• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April, 2023

Tourism industry tuluyan ng bumabalik ang sigla – DoT

Posted on: April 29th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MALAKI ang tiwala ng Department of Tourism (DOT) na tuluyan ng babalik ang sigla ng turismo sa bansa.

 

 

Ito ay matapos na magtala nasa 1.7 milyon na international arrivals sa bansa mula Enero hanggang Abril ngayong taon.

 

 

Sinabi ni Tourism Secretary Maria Cristina Frasco, na ang nasabing bilang ay mas mataas kumpara noong nakaraang taon.

 

 

Naniniwala rin ito na makakabawi ang lokal na turismo sa bansa ngayong taon.

 

 

Pinasalamatan din nito si Pangulong Ferdinand Marcos Jr dahil sa pinapatutukan nito ang turismo sa bansa.

‘Quota system’ ng PNP, puwedeng gamiting ebidensiya sa ICC probe

Posted on: April 29th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NANINIWALA si House Deputy Minority leader at ACT Teachers party-list Rep. France Castro na ang sinabing ‘quota’ system ng PNP ni 1-Rider party-list Rep. Bonifacio Bosita sa kampanya kontra droga para mapalakas ang kaso sa International Criminal Court (ICC).

 

 

Ang ‘quota’ system ay ang pagkakaroon ng minimum na bilang ng drug busts kada linggo at isang dahilan kung bakit nagkaroon umano ng dahilan na ‘nanlaban’ sa kampanya kontra droga lalo na noong panahon umano ng pamunuan ni Pres. Rodrigo Duterte.

 

 

“Naniniwala ako na ang ‘quota system’ na ito ay isa mga dahilan sa talamak na extra-judicial killings (EJK) at human rights violations sa panahon ng pekeng drug war ni Duterte at mukhang ginamit din laban sa mga aktibista at iba pang kritiko ng administrasyon nya,” pahayag ng kongresista.

 

 

Naniniwala pa ang mambabatas na maaaring gamitin ang pahayag ni Rep. Bosita para mapalakas ang kaso sa International Criminal Court (ICC) upang mapanagot ang mga responsable sa libong EJKs.  (Ara Romero)

Malakanyang pinangalanan ang bagong PCO, DICT, AFP

Posted on: April 29th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

INANUNSYO ng Malakanyang ang bagong appointments sa Presidential Communications Office,  Department of Information and Communications Technology at Armed Forces of the Philippines (AFP).

 

 

Ang mga sumusunod na itinalaga sa Presidential Communications Office: ay sina:

Katrina Grace Ongoco – Assistant Secretary

Nelson De Guzman – Director II

Robertzon Ramirez – Director I

Habang ang mga sumusunod na pinangalanan bilang Director II ng DICT ay sina:

Nelson Daquiaog

Froilan Jamias

Sophia Lynn Lumantod

Arnold Barcelona

Andres Castelar Jr.

Jovita Chongco

Samantala, sa Armed Forces of the Philippines ay itinalaga naman  sina:

Mario Awilan – Captain

Mark Dave Monterey – Captain

Rodel Manahan – Lieutenant

Fritz Joseph Jaictin – Ensign   (Daris Jose)

North-South rail contract packages, nilagdaan

Posted on: April 29th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NILAGDAAN noong Friday ng pamahalaan sa pangunguna ng Department of Transportation (DOTr) at Asian Development Bank (ADB) ang contract packages ng south commuter section ng North-South Commuter Railway System kung saan naging witness si President Ferdinand Marcos.

 

Sa kanyang speech, nangako si Marcos na sisiguraduhin ng pamahalaan na magkakaron ng consistency sa mga polisia at maayos na business environment ang bansa para mahikayat ang mga investors. Sinabi niya na ipagpapatuloy niya ang accomplishments ng kanyang predecessors sapagkat ayon sa kanya ang mga investors ay naghahanap ng consistency sa pagpapatupad ng mga polisia at programa ng pamahalaan.

 

“Building on these strategic and progressive accomplishments, this administration shall commit consistency of policy and program implementation,” wika ni Marcos

 

Ang North-South Commuter Railway System ay may tatlong (3) segments. Ang mga ito ay ang Malolos-Clark, Tutuban-Malolos at Solis-Calamba. Ito ay dadaan sa mga probinsiya ng Tarlac, Pampanga, Bulacan at Laguna.

 

Inaasahang mabibigyan ng magandang serbisyo ang sasakay na 800,000 na pasahero kada araw at mababawasan ang travel time mula Clark papuntang Calamba. Magiging isang oras at 45 minuto na lamang ang travel time mula sa dating apat na oras.

 

Nilagdaan ang contract packages S-02 at S-03 ng rail system’s South Commuter Railway Project. Ang Package S-02 ay may 7.9 kilometro na railway viaduct structure kasama ang elevated na estasyon sa Espana, Sta. Mesa at Paco.  Ang proyekto ay binigay sa joint venture ng Acciona Construction Philippines Inc. at D.M. Consunji Inc. na may kabuohang kongtrata na nagkakahalaga ng P28.3 billion.

 

Sa Package S-02, kasama ang tunnel at building works na may habang 6.1 kilometrong railway at may underground railway at 1.4 kilometro at-grade railway. Kasama rin ang pagtatayo ng estasyon ng Food Terminal at tunneling works na magdudugtong sa estasyon ng Senate ng Metro Manila Subway Project.

 

Ang kontrata ay nagkakahalaga ng P23.92 billion at na award sa joint venture ng Leighton Contractors (Asia) Limited and First Balfour Inc. Inaasahang sisimulan ang konstruksyon sa darating na fourth quarter ngayon taon.

 

Dagdag ni Marcos na ang paglagda sa kontrata ay magbibigay daan sa pagsisimula ng konstruksyon in full-swing sa South Commuter Section at lahat ng bahagi ng North-South Commuter Railway System.

 

Ang nasabing kontrata ay kasama rin ang 14 kilometro ng South Commuter Railway Project na dadaan sa Metro Manila. Ito ay magdudugtong sa Manila hanggang Laguna at tatamaan rin ang southern leg ng railway system.

 

“As the civil works for these contract packages commence, we expect not only the generation of more than 2,000 jobs, but also the creation of other opportunities and livelihood during its construction. Most importantly, the completion of the full NSCR line will bring greater convenience for our commuters. It will offer an efficient and comfortable transport alternative that spans great distance, connecting Pampanga to Manila and then to Laguna,” dagdag ni Marcos.

 

Makakatulong din ang nasabing rail system upang madecongest ang mga pangunahing lansangan sa Metro Manila kung saan makapagbibigay ng mas mabilis na travel time sa mga pasahero.

 

Magdudulot din ito upang mas maging malago at mayabong ang economic activities sa mga interconnected na rehiyon at sa lahat ng lugar malapit dito. Maisusulong din ang environmental sustainability at public health.

 

Pinasalamatan ni Marcos ang Asian Development Bank (ADB) at Japan International Cooperation Agency (JICA) sa pagbibigay ng pondo sa nasabing proyekto kung saan sinabi ni Marcos na ang mga ito ay active at consistent partners ng pamahalaan sa pagtatayo ng mga infrastructure development sa loob ng madaming taon. LASACMAR

Mahigit 1-K na pulis ipapakalat ng Manila Police District sa Labor Day

Posted on: April 29th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NASA 1,100 na kapulisan ng Manila Police District (MPD) ang ipapakalat sa iba’t ibang bahagi ng lungsod sa pagdiriwang ng araw ng manggagawa o Labor Day sa Mayo 1.

 

 

Inaasahan kasi ng MPD na magsasagawa ang iba’t ibang progresibong grupo ng kilos protesta sa nasabing araw.

 

 

Ilan sa mga lugar na babantayan nila ay ang Don Chino Roces Bridge, Welcome Rotonda, Mendiola Peace Arc, US Embassy, Supreme Court, Department of Labor and Employment at ang kapaligiran ng Malacañang Palace.

 

 

Pagtitiyak ng PNP na magpapatupad ng ‘maximum tolerance’ sa mga magtatangka na pumasok sa nabanggit na lugar. (Daris Jose)

PCSO bukas sa pagdinig ng Senado

Posted on: April 29th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

BUKAS ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa gagawing pagdinig ng Senado sa mga nanalo.

 

 

Ito ang tugon ni PCSO General Manager Melquiades Robles sa panukala ni Senador Koko Pimentel na imbestigahan ang sunud-sunod na panalo sa lotto draw at makilala kung sinu-sino ang tumatama.

 

 

Sa partners forum sa Philippine Columbian Association o PCA, sínabi ni Robles na tama lamang ang mag-iimbestiga ang Senado, dahil trabaho aniya ng senador ang mag-iimbestiga in aid of legislation.Ang dapat aniyang imbestigahan ay kung walang nanalo

 

 

Sínabi rín ni Robles na ang pagdami ng nananalo ay indikasyon na marami ang gumagaan ang buhay.

 

 

Nagbabala rin ito ng one strike policy sa mga deliquent small town lottery operators. Agad na tatanggalin kung hindi makakapag-remit sa PCSO.

 

 

Samantala, plano ng pamunuan ng PCSO na gawing digital ang pagbili ng lotto ticket, kung saan sa pamamagitan ng GCash na lamang magbabayad ang mga bumibili ng lotto tickets.

 

 

Ito aniya ay para sa mga bumibili ng lotto tickets na ayaw mainitan. (Daris Jose)

Inamin na kinabahan sa una nilang eksena: KEN, pinangarap talaga na makatrabaho si GABBY

Posted on: April 29th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
DREAM come true para kay Ken Chan na makatrabaho si Gabby Eigenmann.
“Nakaka-message ko po si Kuya Gabby, sinasabi ko po lagi, ‘Sana makatrabaho po kita, Kuya Gabby!”
“Kasi pangarap ko talaga siyang makatrabaho po,” kuwento ni Ken.
At sa pamamagitan ng pelikulang ‘Papa Mascot’ ay natupad ang pangarap ni Ken dahil isa si Gabby sa main cast ng naturang pelikula ng WIDE International Films nina Ken, April Martin at Pauline Mae Publico.
Pagpapatuloy pang kuwento ni Ken…
“And nung unang shooting day po namin dito sa pelikula, sabi ko po sa kanya, ‘Kuya Gabby kinakabahan akong makaeksena ka!’
“Pero you know what, ang dami ko pong natutunan kay Kuya Gabby, kasi nag-uusap po kami ni Kuya Gabby at Ate Liza ng mga technique sa pag-arte.
“Nagkukuwentuhan po kami kung ano ba yung kailangan, kung paano ba yung mga techniques.
“Ang dami po nilang nai-share po sa akin na hindi ko pa po nalalaman, na nakatulong din po sa akin para mabuo ko yung film character ko bilang si Papa Mascot po.
“And I’m just so thankful, Kuya Gabby and Ate Liza, that you shared that to me. That moment nung nasa court po tayo nun, naka-standby po tayo, ang dami ko pong mga learnings nun na nai-apply ko po at nakatulong po sa akin to built the character as Nico, as Papa Mascot.
“Kaya I’m blessed po, thank you.”
Sa direksyon ni Louie Ignacio, panulat ni Ralston Jover at line produced ni Dennis Evangelista, nasa Papa Mascot rin sina Miles Ocampo, Erin Rose Espiritu, Sue Prado, Tabs Sumulong, Yian Gabriel, Jordaine Suan, Joe Gruta, JC Parker at Liza Diño.
Ngayong April 26 ito ipapalabas sa mga sinehan.
(ROMMEL L. GONZALES)

Bilang bahagi ng anti-piracy campaign ng GMA Network: MIGUEL at YSABEL, nanguna sa panghihikayat na suportahan ang legitimate streaming platforms

Posted on: April 29th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
BILANG bahagi ng anti-piracy campaign ng GMA Network, nag-release ito ng bagong video plug tampok ang lead stars ng pinaka-inaabangang live-action adaptation na Voltes V: Legacy.
Sa video, ipinahayag ng lead actor na si Miguel Tanfelix (Steve Armstrong) ang kahalagahan ng legal streaming platforms para sa kabuhayan ng mga gumagawa nito. “Suportahan po natin ang local TV networks, local films, at producers of original content by watching only on legitimate platforms.”
Nagpahayag naman ng pasasalamat si Ysabel Ortega (Jamie Robinson) sa iba’t ibang agencies na patuloy na lumalaban sa piracy. “Salamat po sa lahat ng agencies that are continuously working to stop piracy. Malaking bagay poi to sa lahat ng nasa entertainment industry.”
Samantala, binigyang-diin ni Radson Flores (Mark Gordon) ang negatibong epekto ng piracy. “’Wag po tayong mag-share ng illegally downloaded content. Piracy na ‘yun.”
Sumama rin sa appeal ang child actor na si Raphael Landicho (Little Jon). “Turuan po natin ang mga bata to stream responsibly para ‘di po sila ma-expose sa harmful content online.”
Ipinaliwanag naman ni Matt Lozano (Big Bert) ang potential ng mas maraming productions kung maiiwasan ang piracy. “Mas marami pa tayong mapo-produce na palabas kung pipiliin natin ang legit.”
Ang video na nagtatampok sa lead stars ng Voltes V: Legacy ay isa lamang sa efforts ng GMA Network upang manghikayat ng publiko na suportahan ang legitimate streaming platforms. Ang Kapuso Network ay nakikipagtulungan din sa Alliance for Creativity and Entertainment (ACE), Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL), at Video Coalition of the Philippines (VCP) upang labanan ang piracy.
Sa pamamagitan ng partnerships na ito, nagsasagawa ang GMA Network ng iba’t ibang initiatives na may layuning mag-promote ng responsible streaming at mag-educate ng publiko tungkol sa masasamang epekto ng piracy.
Samantala, mapapanood na worldwide ngayong May 8 ang highly anticipated live-action adaptation na Voltes V: Legacy. Ang series ay produced ng GMA Network in partnership with TOEI Company, LTD.  at Telesuccess productions.
Mapapanood ng Global Pinoys ang Voltes V: Legacy at iba pang Kapuso shows sa GMA Pinoy TV, GMA Life TV, at GMA News TV sa pamamagitan ng pag-subscribe sa pay-TV partners ng GMA Network sa ibang bansa. Para sa karagdagang detalye, bumisita sa www.gmapinoytv.com/subscribe.
Upang mapanood ang anti-piracy campaign ng GMA, bisitahin ang https://www.youtube.com/watch? v=taNn3y0nsYU.
(ROHN ROMULO)

Mas nakakikilig at nakaaaliw ang programa: BOOBAY at TEKLA, patuloy na nagpapalaganap ng good vibes

Posted on: April 29th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TALAGA namang tilian ang mga Kapuso fans at volleyball enthusiasts sa maaksyong GMA NCAA All-Star Volleyball Games hatid ng GMA Synergy na ginanap noong April 23 sa FilOil EcoOil Center, San Juan City.

 

 

Nanalo ang Team Saints sa parehong Men’s at Women’s Division na kinabibilangan nina Sparkle stars Carlo San Juan, Prince Clemente, Shaira Diaz, at Lyra Micolob. Sina Carlo at Shaira ang itinanghal na Celebrity MVPs.

 

 

Excellent performance rin ang ipinamalas nina Sparkle artists Kristoffer Martin, Bruce Roeland, Cassy Legaspi, at Angela Alarcon mula sa Team Heroes. Kahit kinabahan dahil bigating NCAA athletes at alumni ang kanilang kasama sa court, kita namang nag-enjoy talaga ang mga Kapuso stars. Ilan din sa kanila ay naging bahagi ng varsity team ng kanilang schools at talagang hilig na ang paglalaro ng volleyball.

 

 

Spotted din ang ilang Kapuso stars sa venue noong Linggo. Present to cheer on Cassy sina Carmina Villaroel, Zoren Legaspi, at Mavy Legaspi. Nakakakilig naman ang pagpunta ni EA Guzman upang bigyan ng support ang kasintahan na si Shaira. Nanood din si Sparkle star at celebrity chef na si Jose Sarasola na siyang first-ever Celebrity MVP ng GMA NCAA All-Star Basketball Game.

 

 

Kitang-kita talaga na hindi lang galing sa pag-arte at pag-perform sa stage ang kayang gawin ng Kapuso celebrities dahil kaya rin nilang makipagsabayan sa iba’t ibang larangan.

 

 

***

 

 

NAG-LEVEL up ang well-loved Sunday viewing habit ng mga Kapuso viewers na ‘The Boobay and Tekla Show’ sa fun and entertainment sa exciting relaunch ng show simula ngayong Sunday, April 30.

 

 

Ang comedic tandem nina Boobay at Tekla ay patuloy na nagpapalaganap ng good vibes at naghahatid ng walang limitasyong tawanan at sorpresa sa mga Pilipino dahil tampok sa late-night comedy talk show ang mga live celebrity guest, laro, at iba pang gimik.

 

 

Nagsimula ang ‘The Boobay and Tekla Show’ sa YouTube noong 2018 at nagkamit ng tagumpay online mula noon. Noong 2019, nag-premiere ito sa GMA Network kasama ang mga hit na performance nito, nakatatawang kalokohan, at nakatutuwang mga skit para sa lahat. Ngayon, mas nakakikilig at nakaaaliw ang programa dahil ito ay nagiging comedy talk show na may pinakabagong tagline na: “TBATS is life. Ang Tawa ay buhay.”

 

 

May mga bagong segment at laro para sa mga tapat na manonood ng palabas. Ilan sa mga segment na ito ay ang “TBATS Top 5,” “Dear Boobay and Tekla,” “Phone Raid,” “News na ‘Yaaarn?!?,” “PM is the Key,” “Pasikatin Natin ‘Yan!,” “Ang Malupit!,” “Your Time Starts Now,” “Truth or Charot,” “Uncensored, Sasagutin o Kakainin/Iinumin,” at “Hugot of the Week.”

 

 

Samantala, iba’t ibang larong dapat abangan ang “Food Or Fake,” “Face/Off,” “Bawal Tumawa Update,” “Guess The Mystery Word,” “Shock Attack,” “Don’t English Me,” at “Talas. -Salitaan.”

 

 

Spend your Sunday nights with the funny duo of Boobay and Tekla in ‘The Boobay and Tekla Show,’ every Sunday after ‘Kapuso Mo, Jessica Soho’ on GMA.

 

 

Ang programa ay ini-live-stream din sa mga opisyal na YouTube at Facebook account ng GMA Network at YouLOL.

 

 

Mapapanood din ng mga manonood sa ibang bansa ang programa sa pamamagitan ng GMA Pinoy TV.

 

 

Para sa higit pang mga kuwento tungkol sa Kapuso Network, bisitahin ang www.GMANetwork.com.

 

(RUEL J. MENDOZA)

EO sa paglikha ng water resources management office sa DENR, oks kay PBBM

Posted on: April 29th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TININTAHAN ni Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. ang isang  executive order para sa pagtatayo ng  Water Resources Management Office (WRMO) sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na naglalayong  pagsama-samahin  ang pagsisikap ng pamahalaan na tiyakin ang “availability at sustainable management” ng water resources sa bansa.

 

 

Sa ilalim ng  Executive Order No. 22, ang WRMO ay mandato na “ensure the immediate implementation of the Integrated Water Resources Management in line with the United Nations Sustainable Development Goals, and formulate a corresponding Water Resources Master Plan (IWMP).”

 

 

Ginawa ang EO para tugunan ang mga  hamon na nakaapekto sa water resources management sa bansa, partikular na ang tumaas na demand  para sa tubig dahil sa populasyon at economic growth, epekto ng climate change at pandemiya,  kakulangan ng sapat na imprastraktura dahilan para magkaroon ng “uneven distribution” ng water resources, at iba pa.

 

 

“To avert water crisis, minimize and avoid conflicts, and consistent with the State’s sole ownership and control over the country’s water resources, it is imperative for the Government to integrate and harmonize the policies, programs, and projects of all relevant agencies in the water resource sector in the fulfillment of their complementary governmental mandates,” ang nakasaad sa EO.

 

 

Ang  WRMO ay may atas na “shepherd and champion, together with the Presidential Legislative Liaison Office, the passage of a law creating an apex body such as the proposed Department of Water and/or a regulatory commission on water.”

 

 

“It is also directed to integrate into the IWMP the various plans of agencies, which include the Philippine Development Plan, the Philippine Water Supply and Sanitation Master Plan, and the National Water Resources Board Security Master Plan,” ayon sa ulat.

 

 

Ang WRMO ay mayroong gampanin na “generate and maintain credible and timely water and sanitation data to aid in evidence-based policy-making, regulations, planning, and implementation.”

 

 

Samantala, ang  WRMO ay pamumunuan ng  isang  Undersecretary na itatalaga ni Pangulong Marcos batay na rin sa rekumendasyon ng DENR secretary.  (Daris Jose)