NAGPAKATOTOO lamang si Sunshine Dizon sa pagsasabing mahal pa rin niya ang mister niyang si Timothy Tan sa kabila ng nangyaring hiwalayan nila.
Sa episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Lunes, sinagot ni Sunshine ang mga tanong tungkol sa hiwalayan nila ni Timothy, at kung mahal pa niya ito.
“To be honest, I think the hanggang ngayon ‘di naman mawawala,” saad niya.
“But it’s a different kind of love now. It’s a love out of respect that he gave me two beautiful children, and I wouldn’t have them if not for him.”
Tinanong ni Tito Boy kung napatawad na ba niya ang kaniyang dating mister.
“Oo, kasi nakikita ko kung gaano siya kahusay na ama sa mga anak niya,” sabi ni Sunshine.
“Hindi, kasi may mga bagay pa rin na, to be honest, I was not able to process the pain when it happened. And I’m just learning to process all the pain right now.”
“I’m the type of person who probably can forgive, but I will never, ever forget,” patuloy ng aktres.
Ikinuwento rin ni Sunshine ang sitwasyon ng kanilang pagsasama para sa kanilang mga anak.
“Lumuhod ng asawa ko. Mamamatay daw siya na hindi niya kasama ‘yung anak niya so pinagbigyan ko,” saad ni Sunshine.
“I swallowed my pride because I wanted my kids to see that no matter what, nagkamali man ang tatay nila, pamilya pa rin kami.”
Ayon kay Sunshine, edad tatlo at apat pa lang noon ang anak nila na sina Anton at Doreen.
Sabi pa ng aktres, pinili niyang ituon ang kaniyang atensyon noon sa trabaho at maka-survive matapos ang pakikipaghiwalay kay Tom. Pero nagsimula raw niyang iproseso ang kaniyang damdamin nang magkaroon ng pandemic.
“Tim was my best friend. He was my confidante. He was my partner. And then, I just woke up one day and he was totally a different person. And that really hurts,” aniya.
“I was not able to deal with it properly. Ngayon lang bumabalik lahat na parang, ah, dapat pala di ako nag-refuse ng therapy noon. Dapat pala I dealt with it properly at the time when I had to,” patuloy niya.
Noong nakaraang taon, sinabi ni Sunshine na na-diagnose siya na may post-traumatic stress disorder (PTSD), depression, panic attacks, at abandonment issues.
Pag-amin ng aktres, hanggang tinatanong pa niya ang sarili, “Where… saan ako nagkulang?”
Enero noong 2016, nang maghain si Sunshine ng reklamong Violence Against Women and Children and Concubinage laban kay Timothy, at umano’y third party sa kanilang relasyon. Iniurong niya ang reklamo makatapos ang isang taon.
Nagbabalik-Kapuso si Sunshine para sa upcoming series na “Mga Lihim ni Urduja.”
***
PINURI ni Johnny Manahan, na mas kilala bilang si Mr. M, ang ilang Sparkle artists dahil sa kanilang looks at talent.
Ilan dito ay sina Julie Anne San Jose, Barbie Forteza, at Sanya Lopez. Nagpahayag din si Mr. M ng kanyang obserbasyon sa ilang artistang pinangalanan ni Alden Richards sa kanyang interview sa Sparkle GMA Artist Center YouTube channel.
Saad ng kilalang starmaker, “I love Julie, so wala akong mapintas. Gusto ko ‘yung beauty niya, talagang Pilipina.”
Si Sanya rin ay nakatanggap ng papuri dahil sa kanyang Pinay beauty. Ani Mr. M, “I love Sanya, ‘yung pagka-Filipina beauty niya.”
Isang rebelasyon naman kay Mr. M ang husay ni Barbie sa pag-arte.
“Barbie is a revelation for me. Dati akala ko ganoon lang siya, sayaw sayaw. Pero noong nagsimula ‘yung Maria Clara [at Ibarra], what a revelation. Ang galing na artista. I’m faling in love with her, the way she looks, sakto siya doon sa period e. Ang galing, parang Maricel Soriano.”
Ayon kay Mr. M, wala na siyang maipapayo pa para kay Gabbi Garcia, “I like her, parang wala akong mapintasan, ano ba ang dapat sabihin sa kanya?”
Ang payo naman ni Mr. M para kay Khalil ay magkaroon sana ng mas rough na appearance. Ani Mr. M, “Khalil has to have a rougher exterior, masyadong baby face e. Some people don’t take him seriously because of his baby face but he’s a very good actor e.”
Nagbigay rin ng opinyon si Mr. M tungkol kina Ruru Madrid at Bianca Umali. Kuwento ni Mr. M kay Alden, “Ruru just needs some, a little control, pero makukuha niya ‘yan. With Bianca, it’s hard to criticize her wala ka nang kailangan e. You don’t need e, eto na ‘yan e.”
Pag-concentrate naman ang naging payo ni Mr. M para kay Heart Evangelista.
Saad ni Mr. M, “Matagal na kami magkakilala ni Heart. Malalaman mo rin one day what you want, and you’ll get it. I think she has to just concentrate on her work and just put the other things aside for a while.”
Payo ni Mr. M kay Derrick Monasterio, “I like him…Control din, pero makukuha niya ‘yun.”
Samantala kina Ysabel Ortega at Miguel Tanfelix, ang payo ni Mr. M ay “A young star. ‘pag ganyan ang artista, you just let her go, let her play and she’ll find out for herself. Miguel I think will make a very fine actor. As he grows, as he works, magiging Alden Richards ‘yan.”
Hindi pa masyadong nakakasama ni Mr. M si Ken Chan pero nais niyang mas makilala pa sana ang aktor.
“He seems like a very controlled artist. Ken is very charming and looks like a very nice guy. I hope I get to know him better.”
(ROMMEL L. GONZALES)