did a back to back show, the performances were incredible, the vocals were a huge highlight of the year to witness him perform upclose.

 

 

 

“My fangirl heart is so happy!”

 

 

 

Nang tanungin naman ni Neyo si Catriona ng pangalan nito, do’n pa lang nagkaroon ng chance ang girlfriend ni Sam na ipakilala ang sarili niya at sinabi na, “My name is Catriona and I won Miss Universe in Thailand.” 

 

 

Na na-recognize naman siya ni Neyo at sinabi rito na, “Oh I knew you.”

 

(ROSE GARCIA)

Magna Carta on Religious Freedom Act, pasado na sa Kamara

Posted on: January 26th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
LUSOT na sa ikatlo at huling pagbasa sa kamara ang panukalang Magna Carta on Religious Freedom Act (House Bill6492) na nagbabawal sa pamahalaan o sinuman na pahirapan, bawasan, hadlangan o panghimasukan ang karapatan ng isang tao na ihayag o ipakita ang kanyang religious belief o paniniwala, maliban na lamang kung magreresulta ito sa karahasan o kinakailangan protektahan ang publiko.
Nakakuha ito ng botong 256 affirmative, isang no at tatling abstentions na magbibigay proteksyon sa karapatan ng sambayanan para sa freedom of religion na ginagarantiyahan sa ilalim ng 1987 Philippine Constitution.
Inihayag ng mga awtor na nararapat na kilalanin, irespeto, pahintulutan at protektahan ang karapatan ng bawat Pilipino para gawin at ipahayag ang kanilang mga relihiyosong paniniwala.
Isa lamang ang HB 6492 sa mga panukalang batas na ipinasa ng Kamara sa unang araw ng pagbabalik ng sesyon ng kongreso sa ilalim ng pamumuno Speaker Martin Romualdez.
Alinsunod sa section 19 ng panukla, aabot sa P50,000 hanggang P2 milyong piso o pagkakakulong ng isa hanggang 10 taon ang maaring ipataw na parusa sa sinumang mapatutunayang lumabag dito. (ARA ROMERO)

Umaasa na bahagi pa rin ng administrasyon: PBBM, may ibang plano kay Tulfo

Posted on: January 26th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
UMAASA si Pangulong  Ferdinand Marcos Jr.  na mananatiling bahagi ng kanyang administrasyon si dating  Social Welfare Secretary Erwin Tulfo. 
Tinanong si Pangulong Marcos kung ikukunsidera niya si Tulfo sa presidential adviser’s post.
“No, we have other plans for him, not as a presidential adviser,” ayon kay Pangulong Marcos.
At nang tanungin kung mananatili pa rin bang maglilingkod si Tulfo sa ilalim ng kanyang administrasyon, ang tugon ni Pangulong Marcos ay “I hope so… The time that he was running the DSWD, he did a very good job so we can’t lose that kind of asset.”
“We’ll find something that he can do so we could take advantage of his good instincts when it comes to social service,” dagdag na wika nito.
Matatandaang, Nobyembre ng nakaraang taon ay ipinagpaliban ng Committee on Labor, Employment, Social Welfare, and Migrant Workers ng Commission on Appointments ang kumpirmasyon para sa ad interim appointment ni Tulfo.
Nagmosyon kasi si CA Majority Leader at Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte na i-defer ang kumpirmasyon sa ad interim appointment ni Tulfo dahil sa dalawang isyung binanggit ni 1-SAGIP Party-list Rep. Rodante Marcoleta tungkol kay Tulfo, ang citizenship at ang conviction sa libel case ng kalihim na hinatol noon ng Pasay Regional Trial Court.
Bago humantong sa pagpapaliban sa kumpirmasyon ni Tulfo, halos isang oras ding nag-executive session ang komite para pag-usapan ang isyu base na rin sa hiling ng kalihim.
Sinagot ni Tulfo ang isyu ng pagiging convicted sa kaso na aniya ay nangyari dahil sa pagtupad sa kanyang trabaho bilang mamamahayag.
Pero giit ni Marcoleta, hindi pa rin mababago ang sitwasyon na nahatulan ito sa kaso lalo pa’t ang libel case ay may kinalaman sa ‘moral turpitude’
Inusisa rin ni Marcoleta ang status ng ‘citizenship’ ni Tulfo dahil napag-alaman na ito ay naging enlisted ng US Army mula 1988 hanggang 1992 at nasa active military service na naka-station sa Europe mula 1992 hanggang 1996.
Maliban sa pagiging enlisted sa US Army ay tumira rin si Tulfo sa Amerika ng ilang taon at nakapagtrabaho sa isang grocery store bago napunta sa US Department of Defense. (Daris Jose)

Ads January 26, 2023

Posted on: January 26th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Unang Ginang Liza Araneta-Marcos, walang ‘input’ sa gov’t appointments- PBBM

Posted on: January 26th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  na walang ‘input’ ang kanyang asawa na si Unang Ginang Louise “Liza” Araneta-Marcos sa mga appointments  na kanyang ginagawa sa ilalim ng kanyang administrasyon.
Tinanong kasi ang Pangulo kung may ‘kamay’ din ba ang Unang Ginang sa kanyang mga napipili bilang miyembro ng kanyang  official family.
“Zero, she really has no input on that. The First Lady helps me in terms of the organization because she was actually very very good at that, organizing which office, how the workflow goes, where the documents go through,” ayon sa Pangulo.
“She’s a well-trained lawyer so she’s very good at that. But that’s the extent of it, we don’t talk policy together, I mean she’ll comment… she’ll generally say, ‘that looks good,’ ‘that doesn’t look good, I don’t know why you’re doing that,’ ‘what a great idea,’ but that’s it,” aniya pa rin.
Napaulat na ipinag-utos ng Unang Ginang kay Presidential Security Group commander Col. Ramon Zagala na ipakalat ang kanyang babala sa mga taong gumagamit ng kanyang pangalan para lang maitalaga sa gobyerno o sa military posts.
Ayon kay Araneta-Marcos, napuno na siya sa mga usap-usapan na dawit siya sa pagkakatalaga sa mga opisyal sa gobyerno at sa militar.
Sa kanyang 35-second selfie video message, itinanggi ng first lady na may kinalaman siya sa appointment ng mga government officials, partikular na sa Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (Isafp), pero hindi naman ipinaliwanag kung bakit ang naturang military unit ang kanyang nabanggit.
Mababatid na sa ISAFP, ang pinakabagong itinalaga ay ang kanilang acting chief na si Brig. Gen. Leonel Nicolas, napumalit kay Brig. Gen. Marcelino Teofilo, noong October 2022.
Ang mga kontrobersiya kaugnay sa appointments, resignations at dismissals ay lumutang sa unang bahagi ng mga buwan ng Marcos administration.
Sa panahong iyon, nawalan ng tatlong mga key officials si Pangulong Bongbong Marcos kasunod ng pagbibitiw sa pwesto ni Executive Secretary Victor Rodriguez, Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, at Commission on Audit Chair Jose Calida.
Sa kabilang dako, nang tanungin naman kung kinokonsulta niya ang kanyang asawa sa paggagawa ng mahihirap na desisyon, ang sagot ng Pangulo ay tinatanong niya ang kanyang asawa pagdating sa legal aspects at hindi ukol sa political matters.
Samantala itinanggi naman ni Pangulong  Marcos na ngayon pa lamang ay  hinuhulma na nila si Ilocos Norte Representative Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos para maging susunod na Pangulo ng bansa.
Kapansin-pansin kasi na kasama si Cong. Sandro sa ilang byahe ng Pangulo sa ibang bansa kabilang na ang  working trip nito sa  Davos, Switzerland.
“No, we’re not grooming him for anything. He’s grooming himself, he has decided on this career in politics and he will handle it the way he does. There’s not some long range plan that one day Sandro is going to be the president. He will laugh in your face if you tell him that,” paliwanag ng Pangulo. (Daris Jose)

“DUNGEONS & DRAGONS: HONOR AMONG THIEVES” STEALS AWAY WITH NEW TRAILER

Posted on: January 26th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

LET the adventure begin. 

 

Watch the brand-new trailer for Paramount Pictures’ Dungeons & Dragons: Honor Among Thieves and see the film only in Philippine cinemas March 29.

YouTube: https://youtu.be/Qt-zNt-VdWQ

 

 

Facebook: https://facebook.com/watch/?v=3400703543539409&ref=sharing

 

 

About Dungeons & Dragons: Honor Among Thieves 

 

 

A charming thief and a band of unlikely adventurers undertake an epic heist to retrieve a lost relic, but things go dangerously awry when they run afoul of the wrong people.  Dungeons & Dragons: Honor Among Thieves brings the rich world and playful spirit of the legendary roleplaying game to the big screen in a hilarious and action-packed adventure.

 

 

Paramount Pictures Presents In Association with eOne A Jonathan Goldstein & John Francis Daley Film

 

 

Directed by Jonathan Goldstein & John Francis Daley, screenplay by Jonathan Goldstein & John Francis Daley and Michael Gilio. Story by Chris McKay & Michael Gilio, based on HASBRO’S DUNGEONS & DRAGONS

 

 

The film stars Chris Pine, Michelle Rodriguez, Regé-Jean Page, Justice Smith, Sophia Lillis, Chloe Coleman, Daisy Head and Hugh Grant.

 

 

Dungeons & Dragons: Honor Among Thieves is distributed in the Philippines by Paramount Pictures through Columbia Pictures.

 

 

Connect with #DnDMovie and tag @paramountpicsph

(ROHN ROMULO)

Matapos magwagi sa ’58th Guldbagge Awards’: DOLLY, bigo na makakuha ng nomination sa ’95th Academy Awards’

Posted on: January 26th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SA ginawang annoucement of nominees, kinalumo ng maraming Pinoy na hindi nabanggit ang pangalan ni Dolly sa final five nominees sa supporting actress category. Ang mga pasok ay sina  Angela Bassett (“Black Panther: Wakanda Forever”); Hong Chau (“The Whale”); Kerry Condon (“The Banshees of Inisherin”); Jamie Lee Curtis (“Everything Everywhere All at Once”) at Stephanie Hsu (“Everything Everywhere All at Once”).

 

 

Naging kunsuwelo na lang ng mga Pinoy ay ang nakuhang nominasyon ni Dolly sa BAFTA (British Academy Film and Television Award) para sa pelikulang “Triangle of Sadness.”

 

 

Kailan lang ay nagwagi bilang best supporting actress si Dolly sa 58th Guldbagge Awards, the Swedish equivalent of the Academy Awards. Kinabog ni Dolly ang mga kalaban niyang sina Marika Lindström from “Burn All my Letters,” Liv Mjönes from “Tack for the Last Time,” and Carla Seh from “Stammisar”.

 

 

Anyway, ang surreal sci-fi na “Everything Everywhere All At Once” ang nakakuha ng pinakamaraming nominasyon sa Oscars. 11 ang nakuha nito including Best Picture, Besy Director, Best Supporting Actor, Best Supporting Actress at Best Actres for Michelle Yeaoh na kauna-unahang Asian actress na ma-nominate sa naturang category.

 

 

Ang iba pang nominated as Best Picture ay “All Quiet on the Western Front,” “Avatar: The Way of Water”, “The Banshees of Inisherin”, “Elvis”, “The Fabelmans”, “Tár”, “Top Gun: Maverick”, “Triangle of Sadness” and “Women Talking.”

 

 

Makakalaban naman ni Yeoh for Best Actress ay sina Cate Blanchett (“Tár”), Ana de Armas (“Blonde”), Andrea Riseborough (“To Leslie”) at Michelle Williams (“The Fabelmans”)

 

 

Magtutunggali naman for Best Actor ay sina Austin Butler (“Elvis”), Colin Farrell (“The Banshees of Inisherin”), Brendan Fraser (“The Whale”), Paul Mescal (“Aftersun”)  at Bill Nighy (“Living”)

 

 

Sa best supporting actor, maglalaban sina Brendan Gleeson (“The Banshees of Inisherin”), Brian Tyree Henry (“Causeway”), Judd Hirsch (“The Fabelmans”), Barry Keoghan (“The Banshees of Inisherin”) at Ke Huy Quan (“Everything Everywhere All at Once”).

 

 

***

 

 

MARAMI ang nagulat sa na-share na note ni Pokwang sa Instagram. Nakalagay kasi ay “keep that whore away from my daughter”.

 

Ito ay tungkol siguro sa bagong girlfrend ng ex-partner niyang si Lee O’Brien. Binuking kasi ni Pokwang sa social media na may bago ng girlfriend  si Lee.

 

“Wala na po hahhahahaaahaa may nilalandi na sya hahahhahhahahaa hindi nag effort na lunukin ang pride chicken para kay tisay,” comment pa ni Pokwang sa isang post ni Lee.

 

Pinaalahanan din ng Kapuso comedian-host na ang joint business venture nila ni Lee ay nagtapos na rin. Ang kanilang Poklee Food Products ay wala na raw at kung ay magbenta nito online, scammers daw ang mga iyon.

 

“One year na wala ang Poklee Food products sarado na po ito at wag na po kayo mag message or umorder ng aming produkto sa messenger, sa shoppee at Lazada dahil ibang brand po idedeliver sa inyo PLEASE! magbasa kayo tapos magagalit kayo kapag na scam kayo! matagal na wala yan po,” pagdidiin ni Pokwang.

 

Solo na raw si Pokwang sa food business niya at ang bagong pangalan nito ay Mamang Pokwang na.

(RUEL J. MENDOZA)

NAIA, Shewarma at Maria Cristina, maglalaban sa korona: MANILA, pinangatawanan na walang makapapantay sa ‘Pinoy Drag Queens’

Posted on: January 26th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PINANGANGATAWAN  pa rin ni Manila Luzon, ang host ng “Drag Den Philippines” host aka Drag Lord,  na walang makapapantay sa Pinoy Drag Queens.

 

 

Sa presscon ng “Drag Den Philippines” last Tuesday sinabi ni Manila na, “I know that the Philippines is jampacked with entertainers, dancers, singers, comedians, and I’m so happy that we’re now opening up a new category for Filipino entertainment, and that is drag.”

 

 

Ayon pa sa alumna ng “RuPaul Drag Race” nakapag-travel at nakapag-perform na kasama ang ilan sa most established names in the international drag scene, pero walang katulad ang mga Filipino queens.

 

 

Kaya buong ningning niyang nasambit na, “Drag in the Philippines is the best in the world. “And I’m so proud to showcase them and let the audience I’ve garnered over the years see how fantastic drag is out here.”

 

 

Inspired ng gay pageants mounted on the streets of the Philippines ang “Drag Den Philippines” na ng-premiere last December 2022 sa Amazon Prime.

 

 

Bumalik si Manila Luzon sa bansa para sa grand finale ng “Drag Den Philippines,” na magaganap ngayong gabi.

 

 

Ang Top 3 contestants na sina NAIA, Shewarma at Maria Cristina ang maglalaban para sa titulong “Drag Supreme”. 

 

 

Habang magtsi-cheer sa kanila ang iba pang miyembro ng “Drag Cartel” na sina OA, Aries Night, Barbie-Q, Pura Luka Vega, Lady Gagita kasama si “Drag Dealer” Nicole Cordoves, at “Drag Runner” Sassa Gurl.

 

 

Kamakailan lang ay nag-judge siya sa recently concluded na “Ms. Dragdagulan 2023” sa ginanap sa Maginhawa Street, Quezon City, na-experience ni Manila Luzon kanyang firsthand baranggayan dragdagulan.”

 

 

“I knew I was going to be in for a night of amazing entertainment, but I wasn’t ready,” natatawang kuwento ni Manila.

 

 

“When one of the queens jumped off to the stage and went straight to split, came over to the judges’ table, picked it up with her bare hands, then climbed u  and did a backflip off of it, I knew that that was the ‘dragdagulan’ I’ll never forget it,” dagdag pa niya.

 

 

Panoorin si Manila Luzon na magputong ng crown sa first-ever Drag Supreme on “Drag Den Philippines” sa grand coronation night and finale concert at the Samsung Hall, SM Aura Premier.

(ROHN ROMULO)