• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 22nd, 2023

Online Casino Azerbaycan

Online Casino AzerbaycanNişanı kliklədiyiniz müddət aviator oyunu iki rejimdə əvəzsiz və praktik para.

Pokerdə oyunun müəyyən bir variantının qaydalarını doğru görmək vacibdir, çünki birləşmələrin gücü qiymətli dərəcədə dəyişə bilər. Baccarat-da mərc diler və ya oyunda 9 xal toplamalı olan oyunçuya və ya bu dəyərə mümkün kəmiyyət dost xalların sayına qoyulur. Klassik slot maşınlarından bezən hər kəsə aviator oyunu oyna tövsiyə oluna bilər.

  • Bunu weil qayğı görmək lazımdır ki, Pin Upward casino saytının müştərisi qeydiyyatdan cəld sonra depozitsiz bonus peşkəş olaraq alır.
  • Mərc etməzdən əvvəl siz adi hər bir maşının məğz xüsusiyyətlərini göstərərək ətraflı təsviri ilə aşna ola bilərsiniz.
  • Siz maraqlı tarixdən sonra yeddi günəş ərzində bonusdan istifadə edə bilərsiniz.
  • Yalnız ən ümumi statistik məlumatlar verilir və davam edən hadisələrin qrafik təsviri ələlxüsus mənalı deyil.
  • Bu provayderlərin hər biri, uzun çeşiddə təqdim etdikləri oyunlarla seçilir.

Amma əgər istəyirsiniz ki, oyunların və bonusların zövqünü Pin-Up Casino-nun rahatlığı ilə çıxara biləsiniz, Pin-Up Casino apple iphone proqramını yükləmək olar. Pin Upward bet casino xüsusiyyətlərindən biri avtorizasiyanın vur-tut telefonla həyata keçirilməsidir. Viktorina suallarını cavablandırın və peşkəş olaraq FreeSpins alın!

Mobil Casino

Sənayedə real görünən, səlində isə saxta olan veb-sayt və tətbiqlər çoxdur. SoAzerbaycandaKazino komandası olaraq kazinolar haqqında praktik istifadəçilərin rəyləri təqdim etməklə daha əla kazinonu seçməyinizə kömək edirik. Onlayn kazino oyunları əcəb, malli olsa da, problemlərin yaranmağı qaçınılmazdır.

  • Windows və ya Mac OPERATING SYSTEM ( macbook ) ilə istifadəçilər Pin number Up-ün tam versiyasını yükləyə biləcəklər.
  • Dəstəklə bağlılıq çörəkləmək ötrü teleqram botundan, onlayn söhbətdən və ya e-poçtdan istifadə edə bilərsiniz.
  • Sevdiyiniz komandanın oyunlarını müxtəlif mərclər edərək izləyə bilərsiniz.
  • Çıxara pul Göstərilən əmsaldan başlanğıc Avtomatik oyunda, oyunu w tamtym miejscu avtomatlaşdıran nağdlaşdırma seçimindən istifadə edə bilərsiniz.

Bundan başqa, VERY IMPORTANT PERSONEL üzvlər məhsuldan qazanaraq xidmətdən faydalanmaq imkanına malikdirlər. Böyük məbləğləri, lap azı 96% RTP əmsalı olan, oyun avtomatları qazanmağa imkan verir. Pin Up kazinosunda belə slotlar çoxdur, öz zövqünüzə üçün seçin.

Pin-up Azərbaycanda Qanunidirmi?

Slot oyunları kazino online saytlarının yayılması ilə populyarlaşıb. Cekpot slot oyunları; oyunçular tərəfindən qoyulan mərclərin bir hissəsi toplanıb, cekpot mükafatının əsasını təşkil edir. Video slotları; Ənənəvi slot maşınlarına dost olan video slotlarında multimedia təbəqəsi var. Video oyun animasiyaları, tematik qrafika və maraqlı səs effektləri bu slotlarda uzun yayılmışdır. Meyvə slotlarları; Bu onlayn kazino oyunları nisbətən səmimi quruluşa malikdir və üç çarxdan ibarətdir, burada izafi bonus funksiyası təklif edilmir. Sadə dizaynına üçün, bu çeşid slot yeni başlayan oyunçulara tövsiyə olunur.

  • Uduşlar Live Casino-da hər fırlanma/raunddan sonra balansınıza daxil olacaq və siz onları tez vahid zamanda Pin Up balansınızdan çıxara bilərsiniz.
  • Əgər hansısa səbəbdən siz bunu edə bilmirsinizsə və sayt qüsur verirsə, o zaman texniki dəstəyə müraciət edin, və ya şifrənizi bərpa etmək üçün düyməyə basın.
  • Çox tez-tez künclər, üsul pozuntuları, xəbərdarlıqlar, aslar, atışlar miqdar bazarlar bazar siyahısında tamamilə yoxdur və ya oyunun başlamazdan başlanğıc deyəsən.

Ümumiyyətlə, Pin-Up hər kəsin özü üçün nəsə tapacağı etibarlı və əlamətdar kazinodur. Mən davamlı müddətdir ki, belə müxtəlif reklam təklifləri görməmişdim. Pin Up az pul və ya pulsuz oyun avtomatları ziyarətçilər üçün mahiyyət əyləncə formasıdır. Burada Yggdrasil və Amatic kimi məşhur provayderlərdən , eləcə də vur-tut vahid hit olan nadir tanınan şirkətlərdən praktik para yuvaları mülk. Hər halda, Pin Up ləvazimat diqqəti bax: cəzb edir, çünki onlar ən daha qazanan və gündəlik maksimum pullu olurlar.

Azərbaycan Oyunçuları ötrü Kazino Güzgü-linklər

İndi siz pin-up casino real pul ötrü qumar əylənmək üçün 90-dan çox lisenziyalı provayderdən 3000-dən daha oyun tapa bilərsiniz. Qeydiyyatdan keçdikdən sonra siz cəld hesabınıza daxil olub ana səhifəyə iç https://pin-up-azerbaycanda.com olacaqsınız, oradan istədiyiniz bölməyə keçib qumara başlaya bilərsiniz. TsUPIS vasitəsilə döyünmək müştərilərə uduşların gur və etimadli şəkildə ödənilməsinə zəmanət verir.

  • Aviator platformasında kredit kartları, bank kartları və elektron pul köçürmə xidmətləri ilə ödəniş edə bilərsiniz.
  • Nəticədə, mobil onlayn kazino saytları da getdikcə ən ən yayılır.
  • Bu, oyunçuların öz vəsaitlərini investisiya etmədən aydın cismani mükafatlara və ya pulsuz fırlanmalara çıxış əldə etməsi ilə bağlıdır, yəni.
  • Əlbəttə ki, vahid neçə kəlmə və Casino Pin Up-nin formal tətbiqi haqqında vahid söz söyləmək lazımdır.

PULSUZ Casino Pin Up-nin oynadığını hiss etdikdə, artıq maraqsızsınız, miqdar yaratmağın vaxtı gəldi. Fırıldaqçılar ümumən gəlirləri sxemin satışından əldə edirlər. Ən yüksək yolu oynamağın Aviator statistikalarınızı aramaq və rahat vahid məbləğ ayırmaqdır. Siz oyununda hər hansı başqa slotlarda olduğu kimi qalib gələ bilərsiniz.

Pin Up Casino Sahibi Kimdir?

Bununla belə, qaydaları və ya Pin-Up-un necə işlədiyini başa çəkilmək üçün görkəmli suallara daha yaxından görüş salın. Pin Up-a iç olmaq üçün üsullardan birini istifadə edərək qeydiyyatdan keçməlisiniz, düymə səhifənin yuxarı hissəsində yerləşir. Pin Up-da identifikasiya proseduru şəxsi məlumatların dəqiqləşdirilməsindən və telefon abunəçisinin təsdiqindən ibarətdir.

  • Oyunçular deyirlər ki, pul əlbəəl Pinup online hesaba iç olur, qumarbazların bu onlayn kazinodan pul çıxarmaqda əsla vahid problemi yoxdur.
  • Bundan sonra ərizə yaradılacaq, ona vahid dəqiqə ərzində baxılacaq və geri çəkilməyə icazə veriləcək.
  • Oyun ekranı bir neçə toxunuşla böyüdülə bilər və çarxlar və xətlər olan struktur displeydən kənara çıxmır.

Lazımi sayda mərc görmək görə oyunçuya əzəmətli miqdarda pula imkan gərək deyil. Provayderlərin sayı fasiləsiz genişlənir, bu da ən maraqlı oyunlarda öz şansınızı sınamağa imkan verir. Kazino oyunçulara cürbəcür əyləncələrə gecə-gündüz axin imkanı verir. Slotlara mərc etməkdən əlavə, siz idman bölməsindən istifadə edə bilərsiniz pin up. Pin Up 306 ilə bağlı hələ də şübhəniz varsa, o vaxt şübhələrinizi bir kənara ağuş və özünüz oynamağa çalışın.

Sen. Imee, nagduda kung tatanggapin ang role: ISKO, inaming malaking karangalan na gumanap bilang ‘Ninoy Aquino’

Posted on: February 22nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

BAGO pala nag-casting si Direk Darryl Yap ng “Maryr or Murderer,” ang sequel ng biggest blockbuster movie ng Viva Films in 2022, ang “Maid in Malacanang,” ipinaalam muna niya kay Senator Imee Marcos na gusto niyang i-cast si former Manila Mayor Isko Moreno bilang si Senator Beningo Aquino.  Nagdalawang-isip daw si Sen. Imee, dahil duda siya kung tatanggapin ito ni Mayor Isko, pero i-try daw ni Direk Darryl, na hindi naman nabigo dahil tinanggap nito ang offer.          

 

 

Kaya sa grand media conference ng “Martyr or Murderer,” sa Las Casas Filipinas de Acuzar, Quezon city, personal na tinanong ni Sen. Imee si Mayor Isko bakit nito tinanggap ang offer, dahil natuwa daw siya nang tanggapin nito ang role.

 

 

“Wala kasing ‘ampalaya’ may nanalo naman, si President Bong Bong Marcos, at ako ang natalo, kaya tinanggap ko ang offer.

 

 

“Isang malaking karangalan ko to play the role, he’s part of history, humbling experience for me na magampanan ang role niya.  Yes, I’m back!”

 

 

Gumanap namang young Ninoy sa movie si Jerome Ponce.

 

 

Ang “Martyr or Murderer” ay mapapanood simula sa March 1, 2023 nationwide, at may international screening simula sa March 9, 2023 sa Middle East, USA, Singapore, Japan, Hong Kong, Austria, Italy, Greece at Israel.

***

 

 

WALA palang comments si Bianca Umali, matapos niyang mapanood ang interview ng dating ka-loveteam na si Miguel Tanfelix, sa “Fast Talk with Boy Abunda,” tungkol sa naging relasyon nila noon.

 

 

Natuwa pa nga raw siya na nagsalita na rin si Miguel at totoo naman ang lahat ng sinabi nito sa interview.  Naging friends pa rin daw sila after, pero hindi na barkada dahil bihira naman silang magkita. Batian lang daw sila kapag nagkikita.

 

 

Pero thankful din siya kay Miguel dahil naging malaking bagay din sa kanyang career ang madalas na pagtatambal nila noon kaya nabuo ang BiGuel love team.

 

 

Open na rin ang relasyon nina Bianca at Ruru Madrid, na ngayon ay first time na magtatambal sa isang teleserye, ang “The Write One.” Malapit na rin namang mapanood si Miguel sa matagal nang hinihintay ng mga netizens, ang “Voltes V: Legacy” na pagsasamahan naman nila ng nali-link sa kanya na si Ysabel Ortega.

 

 

***

 

NASA last two weeks na ang GMA Afternoon drama series na “Unica Hija,” na labis na hinahangaan ng mga netizens ang mahuay na pagganap ng bida nitong si Kate Valdez.

 

 

Hindi kasi biro ang roles na ginagampanan ni Kate na nagsimula bilang unica hija ng mag-asawang Alfred Vargas at Katrina Halili, si Bianca.  Namatay si Bianca nang mahulog siya sa bangin, dahil dito ang scientist father niya ay iginawa siya ng clone, na pinangalanan ng nag-adopt sa kanya as Hope.

 

 

Pero hindi lamang pala si Hope and clone, may lumabas pang tatlo, na ginawa rin ng isa pang scientist, sina Charity, Fatima at Agape, na iba-iba ang ugali na lahat ginampanan din ni Kate.

 

 

Ang “Unica Hija” ay first team-up nina Kate at Kelvin Miranda.

(NORA V. CALDERON)

Paigtingin ang pagsisikap sa paglaban kontra kahirapan, ipromote ang kapayapaan, nat’l security

Posted on: February 22nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga ahensiya ng pamahalaan na tulungan siyang maihatid ang kanyang pangako sa mga mamamayang Filipino na iangat ang “kondisyon ng ekonomiya, isulong ang kapayapaan  at palakasin ang  national security.”

 

 

Sa kanyang mensahe sa isinagawang oath-taking ceremony  ng mga opisyal ng National Amnesty Commission (NAM), National Anti-Poverty Commission (NAPC), Marawi Compensation Board (MCB), Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity (OPAPRU) sa Palasyo ng Malakanyang, sinabi ng Pangulo na sa kabila ng maraming bilang ng mga Filipino ang hindi pamilyar sa mga nasabing ahensiya, ang mahalaga aniya ay ang trabaho ng mga ito.

 

 

“We know how important your work is. And that is why it is very, very important that you understand that we must work together because we are here willing, and we are here to support all the advocacies that your agencies represent. And that is our end of this bargain,” ang sinabi ng Pangulo sa mga opisyal.

 

 

“And of course, we are very confident in the performance that you will show after now that we have made official your positions in the different agencies. So I look forward to hearing from you as you get to settle into your jobs,” dagdag na wika ng Pangulo.

 

 

Hinikayat din ng Chief Executive ang mga newly sworn-in officials na pag-aralang mabuti ang kanilang organisasyon at alamin kung ano pa ang dapat gawin upang magawang tumulong at makialam ng pamahalaan para sa kapakinabangan ng mga mamamayan.

 

 

“Palagi kong sinasabi na marami tayong pinaplano na maganda para sa ekonomiya ng Pilipinas,” ayon sa Pangulo.

 

 

“Ngunit kung hindi – sabihin na natin gumanda nang husto ang ekonomiya ng Pilipinas, hindi naman bumababa at hindi naman nararamdaman ng taong-bayan eh sayang lang ang ating naging trabaho. Iilan lang ang yumayaman,” aniya pa rin.

 

 

“NAPC’s mandate can come into play,” ayon pa rin sa Punong Ehekutibo, tumutulong ang ahensiya sa pamamahagi ng wealth equitably,  habang ang OPAPRU, sa kabilang dako ay para naman sa  peace process.

 

 

Sa kaso ng Marawi City, sinabi ng Pangulo na mayroong talakayan ukol sa kung paano sisimulan ang rehabilitasyon at paano pauuwiin sa kani-kanilang tahanan ang mga residente roon.

 

 

“As we can all realize it is not a very quick process, hindi naman puwedeng imadali. Ngunit kailangan talaga nating simulan at maraming nag-aantay na hindi pa nakakauwi,” ani Pangulong Marcos.

 

 

“Panahon na siguro, na pagkakataon na gawin natin ang lahat may makita man lang na pagbabago, may progress, para naman ay may maaasahan ang mga residents ng Marawi,” lahad ng Pangulo. (Daris Jose)

Ads February 22, 2023

Posted on: February 22nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MICHAEL B. JORDAN STARS & MAKES HIS DIRECTORIAL DEBUT IN “CREED III”

Posted on: February 22nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

IN Warner Bros. Pictures’ action-packed boxing movie “Creed III,” Adonis Creed is brought to life for the third time by star Michael B. Jordan, who stepped behind the camera to direct and produce the film.

 

 

Watch the film’s “A Look Inside” featurette at https://youtu.be/TocnJkJtTwU 

 

 

Watch the film’s “Extended Big Game Spot” at https://youtu.be/7hTPZtcQLnY 

 

 

He states, “I had a clear vision of what I wanted the story to be, where I wanted the Creed family to go. The challenge of directing helped motivate me—I wanted to see if I had what it takes to act in and direct something that had been kicking around in my head for a long time. ‘Creed III’ is very personal to me and, thankfully, all those things added up to the perfect situation for this movie.”

 

 

In the film, after dominating the boxing world, Adonis Creed (Michael B. Jordan) has been thriving in both his career and family life. When a childhood friend and former boxing prodigy, Damian (Jonathan Majors), resurfaces after serving a long sentence in prison, he is eager to prove that he deserves his shot in the ring. The face-off between former friends is more than just a fight. To settle the score, Adonis must put his future on the line to battle Damian – a fighter who has nothing to lose.

 

 

“This is an origin story, a sequel, and a trilogy all in one,” says Jordan. “We’ve seen Adonis at a young age in the earlier films, but we never had the chance to really see how he was in and out of juvie, what really shaped him to be the Adonis Creed that we know, before he was adopted and brought into a life of wealth, opportunity and legacy. I felt it would result in a kind of identity crisis for him.”

 

 

Jordan feels a kinship with the character of Adonis. Before Jordan ascended to global superstar with his performance in Ryan Coogler’s “Black Panther,” it was the director’s 2015 “Creed” that introduced Jordan to the power of not just admiring, but being part of, a cinematic legacy.

 

 

“I grew up along with Adonis Creed,” says Jordan. “I created him with Ryan and got a chance to play him at pivotal times during my own personal life. So now, in the third film in the series, to be able to tell the story of where I am now, and where Adonis is on his journey, feels extremely personal.

 

 

“I was excited to see Adonis through to wherever he needed to go next,” Jordan adds. “How does he stay hungry? How does he find motivation now? The answer was, through a reminder about who he was before fame, and before he got everything that he dreamed of. As an actor and a director, that’s what I was most interested in exploring.”

 

 

Metro Goldwyn Mayer Pictures Presents A Chartoff-Winkler Production, “Creed III” is  distributed internationally by Warner Bros. Pictures including the Philippines.

 

 

Join the conversation online and use the hashtag #Creed3

 (ROHN ROMULO)

Ikinonek sa mga Pinoy, para maraming maka-relate: VINCE, nag-sorry sa pamilya Aquino dahil ‘di biopic ang ‘Ako Si Ninoy’

Posted on: February 22nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments
NATUTUNGHAYAN na ngayon (Feb. 22) sa mga sinehan ang ‘Ako Si Ninoy’ ng Philstagers Films, ang second musical film na sinulat at dinirek Vince Tañada pagkatapos ng ‘Katips’.
Ang ‘Ako si Ninoy’ ay unang naging matagumpay na stage musical play bago ito isinalin sa pelikula at in-adjust para sa bagong henerasyon
Hindi lang tungkol sa yumaong martir na senador ang pelikulang nakaka-engganyong panoorin dahil hitik din sa production numbers at marami ring mapupulot na aral.
Tungkol din ito sa bawat Pilipino na patuloy ang pakikibaka upang mabuhay sa sarili at labas ng bansa.
Labing-isang pinagtagni-tagni ang kapalaran na inuugnay sa pinagdaanang buhay ni Ninoy simula pagsilang hanggang sa malagim na kamatayan, na napakahusay na nagampanan ni Juan Karlos Labajo, at di naman nagpahuli si Sarah Holmes bilang Pres. Cory Aquino.
Kasama sa pelikula sina Cassy Legaspi, Joaquin Domagoso, Johnrey Rivas bilang Noli, Vean Olmedo, Nicole Laurel Asensio, JM Yosures, Marlo Mortel, Bodjie Pascua, Adelle Ibarrientos-Lim at Jomar Bautista na pawang mapansin-pansin sa kani-kanilang role.
Masusubaybayan sa ‘Ako Si Ninoy’ ang kuwento ng overseas Filipino worker (OFW) na si Noli, isang maybahay na si Ivy, isang guro na si Miss Nuñez, isang mamamahayag na si Oscar, isang teen star na si Yosef, isang lider ng manggagawa na si Andeng, isang aktibista na si Quentin, isang estudyante na si Ingrid,  isang doktor na Dr. Ungria, isang war veteran na si Nanding, at isang batang bayani na si Osbourne.
At dahil sa pagko-connect ni Direk Tañada sa kuwento ni Ninoy sa karaniwang Pinoy, marami talaga ang makaka-relate.
Nagustuhan din namin ang pagkakapasok sa matinding eksena ang film version ng ‘Buwan’ ni JK. Mapapansin din ang muling pagsasadula kay Rebecca Quijano, ang Crying Lady, na sumigaw at umiyak nang barilin si Ninoy pagbaba ng eroplano na kanilang nasaksihan.
Naipasok din ni Direk Vince ang nangyari sa kanya noong bata pa na kung saan nawala at kalaunan at natagpuan din ng kanyang ama habang nasa funeral procession ni Sen. Ninoy, na noong una at hindi niya alam ang relevance nito.
Pero ngayon ay alam na niya ang sagot dahil sa ‘Ako Si Ninoy’, at nag-sorry siya sa pamilya sa ginawa niya, nangloko raw siya dahil hindi ito biopic ni Ninoy, dahiĺ ayaw niyang magalit sa kanya sina Cory, tungkol din ito sa buong nasyon.
Pahayag pa ni Vince, “at sa pamamagitan ng pelikulang ito, sana masabi pa rin natin na, ‘the Filipino is worth living for, the Filipino is worth fighting for, and ultimately the Filipino is worth dying for’…”
(ROHN ROMULO)

PAGHAHAIN NG COC SA BSKE SA HULYO

Posted on: February 22nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MAPAPAAGA ang paghahain ng filing of candidacy para sa Barangay at Sanggunian Kabataan election (BSKE).

 

 

Sinabi ni Comelec chairman George Garcia na posibleng isasagawa sa buwan ng Hulyo  ang maagang paghahain ng COC  para malutas ang mga kaso ng disqualification .

 

 

Itinakda ang BSKE sa Oktubre 2023.

 

 

Ayon kay Garcia, inatasan nila ang lahat election officers na tanggapin ang COC ng SK candidates na mahigit nang 24 taong gulang na base sa kanilang records.

 

 

“Therefore, the filing of candidacy  is no longer a ministria on the part of the Comelec as far as SK is concerned. “ pahayag ni Garcia sa Senate committee on electoral reforms and people’s participation hearing.

 

 

Awtomatiko aniyang hindi tatanggapin ang kandidatura kapag hindi registered voters  base na rin sa record on file ng Comelec.

 

 

Sa nakaraang SK elections  noong 2018, humawak ang poll body ng 4,000 disqualification cases na may kaugnayan sa overaged SK aspirants. GENE ADSUARA

Pinoy na nagsisimba linggo-linggo 38% lang — SWS survey

Posted on: February 22nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

BAGAMA’T  70% ng mga Katolikong Pilipino ang nagdarasal ng hindi bababa sa isang beses sa isang araw, kakarampot lang ang dumadalo sa pagsamba linggo-linggo, ayon sa panibagong survey na inilabas ng Social Weather Stations (SWS).

 

 

‘Yan ang resulta ng poll ng SWS na ikinasa mula ika-10 hanggang ika-14 ng Disyembre 2022 na siyang inilabas nitong Lunes. Sinasabing 79% sa mga nakapanayam ay mga Katoliko.

 

 

“38% attend religious services once a week/more than once a week,” banggit ng survey firm sa isang pahayag kahapon.

 

 

Narito ang datos kung titilad-tilarin:

 

isa o higit pa kada linggo: 38%

dalawa o higit pa kada buwan: 24%

isang beses kada buwan: 20%

dalawa hanggang 11 beses kada taon: 9%

isang beses kada taon: 7%

hindi talaga: 3%

 

 

Kabaliktaran ito kapag tinignan naman ang bilang ng mga Pinoy pagdating sa kanilang pananalangin.

 

 

“[Seven] out of 10 Filipino Catholics pray at least once daily,” wika pa ng SWS.

 

 

“10% several times a week, 6% every week, 4% [two to three] times a week, 4% about once a month, 2% nearly every week, 1% several times a year, 1% about [one to two] a year, 1% less than once a year, and 1% never.”

 

 

Sa kabila nito, 93% sa mga nakapanayam ay nagtungo sa kani-kanilang bahay sambahan sa nakalipas na tatlong buwan. Labas diyan, ito ang mga datos:

 

nanonood ng religious services online: 3%

sumamba nang personal at online/TV: 2%

hindi talaga pumupunta: 1%

 

 

Ginawa ang survey sa pamamagitan ng harapang panayam sa 1,200 Pilipinong nasa wastong gulang sa buong bansa at sinasabing merong “sampling error margin” na ±2.8%.

 

 

“SWS employs its own staff for questionnaire design, sampling, fieldwork, data processing, and analysis and dos not outsource any of its survey operations,” dagdag pa nila.

 

 

“The report was prepared by Fernel Ted Paguinto.”

 

 

Kilalang karamihan sa mga Pilipino ay Katoliko at kinikilala bilang pinakamalaking konsentrasyon ng mga Kristiyano sa buong Asya.

 

 

Maliban sa mga Katoliko, sunod na marami ang mga nagpra-practice ng Islam maliban pa sa iba’t ibang sekta ng Kristiyanismo.

P28 bilyon gagastusin sa national election, plebisito sa Cha-cha

Posted on: February 22nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

AABOT sa P28 bilyon ang gagastahin ng pamahalaan kung isasagawa ng magkahiwalay ang pambansang halalan at plebisito sa Charter change (Cha-cha).

 

 

Sinabi ni NEDA Undersecretary for Legislative Affairs Krystal Lyn Tan Uy sa pagharap nito  sa pagdinig ng House Committee on Constitutional Amendments and Revision of Laws kaugnay sa panukalang amyendahan ang 1987 Constitution, sa nasabing halaga ay hindi pa kabilang ang Barangay election na nakatakda naman sa Oktubre 2023.

 

 

“If it’s  going to be held as a separate national election and national plebiscite, the total cost would be P28 billion,“ ayon kay Uy.

 

 

Sinabi ni Uy na kung isasabay ang plebisito sa susunod na Barangay o national election, ang gastusin ay aabot lamang sa P231-M.

 

 

Sa ilalim ng Saligang Batas, ang Kongreso ay maaring magpatawag ng Constitutional convention (Con-con) sa pamamagitan ng 2/3 votes ng mga kongresista. Habang ang Constituent Assembly (Con-ass) ay mangangailangan ng 3/4 votes.

 

 

Aniya, ang gastusin ay mababawasan pero mas kontrobersiyal ito dahil nababahala ang mga kritiko na kung aamyendahan ang Saligang Batas ay baka mauwi ito sa pagpapalawig umano ng termino ng mga halal na opisyal sa gobyerno.

 

 

“If the cost is for a separate national plebiscite of a constituent assembly, the estimated cost is P13.8 billion”, ani Uy pero kung ang Con-ass ay gaganapin kasabay ng susunod na Barangay election o nasyonal na halalan, nasa P30-M ang magagastos ng gobyerno.

 

 

Sa botong 16-3 ay ganap na naaprubahan ang Committee report ng House Resolution on Both Houses (RBH) na nanawagan ng Con-con. (Daris Jose)

DOJ ibinaba ang piyansa ng mahihirap na preso para ‘patas,’ ‘batay sa kakayahan’

Posted on: February 22nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

IPINAG-UTOS ng Department of Justice sa mga piskal na ibaba ang piyansang inirerekomenda para sa pansamantalang kalayaan sa mga mahihirap na isinasakdal sa kasong kriminal upang lalong mapaluwag ang mga kulungan.

 

 

Ito ang nasasaad sa Department Circular 11 ng Kagawaran ng Katarungan na siyang nilagdaan ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla. Aniya, alinsunod ito sa Republic Act 10389 o Recognizance Act of 2012.

 

 

“[In] the interest of social justice and to afford justice for all, and in line with existing laws, all prosecutors in the Department shall henceforth consider the financial capacity of the accused when recommending the amount of bail in criminal informations for filing in court,” ayon sa circular.

 

 

“At the start of the inquest or preliminary investigation proceeding, the investigating prosecutor shall inquire from respondent where or not he or she claims indigency.”

 

 

Kinikilala ng RA 10389 ang karapatan ng isang tao na mabigyan ng recognizance, o paglabas sa pagkakapiit, kung wala siyang kapasidad makapaghain ng piyansa dahil sa sobra-sobrang kahirapan maliban kung reclusion perpetua o life imprisonment ang parusa sa reklamo.

 

 

Ayon sa Bureau of Corrections at Bureau of Jail Management and Penology, seryoso na rin kasi ang problema ng pagsisiksikan sa mga kulungan at detention facilities sa ngayon.

 

 

Dati nang iniutos ng Korte Suprema sa Administrative Circular 38-2020 ang pagpapataw ng mas mababang halaga ng piyansa para sa mahihirap na persons deprived of liberty habang gumugulong pa ang kanilang kaso.

 

 

Sa Article 3 ng 2021 Revised Public Attorney’s Office OPerations Manual (PAO Manual), maaaring umapela ng mas mababang halaga ng piyansa kung ang itatakda ng hukom ay labas na sa pinansyal na kakayahan ng akusadong suspek.

 

 

“These guidelines shall apply to all cases undergoing inquest or preliminary investigation proceedings,” sabi ng DOJ.

 

 

Oras na ianunsyo ng akusadong siya’y indigent at walang ebidensyang paulit-ulit siyang inirereklamo, maaari siyang magsumite ng mga sumusunod:

 

 

huling income tax return, pay slip o patunay ng sahod/kita

 

 

certificate of indigency mula sa Department of Social Welfare and Development

 

 

Certificate of Indigency/no income mula sa Office of the Punong Barangay/Barangay chairperson na sumasakop sa kanya

 

 

Matapos ang inquest o preliminary investigation proceedings at ma-determine ng piskal na ituloy ang kaso sa korte, dapat niyang banggitin sa criminal information na 50% lang ng inirerekomendang piyansa o P10,000 (kung ano ang mas mababa) ang ilalagay katabi ng recommended bail.

 

 

“[M]akakatulong ito sa ating mga kababayan na kadalasang naaapi sa dating systema. Ngayon, binibigyan natin ng importansya sa batas ang mga karaniwang tao,” wika ni Remulla sa isang hiwalay na pahayag.

 

 

“Hindi dapat ginagamit ang systema ng hustisya para guluhin ang buhay ng trao. Doon tayo sa tama, doon tayo sa karapat-dapat lamang.”

 

 

Nauna nang itaas ni Remulla ang “threshold” ng pagsasampa ng kaso sa korte. Sa isang circular, sinabi ni Remulla na dapat iatras ng mga piskal ang kaso kung walang “reasonable certainty of conviction,” ito mula sa naunang threshold na “probable cause.”

 

 

Sa pamamagitan ng dalawang circular na ito, sinabi ng DOJ chief na inaasahan nilang “quality criminal cases” lang ang maisasampa, na siya ring magdedecongest sa court dockets.

 

 

Inaasahan ngayon gn DOJ na mabibigyan ng pansamantalang kalayaan sa pamamagitan ng piyansa ang maraming PDLs. (Daris Jose)