MAPAPAKINGGAN na ang totoong tunog ng serbisyo publiko mula sa bagong Radyo5.
Ginanap sa Quezon Memorial Circle noong Marso 11 ang isang buong araw na grand launch para sa bagong look at identity ng Radyo5 bilang 92.3 Radyo5 TRUE FM, na ngayon ay pina-level-up ang larangan ng pamamahayag sa radyo sa pamamagitan ng kanilang mga news, information, at entertainment programs.
May bagong logo na, may bagong tagline pa na “Dito tayo sa totoo!,” talagang handa nang maghatid ang 92.3 Radyo5 TRUE FM ng fresh at dynamic na pakikinig para sa lahat ng kanilang listeners. Nakalagay sa kanilang logo ang salitang TRUE, kung saan ang bawat letra nito ay sumisimbolo sa kanilang mga prinsipyo sa pagbabalita at paglilingkod sa publiko.
Ang T ay para sa Truth in journalism na hatid ng kanilang radio programs na “Bangon Bayan with Mon” ni Mon Gualvez, “Ted Failon & DJ Chacha,” “Frontline Pilipinas,” at ang flagship news program para sa local at provincial news na “Radyo5: Balita Pilipinas.” Ibinabahagi ng mga programang ito ang mga latest news at information upang masiguro na ang mga tagapakinig ay palaging updated sa mga mahahalagang isyu ngayon.
Ang R naman ay sumisimbolo sa “Real people” at “Real stories” na mapapakinggan sa mga programang tulad ng “Sana Lourd” ni Lourd De Veyra, “Power and Play” ni Noli Eala, “Pinoy Konek” ni Danton Remoto, at “Dr. Love” ni Bro. Jun Banaag. Ibinabahagi ng mga programang ito ang mga kwento ng tunay na buhay na may kaugnayan sa mga tagapakinig at nakakatulong upang maging aware sila sa mga isyu na mahalaga sa kanila.
Ang U ay sumisimbolo sa “Unwavering commitment” sa serbisyong publiko, na hatid ng mga programang tulad ng “Wanted sa Radyo” ni Sen. Raffy Tulfo, “Sagot Kita” ni Cheryl Cosim, at “Healing Galing” ni Dr. Edinell Calvario. Ang mga programang ito ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga tagapakinig na maipahayag ang kanilang mga katanungan at hinaing upang matugunan ng mga program host at ng mga eksperto.
At ang huli, ang E ay sumisimbolo sa kanilang nakaka-Entertain na programa tulad ng “Cristy Ferminute” ni Cristy Fermin at “Good Vibes” nina Stanley Chi at Laila Chikadora. Ang mga programang ito ay nagbibigay ng pagkakataon na makapag-relax ang mga tagapakinig at makapag-unwind.
Ngayon na may bago itong identity, ipinapangako ng 92.3 Radyo5 True FM na maghahatid ng dekalidad na mga programa na nakaka-engage, nagbibigay impormasyon, at nagpapaligaya sa mga tagapakinig.
“We are excited to launch 92.3 Radyo5 TRUE FM and introduce our listeners to our diverse programming lineup,” pahayag ni Raul M. Dela Cruz, General Manager ng National Broadcasting Corporation (NBC). “We believe that radio remains a powerful medium that can inform, inspire, and entertain. With our new identity, we are committed to providing our audiences with a listening experience that is relevant, engaging, and entertaining.”
Samantala, sinagot ni Ted Failon ang bali-balitang may balak siyang maging politiko, bukod sa pagiging broadcaster.
Say niya, “Radyo ang aking first love. Mula noon at hanggang ngayon dito na ako hanggang sa lagutan ako ng hininga, sa radyo lang ako.”
Paniwala rin si Manong Ted na hindi mawawala ang radyo kahit may online media na dahil mahalaga ito sa ano mang panahon at pagkakataon.
“Radio is the most affordable medium, especially in a third world countries like ours. Babagsak ang lahat, mawawala ang lahat, radio will be there. Sa panahong ng emergency at kalamidad, nandyan palagi ang radyo.
“‘Yun ang aming pananampalataya. Naniniwala ako na ang lahat ng ito ay mag-i-evolve pero ang radyo ay nandyan pa rin, dahil palaging masasandalan ng tao sa impormasyon.
“Lalo na 92.3 TRUE FM, dito na tayo sa totoo,” say pa niya.
Patuloy din ang pagti-training ng citizen’s journalist at mobile journalists para sa radio station na kinabibilangan.
Ayon naman kay Sen. Tulfo, tuloy-tuloy lang ang kanyang iconic radio program na “Wanted sa Radyo” sa kabila ng kanyang hectic na political commitments.
Sa naging pahayag niya via phone call, “Kung gusto maraming paraan, kung ayaw maraming dahilan… I’m very happy and the only thing I need to do is manage my time.”
“Kailangan ko ‘yung program kasi kung ‘di dahil doon, walang Raffy Tulfo ngayon sa senado, and the reason I’m doing what I’m doing is because of my style and I wouldn’t change that.”
Ang 92.3 Radyo5 TRUE FM ay mapapakinggan na on-air at live nationwide. Tumutok araw-araw upang marinig ang totoong tunog ng serbisyo-publiko at maging parte ng bagong yugto ng radyo sa Pilipinas.
(ROHN ROMULO)