• November 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 3rd, 2023

COVID-19 allowance ng health workers, tuloy – PBBM

Posted on: February 3rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PATULOY  na tatanggap ng COVID-19 allowance ang mga health workers kahit matapos na ang state of calamity sa bansa dahil sa pandemya, base sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

 

 

Nag-expire ang state of calamity noong ­Disyembre 31, 2022.

 

 

“Tuluy-tuloy ‘yan… ‘Yung inaalala ko dati na hindi matutuloy ang compensation para sa ating health workers, ‘yung mga health workers, ‘yung allowance nila ay pinag-aralan namin nang mabuti kahit hindi itinutuloy ang state of calamity ay hindi maapektuhan ang pagbayad doon sa ating mga health workers ng kanilang mga benefits,” ani Marcos.

 

 

Nilagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang Proclamation No. 929, na nagdedeklara ng state of calamity sa buong bansa noong Marso 2020, nang magsimulang kumalat ang COVID-19 sa bansa.

 

 

Ang state of calamity ay dapat tumagal lamang ng anim na buwan ngunit pinalawig ng isang taon hanggang Setyembre 12, 2021, sa pamamagitan ng Proclamation No. 1021, at pinalawig sa pangalawang pagkakataon sa pamamagitan ng Proclamation No. 1218.

 

 

“Pababa naman nang pababa ang ating cases, pababa nang pababa naman ang ating hospitalization, ‘yun ang binabantayan natin. So titingnan natin,” ani Marcos.

 

 

Tinukoy din ni Marcos na hindi na kailangang magmadali na makakuha ng bakuna dahil bumababa na ang “risk” ng hawaan.

 

 

Ayon pa kay Marcos, ang pasilidad ng COVAX, na pinamumunuan ng World Health Organization (WHO), ay nagpadala sa Pilipinas ng halos 1.3 milyong doses ng bakuna.

 

 

Ang nasabing bilang ay sapat na para sa bansa sa ngayon dahil sa pagbaba ng impeksiyon. (Daris Jose)

John Enrico “Joco” Vasquez, naguwi ng gintong medalya mula sa Ontario Karate Championship

Posted on: February 3rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Hindi maipaliwanag ang saya.

 

Ito ngayon ang nararamdaman ni John Enrico “Joco” Vasquez, Karateka National Athlete Gold Medalist, matapos nitong masungkit ang gintong medalya sa kategoryang Male Kata sa katatapos lamang na Ontario Karate Championships.

 

Sa naging panayam sa kanya ng Bombo Radyo Dagupan, sinabi nito na kakaiba ang naging karanasan nito sa nabanggit na kompetisyon lalo na’t naging tradisyonal ang point system sa sinalihang kategorya at hindi ito katulad nang nakagawian na niyang sistema sa pagsali sa World Karate Foundation.

 

Aniya na kung sa karaniwang bracket ay makakaabante agad ang isang atleta sa final rounds matapos na ito ay manalo sa kanyang mga unang laban, iba naman ang naranasan nito sa Ontario Karate Championships kung saan ay nagkaroon pa aniya ng double elimination pagapak ng mga atleta sa final rounds.

 

Dahil dito ani Vasquez ay anim na beses pa itong sumabak sa magkakasunod na elimination challenges bago ito tumuntong sa pinaka-huling round ng kompetisyon. Saad niya na bagamat nakakapagod man ang kanyang pakiipaglaban para sa kampeonato ay hindi naman nito mapapantayan ang kanyang saya sa pagkakapanalo ng gintong medalya.

 

Dagdag pa niya na bagamat kakaaral lamang nito sa huling kata na ipinamalas niya sa mga hurado, inisip na lamang niya na makakatulong din ito upang makakuha pa siya ng panibagong karanasan, subalit hindi naman nito inasahan na ito ang magtutulak upang masusungkit niya ang kampeonato.

 

Nakatunggali naman nito ang ilang miyembro ng National Team ng Canada, kung saan ang dalawa dito ay national champion ng Canada at consistent gold medalist ng Ontario, at iba pang malalakas na Karateka athletes. (CARD)

₱4-₱6 taas-pasahe sa MRT-3, inihirit

Posted on: February 3rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MAGING  ang pamunuan ng Manila Rail Transit Line 3 (MRT-3) ay humihirit na rin ng taas-pasahe dahil sa kawalan umano nito ng kita.

 

 

Nabatid na naghain ang MRT-3 ng petisyon sa Rail Regulatory Unit ng Department of Transportation (DOTr) para sa fare rate increase na mula P4 hanggang P6.

 

 

Sakaling maaprubahan ang naturang fare hike petition, ang minimum charge ng MRT-3 para sa biyahe mula North Avenue station hanggang GMA Kamuning ay inaasahang magiging P17 na mula sa kasalukuyang P13, habang ang maximum charge naman mula North Avenue station hanggang Taft Avenue ay magiging P34 mula sa kasalukuyang P28.

 

 

Ayon sa MRT-3, napapanahon na ang pagtataas ng pasahe dahil ang kanilang gastusin ay umaabot na sa P8,969,179,830.02 hanggang noong Nobyembre 2022, habang ang total revenue nito ay nasa P1,107,523,425.23 lamang.

 

 

Nagreresulta ­anila ito sa deficit na P7,861,656,404.79 o P88.34 government subsidy kada pasahero.

 

 

Nakatakda namang magpatawag ang DOTr ng public consultation hinggil sa petisyon sa Pebrero 17 upang makuha ang opinyon ng publiko, na siyang maaapektuhan nito.

 

 

Bukod sa MRT-3, inaasahan din namang magdaraos ng public hearing para sa hiling ng mga ito na P2.50 fare hike na hiling ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) at Line 2 (LRT-2). (Daris Jose)

Feeling blessed sa magkasunod na serye: GABBI, kasama sa pagbabalik-tambalan nina RICHARD at JODI

Posted on: February 3rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

FEELING very blessed si Global Endorser Gabbi Garcia dahil after niyang gawin ang mystical primetime mega-serye na “Mga Lihim ni Urduja,” may kasunod agad siyang bagong project.  

 

 

Makakasama ni Gabbi ang mga kapwa Encantadia stars niya na sina Kylie Padilla at Sanya Lopez, kasama rin nila sa cast sina Jeric Gonzlaes, Kristoffer Martin, Vin Abrenica, at ang nagbabalik-GMA Network, si Sunshine Dizon.

 

 

Ang kanilang serye ang sinasabing siyang papalit sa malapit na ring magtapos na historical fantasy portal series na “Maria Clara at Ibarra” nina Barbie Forteza, Julie Anne San Jose, David Licauco at Dennis Trillo.

 

At kasunod nga agad ay naka-schedule nang magsimulang mag-taping si Gabbi ng new project niya, ang collaboration ng GMA Network at ABS-CBN series, ang “Unbreak My Heart,” na makakasama niya si Kapuso actor Richard Yap, at mga Kapamilya actors na sina Jodie Sta. Maria at Joshua Garcia, with director-actress Laurice Guillen, Eula Valdes, Nikki Valdez, Maey Bautista, Will Ashley, and Bianca de Vera.

 

 

Collab din ng GMA at ABS-CBN ang Viu Philippines, kaya ang serye ay ipalalabas in 15 countries outside the Philippines.

 

 

Nagkaroon muna ng get together and bonding ang buong cast, staff, crew at mga bosses ng GMA, ABS-CBN at Viu Philippines.

 

 

Magsisimula na silang mag-taping any day now dito sa atin, bago sila pumunta ng Italy at Switzerland, para sa ibang eksenang kukunan doon.  This year, mapapanood na ang “Unbreak My Heart.”

 

 

***

 

AFTER ten years bilang host ng GMA Network’s morning talk show na “Mars,” balik-acting muli ang dramatic actress na si Camille Prats.  Parating na nga ang bagong seryeng tiyak na magpapaiyak sa mga Kapuso viewers sa GMA Afternoon Prime, ang “AraBella.”

 

 

Makakasama ni Camille ang mga young stars na sina Shayne Sava at Althea Ablan.  Muling susubukan ang husay sa drama nina Shayne, na unang napanood sa “Raising Mamay” with Ai Ai delas Alas, at Althea, sa “Prima Donnas.”

 

 

Iikot ang kuwento sa paghahanap ni Roselle (Camille) sa kanyang nawawalang anak.  Matapos ang ilang taon, makikilala niya si Ara (Shayne) at magiging malapit ang loob nila sa isa’t isa.  Pero hindi pala si Ara ang nawawala niyang anak.

 

 

Magiging complicated lalo ang kanilang sitwasyon dahil sa pagbabalik ng tunay niyang anak, si Bella (Althea).

 

 

Sino ang mas deserving sa pagmamahal ni Roselle, ang anak na salbahe o ang ampon na mabait?  Abangan ang world premiere ng “Arabella” sa February 27, 3:25pm sa GMA-7.

 

 

***

 

 

NALALAPIT na ang pagtatapos ng top-rating historical fantasy portal series na “Maria Clara at Ibarra” ng GMA Network, pero patuloy pa rin ang pagtanggap ng serye ng parangal sa iba’t ibang award-giving bodies.  Last Monday, January 30, tinanggap naman nila ang Special Citation from the Knights of Rizal,  Ginanap ang awarding during the organization’s 23rd International Assembly at the Manila Hotel.

 

Ayon sa organization, the series “is playing a huge role in ‘rekindling (this generation), the ideals of freedom and nationalism.’  Seeing that copies of the novels are being bought again, the organization also praised the hit show for helping schools educate learners on Rizal.  The citation was signed by the Supreme Commander and Angono Vice Mayor Sir Gerardo V. Calderon.    The show  creator Suzette Doctolero and two of the “Maria Clara at Ibarra” writers, J-mee Katanyag and Brylle Tabora graced the occasion to receive the award.

(NORA V. CALDERON)

Valdez pambato sa Women’s Volleyball PH pool sa SEAG

Posted on: February 3rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Anim na Creamline stars, sa pangunguna ni Alyssa Valdez at reigning MVP Tots Carlos, ang nanguna sa 17-member women’s national volleyball pool para sa 32nd Southeast Asian Games sa Mayo sa Phnom Penh, Cambodia.

 

Ibinunyag ng mga source ng  ang listahan kung saan si Valdez, na nagpapagaling pa rin sa right knee injury na natamo niya noong Disyembre, ay bahagi pa rin ng training pool para sa posibleng ikalimang sunod na SEA Games stint kasama ang core ng Cool Smashers, kabilang ang dalawang beses. PVL MVP Carlos.

 

Si Setter Jia De Guzman, na hindi bahagi ng pambansang koponan sa Hanoi Games noong nakaraang taon, ay bahagi ng call-up kasama ang do-it-all spiker na si Jema Galanza, vastly-improved middle blocker Ced Domingo, at Asean Grand Prix’s reigning Best Libero Kyla Atienza.

 

Kinatawan ng Creamline ang bansa sa AVC Cup for Women sa Manila, kung saan tumapos ito sa ikaanim, at Asean Grand Prix sa Thailand noong nakaraang taon. Pero ang five-time PVL champion club player na wala si Valdez dahil sa dengue.

 

Bukod sa Creamline six, bahagi rin ng pool ang Reinforced Conference MVP Mylene Paat ng Chery Tiggo, Petro Gazz star middle blocker MJ Phillips, at PVL Best Setter Gel Cayuna ng Cignal.

 

Ang go-to scorer ni Choco Mucho na si Kat Tolentino at ang middle blocker na si Cherry Nunag gayundin ang PLDT spiker na si Jules Samonte, middles Mika Reyes at Dell Palomata, gayundin si libero Kath Arado, ay tinawag para sa mga tungkulin sa pambansang koponan.

 

Kasama rin sa inimbitahan ng Philippine National Volleyball Federation ang pambato ng University of the East na sina Lia Pelaga at Riza Nogales.

 

Ipinakita ng mga source na may kabuuang 14 na inimbitahang manlalaro pero umayaw , kabilang ang mga manlalaro ng PVL na sina Ces Molina ng Cignal, EJ Laure ng Chery Tiggo, at Ivy Lacsina ng F2 Logistics.

 

Ang UAAP champion National University, sa pangunguna ni Rookie MVP Bella Belen, Best Setter Lams Lamina, Best Opposite Spiker Alyssa Solomon, at Best Libero Jen Nierva ay inimbitahan din ngunit umayaw  din kasama  sina Faith Nisperos ng Ateneo, Vanie Gandler, at AC Miner; University of Santo Tomas pair Eya Laure and Dette Pepito, and Adamson’s Lorene Toring and La Sallems Alleiah Malaluan. (CARD)

Sa work muna magpo-focus: MAUI, hiwalay na sa longtime partner pero magkasama pa sa house

Posted on: February 3rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

HIWALAY na ang former Viva Hot Babe na si Maui Taylor sa kanyang longtime partner kung kanino meron siyang dalawang anak na lalake.

 

 

Paliwanag ni Maui na co-parenting sila sa mga bata: “We’re co-parenting. We’re in one house pero I sleep in a different room. Matagal na siyang ganung setup. Walang pakialamanan.”

 

 

Pareho naman daw nag-agree sina Maui at ang ex-partner niya sa arrangement nila. Sinubukan naman daw nilang maayos ang relasyon nila, pero para kay Maui, hanggang doon na lang daw talaga,

 

 

“Alam namin sa sarili namin na hanggang doon na lang. Hanggang seven years na good run din, tapos yung last three years wala na. Siguro kapag nagiging stagnant ang isang relationship, walang growth. Trinay naman namin na maayos, pero siguro masyado nang malalim yung cause ng problem kaya hindi na magawang ihakbang pa.”

 

 

Wala raw balak si Maui na pasukin ang bagong relasyon sa ngayon. Work daw muna ang haharapin niya.

 

 

“Kahit naman in a relationship ka, generally speaking, kapag gusto ka ng isang tao, may mag-e-express. Nasa iyo na lang yun kung ano ang gagawin mo about it. I mean, hindi naman ako pangit. Pleasant naman ako na tao, so meron at meron times [na nagpaparamdam, it’s just that dedma ka lang. Gusto kong ma-enjoy ang magin single ulit.”

 

 

Mapapanood soon si Maui sa GMA teleserye na ‘The Write One’ na pagbibidahan nina Ruru Madrid at Bianca Umali.

 

 

***

 

 

USAP-USAPAN at umani ng papuri mula sa netizens ang unang pasilip sa mythical mega serye ng GMA Network, ang ‘Mga Lihim ni Urduja.’

 

 

Inilabas kahapon (January 31) ang teaser sa social media accounts ng GMA Drama. Kitang-kita ang ganda ng visuals, kakaibang kwento, at star-studded cast na pinangungunahan ng Encantadia Sang’gres na sina Kylie Padilla, Gabbi Garcia, at Sanya Lopez.

 

 

 

Iikot ang istorya nito sa paghahanap nina Crystal (Gabbi) at Gem (Kylie) sa mga nawawalang hiyas na pinaniniwalaang pag-aari ni Hara Urduja (Sanya Lopez).

 

 

 

May libu-libong views na ang nasabing teaser in less than 24 hours! Marami rin ang nagsabi na mala-foreign series ang quality nito. Say ng ilang netizens, “Lakas maka-Alice in Borderland! Gandaaa astig talaga ng GMA! Naglevel-up na talaga ang GMA! Iba talaga sobrang napakalayo na ng mga nagagawa nila.”

 

 

 

Bukod sa reunion nina Kylie, Gabbi, at Sanya, dapat ding tutukan sa serye ang pagsasama-sama nina Arra San Agustin, Michelle Dee, Kristoffer Martin, Vin Abrenica, Pancho Magno, Jeric Gonzales, Rochelle Pangilinan, at Zoren Legaspi.

 

 

***

 

 

NAGING family affair ng Jonas Brothers ang paggawad sa kanila ng star on the Hollywood Walk of Fame noong nakaraang January 30.

 

 

Present sa unveiling ng star ng Jonas Brothers ay ang misis ni Kevin Jonas na si Danielle Jonas at ang dalawa nilang girls na sina Valentina at Alena. Present din ang misis ni Joe Jonas na si Sophie Turner, pero hindi dinala ang dalawang girls nila. And for the first time ay pinakita na in public ang baby girl nila Nick at Priyanke Chopra na si Malti.

 

 

Sa podium, binigyan ni Nick ng shout-out ang kanyang mag-ina: “To my beautiful wife, you are the calm in the crazy, the rock in the storm and I love being married to you. It is the greatest gift. And I love being a parent with you, so Malti Marie, hi babe. I can’t wait to come back here with you in 15 years and embarrass you in front of your friends.”

 

 

In-announce din ng JoBros ang release ng sixth studio album nila on May 5 titled The Album. May patikim na sila sa unang ilalabas nilang single title Wings na mala-’70s style disco groove. Naka-schedule din silang mag-tour sa taong ito.

(RUEL J. MENDOZA)

SALMA HAYEK PINAULT BRINGS SENSUALITY TO “MAGIC MIKE’S LAST DANCE”

Posted on: February 3rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ACADEMY Award-nominee Salma Hayek Pinault (“House of Gucci,” “Hitman’s Wife’s Bodyguard”) stars opposite Channing Tatum in Warner Bros. Pictures’ new musical comedy “Magic Mike’s Last Dance,” the third installment of the blockbuster “Magic Mike” film franchise.

 

 

[Watch the film’s trailer at https://youtu.be/MRVXQeGjCMs]

 

 

In the film, “Magic” Mike Lane (Tatum) takes to the stage again after a lengthy hiatus, following a business deal that went bust, leaving him broke and taking bartender gigs in Florida.  For what he hopes will be one last hurrah, Mike heads to London with a wealthy socialite Maxandra Mendoza (Hayek Pinault) who lures him with an offer he can’t refuse…and an agenda all her own.  With everything on the line, once Mike discovers what she truly has in mind, will he—and the roster of hot new dancers he’ll have to whip into shape—be able to pull it off?

 

 

Hayek Pinault was excited to sign on, having observed the unexpected similarities between her character and Mike.  “Maxandra meets Mike in a moment where she, too, feels a little bit lost.  It happens out of the blue, and she does something out of character, just once, she thinks, because she’s going through so much in her life.  But something happens to her, and she gets inspired by him; he reminds her of a part of her she had lost, and he gives her the strength to explore another side of herself.”

 

 

And it’s not just Mike and Max who connect—Tatum and Hayek Pinault formed a fast friendship on set.  “Salma is a force to be reckoned with,” he smiles.  “She made every single scene better and she’s beyond special.  It’s not a surprise at all that she’s the icon she is.  She came to work every day with real passion.”

 

 

“I love working with Channing,” she returns.  “He’s professional and extremely kind, and also just really fun to act with, really such a joy.  His brilliance is in how easygoing and natural he is, nothing feels pushed.  He’s also very thoughtful, a great partner, and we enjoyed discovering our characters together.  There’s a real, solid love story in this film.  I think that women in the audience will of course love the sexiness, but also the romance and the complex aspects of the relationship.”

 

 

Soderbergh says the chemistry between the two leads is palpable on camera.  “There is an early scene, when Mike and Max first meet, and they still have their clothes on, but Channing and Salma made it very sensual.  In American cinema it’s not exactly typical to find that level of sensuality and eroticism in a film without being explicit, but they really conveyed it beautifully.”

 

 

A Warner Bros. Pictures Presentation, “Magic Mike’s Last Dance” slides into theaters across the Philippines beginning February 8.

 

 

Join the conversation online and use the hashtag #MagicMikesLastDance

 (ROHN ROMULO)

Ads February 3, 2023

Posted on: February 3rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments