• November 9, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 25th, 2023

Kahit naka-focus sa kanyang launching series: HERLENE, desidido na talaga sa pagsali sa ‘Miss Grand Philippines 2023’

Posted on: March 25th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SASALI muli si Herlene Budol sa isang beauty pageant!

 

 

Ayon kay Herlene ay ito na ang tamang panahon na sumali siyang muli sa beauty pageant sa pamamagitan ng Miss Grand Philippines 2023 matapos mag-withdraw sa Miss Planet International 2022 nang makaranas ng samu’t saring aberya.

 

 

“Pag pinatagal ko pa, baka makalimutan ko pa lahat ng trinaining ko no’ng Binibini, ‘di ba,” pahayag ni Hipon Girl.

 

 

Si Herlene ang orihinal na kinatawan ng bansa sa Miss Planet International pageant bilang parte ng obligasyon niya bilang Binibining Pilipinas 2022 first runner-up. Pinalitan siya ni Maria Luisa Varela.

 

 

Ayon sa kanya, may delay lang nang kaunti sa pagpapasa niya ng application para sa Miss Grand Philippines 2023 pero desidido na raw siyang sumali rito.

 

 

“‘Iyon yung talagang goal namin, ‘di ba? ‘Iyon yung gusto naming makuha pero hindi namin nagawa kaya baka this is the right time.”

 

 

Magbibigay naman daw ng update si Herlene sa kanyang mga tagahanga kung sakaling pormal na siyang nakapag-apply sa inaasam niyang salihang beauty pageant.

 

 

Sa ngayon, naka-focus siya sa kanyang launching series na “Magandang Dilag” na mapapanood sa GMA.

 

 

Bukod dito, mapapanood ang life story ni Herlene ngayong gabi sa “Magpakailanman” sa episode na pinamagatang ‘A Girl Named Hipon’.

 

 

***

 

 

PUMANAW na ang Sparkle GMA Artist Center teen artist na si Andrei Sison matapos masangkot sa aksidente sa kotse noong Biyernes ng umaga.

 

 

“Sparkle GMA Artist Center sadly announces the passing of one of its teen artists Andrei Sison, due to a car accident early this morning,” saad ng talent arm ng Kapuso Network.

 

 

Ipinaabot ng Sparkle ang pakikiramay nito sa pamilya at mga mahal sa buhay ni Andrei, at humiling na bigyan sila ng privacy para makapagluksa.

 

 

“Our sincere condolences to the family and loved ones of Andrei. We request everyone to respect his family’s privacy in this time of great loss and join us in praying for the eternal repose of his soul.”

 

 

Ayon sa Sparkle, si Andrei ay isang “well-loved and much cherished member” ng Sparkle family.
“We will miss you, Andrei. Be with God now,” anang pahayag.

 

 

Nagbigay-kasiyahan si Andrei sa kaniyang followers sa kaniyang TikTok dance covers at mga livestream kasama ang iba pang Sparkle artists.

(ROMMEL L. GONZALES)

Teves, may kondisyon pa sa pag-uwi

Posted on: March 25th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAGSUMITE ng ilang kundisyon ang kampo ni Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. sa Kamara para bumalik siya ng Pilipinas.

 

 

Sinabi ni Atty. Ferdinand Topacio, legal counsel ni Teves, hindi naman mahihirap ang mga kundisyong inilatag nila kay Speaker Martin Romualdez na para lamang sa seguridad ni Teves. Tumanggi naman siyang tukuyin ang mga ito dahil sa wala umano siyang awtoridad.

 

 

Nais din ng kampo ni Teves na marinig ang paliwanag ng House of Representatives kung bakit sinuspindi siya ng 60-araw.

 

 

Ayon kay Topacio, may tatlong bagay lamang silang nais malaman kung bakit agad na nagdesisyon ang kamara sa kanilang kliyente.

 

 

Sinabi pa ni Topacio, hihintayin nila ang sagot mula sa Kongreso saka sila mag-iisip ng kanilang hakbang depende sa magiging desisyon ni Cong. Teves.

 

 

Dagdag pa ni Topacio, hiling lang ng kaniyang kliyente na maging patas ang proseso sa kinakaharap na isyu lalo na’t hindi pa naman napapatunayang guilty ang kaniyang kli­yente at suspek pa lamang ito sa mga akusasyon.

 

 

Iginiit pa ni Topacio na totoong may banta ang kaniyang kliyente bago pa man mangyari ang insidente ng pagkakapatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo at matagal na itong isinapubliko ni Cong. Teves. (Daris Jose)

Inaming nagkaka-anxiety dahil sa mga tao: YASSI, ipinagdiinan na wala silang problema ni NADINE

Posted on: March 25th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

INAMIN ni Yassi Pressman sa mediacon ng kanyang bagong teleserye na napapanood sa TV5, ang “Kurdapya” na nagkakaroon siya ng anxiety dahil daw sa mga tao.

 

 

Nang magkausap daw sila ni Nadine Lustre ay sinabi niya na, “Uy girl, nagkaka-anxiety ako sa mga tao.”

 

 

Ang taong tinutukoy ni Yassi nang tanungin nga namin ay ang mga netizens na namba-bash sa kanya.

 

 

Ang dahilan, ang relasyon ng kapatid niya na si Issa Pressman at James Reid. Pinararatangan si Yassi na traydor at hinayaang ahasin ng kapatid niya si James kay Nadine. Ito ay sa kabila na magkaibigan sila.

 

 

“Sige po, para tapos na po ha, isang beses ko lang ‘to sasabihin. Wala pong problema. Kami po ni Nadine, okay kami. Okay rin po ang buong pamilya namin.

 

 

“At siyempre po, bago po nag-public ang lahat, lahat po, naasikaso in private. So wala po kaming problema.”

 

 

Magkaibigan daw sila ni Nadine bata pa lang.

 

 

“Me and Nadine, we’re cool. We’re friends. We’ve been friends ever since we we’re kids kaya naman lahat po, okay po. At saka, ilang taon na rin po ‘to. So ‘yon, sana everybody, every one be happy.”

 

 

After nga ng mediacon, wala nang naka-interview kay Yassi kaya umiwas na rin itong talaga na pag-usapan pa ang isyu.

 

 

***

 

 

AFTER more than three years na hindi gumawa ng kahit anong teleserye, sigurado na nga raw ang pagbabalik ni Marian Rivera.

 

 

Kaya sigurado rin na magkakasabay silang mag-taping ng asawa na si Dingdong Dantes.

 

Wala raw problema dahil naka-bakasyon naman ngayon sa school ang dalawang anak na sina Zia at Sixto.

 

Bandang end daw ng April ang target na sisimulan ang taping. Drama pa rin pero ang chika, hindi masyadong gano’n ka-heavy dahil may twist daw.

 

As per Marian’s leading man, isa lang ang sinabi sa amin, hindi pa raw ito ever nakakapareha ng Kapuso Primetime Queen.

(ROSE GARCIA)

33 government officials sinuspinde ng 6 buwan sa Pharmally mess

Posted on: March 25th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Sinuspinde ng Office of the Ombudsman ng anim na buwan ang 33 opisyal ng pamahalaan kaugnay sa umano’y maanomal­yang pagbili ng pandemic supplies noong 2020 at 2021 o noong kasagsagan ng COVID-19.

 

 

Kabilang sa mga sinuspinde si Overall Deputy Ombudsman Warren Rex Liong na dating procurement group director ng Department of Budget and Management-Procurement Service (PS-DBM) at dating PS-DBM undersecretary Lloyd Christopher Lao.

 

 

Suspendido rin ang iba pang opisyal ng PS-DBM kaugnay ng Pharmally transactions sina Christine Marie Suntay, Fatimah Amsrha Penaflor, Joshua Laure, Earvin Jay Alparaque, Julius Santos, Paul Jasper De Guzman, Dickson Panti, Karen Anne Requintina, Rodevie Cruz, Webster Laureñana, Sharon Baile, Gerelyn Vergara, Abelardo Gonzales, Jez Charlemagne Arago, Nicole John Cabueños, Ray-ann Sorilla, Chamel Fiji Melo, Allan Raul Catalan, Mervin Ian Tanquintic, Jorge Mendoza, III, Jasonmer Uayan, August Ylangan.

 

 

Kasama rin sa suspension ang mga opisyal ng DOH na sina noo’y Assistant Secretary Nestor Santiago, Jr., procurement service director Crispinita Valdez, gayundin si Research Institute for Tropical Medicine officials Amado Tandoc, Lei Lanna Dancel, Dave Tangcalagan, Jhobert Bernal, Kenneth Aristotle Punzalan, Rose Marasigan at Maria Carmela Reyes.

 

 

Matatandaang pina­ngunahan ni dating senador Richard Gordon ang imbestigasyon sa kwestyunableng pag-transfer sa P42 billion COVID-19 budget mula sa Department of Health patungo sa PS-DBM.

 

 

Kabilang na dito ang P8.6 billion pondo na gi­namit sa pagbili ng face masks, face shields, at personal protective equipment (PPEs) mula sa Pharmally Pharmaceuticals Corp. na mayroon lamang P625,000 paid-up capital nang pumasok sa transaksyon sa gobyerno.

 

 

Binigyang diin ng Ombudsman na may sapat na ebedensiya silang nakita upang maidiin ang mga naturang opisyal kaugnay ng Pharmally mess. (Daris Jose)

Balik-serye na rin silang mag-asawa: Plano nina MIKAEL at MEGAN na magkaroon ng anak, on-hold pa rin

Posted on: March 25th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ILANG beses nang tumanggi na gumawa ng teleserye si Miss World 2013 Megan Young dahil hindi raw nito bet ang lock-in taping noong kasagsagan ng pandemya.

 

 

Pero ngayon at maluwag na ang pagtrabaho sa set, tinanggap na ni Megan ang teleserye na ‘Royal Blood’ kunsaan magkasama sila ng mister na si Mikael Daez.

 

 

Post ni Megan sa IG: “Bonez & Fofo are back on TV. grateful and proud to be a part of GMA’s #RoyalBlood alongside such talented actors. I’m excited to get back to taping!!!

 

 

“It’s been so long since I’ve been on the set and I’m soooo excited to be working with Direk Dominic Zapata again! Thank you @gmanetwork for trusting me to be a part of this show.”

 

 

Maraming netizens ang hinahanapan na ng anak sina Megan at Mikael. Pero mukhang on-hold pa rin ang plano ng dalawa na magkaroon ng anak.

 

 

Sa isang episode ng kanilang podcast, nasabi ni Megan ay: “If I get pregnant, okay, and if not, then we just continue living life.”

 

 

Sagot naman ni Mikael: “I say we’re going with the flow. And it’s really all up to Megan. Because like you said, you are the baby carrier and I’m just here to tell them that I’m here to support them.”

 

 

***

 

PAM-BEAUTY queen ang dating ng bagong Sparkle talent na si Shuvee Etrata.

 

 

Sa TikTok na-discover ang 21-year old na Cebuana beauty kunsaan meron siyang 2.3 million followers with over 50 million likes dahil sa mga pinu-post niyang videos na sumasayaw siya, nagli-lipsync at kung ano ang trending sa fashion ngayon.

 

 

May height at morena beauty si Shuvee kaya puwedeng-puwede siyang lumaban either sa Miss Universe Philippines or Miss World Philippines.

 

 

Pero mukhang mas interesado at enjoy si Shuvee sa showbiz, lalo na’t kasama siya sa cast ng top-rating figure skating series ng GMA na ‘Hearts On Ice’.

 

 

Ginagampanan ni Shuvee ang role na Kring-Kring, ang best friend ni Ponggay played by Ashley Ortega. Wala raw eksena si Shuvee na nasa ice skating rink siya dahil hindi pa raw siya marunong. Kunwari na lang daw na marunong siya.

 

 

“Balang araw po, pag-aaralan ko ang mag-figure skating. Sa ngayon po, let’s leave that kina Ashley at Skye (Chua) dahil sila ang professionals sa sport na ito. Happy na ako na best friend ako ni Ponggay,” sey pa ni Shuvee.

 

 

Bukod sa showbiz, isa palang ambassador si Shuvee ng Tourism Promotions Board of the Philippines. Tumutulong siya sa promotion initiatives para sa Cebu.

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

PBBM: Pinas nahaharap sa ‘water crisis’

Posted on: March 25th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

INAMIN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nahaharap ngayon ang Pilipinas sa krisis sa tubig kaya nilagdaan niya ang Executive Order (EO) na lilikha sa Office of the Water Management.

 

 

Sa talumpati ng Pangulo sa 6th Edition Water Phi­lippine Conference and Exposition sa SMX Convention Center sa Pasay City, sinabi nito na seryoso ang problema sa suplay ng tubig sa bansa.

 

 

Bagama’t ayaw umano niyang takutin ang publiko ay nahaharap umano tayo sa seryosong problema sa tubig at kailangan magtulungan dito ang bawat isa.

 

 

“There are many agencies that are involved in water supply and water management and it has just evolved that way. But what we are going to try to do is to make it a more cohesive policy so that there’s planning at a national level and in that way we can maximize the ma­nagement of what water we have,” pahayag pa ni Marcos.

 

 

Iginiit pa ng Pangulo, na dapat na gamitin ang teknolohiya para magkaroon ng cohesive plan hindi lang sa National Capital Region kundi sa buong bansa.

 

 

Malaki anya ang ginagampanan ng tubig sa pang-araw-araw na pamumuhay ng tao.

 

 

“And again I know that you are all experienced and committed to giving our people the fresh water supply that they need. And we’ll work together on that. It will not be the work of a day or of a week but we will start now and we will continue until it’s done,” pahayag pa ni Marcos. (Daris Jose)

“THE POPE’S EXORCIST” IS YOUR NEXT MUST-WATCH HORROR MOVIE

Posted on: March 25th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

BRINGING the story of Father Gabriele Amorth, known by some as the Dean of Exorcists and to others as the Vatican’s Exorcist, to the big screen was no easy task. 

 

 

[Watch the trailer: https://youtu.be/Csfy9Qkvam8

 

 

Before The Pope’s Exorcist, other producers had tried to adapt Father Amorth’s best-selling memoirs into a film but none were able to convince the celebrated priest – except for Michael Patrick Kaczmarek, one of the producers of The Pope’s Exorcist.

 

 

“I believe I was able to succeed where other producers failed in that I was able to convince Father Amorth about my sincere religious devotion,” explains Kaczmarek. “In our exchanges, I was able to convince him that if he took the chance to work with me, that I would try to make sure the Catholicity would be preserved in the film – and that he would be respected as a person along with the Church and his religious order.”

 

 

The producers lovingly refer to the film as “the James Bond of exorcists” because of the wealth of stories, anecdotes and real exorcism cases from its source material, Amorth’s memoirs An Exorcist Tells His Story and An Exorcist: More Stories.

 

 

In The Pope’s Exorcist, Amorth is played by Academy Award®-winner Russell Crowe. “Gabriele Amorth had a purity of faith that gave him a level of courage and bravery to do the job,” says Crowe. “It’s a very dark pursuit – you’re dealing a lot with people who are suffering deeply.”

 

 

To make the film frightening beyond the jump scares, screenwriter Michael Petroni created a narrative that seeks to delve deep into the motivations of the devil. “This required our character of Father Amorth to do some serious investigating and uncovering of a secret history, to find connections where the demon might have appeared before,” says producer Kaczmarek.

 

 

In the film, Father Amorth and his partner, Father Esquibel, played by Daniel Zovatto, investigate a possession at St. Sebastian Abbey in Castile, Spain, where a young family is making a fresh start by renovating the old property. “In the movie, the abbey has a long history with the Catholic Church, and there are some things that happened there which get uncovered,” says Crowe. “These events took place during some of the darkest days of the Catholic Church, as punishment was meted out to people who didn’t measure up to the depth of their belief. We all thought that that was an excellent way to dig deeper into the history of Spain.”

 

 

Lending greater authenticity to the film is executive producer Edward Siebert, S.J., a Jesuit priest and founder of Loyola Productions.

 

 

“Stories of good and evil are as old as time but the story of Father Amorth and his unique role in fighting evil is an important story to tell,” says Siebert. “The Pope’s Exorcist reflects on some of the most challenging aspects of faith. When we shed light on sin and evil, it reflects back the pain of our past and present. While the demons in the film may seem extreme and exaggerated, the movements of disturbance and evil inside of us have the power to overtake us. I have always believed that the power of prayer, the naming of demons, the forgiveness of sins, and the conquering of evil are central to faith. Any story that ends with the enemy’s defeat is ultimately a story of hope.”

 

 

In cinemas starting April 19, The Pope’s Exorcist is distributed in the Philippines by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International.

Connect with the hashtag #ThePopesExorcist

(ROHN ROMULO)

‘Oplan Biyaheng Ayos’ ikinakasa ng PITX, para sa Semana Santa

Posted on: March 25th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAGHAHANDA na ang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa pagtiyak ng seguridad at kaligtasan ng mahigit 1.2 milyong pasahero na inaasahang dadagsa ngayong Semana Santa.

 

 

“The expectation of more than a million passengers stemmed from the observation that passengers will travel earlier to avoid the holy week exodus within the metro, with this, we are prepared in ensuring the commuting public’s welfare through the Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2023” , ani Jason Salvador, Corporate Affairs and Gov›t Relations Head ng PITX.

 

 

Ang ‘Oplan Biyaheng Ayos: Ang Semana Santa’ ay isang inisyatiba kasama ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno tulad ng; Department of Transportation (DOTr), Metro Manila Development Authority (MMDA), Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT), Land Transportation Office, Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Philippine National Police (PNP), at Red Cross – Parañaque Chapter para sa maayos at ligtas na paglalakbay ng mga biyahero ngayong Holy Week.

 

 

Itatayo ang DOTr Malasakit Help Desk (MHD) simula Abril 1 sa main entrance (Entrance 2) ng terminal na may kinatawan ng  DOTr, I-ACT, LTO, LTFRB, MMDA.

 

 

Ang Red Cross Parañaque Chapter ay nagde-deploy ng mga Emergency Medical Technicians sa mga kaso na nangangailangan ng basic life support. Ang PNP ay nagsasagawa rin ng 24-hour mobile patrol, na may karagdagang K-9 units upang higit pang paigtingin ang mga hakbang sa seguridad sa paligid ng lugar.

 

 

Samantala , ang LTO naman ang magsasagawa ng inspeksyon sa lahat ng PUV para matiyak ang  road worthy at ang mga driver ay physically at mentally fit at wala sa  impluwensya ng alak at ipinagbabawal na droga.

 

 

Nagbigay na ng special permit ang LTFRB sa 22 units para dagdagan ang supply ng mga bus na bumibiyahe sa Bicol Region para makapagsilbi ng mas maraming pasahero. Magde-deploy din ang ahensya ng mga tauhan sa ground para mag-isyu ng mga ­espesyal na permit sa mga karagdagang bus, real time, kapag kailangan.

 

 

“PITX is equipped to accommodate passengers and provide them with a comfortable travel experience “Our restrooms are well-maintained; seats are provided for waiting passengers; we have fast connection with our free WiFi; we also have designated char­ging stations care of SMART, and there’s a variety of retail and food options available for everyone,” dagdag pa niya. (Daris Jose)

El Niño mararanasan hanggang 1st quarter ng 2024 – PAGASA

Posted on: March 25th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ITINAAS na ng PAGASA ang El Niño watch sa bansa makaraang mabanaagan ng ahensiya na magiging mainit ang kundisyon sa klima na mararanasan sa iba’t ibang lugar sa susunod na mga buwan.

 

 

Sa press conference sa Quezon City, sinabi ni Dr. Vicente Malano, PAGASA administrator na 55-percent ang probability na maranasan ng bansa ang El Niño phenomenon na magsisimulang mag-develop sa buwan ng Hulyo, Agosto hanggang Setyembre ngayong taon.

 

 

Batay sa pagtaya ng PAGASA, maaaring magtagal ng hanggang unang quarter ng 2024 ang panahon ng tagtuyot na walang gaanong ulan sa bansa.

 

 

Dahil dito, sinabi ni Malano na ngayon pa lamang ay dapat nang magplano ang mga concerned go­vernment agencies ng mga programa at maghanap ng paraan ang pubiko kung paano ang pagtitipid sa paggamit ng tubig.

 

 

Nitong Martes nang ideklara na ng PAGASA ang summer sa bansa.

Ads March 25, 2023

Posted on: March 25th, 2023 by @peoplesbalita No Comments