• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 14th, 2023

DepEd, nakahanap ng solusyon sa SHS grad employability sa pamamagitan ng MATATAG agenda

Posted on: April 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ng Department of Education (DepEd)  na layon nito na tugunan ang isyu ukol sa  employability o kakayahang magtrabaho ng  K-12 graduates sa pamamagitan ng  MATATAG education agenda nito.

 

 

Ang pahayag na ito ni DepEd spokesperson Michael Poa ay tugon sa kamakailan lamang na ipinalabas na ulat ng Commission on Human Rights (CHR)  na nagpapakita na ang mga senior high school (SHS) graduates sa bansa ay “lack soft skills and job readiness” at pawang “highly vulnerable” sa scams.

 

 

Sinabi pa ng CHR  na ang kakayahan ng mga guro ay hindi naka-align  sa SHS program dahilan kaya’t ang  DepEd “cannot provide as many teachers to complete all the subject areas because of the number of enrollments in one area of the school.”

 

 

Para naman sa DepEd, sinabi ni Poa na kinikilala ng departamento ang nasabing isyu sa Basic Education Report na ipinresenta ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte noong Enero.

 

 

“Steps to address such issues are already in the MATATAG Agenda, such as engaging with CHED, TESDA, and various industry partners to address the issue of skills mismatch in our SHS Program. This forms part of the on-going review of the SHS Curriculum, which shall consider feedback from employers and studies on SHS employability,” ani Poa.

 

 

Nauna nang inanunsyo ni Duterte na nakatakdang baguhin ng DepEd ang K to 12 curriculum sa layuning makapag-produce ng mas maraming  “job-ready at responsable graduates.”

 

 

“The ongoing review of the K-12 curriculum revealed that its content was congested; that some prerequisites of identified essential learning competencies were missing or misplaced; and that a significant number of learning competencies catered to high cognitive demands,” ayon sa DepEd.

 

 

Samantala, sa isyu naman ng teacher quality, sinabi ni Poa na ang capacity building para sa mga ito ay prayoridad ng departamento.

 

 

“[This] will address the following: quality of entry-level teachers; unfilled teaching and teaching-related positions; ancillary tasks assigned to teachers; unequal distribution of qualified teachers; teachers not teaching their SHS specialization; and poor skills in analysis, synthesis, and evaluation which are crucial and relevant to the emerging economy,” dagdag na pahayag ni Poa. (Daris Jose)

Catholic pa rin at ‘di pa nagpapa-convert: MARIEL, binalikan ang Myeongdong Cathedral para magpasalamat

Posted on: April 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAG-POST ng past and present picture si Christopher Bariou, ang boyfriend ni Nadine Lustre.

 

 

Ang larawan na ipinost nito ay sa Pinto Art Museum kunsaan, nasa same spot silang dalawa ni Nadine.

 

Ang unang larawan nila dito ay kuha pa noong taong 2021, kasagsagan ng pandemic at naka-mask pa sila pareho. At ngayong 2023 naman. Pero ang bongga ay ang caption ni Christopher.

 

Sa kanyang Instagram caption, malinaw na naipahatid nito na kumpara noong two years ago, mas in-love raw siya ngayon kay Nadine na ikinakilig siyempre ng mga netizens.

 

Sey niya, “Same same but kinder, wiser, stronger and more in love.”

 

‘Yun lang, pwedeng mabigyan ng ibang interpretasyon ang comment sa post na ito ng boyfriend ni Nadine ng kaibigang make-up artist ng huli na si Jelly Eugenio.

 

 

Nag-comment kasi ito na, “more in love? Let me be the judge of that.”

 

 

Kaya naman may nag-reply sa comment nito na, “Shading,” “ano po verdict?”

 

 

***

 

BINALIKAN ni Mariel Padilla ang Myeongdong Cathedral sa Seoul, South Korea kasama ang kanyang best friend.

 

 

At sa Instagram post niya, ni-reveal ni Mariel ang naging dasal niya rito noong una siyang nagpunta. Obviously, natupad ang dasal na ‘yon ni Mariel.

 

At ngayon nga, pasasalamat na lang daw ang naging prayer niya.

 

Aniya, “2016 I went to Korea with my bestfriend @c0xg, I had a feeling I was pregnant, after my miscarriages. I prayed and said it’s up to Him. Siya na bahala. 2023 I went back to Myeongdong Cathedral, prayer of thanks naman. Thankful for my blessing, my 2 girls.”

 

 

Meaning, Catholic pa rin pala talaga si Mariel at hindi pa sumasali sa relihiyon ni Robin Padilla na Islam.

(ROSE GARCIA)

Paggamit ng QR code sa mga palengke at pagbabayad ng pamasahe sa mga traysikel sa buong bansa, pinag- aaralan-PCO

Posted on: April 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MASUSING pinag-aaralan ngayon ng pamahalaan ang hangarin ng gobyerno na ipatupad ang cashless na pagbabayad sa mga palengke at pamasahe sa mga traysikel sa buong bansa.

 

 

Sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na ito’y sa pamamagitan ng Quick Response o QR code.

 

 

Ayon sa PCO,  makakatuwang ng gobyerno sa inisyatibang ito na tiniguriang “Paleng-QR Ph Plus” ang Land Bank of the Philippines.

 

 

Sakop din ng ginagawa ngayong pag- aaral ang ipatupad na din ang cashless payment sa mga local transport drivers.

 

 

Ang nasabing hakbang ay inisyatiba ng  Bangko Sentral ng Pilipinas at Department of Interior and Local Government (DILG)  na target na ipatupad sa buong bansa.

 

 

Sinasabing Agosto 2022 , inisyal na inilunsad ang programa sa mga piling palengke sa mga pangunahing siyudad at bayan na ngayon ay plano ng ipatupad sa buong Pilipinas. (Daris Jose)

PAG-ARESTO SA MGA RALIYISTA, IDINEPENSA NG MPD

Posted on: April 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

IDINEPENSA ng Manila Police District (MPD)  ang ginawang pag-aresto at pagtaboy sa mga kabataang rallyist na nagkasa ng anti-Balikatan protest sa harap ng US Embassy .

 

 

Ayon kay MPD P/Major Philipp Ines, ang nasabing grupo ay walang mga permit para magsagawa ng kilos protesta.

 

 

Aniya ipinatutupad pa rin nila ang maximum tolerance ngunit ang hindi nila pinalagpas ay ang pagsaboy ng pintura sa logo ng embahada.

 

 

Dalawa sa mga kabataang nagprotesta ang inaresto ng mga operatibo ng MPD,dahil sa paglabag sa Public Assembly Act of 1985,vandalism, at Article 151 ng Revised Penal Code o ‘resistance and disobedience  to a person in authority’.

 

 

Iginiit ng mga demonstrador na sila ay marahas na itinaboy na mariin namang itinanggi ng mga kapulisan.

 

 

Giit ng mga rallyist na ang Manila at Washington joint military drills ay nagpapalala ng tensyon sa pagitan ng China at US at magdadala sa Pilipinas ng labanan.

 

 

Nitong Martes, inilunsad ang Balikatan exercise na tatagal hanggang April 28.

 

 

Halos 18,000 tropa ang makikibahagi sa military drill kung saan sa unang pagkakataon ay kasama ang live-fire drill sa South China Sea, na halos angkinin lahat ng Beijing. GENE ADSUARA

Ads April 14, 2023

Posted on: April 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments