PINAIGTING ng Department of Agriculture (DA) ang pagsisikap nito npara masiguro na mayroong zero sa minimal wastage para sa agricultural commodities sa bansa.
Sa isang kalatas, sinabi ng DA na palalakasin nito ang ugnayan sa mga industrial buyers para tulungan ang mga producers na maka-secure ng merkado para sa kanilang produksyon.
“The Department of Agriculture (DA) is intensifying market linkages through contract farming with hotels, restaurants and other institutional buyers on the procurement of surplus harvests,” ayon sa DA.
“The program will be in the form of relevant assistance and interventions seen to facilitate the transport of produce to areas where these are in demand, with zero to minimal wastage and supply of excess agricultural goods,” dagdag na wika ng DA.
Ang pahayag na ito ng DA ay kasunod ng ulat ng small tomato wastage sa Nueva Vizcaya.
“Reports on the dumping of some 500 kilos of small tomatoes, valued at PHP8 to PHP12 per kilogram, from the Nueva Vizcaya Agricultural Trading (NVAT) on January 25, 2023 (are) being looked into by the DA,” ayon sa DA.
Sinabi ng NVAT na ang preference ng mga consumers para sa larger tomatoes na binebenta sa kaparehong price range ay maaaring maging dahilan ng usapin.
At upang maiwasan ito, binigyang diin ng DA ang pangangailangan para sa sapat na food mobilization strategy.
“(This) will be realized through the distribution of delivery trucks and vegetable crates to more farmers’ cooperatives and associations (FCAs) and municipalities under the agency’s Enhanced Kadiwa grant,” ayon sa departamento.
Sa pamamagitan ng estratehiyang ito, naniniwala ang departamento na ang problema sa oversupply ay dapat na “i-minimized” hanggang sa makamit ng administrasyon ang layunin nito na tulungan ang mga magsasaka na kumita ng mas marami at malaki at tiyakin ang sapat na suplay ng agricultural commodities para sa mga consumers sa merkado.
Samantala, na-identify na ng DA ang 10 municipal beneficiaries ng nasabing distribusyon.
Ang administasyon, sa ilalim ng liderato ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. , kasalukuyang Kalihim ng DA ay nauna nang nangako na pahusayin ang kabuuang value chain ng bansa para makatulong na makamit ang food sufficiency targets. (Daris Jose)