• November 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 3rd, 2023

Assistant Coach ng Magnolia na si Johnny Abarrientos, magmumulta ng P10K

Posted on: February 3rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Pinatawan ng P10,000 na multa ng Philippine Basketball Association (PBA) si Magnolia Hotshots assitant coach Johnny Abarrientos.

 

Ito ay matapos na magsenyas ng middle finger kay Converge import Jamal Franklin sa laro nila nitong Linggo.

 

Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial na kanilang nakausap ang dating PBA player at pinagsisihan niya ang kaniyang ginawa.

 

Kahit na nagsisi ay mayroon pa ring karampatan na penalty ito na P10,000.

 

Pagtitiyak pa nito na hindi na niya uulitin ang insidente. (CARD)

EJ Obiena, nakasungkit ng ginto sa France

Posted on: February 3rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Nasungkit ni EJ Obiena ang kanyang unang indoor title ngayong season matapos manguna sa Perche En Or competition sa Roubaix, France.

 

Nakuha ng world No. 3 pole vaulter na si Obiena ang 5.82 meters sa kanyang unang pagtatangka na makuha ang gintong medalya at tinalo si Yao Jie ng China na nagtala ng personal-best 5.75m.

 

Sinubukan ni Obiena ang 5.90m ngunit hindi ito nagtagumpay.

 

Kung matatandaan, ang kanyang kamakailang tagumpay ay nalampasan ang kanyang nakaraang pagganap sa International Jump Meeting sa Cottbus, Germany ilang araw na ang nakalipas kung saan siya ay nagposte ng 5.77m para sa silver medal.

 

Gayunpaman, kulang ito ng ilang metro sa kanyang personal na best na 5.91m na ginawa niya sa Rouen, France noong nakaraang taon.

 

Sa ngayon, nananatili nasa track sa kanyang matinding paghahanda si Obiena para sa mas mataas na record na mga kaganapan na kinabibilangan ng Asian Indoor Athletics Championships sa Kazakhstan sa susunod na buwan. (CARD)

Australian Open Champion: Djokovic balik sa ranked number 1

Posted on: February 3rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Nakabalik sa pagiging ranked number 1 ng Association of Tennis Professionals (ATP) si Serbian tennis star Novak Djokovic.

 

Inilabas ng ATP ang rankings isang araw matapos na magkampeon ang 35-anyos na si Djokovic sa Australian Open ng talunin si Stefanos Tsitsipas ng Greece sa finals.

 

Pinalitan nito sa puwesto sa pagiging number 1 si Carlos Alcaraz ng Spain na hindi nakapaglaro sa Australian Open dahil sa injury.

 

Mula sa dating pang-apat na puwesto si Djokovic ay nakaakyat na ito sa unang puwesto habang nasa pangalawang puwesto na si Alcaraz.

 

Ang panalo ni Djokovic sa Australian Open ay nagresulta rin sa kaniya na makuha ang kabuuang 22 Grand Slam title. (CARD)

Pebrero, sinalubong ng malakihang taas-presyo sa LPG

Posted on: February 3rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SINALUBONG ng malakihang-pagtaas sa presyo ng liquefied pet­roleum gas (LPG) ang unang araw ng buwan ng Pebrero.

 

 

Ito’y isang araw lamang matapos na magpatupad din ng taas-presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa bansa.

 

 

Ayon sa Petron at Phoenix, nagpatupad sila ng P11.20 na taas-presyo sa kada kilo ng LPG at P6.25 sa kada litro ng auto-LPG simula alas-12:01 ng hatinggabi ng Miyerkules.

 

 

Ganap na alas-6:00 ng umaga naman nang magpapatupad ang Solane ng P11.18 taas-presyo sa kada kilo ng kanilang LPG.

 

 

Samantala, P5.50 naman ang idinagdag ng Cleanfuel sa presyo ng auto-LPG simula alas-8:01 ng umaga.

 

 

Nabatid na ang pagmahal ng LPG ay bunsod pa rin ng pagtaas ng demand sa China dahil sa pagbubukas ng ekonomiya sa kabila ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19. (Daris Jose)

Balitaan sa Tinapayan

Posted on: February 3rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments
HINIMOK ni Vice Mayor John Marvin “Yul Servo” Nieto ang mga tricycle driver na naghahanap-buhay sa pamamasada sa Maynila na ayusin na ang kanilang mga dokumento para sa pagkuha ng prangkisa ng ipinapasada nilang sasakyan.
Sa kanyang pagdalo Biyernes ng umaga sa relaunching ng “Balitaan sa Tinapayan” na ginanap sa Tinapayan Festival Bakeshoppe sa kanto ng Dapitan at Don Quijote Streets, Sampaloc, sinabi ni Vice Mayor Yul Servo na hihilingin niya kay Mayor Honey Lacuna-Pangan na bigyan pa ng palugit ang mga miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) para ayusin ang kanilang dokumento upang makakuha ng prangkisa, pati na rin maging ang kanilang lisensiya sa pagmamaneho.
Aminado ang bise alkalde na maraming pasaway na tricycle driver sa lansangan na hindi sumusunod sa batas trapiko para lamang mapabilis ang paghahatid nila ng pasahero.
“Kasi kapag ako nag-iikot ng Maynila, napupuna ko yung mga tricycle natin minsan walang plaka, red ang traffic light, go pa rin sa kanila, no left turn, kakaliwa pa rin at karamihan sa kanila, mga wala pang lisensiya,” pahayag ng alkalde.
Dahil dito’y nanawagan si Mayor Yul Servo sa mga tricycle driver na ayusn na ang mga kinakailangang dokumento dahil ito naman ang kanilang pinagkakakitaan para sa ikabubuhay ng kanilang pamilya.
“Kapag pinagkakakitaan mo, dapat pangalagaan mo at me lisensiya ka. Kaso yung ibang kababayan natin ayaw ng dumaan sa tama at mahabang proseso, minsan shino-short cut, mas gustong pumatol sa bogus license, lalu na ngayon, bago ka mabigyan ng lisensiya mag-aaral ka muna,” sabi pa ng bise alkalde.
“Kaya mga kababayan, mga batang Maynila, huwag ng kayong pasaway. Kung kailangan ninyong kumuha ng lisensiya, kumuha na kayo, kung kailangan ninyong magpa-rehistro ng inyong tricycle, iparehistro nyo para hindi kayo nagagambala kasi isang araw lang na hindi kayo makapagtrabaho, ang laking perhuwisyo na sa inyo yun,” panawagan pa niya.
Gayunman nilinaw ng bise alkalde na may ilang mga tricycle drivers na napagtatapos pa nila ng pag-aaral ang kanilang mga anak na kalaunan ay nagiging matagumpay na doktor o arkitekto habang ang iba naman ay minamana lang ng kanilang mga anak ang kanilang trabaho.
“Yung mga kababayan natin na nasa ganoong sitwasyon, dapat i-improve din natin ang pamilya natin para sa atin ding mga anak. Kasi meron naman tayong libreng eskuwelahan, meron tayong Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) meron tayong Universidad De Manila (UDM), me 100-plus tayong paaralan para sa elementarya at high school,” dugtong pa ng bise alkalde.
Nauna rito’y dumaan muna sa inilunsad na bagong news forum si Mayor Honey Lacuna-Pangan upang dumalo sa pagbabasbas at pangunahan ang ribbon cutting ceremony bago umalis patungo sa kanyang naunang pinangakuang kaganapan. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

LTO: Gagawin digital na ang pagbibigay ng traffic citation tickets

Posted on: February 3rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments
MAY  plano ang Land Transportation Office (LTO) na maglabas ng libong handheld devices sa mga traffic enforcers ng LTO upang maging digitalize ang pagbibigay ng citation tickets sa mga lumalabag sa batas trapiko.
Ang mga devices na nasabi ay gagamitin ng mga LTO enforcers upang magbigay ng automatic electronic temporary operator’s permit (TOP) sa mga violators ng batas trapiko.
“We will no longer issue manual TOPs, and instead use this device to issue tickets to erring motorists,” wikani LTO chief Arturo Tugade.
Maglalabas ang LTO ng 1,200 handheld devices na ipamamahagi sa buong bansa
na siyang magiging bahagi ng pagsisikap ng LTO na magkaroon ng digitalization sa ahensya at upang mabawasan ang magkaroon ng korapsyon sa LTO
“The minute the violation is entered in, the enforcer cannot edit it and can no longer negotiate about the infraction of the traffic violation,” dagdag ni Tugade.
Kung nawala ang official receipts, ang lumabag na motorista ay makapagbabayad pa rin ng multa sapagkat ang kanilang pangalan ay nailagay na sa data base ng LTO. Nagnanais din ang LTO na ang pagbabayad ng citation tickets ay digitalize kung saan sila ay papayagan na ang multa ay babayaran ng violators on the spot.
Samantala, ang ikalawang bahagi ng proyekto sa digitalization ng LTO ay ang cashless payment sa pamamagitan ng pagbabayad sa mobile handheld device na may kakayanan na mag-scan ng QR code. Puwede rin magbayad sa pamamagitan ng credit card. Sa ganitong paraan, ang publiko ay makapagbabayad ng kanilang multa ng hindi na kukunin ang kanilang licenses.
“The digitalization of the issuance of citation tickets also seeks to help the government increase the collection revenue from payments of traffic violations,” saad naman ni LTO executive director Giovanni Lopez.
Nilinaw naman ni Tugadena ang mga enforcers lamang mula sa LTO ang gagamit ng nasabing handheld devices.
Kaugnay dito, ang LTO ay nasa proseso ng koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan at ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pagpapatupad naman ng single ticketing system na gagawin ngayon taon.
Kamakailan lamang ay nakilahok si Tugade sa isang refresher course tungkol sa “Law Enforcement Handheld Mobile Device”na ginawa sa central office ng LTO sa Quezon City. LASACMAR

Nagpapasalamat kay Sen. Chiz na palaging nakasuporta: HEART, umamin na grabeng pressure ang pinagdaanan para magka-baby

Posted on: February 3rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SA isang exclusive interview ng Mega Magazine, inamin ni Heart Evangelista ang grabeng pressure na magka-baby sila ng esposo na si Sen. Chiz Escudero na kung saan walong taon na silang kasal at nagsasama sa February 15.

 

 

“I think it was a lot about being pressured to have a baby,” pag-amin ni Heart.

 

 

“It was not necessarily from certain people. It was really like a shift in my life: the pressures of being a wife, the pressures of being a certain mold, and I just wanted to get rid of that.

 

 

“And I did, by doing what I felt like doing. And if people don’t get it, then they don’t get it.”

 

 

Dagdag pa ng fashion icon, “allergic to people being so opinionated about something they don’t know.”

 

 

“This is my bread and butter, so I get it,” sagot niya sa pagiging public personality. “But it’s really more about how you deal with that. I guess I never really learned the art of dealing with being in showbiz completely. People will always have something to say.

 

 

“But, now, I totally don’t care. And if I do want something, I’ll do it my way. I do have plans and I do like to pressure myself, but I have no regrets. And you never know when the time is up. So, I will just work towards my dream. I will work towards building something for my family, for myself. But if I don’t get there, I won’t get heartbroken about it.”

 

 

Sabi pa ni Heart sa interview na she’s having to through “a stage under fire” and not a lot of people could stand by her.

 

 

“That’s why I’m very appreciative of my husband, my friends, because they were really there for me when we needed to go through a certain time in my life. It was painful, but it was good,” say pa ng Kapuso actress.

 

 

Kaya ganun na lang ang pasasalamat ni Heart lang Chiz dahil palagi itong nakasuporta, “I think, in a way, maybe he was afraid for me, that I would be hurt by the world, or the letdowns, or people doing things to me, because he knew that I had such a gentle heart, and he thought I wouldn’t survive a heartbreak. But I can survive anything.”

(ROHN ROMULO)

Sandiganbayan, ibinasura ang mosyon ng pamilya Marcos na bawiin ang mga ari-arian

Posted on: February 3rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

IBINASURA ng Sandiganbayan ang pakiusap ni dating First lady Imelda Marcos at ng kanyang anak na si Irene Marcos-Araneta na bawiin ang mga ari-arian na inagaw sa kanila sa kanilang na-dismiss na P200-bilyong civil forfeiture case.

 

 

Sa 40-pahinang resolusyon noong Enero 25, sinabi ng Fourth Division ng korte na ang mosyon ng dalawang miyembro ng pamilya Marcos na humihiling na maibalik ang mga ari-arian kabilang ang mga kumpanya at pag-aari ng lupa na idineklara bilang ill-gotten wealth at sequestered ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) ay binasura dahil sa kawalan ng merito.

 

 

Kasunod ng pagbasura sa nasabing kaso noong 2019, sinabi ng mga Marcos na maaari nang tanggalin ang mga freeze order at sequestration sa kanilang mga asset at ari-arian.

 

 

Sa kanilang mosyon noong Agosto 5 noong nakaraang taon, hiniling nina Ginang Marcos at Irene na maibalik ang mga narekober na ari-arian, na idineklara bilang mga frozen account, na isinuko sa bisa ng compromise agreement, nasamsam ngunit wala sa kustodiya ng PCGG, at ang mga nasamsam sa ilalim ng kontrol at pangangasiwa ng PCGG.

 

 

Naghinagpis din sila sa harap ng korte na ang desisyon sa kanilang na-dismiss na kaso ay nagdulot sa kanila ng lubhang pagdurusa, mental at emosyonal na pinsala kung saan umabot ng mahigit tatlong dekada bago naresolba ang kaso.

 

 

Gayunman, sinabi ng Sandiganbayan, sa kanilang resolusyon, na napapanahon para sa PCGG na maghain ng apela sa na-dismiss na kaso sa Korte Suprema noong Agosto ng nakaraang taon, kung saan ginawa ang desisyon na ibinasura ang kaso dahil hindi pa pinal.

 

 

Sinabi rin ng korte na walang mabigat na patunay o dahilan na maibigay ang pamilya Marcos kung paano na naglaho ang naturang mga ari-arian na subject ng naturang kaso. (Daris Jose)

Single ticketing system sa NCR, sisimulan na sa Abril

Posted on: February 3rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments
INAASAHANG  masisi­mulan na sa buwan ng Abril ang implementasyon ng single ticketing system sa National Capital Region (NCR).
Mismong si San Juan City Mayor Francis Zamora, na siya ring pangulo ng Metro Manila Council (MMC), ang nag-anunsiyo ng naturang development matapos ang pulong na idinaos ng council.
Nabatid na inaprubahan na rin naman ng MMC ang Metro Manila Traffic Code na gagamitin sa single ticketing system sa rehiyon.
“Within April, realistic ‘yan. Like what I’ve mentioned earlier, after today, it has been approved already. Aandar na ‘yung proseso natin,” ayon pa kay Zamora.
Dagdag pa ni Zamora, kinakailangan ding amiyendahan ng mga concerned local go­vernment units (LGUs) ang kani-kanilang mga ordinansa kaugnay ng mga polisiya sa trapiko bago sumapit ang Marso 15. Matatandaang una nang nagkasundo ang mga Metro Mayors na bumuo ng single ticketing system upang magkaroon ng unipormadong polisiya sa mga traffic violations at pe­nalty system sa NCR.
Sinabi naman ni Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) chairman Romando Artes na ang MMDA ang siyang sasagot sa gastos ng mga kakailanganing ka­gamitan para sa bagong sistema.

Gatchalian, handa sa hamon sa DSWD

Posted on: February 3rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

“GIVE me a chance to lead and perform my new job (DSWD Secretary)!”

 

Ito ang mariing apela ni dating Valenzuela Congressman at ngayo’y Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian sa kanyang mga kritiko.

 

 

“Nakikiusap lang ako sa lahat ng mga kritiko o mga nakatingin, bigyan n’yo na lang muna ako ng chance to perform,” apela ni Gatchalian matapos itong manumpa na bilang bagong Kalihim ng DSWD kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

 

 

Sinabi ng dating solon na handa siya sa hamon ng bago niyang tungkulin at papatunayan din niya ang kaniyang sarili lalo na at 15 taon ang kanyang karanasan sa serbisyo publiko.

 

 

Una rito, binatikos ng mga kritiko si Gatchalian sa pagsasabing nakuha lamang nito ang posisyon dahil sa pagsuporta sa kandidatura ni Pangulong Marcos noong May 2022 national election. Ang opisyal ay dati na ring nagsilbing Kongresista sa 14th at 15th Congress at muling nakabalik sa puwesto sa 19th Congress bago natalaga sa DSWD.

 

 

Si Gatchalian ay kapatid ni Sen. Sherwin Gatcha­lian na nagbalik Kongreso matapos na magwagi sa nakalipas na May 2022 national election sa unang distrito ng lungsod ng Valenzuela. Gayunman, ang pagtatalaga kay Gatchalian sa DSWD ay kailangan munang dumaan at kumpirmahin ng Commission on Appointments (CA).

 

 

Pinalitan ni Gatchalian si Erwin Tulfo na hindi nakalusot sa CA dahil sa isyu ng citizenship at kasong libel nito. Pansamantala namang itinalaga bilang Acting DSWD Secretary si Eduardo “Edu “ Punay, Undersecretary for Special Projects ng ahensya. (Daris Jose)