Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
NAKUMPISKA ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC), sa pamamagitan ng Customs Intelligence and Investigation Service-Intellectual Property Rights Division (CIIS-IPRD), ang iba’t ibang counterfeit goods na tinatayang nagkakahalaga ng P1.5 bilyon, sa isinagawang operasyon sa Pasay City kamakailan.
Armado ng Letters of Authority (LOA) na inisyu ni BOC Commissioner Bienvenido Rubio, ininspeksiyon ng implementing team ang storage facility sa Building 127 FB Harisson St., corner J Fernando St. sa Pasay City, sa tulong ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG). Tinukoy rin naman ni Commissioner Rubio ang kahalagahan ng koordinasyon ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, gayundin ang pagsusumikap ng mga opisyal ng Customs upang matiyak ang tagumpay ng bawat operasyon.
Sa kanyang panig, nangako naman si Intelligence Group Deputy Commissioner Juvymax Uy na paiigtingin ang crackdown laban sa smuggling at counterfeit items.
Nabatid na humihingi ang LOA team ng proof of payment para sa taxes at duties na binayaran para sa lahat ng imported goods at proof of authenticity para sa branded goods.
Sa inisyal na ulat, may tinatayang 70 units ng gusali ang nirerentahan at ginagamit bilang storage spaces.
Nagsasagawa na rin anila ang mga otoridad ng imbentaryo sa mga items na nadiskubre, kabilang ang mga counterfeit goods na may tatak ng mga brands na Gucci, Louis Vuitton, Nike, Adidas, Supreme, Tory Burch, Skechers, at Birkenstock, at iba pa.
Patuloy na pinamumunuan ni Commissioner Rubio ang BOC sa mahigpit na implementasyon ng Customs laws upang protektahan ang mga local consumers mula sa panganib ng smuggled goods habang tinitiyak ang pagkakaroon ng episyenteng revenue collection para sa national government. (Daris Jose)
PINAHIHIGPITAN ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr. ang bentahan ng mga police uniforms kasunod ng pamamaslang kay Aparri, Cagayan Vice Mayor Rommel Alameda at sa limang escorts nito ng anim na kalalakihan na nakasuot ng PNP uniform, nitong Linggo.
Ayon kay Azurin, bukod sa rehistrado ang mga outlet ng police uniforms, mas makabubuti na hingan din ng identification card ang mga mismong bibili at ire-record.
Inatasan na ni Azurin ang kanyang mga regional directors na alamin ang mga accredited contractor at authorized outlet ng mga uniform sa kanilang mga nasasakupan upang mamonitor ang mga bumibili ng uniporme ng mga pulis.
Maging ang mga nagbebenta ng police uniforms sa online ay binabantayan na rin ng anti-cyber crime division ng PNP.
Bukod kay Alameda, patay din sina Alexander Agustin Delos Angeles, Alvin Dela Cruz Abel, Abraham Dela Cruz Ramos, John Duane Banag Almeda, at Ismael Nanay.
Natagpuan namang sunog sa Brgy. Uddiawan, Solana ang Mistubishi Adventure na gamit ng mga suspek sa checkpoint sa Bagabag, Nueva Vizcaya nang maganap ang ambush.
Sa beripikasyon sa Land Transportation Office, ang red plate na SFN 713 na nakalagay sa Mitsubishi Adventure nang mangyari ang krimen ay pinaniniwalaang ninakaw dahil nakarehistro ang nasabing plaka sa Nueva Vizcaya State University.
Naniniwala si Azurin na nagsuot lamang ng police uniforms ang mga suspek upang magmistulang legal ang checkpoint at lituhin ang imbestigasyon.
Gayunman, inutos pa rin ni Azurin ang malalimang pagsisiyasat sa krimen. (Daris Jose)
INILUNSAD ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pamumuno ni Mayor WES Gatchalian ang online DotBot, isang innovation project na isinilang mula sa cooperative partnership ng Pilipinas at New Zealand sa ilalim ng GovTech Acceleration Program ng Creative HQ, New Zealand.
Ang DotBot na ipinakita sa Philippines – New Zealand Government Innovation Exchange Showcase na ginanap sa Multi-purpose Center ng ALERT Center sa Barangay Malinta, noong Setyembre 13, 2022 ay isang user-friendly chatbot sa ilalim ng Facebook Messenger application na maaaring magamit sa pag-aaplay para sa iba’t ibang social welfare services tulad ng Medical Assistance, Burial Assistance, Transportation Assistance, Social Case Study, at CSWD Certificate of Indigency bago ang personal na pagpunta sa opisina ng CSWD para sa pagsusumite.
Layunin ng Dotbot na tulungan ang CSWDO na bumuo ng isang centralized database na maglalaman ng lahat ng impormasyon ng mga kliyente na hihingi at makikinabang sa social service assistance mula sa local government.
“Isa po sa suliranin natin dito sa city hall ay ang mahabang mga pila, kaya naman po pinapakilala ko sa inyo si DotBot, ang bagong state-of-the-art project natin sa CSWD Office para maging paperless na ang CSWD Office at mabawasan ang pila dito sa munisipyo.” ani Mayor WES.
“Inaanyayahan ko po kayong gamitin ang makabagong teknolohiya para mas maging epektibo at mabilis pa ang serbisyo ng pamahaalaang lokal.” dagdag niya.
“Natutuwa ako na isa sa mga proyektong naiwan ko ay mai-lalaunch na ngayon, ang pag-automate at pag-digital ng serbisyo ng pagtulong sa ating mga mamamayan. Ang mga tanong ninyo ay hindi na kailangan pang sadyain sa city hall, maitatanong ninyo na ito online para pagpunta ninyo ng city hall ay diretso processing na ng ayuda. Ang layunin natin ay gawing mabilis at abot-kamay ang pagtulong sa mga Valenzuelano.” pahayag naman ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary REX Gatchalian.
Para ma-access ang DotBot, i-search ang DotBot-Valenzuela sa Facebook o Messenger application o i-scan ang QR code na naka-post sa iba’t ibang promotional materials ng Pamahalaang Lungsod. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)
COLUMBIA Pictures has just confirmed that 65, the epic action thriller from the writers of A Quiet Place and producer Sam Raimi, will open in cinemas across the Philippines on March 8.
Starring Academy Award-nominee Adam Driver (Marriage Story, Star Wars: The Force Awakens), 65 has also unveiled a brand new spot which may be viewed below.
YouTube: https://youtu.be/_daxPsNkIoQ
About 65
After a catastrophic crash on an unknown planet, pilot Mills (Adam Driver) quickly discovers he’s actually stranded on Earth…65 million years ago. Now, with only one chance at rescue, Mills and the only other survivor, Koa (Ariana Greenblatt), must make their way across an unknown terrain riddled with dangerous prehistoric creatures in an epic fight to survive.
From the writers of A Quiet Place and producer Sam Raimi comes 65, a sci-fi thriller starring Adam Driver, Ariana Greenblatt, and Chloe Coleman. Written and directed by Scott Beck & Bryan Woods and produced by Sam Raimi, Deborah Liebling and Zainab Azizi. Also produced by Scott Beck and Bryan Woods.
65 is distributed in the Philippines by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International.
Connect with the hashtag #65Movie
(ROHN ROMULO)
NAGBIGAY ng patikim ang limang actors ng stage play na “DickTalk” nang mag-perform ito sa Dengcar Theater ng Mowelfund with some media and show buyers, pero opening pa lang, pasabog na agad ang lima.
Although, dahil sobrang lapit ng stage sa audience, si Gold Aceron pa lang ang totoong nagpatikim ng pasabog.
Aba, naghubad itong talaga habang nagma-masturbate. Inaming plaster lang daw talaga ang ipinangtakip sa kanyang dick.
So far, 10 days ang siguradong run nito sa RCBC Theater simula April 15 hanggang April 23 kaya ngayon pa lang, bumili na ng ticket para hindi ma-miss ang matapang na play na ito na ang pag-uusapan ay ang isang taboo sa karamihan na banggitin man lang na parte ng katawan ng lalaki.
Pero ang pasabog, mukhang hindi lang si Gold ang gagawa nito sa mismong play. Mukhang lahat naman sila ay game!
Sabi nga ni Jake Cuenca na alam naman ng lahat na game at all-out din basta tawag ng “arts,” kung magpu-full monty rin ba, “I have the freedom to do it if I want to, so tingnan natin. Tingnan natin kung ano ang maramdaman natin on that day.”
Sabi rin niya, “Siyempre, for me lang, the main reason that I went back to theater is for the acting. I want to showcase na iba ko sa teatro, iba ko sa pelikula at iba ko sa TV. That’s my main purpose for being here.”
Bukod kina Jake at Gold, pasabog din si Mikoy Morales na marami ang nagkagusto sa performance nito. Gayundin ang transman na si Nil Nodalo at ang veteran character actor na si Archie Adamos.
Ang ‘DickTalk’ ay produced ng V-Roll Media Ventures ni Direk Eboy Vinarao at sa direksiyon ni Phil Noble.
***
ANO nga ba nangyari sa Instagram account ni Liza Soberano? Na-hack nga ba?
Hanggang ngayon kasi, dedma o tahimik pa rin ito at hindi nagbibigay ng kahit anong statement.
Isang malaking palaisipan ngayon, lalo na sa 17.6 million followers ni Liza Soberano kung ano ang nangyari sa kanyang Instagram account.
Na-hack ba ito o sadyang dinilete niya lahat ng mga Instagram post niya, ini-unfollow lahat ng following niya at pati profile photo niya ay wala na rin. Ang bukod tanging makikita sa kanyang IG na @lizasoberano ay ang 17.6 million followers niya.
Siyempre, worried, lalo na ang mga fan ni Liza. Kasalukuyang nasa U.S. si Liza at as of this writing, wala pa itong any statement sa kung ano talaga ang nangyari sa kanyang IG na hindi biro ang dami ng following.
May mabilis agad ang kaisipan na iniisip kung may pinagdadaanan daw kaya ang actress?
Sa Twitter, marami ang nagtatanong kung ano nga ang nangyari. Pero may isa kaming nabasang tweet na Twitter account ng isang fan niya at sinasabi na na-hack nga raw.
Tweet nito, “apparently, miss Liza Soberano’s Instagram account was hacked. i hope the team is working and they can recover it : (( whoever did this, you deserve to rot miserably. and i meant no jail, but hell.”
***
BINA-BASH ng husto si JK Labajo dahil sa pagiging honest niya nang tanungin siya kung papaya siyang mai-direk ni Darryl Yap. Kung ang social media ay actual, as in, nakuyog na ang bida ng pelikulang “Ako Si Ninoy.”
Although, sa interview pa lang, may ideya na kaming mababash ito dahil sa naging sagot niya na, “Definitely, I don’t want to be directed by Darryl Yap.”
Kung ano-ano na ang binato sa kanya. Nandiyang sino raw siya? Kilala ba siya? Flop, mayabang at marami pang-iba.
Given na ngayon sa Pilipinas, kahit tapos na ang election, nahahati pa rin sa dalawang grupo ang mga Pinoy. At basta hindi pabor sa director, ekis o attack na talaga ang mangyayari.
Hindi ba pwedeng nagpapaka-totoo lang si JK? Gano’n naman, may choice ang director na mamili ng artista niya. May choice rin naman ang artista kung gusto o ayaw niya ang director.
Sa isang banda, showing na ngayon ang “Ako Si Ninoy’ na sinulat at dinirek ni Vince Tañada na sana nga, suportahan ng karamihan dahil kung may maganda man sa musical movie na ito, wala itong sinisiraan, wala itong inaaway at sa tingin namin, walang disinformation.
(ROSE GARCIA)
TINATAYANG umabot na sa 34 milyong SIM sa buong bansa ang nakarehistro na ngayon sa kani-kanilang public telecommunications entities (PTEs).
Ayon kay Department of Information and Communications Technology (DICT), Undersecretary Anna Mae Yu Lamentillo, may kabuuang 34,483,563 SIM na ang nakarehistro “as of February 19”, sinasabing 20% lamang ito ng 168,977,773 SIM sa buong bansa.
Kabilang na rito ang 17.7 milyong subscribers ng Smart Communications Inc.; Globe Telecom Inc. na may 14.172 milyon, at DITO Telecommunity Corp. na may 2.61 milyon.
“Patuloy ang paghihikayat natin sa lahat ng gumagamit ng SIM at eSIM na magparehistro na po kayo. Wala pong exempted sa SIM Registration Law,” ayon kay Lamentillo sa Laging Handa public briefing.
“Pagkatapos ng implementation period at hindi nairegister ang inyong SIM card, hindi ninyo na po magagamit ang inyong SIM,” dagdag na wika nito.
Nauna rito, sinabi ni Lamentillo na plano ng DICT na palakasin ang pagsisikap nito na hikayatin ang mas marami pang users na iparehistro na ang kanilang SIM cards, kasunod ng mabagal na pagkakatala sa implementasyon ng “prescribed registration period.”
“Ang aming information campaign ay walang tigil at ngayon ay nasa grassroots na,” ani Lamentillo.
Sa ilalim ng SIM Card Registration Act, obligado ang publiko na may cellphone at gumagamit ng sim cards na magparehistro.
Sinumang hindi magrerehistro sa itinakdang panahon ay otomatikong madi-deactivate ang sim card.
Samantala, mayroon lamang 180 days o hanggang Abril 26, 2023 ang mga subscribers para makapagparehistro ng kanilang pre-paid at post-paid sim card upang hindi ito ma-deactivate sa susunod na taon.
Naging epektibo naman ang implementing rules and regulations ng SIM Card Registration Act noong Disyembre 27, matapos na tintahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nasabing batas noong Oktubre ng nakaraang taon. (Daris Jose)
PATULOY ang ginagawang pagpupunan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga bakanteng posisyon sa gobyerno.
Sa katunayan, itinalaga nito si Isidro Purisima bilang acting Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (PAPRU).
Magiging acting head siya ng OPAPRU o Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity, dating Office of the Presidential Adviser on the Peace Process.
Papalitan ni Purisima si Carlito Galvez Jr., na kamakailan lamang ay itinalaga bilang Kalihim ng Department of National Defense.
Bago pa ang kanyang naging appointment, si Purisima ay naging presidential assistant for Local Conflict Transformation and Peace Sustainability ng OPAPRU.
Samantala, ang iba pang appointees ay sina Wilben Mayor bilang Presidential Assistant 1 para sa OPAPRU; Valerie Joy Brion bilang Executive Director 5 para sa Commission on Filipinos Overseas; Gabriel Lagamayo bilang Acting Administrator at miyembro ng Dairy Industry Board, National Dairy Authority; Domingo Bartolome Gonzaga bilang Director II ng National Meat Inspection Service; Julieta Opulencia bilang Deputy Executive Director 3 ng Philippine Council for Agriculture and Fisheries at Senando Santiago bilang Acting GM at CEO at miyembro ng board of directors ng Laguna Lake Development Authority.
Itinalaga rin sina Virginia Oroco bilng Acting member representing agrarian reform beneficiaries ng board of directors ng Landbank of the Philippines; Emerico De Guzman bilang miyembro, kumakatawan sa employer sector ng National Tripartite Industrial Peace Council at Flora Bonales bilang Director 4 ng Department of Trade and Industry (DTI). (Daris Jose)
MAHIGIT sa 34 milyong SIM cards sa buong bansa ang rehistrado na sa kani-kanilang public telecommunications entities (PTEs).
Ayon kay Department of Information and Communications Technology (DICT) Undersecretary Anna Mae Lamentillo, hanggang nitong Pebrero 19, kabuuang 34,483,563 SIMs na ang nairehistro sa ilalim ng SIM Card Registration Act.
Ito aniya ay 20% ng kabuuang 168,977,773 SIMs sa buong bansa.
Sa naturang bilang, 17.7 milyon ang subscribers ng Smart; 14.172 milyon sa Globe at 2.61 milyon ang DITO telecom.
Muli namang nanawagan si Lamentillo sa publiko na magparehistro na upang hindi ma-deactivate ang kanilang ginagamit na SIM cards.
“Pagkatapos ng implementation period at hindi nai-register ang inyong SIM card, hindi ninyo na po magagamit ang inyong SIM,” aniya.
Ang pagrerehistro ng SIM cards ay sinimulan noong Disyembre 27, 2022.
Mayroon lamang 180 araw ang mga users o hanggang Abril 26, 2023 para magrehistro.
“Actually, nagulat lang din po ako, nakita ko lang po siya sa media, pero thankful po ako sa response na nakuha ko from the citizens, yung mga casual viewers, na madami namang positive na mga sinasabing bagay ako, meron namang mga hindi, pero ‘yun nga, thankful po ako sa mga positive reviews na nakuha ko, thank you po, dahil dream role ko din po yun ever since.
“Isa yun sa mga rason kung bakit ko ginustong maging artista, isa din yun sa mga first audition ko yata, I think iyon yung second na naging audition ko,” pahayag ni Andrea na nakausap naming sa Franchise Ball ng Tapawarma kung saan si Andrea at vlogger Jay Emil Lasian o mas kilalang Team Katagumpay sa mga celebrity endorsers.
Ang “Dyesebel’ ang naging audition piece niya noong nagsisimula pa lamang siyang mag-artista.
“Yes, iyon yung second ever ko yata, if not the first, second audition ko po.”
Pero wala pa raw pormal na pag-uusap sa pagitan ng kampo ni Andrea at ng ABS-CBN management tungkol sa pagbibida niya sa bagong Dyesebel project.
“Wala pa po.”
***
DAHIL usung-uso, tinanong namin si Allen Dizon kung sa palagay niya ay okay lamang na naghahalo o nagtatagpo ang mundo ng showbiz at pulitika?
Lalo pa sa panahon ngayon na may mga pelikulang politikal at tumatalakay sa kasaysayan ang ipinalalabas, tulad ng pelikula kung saan kasama si Allen, ang ‘Oras De Peligro’, at normal na kaganapan na, na ang isang artista ay pumupuwesto bilang public servant.
“Siguro part, part siguro ng showbiz na iyan kasi public figure ka and public property yung showbiz so siguro part din pero hindi kasi ako pampulitika e, kumbaga dun lang ako sa too, dun lang ako sa totoo lagi.
“Karamihan naman sa showbiz ang fallback nila, sa pulitika, siguro part talaga, part talaga ng showbiz and politics.”
Pabor rin si Allen na naisasalin sa pelikula, tulad nga ng ‘Oras De Peligro’, ang mga tunay na nagyari sa ating kasaysayan.
“Oo para sa akin, para maging aware lahat ng mga Pilipino, yung mga hindi nakaranas ng dekada 70, about Martial Law, about People Power, di ba? Wala sila dun e, kaya talagang kailangang isapelikula para maraming makaalam, para yung mga kabataan maging aware sila sa mga nangyayari.”
Mapapanood si Allen sa pelikulang ‘Oras De Peligro’ kung saan gumaganap siya dito bilang si Dario na asawa ni Cherry Pie Picache bilang si Beatrice at anak nila si Sparkle male star na si Dave Bornea bilang si Jimmy.
Bukod kina Dave, Allen at Cherry Pie ay nasa cast rin ng Oras De Peligro sina Therese Malvar, Allan Paule, Mae Paner, Timothy Castillo, Alvi Siongco, Jim Pebanco, Nanding Josef, Apollo Abraham, Marcus Madrigal, Rico Barrera, Elora Espano at Gerald Santos.
Sa direksyon ni Joel Lamangan at mula sa Bagong Siklab Productions ni Atty. Howard Calleja at sa panulat nina Bonifacio Ilagan at Eric Ramos, ipapalabas ang pelikula sa mga sinehan sa March 1.
Nasa pelikula rin ang anak na dalaga ni Allen na si Crysten Dizon at pangalawang taon na nilang magkasama sa isang proyekto.
(ROMMEL L. GONZALES)