• November 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 7th, 2023

‘Kalap’ program, makatutulong para makaya ng mga magsasaka at MSMEs na maging mas ‘productive, competitive’ -PBBM

Posted on: March 7th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr.  na makatutulong ang  Kapatid Angat Lahat for Agriculture Program (KALAP), isang private sector initiative  na makaya ng mga magsasaka at micro, small, and medium enterprises (MSMEs) sa bansa na mas maging  “more productive, profitable, sustainable and globally competitive.”

 

 

“We know very well how MSMEs are crucial in the creation of new ideas, of jobs and wealth in the country, so it is only right that we recognize the power and the influence that this sector holds,” ang bahagi ng talumpati ni Pangulong Marcos sa ceremonial signing ng  memorandum of agreement (MOA) sa KALAP program sa Malakanyang.

 

 

“We also recognize the role of big corporations in [innovating] MSMEs, spurring their growth, and realizing their potential. Hence, I am very happy to note the objective of the KALAP to integrate small farmers and agri-entrepreneurs into the value chain of large companies,” ayon sa Chief Executive.

 

 

Nagpahayag naman ng labis na pasasalamat si Pangulong Marcos kay GO Negosyo Founder Jose Maria “Joey” Concepcion III  para sa”the efforts you invest in our economy, particularly in the agricultural sector, [which] are truly instrumental in bringing progress across our lands.”

 

 

“The partnerships that Go Negosyo has been fostering for many years are precisely “the kind of partnerships that we are hoping to bring together,” ayon sa Chief Executive.

 

 

Pagbibigay diin sa mga benepisyo ng whole-of-society approach, sinabi ng Pangulo na ang kanyang gobyerno, ang mga  private businesses, at ang publiko ay marapat lamang na magbigay ng suporta sa programa at sa isa’t isa.

 

 

“I have always said that in the difficulties that we are facing ahead, there is no sector of society that can manage the recovery by itself,” ayon sa Punong Ehekutibo.

 

 

“And it cannot be done unless the different sectors of society are working together, working together and trying to implement a plan with a common understanding of what is needed to be done, with a common understanding of what people need, without forgetting every part of that sector or that area of the economy,”  giit ng Pangulo.

 

 

Nais din ng Pangulo na makipagtulungan ang mga ahensiya ng pamahalaan sa Philippine Center of Entrepreneurship-Go Negosyo at iba pang katuwang sa pribadong sektor kasabay nang paghikayat na manatiling totoo sa  kanilang calling bilang civil servants, “embracing patriotism, integrity, and excellence” para sa tagumpay ng KALAP program.

 

 

Umaasa naman ang Pangulo na hindi mapapagod na makipagtulungan sa administrasyon ang mga  private partners ng gobyerno at mga negosyo. (Daris Jose)

Normal ang operasyon ng PUVs sa bansa-Malakanyang

Posted on: March 7th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ng Malakanyang na walang magiging aberya maliban sa kaunting ruta sa  National Capital Region (NCR) sa gitna ng  nagpapatuloy na  transport group strike. Tinukoy ang mga ulat mula sa  DOTr, LTFRB, MMDA at PNP, sinabi ng Malakanyang na sa pamamagitan ng  Libreng Sakay program, nagbigay ang gobyerno ng libreng sakay para sa mga commuters o mananakay na apektado ng transport group strike.

 

 

Siniguro nito sa publiko na ang pamahalaan ay mayroong  sapat na assets at mga tauhan para tugunan ang mga pangangailangan ng  commuting public.

 

 

“As of 10 a.m.,  ang EDSA Busway Carousel ay hindi pa naaapektuhan ng kahit na anumang  transport strike activity, maayos na operasyon   na may mababang bilang ng mga pasahero sa lahat ng istasyon. Pinangasiwaan naman ng Philippine National Police (PNP) personnel  ang pag-ferry sa mga pasahero mula Almar Subdivision sa  Caloocan  hanggang  Quezon City.

 

 

Nag-deploy din ang mga awtoridad ng mga sasakyan para ipagamit sa mga pasahero na may  Dapitan-Baclaran route. “As early as 4 a.m., inihanda na ng gobyerno ang mga bus para sa Libreng Sakay sa Pasay City, Marikina City, Caloocan City, at maging sa  Quezon City.

 

 

Base sa report kaninang 7:15 ng umaga, ang EDSA Busway ay nananatiling normal na nago-operate  na may “moderate to heavy volume” ng mga pasahero sa southbound mula  north sector stations, MCU at Roosevelt. Sinabi ng mga awtoridad mayroon kasing sapat na bilang ng mga bus sa ground para mag-biyahe ng stranded passengers. Sa  Calabarzon, kaninang alas-6 ng umaga, iniulat ng mga awtoridad ang kondisyon ng  SM-Crossing Calamba Terminal sa City of Calamba sa Laguna. Iniulat na may  30 stranded passengers sa terminal, idagdag pa na ang mga pampasaherong dyip na may Calamba- Biñan route ay nasa  normal operation.

 

 

Ang mga modern jeeps na buma-byahe sa  Calamba-Pacita Complex route ay nasa  normal operation din.

 

 

Tinatayang may 11 major jeepney at UV (utility vehicle) groups sa Kalakhang Maynila ang naunang sumalungat sa planong transport group strike na pinangungunahan ngayon ng Manibela, isang alyansa ng  UV drivers at isang party-list group. (Daris Jose)

Organized crime group, tumira kay Degamo – PNP

Posted on: March 7th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ISANG organized crime group ang nasa likod umano ng pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

 

 

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Public Information Office chief Col. Redrico Maranan, ang matataas na kalibre ng mga baril na gamit ng mga suspek, mga sasakyan at suot na uniporme ng law enforcement agencies ay indikasyon na may nagpopondo sa mga ito at sanay na pumatay.

 

 

“Meron itong grupo…Ang tawag natin dito sa mga ‘to ay organized crime groups dahil hindi naman ito mga ordinaryong kriminal kasi may mga sasakyan sila, mataas na kalibre ng baril, nakakakuha sila ng mga uniporme ng law enforcement agencies. So, isa talaga itong orga­nisadong criminal groups,” aniya pa.

 

 

Aniya, tututukan ng PNP at AFP ang kaso hanggang sa maaresto ang iba pang suspek.

 

 

Sinabi pa ni Maranan na binigyan din ng sapat na seguridad ang pamilya ni Degamo gayundin ang bagong talagang gobernador ng Negros Oriental na si Vice Governor Carlo Jorge Reyes na nanumpa na kahapon kay DILG Sec. Benhur Abalos.

 

 

Nabatid naman kay Central Visayas police spokesperson P/Lt. Col. Gerard Pelare, na nakakatanggap na ng death threats si Degamo. Aniya, isiniwalat ni Degamo noong nakaraan ang tungkol sa iba’t ibang indibidwal na nagpapadala sa kanya ng mga mensaheng pagbabanta.

 

 

Inihahanda na ng mga awtoridad ang pagsasampa ng multiple murder laban sa mga suspek at 10 iba pa.

 

 

Inaalam pa rin nila ang utak sa pamamaslang.

 

 

Matatandaang pinagbabaril ng mga armadong kalalakihan si Degamo sa loob ng kanyang bahay habang namimigay ng ayuda sa Brgy. San Isidro, Pamplona, Negros Oriental nitong Sabado ng umaga. (Daris Jose)

Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, wagi ng ginto sa FIABCI’s National and World Prix d’Excellence Awards

Posted on: March 7th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS – Nasungkit ng “Farmers/Fisherfolks Training Center” ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ang gintong tropeo bilang 2022 Outstanding LGU Project – Public Infrastructure Category sa ginanap na FIABCI-Philippines Property and Real Estate Excellence Awards kamakailan sa Mindanao Ballroom, Sofitel Philippine Plaza Hotel sa CCP Complex, Roxas Boulevard, Lungsod ng Pasay, Maynila.

 

 

Kilala bilang International Real Estate Federation sa Ingles, ang “Fédération Internationale des Administrateurs de Bien-Conselis Immobiliers” o FIABCI sa wikang Pranses, ito ay isang networking na organisasyon ng mga propesyonal na may kinalaman sa industriya ng real estate sa buong mundo na itinatag sa Paris noong 1951.

 

 

Ayon sa Provincial Engineers’ Office, napili ang bagong training center ng Pamahalaang Panlalawigan dahil nakaangkla ito sa mga aspirasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.  tungo sa pagtataguyod ng matatag na imprastraktura at sustenableng agrikultura.

 

 

Matatagpuan sa dalawang palapag na gusali ang training center sa unang palapag at Provincial Agriculture Office sa ikalawang palapag.

 

 

Sinabi ni Provincial Engineer Glenn Reyes na itinayo ang institusyonal na gusali ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan mula Hulyo 19, 2021 hanggang Marso 11, 2022 na may badyet na P15,518,758.67 at isa sa karagdagang pangunahing pampublikong pasilidad sa lalawigan.

 

 

Mayroong minimalist at modernong approach ang kabuuang disenyo ng FFTC; habang inayon ng mga arkitekto ang glass curtain walls sa panlabas na disenyo upang pumasok ang natural na ilaw sa may hagdanan na bukod sa dulot na kagandahan ay nakatutulong din na makatipid sa konsumo ng elektrisidad. Gumamit din ng aluminum cladding sa ibang parte ng panlabas na pader bilang karagdagan sa modernong disenyo nito.

 

 

Bilang isa sa People’s Agenda 10 ng administrasyon ni Gobernador Daniel R. Fernando, sinigurado niya na ang mga agenda na ito ay maisasakatuparan at hindi isang pangarap lamang para sa mga Bulakenyo. (BISHOP JESUS “JEMBA” BASCO)

Sasamantalahin na mamasyal at mag-shopping… BARBIE, ‘di magtatagal sa Chicago dahil may movie silang gagawin ni DAVID

Posted on: March 7th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

IPINAGTAPAT ng lead star ng first-ever figure skating drama na ‘Heart on Ice’, na si Ashley Ortega, na dream-come true sa kanya ang teleserye.

 

 

“Three years old pa lamang ay nahilig na po akong mag-training nito at nagsimula na rin akong mag-join ng competitions sa Thailand, China, Japan at Malaysia.  Nakaipon na rin po ako, since then ng may 80 medals, isa rito ay ang pinakamagandang medal na napanalunan ko sa Thailand.”

 

 

Inamin din ni Ashley na hindi pa siya artista ay napapanood na niya si Xian Lim at naging fan siya ng actor, kaya happy siya na katambal na niya ang idol niya ngayon.

 

 

“Guwapo at charming si Xian, we become friends nang magsimula na kaming mag-training ng figure skating, hindi niya ako inilalaglag sa ice,” natatawang kuwento ni Ashley.

 

 

May pasabog daw si Ashley sa isang eksena sa serye, kaya biglaan daw siyang nag-diet dahil kailangan sa eksena na mag-two piece siya na ipinakita sa teaser ng upcoming series ng GMA-7.

 

 

Anyway, after ng mediacon, naitanong sa aktres ang politician boyfriend niya na si Lucena City Mayor Mark Alcala. Inamin ni Ashley, na break na pala sila, hindi lang daw ito nabalita.

 

 

Last year pa pala siya single at ayaw na niyang idetalye pa kung bakit sila nag-break ni Mark.

 

 

***

 

PATULOY namang magiging busy si Xian Lim, dahil balitang ready na muli si Jennylyn Mercado na mag-resume ng taping ng GMA Primetime series nila na “Love. Hate. Die.”

 

 

Almost finish na nila noon ang serye nang malaman ni Jennylyn na preggy na pala siya sa 9-month old baby nila ngayon ni Dennis Trillo na si Dylan, kaya kinailangan nilang ihinto ang taping.

 

 

***

 

 

NATULOY na rin si Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza sa kanyang US vacation.

 

 

Sa Chicago ang destination ni Barbie, sa family ng older sister niyang naka-base na roon.  Umalis na si Barbie para sa much-needed vacation niya, pagkatapos ng ilang buwang pagti-taping ng “Maria Clara at Ibarra”.

 

 

Pero bago umalis si Barbie, tinapos muna niya ang mga commitments niya, like ang muli nilang pagti-taping ni David Licauco ng isang story sa “Daig Kayo Ng Lola Ko,” bilang tugon sa request ng mga fans nila na muling mapanood ang bagong Kapuso loveteam.

 

 

Hindi naman daw magtatagal si Barbie sa bakasyon niya, dahil pagbalik niya ay may gagawin naman silang movie ni David.

 

 

Sasamantalahin lamang niyang ma-experience na mag-isang namamasyal at nagsi-shopping na hindi niya nagagawa rito lalo na kung busy siya sa trabaho.

(NORA V. CALDERON)

PNP naka-heightened alert sa tigil-pasada

Posted on: March 7th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAKA-heightened alert ang Philippine National Police (PNP) kasabay ng isang linggong transport strike ng iba’t ibang transport organization simula kahapon, Lunes Marso 6..

 

 

Ayon kay PNP-Public Information Office chief Police Col. Red Maranan, nasa 80 porsiyento ng  puwersa ng PNP ang ipakakalat at itatalaga sa iba’t ibang lugar upang ayudahan at bigyan ng seguridad ang mga commuters.

 

 

“Itataas natin ang ating alert status. Magpapakalat tayo ng mga police natin doon sa mga lugar kung saan sumasakay ang ating mga kababayan para makapagbigay tayo ng kaukulang seguridad sa ating mga kababayan,” ani Maranan.

 

 

Nabatid kay Maranan na ilalaan din nila ang kanilang mga mobile patrol para sa libreng  sakay. Sisiguraduhin nilang maihahatid sa kanilang mga opisina at pinagtatrabahuhan ang mga commuters na walang masasakyan.

 

 

Babantayan at imo-monitor ng PNP ang mga lalahok sa transport strike upang matiyak na hindi manghaharass ang mga ito ng mga PUVs na patuloy sa pagbiyahe

 

 

Kasabay nito, pinayuhan naman ni Maranan ang publiko na manatili na lamang sa kanilang bahay kung walang importante pupuntahan.

 

 

Umaasa rin si Maranan na magiging payapa ang transport strike.

Ads March 7, 2023

Posted on: March 7th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Seven months ng walang work, kaya umalis sa ABS-CBN… SHARON, ‘free agent’ na kaya puwede nang tumanggap sa ibang networks

Posted on: March 7th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SA mahabang Instagram post ni Megastar Sharon Cuneta last Sunday, nagpahayag ito na forever siyang magiging Kapamilya at patuloy na susuporta sa network kung kinakailangan.

 

“I have been and will always be a Kapamilya,” panimula ni Mega sa kanyang post.

 

“I have been with ABS-CBN since 1988, when they were just rebuilding their station from the ground up after years of closure by the then-Philippine government.”

 

Pagpapatuloy pa niya, “I did three shows with them which carried my name – The Sharon Cuneta Show for eleven years, SHARON for 6 years, and the third, also called SHARON, for another 6 or so years.

 

“Then I did Starpower, The Biggest Loser, was a coach on The Voice Kids and The Voice Teens, and a judge in Your Face Sounds Familiar.

 

“And of course, FPJ’s Ang Probinsyano, which I owe largely to my “son” @cocomartin_ph , who handpicked me for the role of Aurora Guillermo.”

 

Sa naturang social media post ni Mega, inamin niya na matagal na siyang walang pangmatagalang kontrata.
Kaya sa tingin niya ay nasa tamang panahon at handa na siyang na makapagtrabaho sa ibang networks tulad ng GMA-7, na pinanggalingan niya.

 

“For the first time in all these decades, I don’t have a long-term contract with my station. I know it is a number of things that have caused this.

 

“We lost our franchise, the station has way too many stars now and we of the “old guard” have to give way.
“So while I will always be there when they need me and will always be grateful, I guess it is understandable that I for now consider myself a free agent.

 

“It’s time I opened myself up to other stations that may need my services, while always keeping my Kapamilya “duties,” if and when they come. One goes only where one is needed.”

 

Paglilinaw pa niya ni Shawie, “And no, wala pa akong nakakausap na kahit sino mula sa kahit anong istasyon, for the record lang po.”

 

Sa pagtatapos ng kanyang post at mensahe para sa kanyang mother studio, “I love you, ABS-CBN. My memory and loyalty are unquestionable. But a girl’s gotta work where she can and where she’s wanted. See you again hopefully soon, whenever you may need me! ❤️💚💙”

 

May pahabol pa si Mega para sa anak-anakan na si Coco, na labis-labis na talaga niyang pinasasalamatan, kasama ang pa-hashtags sa mga executives ng ABS….

 

“Coco anak, ikaw ang may malasakit sakin at lagi akong iniisip. Abot-langit ang pasasalamat ko sayo at habang buhay kita mamahalin! #coryvidanes #carlokatigbak #marklopez @direklauren @michellearville @ernielopez_ph @deo_endrinal @malousantos03 @direk.olivialamasan”

 

At ngayon ngang in-announce ni Mega na ‘free agent’ na siya, komento ng netizens, baka naman magka-interes sa kanyang ang GMA-7 na una niyang pinanggalingan, na mabigyan siya ng talk show or teleserye.

 

Welcome naman ito kay Sharon, dahil marami siyang friends doon at never daw nawala ang love and respect sa kanya. Kaya nakakapag-guest siya sa GMA shows kahit exclusive star siya ng ABS-CBN.

 

Sinagot naman ito ni Mega ng, “For the record I have not spoken to anyone from any other station. I just have no work yet at ABS-CBN. Seven months na. For the first time.”

 

Dagdag pa niya kahit sa saang istasyon at puwede naman, basta maganda ang offer.

 

“Kahit naman saan basta matino trabaho. Kung saan ako kailangan at gusto. Kung may work naman sa ABS di ako aalis. Di naman ako umaalis naghihintay lang pero di naman kaya maghintay forever.”

 

Well, abangan na lang natin si Sharon kung saan TV station siya lalabas sa mga darating na buwan, na for sure aabangan lalo na ng mga Sharonians.

(ROHN ROMULO)

RESIDENTE SA NAUJAN,ORIENTAL MINDORO, PINAPALIKAS NG DOH

Posted on: March 7th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PINAPALIKAS ng Department of Health (DOH) ang mga residente sa Naujan Oriental Mindoro at iba pang lugar na apektado ng oil spill.

 

 

Ito ang sinabi ni  Health Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire sa kanyang pagbisita nitong Linggo sa nasabing probinsya upang tignan ang sitwasyon ng mga apektadong residente matapos lumubog ang motor tanker (MT)  Princess Empress at nagdulot ng malawakang oil spill.

 

 

“Pinapaalalahanan ng Kagawaran ng Kalusugan ang mga mamamayan ng kung ang lugar ng oil spill ay malapit sa inyong tirahan, mas mainam kung tayo ay humanap ng pansamantalang matitirah ito ay hindi pa nakakalap ” ani Vergeire.

 

 

Kung ang mga apektadong residente ay hindi makakatakas, dapat nilang sundin ang mga kinakailangang pag-iingat, sabi ni Vergeire .

 

 

Pinayuhan din nito ang mga residente na huwag lumangoy sa baybayin na apektado ng langis at iwasang madikit sa sediment,buhangin ,lupa o mga bagay na kontaminado ng langis.

 

 

Paalala pa ni Vergeire na hindi maaaring gumamit ng tubig na kontaminado ng langis para sa pagkonsumo  ng mga tao o hayop .

 

 

Huwag ding kumain ng isda at iba pang pagkaing dagat na nahuli malapit sa oil spill.

 

 

Sa hiwalay na abiso, pinaalalahanan din ng DOH ang mga respo Dee’s ,volunteers at clean up workers na dapat magsuot ng  personal protective equipment (PPE) gaya ng  protective suits, safety glasses, at gloves sa panahon ng operasyon.

 

 

Dapat din aniyang linisin ang kanilang PPE pagkatapos gamitin. GENE ADSUARA

GET YOUR TICKETS NOW TO “SHAZAM! FURY OF THE GODS”

Posted on: March 7th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

A little over a week before “Shazam! Fury of the Gods” thunders into Philippine cinemas on March 15, fans and moviegoers may get advance tickets now to the DC superhero film and be one of the first in the world to see it.

 

 

For details, go to the official ticketing site at http://shazamfuryofthegods.com.ph

 

 

[Watch the film’s trailer at https://youtu.be/JvZSRT2Mqr0]

 

 

Meanwhile, check out the photos below from the cast’s recent publicity tour for the highly awaited sequel.

 

 

From New Line Cinema comes “Shazam! Fury of the Gods,” which continues the story of teenage Billy Batson who, upon reciting the magic word “SHAZAM!,” is transformed into his adult Super Hero alter ego, Shazam.

 

 

Bestowed with the powers of the gods, Billy Batson and his fellow foster kids are still learning how to juggle teenage life with having adult Super Hero alter-egos. But when the Daughters of Atlas, a vengeful trio of ancient gods, arrive on Earth in search of the magic stolen from them long ago, Billy—aka Shazam—and his family are thrust into a battle for their superpowers, their lives, and the fate of their world.

 

 

“Shazam! Fury of the Gods” stars returning cast members Zachary Levi (“Thor: Ragnarok”) as Shazam; Asher Angel (“Andi Mack”) as Billy Batson; Jack Dylan Grazer (“It Chapter Two”) as Freddy Freeman; Adam Brody (“Promising Young Woman”) as Super Hero Freddy; Ross Butler (“Raya and the Last Dragon”) as Super Hero Eugene; Meagan Good (“Day Shift”) as Super Hero Darla; D.J. Cotrona (“G.I. Joe: Retaliation”) as Super Hero Pedro; Grace Caroline Currey (“Annabelle: Creation”) as Mary Bromfield / Super Hero Mary; Faithe Herman (“This Is Us”) as Darla Dudley; Ian Chen (“A Dog’s Journey”) as Eugene Choi; Jovan Armand (“Second Chances”) as Pedro Pena; Marta Milans (“White Lines”) as Rosa Vasquez; Cooper Andrews (“The Walking Dead”) as Victor Vasquez; with Djimon Hounsou (“A Quiet Place Part II”) as Wizard.

 

 

Joining the cast are Rachel Zegler (“West Side Story”), with Lucy Liu (“Kung Fu Panda” franchise) and Helen Mirren (“F9: The Fast Saga”).

 

 

The film is directed by David F. Sandberg (“Shazam!,” “Annabelle: Creation”) and produced by Peter Safran (“Aquaman,” “The Suicide Squad”). It is written by Henry Gayden (“Shazam!,” “There’s Someone Inside Your House”) and Chris Morgan (“Fast & Furious Presents: Hobbs & Shaw,” “The Fate of the Furious”), based on characters from DC; Shazam! was created by Bill Parker and C.C. Beck.

 

 

New Line Cinema presents A Peter Safran Production of A David F. Sandberg Film, “Shazam! Fury of the Gods” is distributed in the Philippines by Warner Bros. Pictures.

 

 

Join the conversation online and use the hashtag #ShazamMovie

(ROHN ROMULO)