• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 13th, 2023

‘Kapalaran’ ni GARY, bagay na bagay sa themesong ng ‘FPJ’s Batang Quiapo’ kaya napili ni COCO

Posted on: February 13th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SA celebrity screening ng pilot episode ng ‘FPJ’s Batang Quiapo’ namin unang narinig ang bagong version ni Gary Valenciano ng ‘Kapalaran’ na pinasikat noong ’70s ni Rico J. Puno, na may kurot sa puso habang pinakikita ang mabigat na eksena ni Miles Ocampo na kung saan nanganganak siya sa loob ng isang palengke.

 

 

Kaya naman sa ginanap grand mediacon ng serye ng pinagbibidahan ng Hari ng Primetime na si Coco Martin, ikinuwento niya ang mga detalye kung kung bakit napili niya ang kantang ‘Kapalaran’ bilang isa sa themesong, na talaga namang bagay na bagay at marami talagang makaka-relate.

 

 

Ayon kay Coco, “Para siyang milagro para sa akin. Kasi, noong araw na bago kami mag-storycon, iniisip ko kung ano ang magiging disenyo ng stage, kung anong magiging hitsura ng over-all.

 

 

“Sabi ko sana kahit storycon pa lang, gusto ko na maramdaman na ng mga actor, ano ‘yung project, ano ‘yung konsepto. Naisip ko, sabi ko, gusto ko, parang pagpunta nila, parang nadoon ka na mismo sa Quiapo. Tapos okey na lahat, nakita ko ‘yung design, in-approve na.”

 

 

Dagdag pa Coco,“Sabi ko, gusto ko, habang naglalakad ‘yung mga artista, may tumutugtog na kanta. Na parang themesong na.

 

“Tapos sabi kong ganoon, ang alam kong themesong ng ‘Batang Quiapo,’ ‘Doon Lang, eh. Tapos noong tiningnan ko, inaral ko, ganoon, ayun bagay.

 

 

“Pero noong kakalipat ko ng kakalipat ng pinakikinggan ko, mayroon akong narinig na kanta, na isa sa mga kinanta ni Gary Valenciano, ‘yung ‘Kapalaran.’ Sabi ko parang bagay din siya.

 

 

“Kasi parang kuwento siya ng bawat tao. Hindi ‘yung karakter lang ni Tanggol (Coco). Parang lahat nakare-relate. Lalo na pagdating sa Quiapo, ‘di ba, parang nandoon tayo para magdasal, magsimba, para magkaroon tayo ng maayos na buhay di ba?

 

 

“Parang inano ko siya, sabi ko, sakto mayroong Gary V.

 

 

“Tapos noong umaga, bago ako mag-storycon, nagkita kami ni Sir Gary dahil may taping sila ng ‘ASAP,’ niyakap ko siya, nagpasalamat ako dahil nga sa ‘Ang Probinsyano.’”

 

 

“Sabi ko Sir Gary, kinanta mo pala ‘yung ‘Kapalaran?’ Nagamit mo na ba ‘yun sa pelikula o teleserye?

 

 

“Sabi niya, ‘hindi pa. Pero matagal ko nang nakanta ‘yan’

 

 

“Sabi ko,’Sir Gary pwedeng makiusap? Pwede ko ba siyang magamit mamaya sa storycon namin, doon sa ‘Batang Quiapo’?

 

 

“Kasi naiisip ko, parang siya ‘yung bagay doon sa seryeng gagawin namin, ‘yung ‘Batang Quiapo.’

 

 

“Sabi niya, ‘Sige! Go! Go!”natatawang kuwento ng matulunging aktor.

 

 

“And after that, ang ginawa ko, pinatugtog ko.

 

 

“Sabi ko, ‘yan ang patutugin natin, habang naglalakad ‘yung mga tao.

 

 

“Nagulat sina Tita Cory (Vidanes), sir Deo (Endrinal).

 

 

“Sabi nila, in fairness sa ‘yo, nakapagpa-record ka agad.

 

 

“Sabi ko, ‘hindi! Hiniram ko lang ‘yan sa YouTube,” natatawang kuwento pa ni Direk Coco.

 

 

“Kaya noong nagkita uli kami, sabi ko Sir Gary, yun na ba ang gagamitin natin o kakantahin niya uli para sa teleserye. Sagot naman niya, ‘hindi, gagawa tayo ng bago.”

 

 

Para sa amin, mas nahigitan pa ni Mr. Pure Energy ang version niya, dahil mas lalo itong naging madamdamin na for sure marami na naman ang mai-LSS sa kanta, habang pinapanood ang FPJ’s Batang Quiapo na mapapanood simula ngayong February 13, 8:00 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z,TV5, iWantTFC, and Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment’s YouTube channel and Facebook page.

 

 

Si Love Poe nga pala ang gaganap na leading lady ni Coco, na sa trailer pa lang ay may chemistry ang kanilang kulitan. Makakasama nila sina Charo Santos, Cherry Pie Picache, John Estrada,Pen Medina, McCoy de Leon, Alan Paule, Lou Veloso, Lito Lapid, Irma Adlawan, Mercedes Cabral at marami pang iba.

 

 

Mula ito sa mahusay at maaksyon direksyon nina Malu Sevilla at Coco Martin.

 

(ROHN ROMULO)

PBBM, inulit ang pagsusulong para sa ratipikasyon ng RCEP

Posted on: February 13th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MULING inulit ni Pangulong  Ferdinand  Marcos Jr., sa Philippine Business Opportunities Forum sa Japan ang  ginagawang pagsusulong ng kanyang administrasyon para sa ratipikasyon ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) mega free trade deal,  kung saan ‘signatory’ ang Pilipinas.

 

 

Kamakailan, sinabi ng Presidential Communications Office (PCO)  sa ipinalabas nitong kalatas na itinutulak ng Pangulo ang ratipikasyon para sa free trade agreement.

 

 

Unang lumutang noong Agosto 2012, ang RCEP ay kinabibilangan ng 10 miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), kasama ang China, Japan, South Korea, Australia, at New Zealand.

 

 

Inaprubahan ito ng nakalipas na administrasyon noong Setyembre ng nakaraang taon at dinala sa Senado para sa ‘concurrence.’

 

 

Bago pa umupo sa puwesto, nagpahayag na ang Chief Executive ng kanyang reserbasyon ukol sa RCEP, sabay sabing nais niyang makita kung paano ito makaaapekto sa sektor ng agrikultura.

 

 

Gayunman, sinabi pa rin ni Pangulong Marcos na isinusulong ng kanyang administrasyon ang Congressional ratification,  “which I am promised will be coming soon – of the Philippines’ participation in the Regional Comprehensive Economic Partnership, or RCEP.”

 

 

Nauna rito, nakikita naman  ni Senate President Juan Miguel Zubiri na magagawang i-ratify ng Senado ang Regional Comprehensive Economic Partnerships o RCEP free trade agreement sa loob ng unang quarter ng taon.

 

 

Prayoridad aniya kasi ng Senado ang ratipikasyon ng RCEP at sa katunayan ay magkakaroon na ng pagdinig patungkol rito na itinakda sa Pebrero 7.

 

 

“This free-trade agreement among Southeast Asian economies, plus Japan, China, South Korea, Australia, and New Zealand, will result in greater market access for 92% of products from the Philippines,” ang wika pa rin ng Pangulo.

 

 

Sa isinagawang  panel session, sinabi naman ni Trade Secretary Alfredo Pascual na  “many prospective foreign investors… who would want to access ASEAN and the East Asian market said they would consider the Philippines if we were part of RCEP.”

 

 

Aniya pa, “the Philippines risked being bypassed in favor of other ASEAN countries that have access or ratified their accession to RCEP.”

 

 

Inaasahan naman ng Department of Trade and Industry (DTI) na makalilikha ang  RCEP ng 10.47% na dagdag sa exports ng bansa  at  2.02% dagdag sa real gross domestic product.

 

 

Kinakatawan naman ng RCEP ang  50% ng global manufacturing output; 50% ng global automotive output; 70% ng electronics; 26% ng  global value chain (GVC) trade volume; 60% GVC para sa  electrical/machinery, petroleum/chemicals, textiles/apparel, metal, at transport equipment, 35% ng kontribusyon sa global exports ng electronics at machineries; at ang pangunahing  GVC hubs ng big economies gaya ng South Korea, Japan, at China. (Daris Jose)

Gobyerno, masusing pinag-aaralan ang ekstensyon ng CARS PROGRAM

Posted on: February 13th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MASUSING pinag-aaralan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.  ang panukalang palawigin o i-extend  ang Comprehensive Automotive Resurgence Strategy (CARS) program.

 

Sa pakikipagpulong ng Pangulo sa mga opisyal ng  Mitsubishi Motors Corporation sa Tokyo,   sinabi ng Chief Executive na habang isinasagawa ang pag-aaral, ang pamahalaan ay “very much of the mind that we have to encourage this investment because it is an industrial and high-end manufacturing operation.”

 

 

“It is something that would be important to the Philippines because we are trying to encourage now… both for local businesses and businesses from other countries and businesses from Japan… we are trying to encourage this capital investment to improve the share of manufacturing contribution to the GDP (gross domestic product),” diing pahayag ni Pangulong Marcos.

 

 

“This seems to be the direction that the Philippines is going, ayon sa Pangulo sabay tukoy sa nilalayon na  “balance the economy.”

 

 

“Right now, services is a large majority of the contribution to GDP, which is alright, and we want to keep that going. But we want to balance the contribution from different sectors of the economy,” ani Pangulong Marcos.

 

 

Kapuwa naman nakalista ang  Mitsubishi Motors Philippines Corporation (MMPC) at Toyota Motor Philippines (TMP) sa  CARS program ng gobyerno, nag-aalok ng insentibo para sa mga  manufacturers na handang  mag- assemble ng mass-market cars sa loob ng bansa.

 

 

Sa ilalim ng  CARS program, ang mga lalahok na carmakers ay  bibigyan lamang ng  anim na taon para mag-comply sa  minimum volume target sales na “200,000 units each” para sa kanilang enrolled car models para makakuha sila ng insentibo.

 

 

Sa naging presentasyon naman ng Mitsubishi, sinabi nito na ang Pilipinas ay nagsisilbi bilang isa sa pinakamahalagang merkado para sa kompanya at nagpahayag ng commitment na i-promote ang  green energy factory kasama ang  solar rooftop project nito. (Daris Jose)

Miting ng Pilipinas at mga kumpanya ng Japan, umabot sa 200 -PBBM

Posted on: February 13th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

UMABOT sa 200 na pag-uusap ang nangyari sa pagitan ng Pilipinas at mga kumpanya ng Japan sa 5-day official visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

 

 

“In the morning of the first day, our Department of Trade and Industry Secretary Pascual reported that the business matching event that DTI arranged for 85 Philippine companies yielded more than 255 meetings with Japanese counterparts,” ayon kay Pangulong Marcos sa isinagawang high-power luncheon at networking event ng mga pangunahing Japanese business organizations, araw ng Biyernes.

 

 

Sinabi ng Pangulo na sinamahan siya ng grupo ng 114 negosyante  “whose activities span the whole gamut of Japan-centric business opportunities —manufacturing, construction, real estate, retail, food service, trading, telecommunications, aviation, recruitment, mining, and agribusiness.”

 

 

Sinaksihan din ni Pangulong Marcos ang paglagda sa 35 investment deals sa larangan ng imprastraktura, enerhiya, manufacturing, at healthcare  na sinelyuhan sa pagitan ng Pilipinas at Japanese government at iba’t ibang kompanya.

 

 

Ipinagmalaki rin ng Pangulo ang malakas na  macroeconomic fundamentals, liberal investment reforms, at infrastructure program ng Pilipinas.

 

 

Hinikayat ng Pangulo ang mga Japanese businessmen na mamuhunan sa bansa.

 

 

“As we go along our development journey, I invite all of you to continue and enhance that partnership. When you ‘think growth, think Philippines’ so that together, we will reap the benefits of robust, sustainable, and inclusive growth for our businesses and for our peoples,” ang wika ng Pangulo sa kanyang naging talumpati sa Philippine Business Opportunities Forum sa Japan.

 

 

“Let’s make it happen in the Philippines,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)

PBBM ibinahagi ang mga tagumpay sa kaniyang pagbisita sa Japan

Posted on: February 13th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

IBINAHAGI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga tagumpay ng kanyang pagbisita sa Japan at iniulat na mabilis na madarama ng mga Pilipino ang mga resulta nito.

 

 

Nasa 35 na kasunduan ang nilagdaan ni PBBM at kanyang delegasyon kasama ang Japanese government at private sector.

 

 

Bukod pa rito, nagsilbing pagkakataon ang kanyang official visit upang mailatag ang “blueprint” ng ugnayang Philppines-Japan sa pagbangon ng dalawang bansa sa epekto ng pandemya.

 

 

Sa kabilang dako, nakatakdang rebyuhin ng Pilipinas ang “tripartite agreement” sa dalawang kaalyadong bansa ang Estados Unidos at Japan.

 

 

Sinabi ng Pangulo, ‘maraming iba pang isyu” na ibinangon ng delegasyon ng Pilipinas sa Tokyo ay ang pagpapatibay ng mga alyansa sa mga matagal nang kasosyo nito.

 

 

Sinabi ng chief executive na ito ay bahagi ng isang patuloy na proseso upang makagawa ng higit pang mapagtibay ang pakikipagtulungan at alyansa ng dalawang bansa.

 

 

Nauna nang nagkasundo sina Pangulong Marcos at Japanese Prime Minister Fumio Kishida na palakasin ang ugnayan ng depensa at seguridad ng Maynila at Tokyo. (Daris Jose)

Masayang-masaya ang bonding moment ng mag-ama: JENNYLYN, naging emosyonal habang bini-video sina DENNIS at BABY DYLAN

Posted on: February 13th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAGING emosyonal si Jennylyn Mercado habang bini-video ang muling pagkikita ng kanyang mag-amang sina Dennis Trillo at Baby Dylan.

 

 

Nauna na kasing pumuntang Las Vegas si Jennylyn at Baby Dylan para magbakasyon. Sumunod naman si Dennis sa Amerika matapos ang taping nito para sa ‘Maria Clara at Ibarra’.

 

 

Sa isang Instagram video ay makikita ang bonding moment ng mag-ama na parehong masayang-masaya sa muli nilang pagkikita.

 

 

Ngayong tapos na si Dennis sa MCI taping, balitang si Jennylyn naman ang sasabak sa taping ‘Love. Die. Repeat’ na nahinto ang taping last year dahil nabuntis si Jennylyn.

 

 

Leading man dito ni Jen si Xian Lim na una munang mapapanood sa ‘Hearts On Ice’ sa GMA.

 

 

***

 

 

NAKASENTRO ang JanB ENTERTAINMENT, isang hybrid company (into digital, mainstream & on the ground media) sa pagpapalaganap ng halos lahat ng uri o genre ng musika tulad ng Soul, R&B, Pop, Rock, OPM at global music.

 

 

Isasakatuparan nila ito sa pamamagitan ng kanilang mahuhusay na artists na tulad ng Pinoy artist based in New York na si Eytch Angeles na kamakailan lang ay kasama ng Filipino alternative rock band na Sponge Cola sa U.S. Jeepney Tour 2023 bilang isa sa mga front acts.

 

 

Si Eytch ang umawit at sumulat ng latest single niyang Sa Kalawakan.

 

 

Ipinakilala rin ng JanB Entertainment ang mga artists nila na sina Ashley, Tif, Almyn, Boyong at Chelle.

 

 

Masuwerte ang mga baguhang artist dahil mabilis na ngayong ipakalat ang anumang nais nilang ibahagi sa publiko, tulad ng kanilang musika, dahil sa napakaraming platforms sa social media ngayon.

 

 

***

 

 

HINDI totoong tinalikuran na ni Katrina Halili ang showbiz dahil sa Palawan na ito namamalagi.

 

 

Tuloy pa rin ang showbiz career niya, sa katunayan ang pagigigng visible niya sa sari-saring proyekto ng GMA

 

 

tulad na lamang ng teleserye na ‘Unica Hija’ at ang latest ay ang guesting ni Katrina sa ‘Magpakailanman’ ni Ms. Mel Tiangco.

 

 

Kapag walang taping, umuuwi si Katrina sa Palawan dahil narooon ang kanyang anak na si Katie.

 

 

“Parang gusto ko munang mag-focus sa anak ko and ibang life din naman kasama yung family ko sa Palawan.

 

 

“Alam mo yun, kapag hindi rin naman ako nagsu-shoot,” pahayag ng aktres.

(ROMMEL L. GONZALES)

FILM ABOUT THE ORIGINS OF “AIR” JORDAN REVEALS OFFICIAL TRAILER

Posted on: February 13th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SOME icons are meant to fly.  Watch the official trailer of “AIR” from director Ben Affleck and starring Matt Damon.

 

 

Exclusively in cinemas across the Philippines starting April 19.

 

 

YouTube: https://youtu.be/7OKPknt7EtU

 

 

Facebook: https://www.facebook.com/watch?v=1391832061646164

 

 

About “AIR”

 

 

From award-winning director Ben Affleck and starring Matt Damon, “AIR” reveals the unbelievable game-changing partnership between a then-rookie Michael Jordan and Nike’s fledgling basketball division, which revolutionized the world of sports and contemporary culture with the Air Jordan brand.

 

 

“AIR” also stars Ben Affleck, Jason Bateman, Chris Messina, Marlon Wayans, with Chris Tucker and Viola Davis in a moving story that follows the career-defining gamble of an unconventional team with everything on the line, the uncompromising vision of a mother who knows the worth of her son’s immense talent, and the basketball phenom who would become the greatest of all time.

 

 

Affleck directed from a screenplay by Alex Convery. “AIR” is produced by Peter Guber, Jason Michael Berman, David Ellison, Jeff Robinov, Madison Ainley, Damon and Affleck.

 

 

“AIR” will be distributed in the Philippines by Warner Bros. Pictures.

 

 

Join the conversation online and use the hashtag #AIRMovie

(ROHN ROMULO)

Promo lang pala ‘yun ng bagong endorsement… RAYVER, ‘di totoong nag-propose na kay JULIE ANNE dahil sa regalong ring

Posted on: February 13th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAG-TRENDING sa Twitter ang #MCIHulingHalik na eksena sa GMA Network historical fantasy portal na “Maria Clara at Ibarra,” na muling pagkikita nina Maria Clara (Julie Anne San Jose) at Crisostomo Ibarra (Dennis Trillo), na pumasok na ang story sa second book na isinulat ni Jose Rizal, ang “El Filibusterismo.”  

 

 

Napigilan ang tangkang pagmolestiya ni Padre Salvi (Juancho Trivino) kay Maria Clara dahil dumating sina Klay (Barbie Forteza) at Fidel (David Licauco), kasama si Ibarra at noon lamang sila muling nagkita after 13 years.  Pero saglit lamang ang pagkikita nila dahil binaril ni Padre Salvi si Ibarra, pero humadlang si Maria Clara kaya siya ang nabaril.  Iyon na ang huling pagkikita ng magkasintahan.

 

 

Puring-puri ng mga netizens and viewers ang acting ni Julie Anne kahit ang huling halik niya kay Ibarra na magandang na-execute ni direk Zig Dulay.  Nalalapit na ang pagtatapos ng #MCI at maraming nagtatanong kung happy ending ba ang fantasy series, na napapanood gabi-gabi pagkatapos ng “24 Oras”.

 

 

Meanwhile, Valentines’s Day na bukas, February 14, at ang mga JulieVer fans nina Julie Anne at Rayver Cruz ay natuwa nang mabalitang jewelry ang gift nila sa isa’t isa.  Kaya ang akala nila, may magaganap na raw proposal sa mag-sweetheart.

 

 

Pero sabi ni Rayver, “no matter what the occasion, giving someone with jewelry as a gift will never go out of style.”

 

 

At mali nga ang balitang magpu-propose na si Rayver dahil ring daw ang ibinigay niya kay Julie.  Promotion pala nila iyon ng bagong endorsement mula sa @sepvergara fine jeweler.

 

 

***

 

HINDI pala naging madali para sa mahusay na director na si Darryl Yap, ang paggawa ng official trailer ng “Martyr or Murderer (MOM),” ang pangalawa niyang movie na ginawa kasunod ng “Maid in Malacanang (MIM).

 

 

Ipinalabas na ang official trailer at naging kontrobersiyal ito agad.  Napanood namin ito at tiyak na pinag-usapan na ito ng mga naunang nakapanood.

 

 

Ayon pa kay direk Darryl, five days nila ginawa ang trailer na tumakbo lamang ng 150 seconds.  Kinailangan nga raw kumonsulta ng producer niya, ang Viva Films, sa lawyer nila para panoorin ang ginawa nila.  First time raw iyon na kinailangan nila ang tulong ng mga lawyers para masigurong tama ang mga ginawa nila.

 

 

Hindi pala magkakasabay ang showing ng “MOM”  sa “Ako, Si Ninoy” na produced ang directed naman ni Vince Tanada, na ipalalabas daw sa anniversary ng EDSA Revolution.

 

 

Ang MOM naman ay sa March 1 pa ang showing at may mga bagong artistang papasok bukod sa cast noon ng “MIM.”

 

 

***

 

“BE part of our growing family,” ang ipinaabot ng All Access to Artists (AAA) sa mga gustong mag-artista, performers and influencers.

 

 

Ang AAA ay isa sa leading talent agencies sa Pilipinas. Kabilang sa kanilang roster of talents ay sina Marian Rivera, Maine Mendoza, Baste, Kitty & Kakai Almeda, Kayla Rivera, Hershey Neri, Nichole Morgan at Ver5us.

 

 

Open na ang audition nila para sa 16 to 25 years old, talented, with pleasing personality.  Kaya kung kaya mong ipakita ang talent mo sa dancing, acting, singing or hosting, ngayon na ang perfect timing, dahil open na ang audition ng AAA sa Saturday, February 25, mula 1pm hanggang 4pm, na gaganapin sa APT Studios, 80 Marcos Highway, Brgy. San Isidro, Cainta Riza

 

 

Para magkaroon ng audition slot, please contact Mr. Jerick Pangilinan sa 0917-706-7034.

(NORA V. CALDERON)

4 subway pa sa NCR, Cavite pinaplantsa ng Pinas, Japan

Posted on: February 13th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PINAPLANTSA  na ng Department of Transportation (DOTr) at Japan International Cooperation Agency (JICA) na magtayo pa ng dagdag na 3 hanggang apat na subway sa Metro Manila na mag-uugnay sa Cavite.

 

 

Ayon kay DOTr Secretary Jaime  Bautista, pinaplano ng magkabilang panig ang paglalagay ng dagdag na subway sa Metro Manila para maibsan ang matinding traffic dito.

 

 

Sinabi ni Bautista na ang planong dagdag na subway ay ikokonekta sa Metro Manila Subway Project na kasalukuyang itinatayo sa NCR.

 

 

Anya, magsasagawa pa sila ng masusing pag-aaral hinggil sa naturang plano.

 

 

Inaasahan din ni Bautista na matapos ang Metro Manila Subway Project hanggang sa matapos ang termino ni Pangulong Bongbong Marcos.

 

 

Ang unang subway rail system project sa bansa na may 33 kilometrong haba at may 17 istasyon  ay bahagi ng  “Build Build Build” flagship infrastructure program ng nagdaang administrasyong Duterte. (Daris Jose)