• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 24th, 2023

Bulacan, ipapatupad ang SEPO ng DENR, nagsagawa ng waterway clean-up activity sa Lungsod ng Meycauayan

Posted on: April 24th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS – Bilang bahagi ng komemorasyon ng Earth Day, nagsagawa ang Bulacan Environment and Natural Resources Office (BENRO) kasama a ng Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) at iba pang mga kinatawan mula sa Bulacan Police Provincial Office (BPPO) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ng waterway clean-up activity sa Brgy. Ubihan, Lungsod ng Meycauayan, Bulacan kahapon.

 

 

Nakipag-ugnayan rin ang BENRO sa iba pang mga ahensiya kabilang na ang BPPO, National Bureau of Investigation (NBI), Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), kasundaluhan at lahat ng mga municipal at city environment and natural resources offices sa lalawigan hinggil sa pagsasagawa ng Simultaneous Environmental Protection Operations (SEPO) ng DENR sa buong lalawigan.

 

 

Sa kanyang mensahe, pinaalalahanan ni Gobernador Daniel R. Fernando ang BENRO na unahin at protektahan ang kapaligiran, kaya naman regular nang isasagawa sa lalawigan ang SEPO upang makamit ang Mabiyayang Kalikasan at Malinis na Kapaligiran na kabilang sa People’s 10 Point Agenda.

 

 

“Hindi kayang protektahan ng kalikasan ang sarili nito. Dapat gawin ng mga tao, sa pangunguna ng gobyerno ang positibong aksyon upang protektahan ang kalikasan,” anang gobernador.

 

 

Bukod dito, kasama rin sa programa ng SEPO ang mga aktibidad sa pagpreserba ng kalikasan tulad ng paglilinis ng mga daluyan ng tubig, pagtatanim at pagpaparami ng mga puno, mineral hauling checking, quarry site inspection, pagbisita sa mga establisyimento, at iba pang kaugnay na mga aktibidad. (BISHOP JESUS “JEMBA” BASCO)

Baka magselos si Carmina: DINA, game na game na maka-partner si ZOREN

Posted on: April 24th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
WALA si Dina Bonnevie sa pagsisimula sa ere ng ‘Abot Kamay Na Pangarap’ noong September 2022, karagdagan lamang nitong unang linggo ng Abril 2023 ang karakter niya bilang si Giselle Tanyag  sa top-rating series ng GMA.
Nagkarooon ba ng thinking si Dina na sana, sa umpisa pa lang ay napasama na siya o masaya naman siya kahit bagong pasok lamang siya sa serye?
“Actually, happy na ako na nakasali na ako sa cast, it’s a very, very good cast, mahuhusay sila, it’s a very happy cast.
“And plus box-office director naman talaga si direk LA.
“Minsan nga naiisip ko sayang sana pala nung umpisa pa lang nandun na ako, pero okay lang kasi sabi nga ni Carmina hanggang 2028 pa kami,” ang pagbibiro ni Dina na tinutukoy ang sinabi ni Carmina Villarroel in a separate interview na hanggang 2028 extended ang kanilang programa sa GMA.
Nabanggit rin ni Carmina, nang natanong kung magge-guest ba ang mister niyang si Zoren Legaspi sa show, na maganda kung kay Dina ipareha si Zoren.
Ready ba si Dina kung sakaling sa kanya i-partner si Zoren?
“Okay lang, kaya lang baka magselos si Mina,” at muling tumawa si Dina.
Nang mapabilang siya sa cast ng ‘Abot Kamay Na Pangarap’, ano ang naging vibe kay Dina ng show na sa tingin niya ay dahilan kung bakit isang malaking tagumpay ito sa ratings game?
“Actually, pag tinatanong kung bakit very successful yung show, sa akin lang ha, sa mga nababasa ko sa script, tingin ko ang reason kaya maraming followers yung show is because number one, parang, ipinapakita niya sa mga tao na totoong abot kamay ang pangarap.
“Na kung may pangarap ka, makakamtan mo, magkaroon ka man ng maraming hadlang, kung naniniwala ka sa Diyos na ibibigay sa iyo, at lahat naman ginawa mo, bukod sa… kumbaga hinihintay mo na lang ang Diyos na pumayag sa gusto mo.
“Pero kailangan mo pa ring tulungan ang sarili mo, maabot mo e, parang there’s no reason para hindi mo makuha yung gusto mo, kung pagtatrabahuhan mo.
“And then if it’s God’s will di ba, yun lang ang hindi natin puwedeng baliin, kung gusto ni God or hindi, parang Siya pa din ang masusunod.
“Parang earthly father natin di ba, maaring humihingi tayo ng kotse pero hindi naman tayo marunong magmaneho, bakit sa iyo ibibigay ng tatay mo?
“Pero kung humingi ka ng kotse pero, ‘Dad marunong na akong magmaneho tsaka may lisensiya na ako’, di ba ibibigay sa iyo ng daddy mo?
“So parang ganun din, so sa tingin ko dito, yung mga members ng cast may iba’t-ibang pangarap.
“Hindi lang sila, pati yung mga nanonood may mga pangarap sila, so nakaka-identify sila na, ‘Wow tingnan mo si Lyneth, no read no write pero tingnan mo nakapagpatapos siya ng isang doktor’, di ba?”
Ginagampanan ni Carmina ang papel ni Lyneth Santos sa serye, samatalang si Jillian Ward naman ang anak niyang doktora na si Analyn Santos.
Ama ni Lyneth si RJ Tanyag na ginagampanan naman ni Richard Yap.
Ang ‘Abot Kamay Na Pangarap’ ay mula sa direksyon ni LA Madriejos at napapanood sa GMA Afternoon Prime.
(ROMMEL L. GONZALES)

DICT bukas sa extension ng SIM registration

Posted on: April 24th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

BUKAS ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na ma-extend ang araw ng deadline para sa SIM registration.

 

 

Sa April 26, Miyerkules na ang deadline ng SIM registration na itinakda ng National Telecommunication Commission (NTC)

 

 

Ayon kay DICT Secretary Ivan John Uy, sasalang siya sa isang pulong sa pagitan ng public telecommunications entities (PTEs) at iba pang stakeholders upang malaman kung bakit mahigit pa sa kalahati ng bilang ng mga subscribers ang patuloy na hindi nairerehistro ang kanilang SIM.

 

 

Anya, mas mainam na ma-extend ang deadline ng SIM registration upang mabigyan ng panahon ang mga subscriber na makakuha ng valid IDs na kailangan sa pagpaparehistro ng SIM.

 

 

Pero dapat munang malaman kung ano ba ang tunay na dahilan at hindi makapagparehisto ng kanilang SIM ang mga subscribers at saka dapat magtakda ng extension para rito.

 

 

‘Kahit mag-extend tayo, kung hindi natin ma-identify ‘yung gap… Hindi magiging effective ‘yung extension… Dapat pag-aralang mabuti tignan ang problema,” sabi ni Uy.

 

 

Nitong April 20, 2023, may kabuuang 76,927,923 subscribers ang nagparehistro ng kanilang SIM o may kabuuang 45% lamang ng 168 million subscriber sa buong bansa.

 

 

Sa ilalim ng SIM Card Registration Act, ang mga subscibers ay may 180 days mula sa effectivity ng batas bago mairehistro ang kanilang SIM card o hanggang April 26, 2023.

Manila Water, public at private sector kapit-bisig sa pagdiriwang sa Earth Day

Posted on: April 24th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MAGKASAMANG  ipi­nagdiwang ng Manila Water at mga partners sa public at private sectors ang Earth Day sa pamamagitan ng pagsasagawa ng hike at bike para sa kalikasan.

 

 

Ang  Earth Day na ipi­nagdiriwang tuwing April 22 ng bawat taon, ang Manila Water kasama ang kanilang partners ay nagsama sama ulit sa La Mesa Nature Reserve sa Quezon City para sa ikalawang taong pagsasagawa ng Lakbay Kalikasan: Hike and Bike for Nature.

 

 

May 120 participants ang nakiisa sa aktibidad na nagmula sa government at private sectors, hiking at biking enthusiasts gayundin ang publiko na nakiisa sa pangangalaga sa kapaligiran at kalikasan sa pamamagitan ng pag-adopt at pagmamantine ng mga puno sa loob ng La Mesa Nature Reserve.

 

 

Tampok sa hiking activity ang 4.5 hanggang 6-kilo­meter trail sa biodiversity sa loob ng La Mesa Nature Reserve habang ang biking activity ng mga cyclists ay sa scenic 9-kilometer trail ng  watershed area.

 

 

Ang aktibidad ay bahagi ng hakbang ng Manila Water para sa pagpapanatili ng kanilang operasyon. Layunin ng Manila Water na maibsan ang environmental degradation sa pamamagitan ng pangangalaga sa likas na yaman at panganga­laga sa watershed areas at responsableng paglilinis ng raw water at wastewater at iba pa.

 

 

Dahil sa maayos na paggamit ng natural resources at materyales, ang Manila Water ay nanatiling may  lowest ave­rage NRW levels sa lahat ng mga bansa sa Asya na may rate na 12.69% noong 022. Ang kumpanya ay naka recover ng 1.083 million cubic meters (mcm) backwash sa pamamagitan ng Water Efficiency Program. (Daris Jose)

Magalong sinopla si Abalos sa P6.7 bilyong shabu ‘cover-up’

Posted on: April 24th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TILA kinontra ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang alegasyon ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos na may “cover-up” o tinangkang pagtakpan ang P6.7 billion drug haul sa Manila noong 2022.

 

 

Inihayag ito ni Magalong kasunod ng iprini­sinta ni Abalos na CCTV footage kung saan makikita umano na dalawang opisyal at ilang tauhan ng PNP-Drug Enforcement Group ang nagtangkang iligtas si Police Master Sgt. Rodolfo Mayo, Jr.

 

 

Sinabi ni Magalong na personal niya itong sinuri at walang nakitang indikasyon na sinubukan ng liderato ng Philippine National Police (PNP) na iligtas ang mga pulis na sangkot sa nakumpiskang halos isang toneladang shabu.

 

 

“Personally, I would say that if there’s anyone standing on moral ground in the PNP, that would be the PNP chief (General Rodolfo Azurin, Jr.), same with General (Narciso) Domingo, and General “Benjamin) Santos,” ani Magalong.

 

 

Si Domingo ang pinuno ng PNP-Drug Enforcement Group nang isagawa ang operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto kay Mayo at pagkakasamsam ng 990 kilo ng shabu. Si Santos naman ang deputy chief for Operations ng PNP.

 

 

“We know the details (of the Manila anti-illegal drugs) operation. And as far as the Chief PNP is concerned, I am confident that he is standing on moral ground. There was no cover-up and I am certain of it, definitely,” giit ni Magalong.

 

 

Alam umano ni Azurin ang desisyon na gamitin si Mayo para makuha ang mas maraming droga subalit kalaunan ay ipinag-utos na bantayan ang huli dahil sa takot na mapatay, at sinabing hawak ni Mayo ang susi para matukoy ang kanyang backers.

 

 

Bahagi umano ito ng tactical move para masabat ang mas maraming illegal drugs nang sabihin umano ni Mayo na mayroong halos isang toneladang shabu sa isang warehouse sa Pasig City.

 

 

Wala namang nakikitang mali si Magalong sa desisyon, at sinabing ang layunin ay makumpiska ang mas maraming iligal na droga.

 

 

Ibinase niya sa pagsusuri sa sitwasyon at diskusyon kay Azurin ang paniniwala na walang cover-up sa panig ni Domingo at ng Chief PNP.

 

 

“Very intense rin ‘yung aming interview at ako definitely I would say walang cover-up on the part of the Chief PNP, same with Gen. Domingo, walang cover-up ‘yun,” wika niya.

 

 

Si Magalong na isang police general at kilala sa kanyang investigative skills ang nanguna sa imbestigasyon ng Mamapasano encounter na nagresulta sa pagkamatay ng 44 police commandos.

 

 

Kasalukuyan itong mi­yembro ng five-man advisory group na bumubusisi sa pagkakasangkot ng PNP third level officer-mula Colonels hanggang Generals sa illegal drugs trade. (Daris Jose)

Kasama sa primetime series ni Dingdong: RABIYA, masayang-masaya sa big break na ibinigay ng GMA Network

Posted on: April 24th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

OUR congratulations to GMA Network, Director Mark Reyes at sa buong production staff ng #V5LegacyThe CinematicExperience, dahil hindi na nila kailangang mag-promote na panoorin ang naiibang panonood ng VoltesV: Legacy on the big screen.  

 

 

Labis ang pasasalamat ng writer na si Suzette Doctolero at Direk Mark sa mga moviegoers dahil sila na ang nagpo-post sa kani-kanilang social media accounts kung gaano ka-successful ang showing nito sa mga selected SM Cinemas all over the Philippines.

 

 

Kahit si @suzidoctolero ay nagtatanong: “curious lang, what was the last local film na nagka-SOLD OUT sa isang sinehan?  This despite screenings of global blockbusters such as JW4 and Super Mario.  Buhay na buhay ang legacy ni Voltes V sa mga Pilipino.”

 

 

Yung mga nanood na, pino-post nila ang mga kuha nila sa mahahabang pila sa labas ng sinehan, yung iba, kapag sold-out na ang tickets, lumilipat kung saan sila pwedeng bumili ng tickets sa susunod na screening kahit pa sila maghintay.  Hindi rin sila nagalit kung may sinehan na nagkaroon ng technical issue, nag-sorry ang GMA Network at SM Cinema, at in-assure naman nila na all ticket holders will be accommodated after the glitch was resolved. Naayos naman ito at nagtuluy-tuloy na ang screening.  Yung hindi makakapanood ng movie screening, don’t miss sa May 8, ang world premiere ng “Voltes V: Legacy.” Sa GMA Network, 8:00 PM, after “24 Oras.”

 

 

***

 

 

MASAYANG-MASAYA si former Miss Universe Philippines and actress Rabiya Mateo sa big break na ibinigay sa kanya ng GMA Network na isinama siya sa murder-mystery drama series na “Royal Blood,” na pagbibidahan ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

 

 

“Challenging para sa akin ang role sa ‘Royal Blood’ na itinuturing kong big break ko sa acting,” sabi ni Rabiya.  “Matagal ko na rin pong ipinagdarasal ito, kaya lagi akong sumasali sa mga acting workshops bilang paghahanda na rin.”

 

 

Si Rabiya ay si Tasha, best friend ng nasirang asawa ni Napoy (Dingdong) na si Kate. Napalapit siya at napamahal sa mag-amang Napoy at daughter nito, secretly in love siya rito, at iyon ang risk, kung masusuklian ba ito ni Napoy.

 

 

Biro pa ni Rabiya, ‘babaeng bakla’ raw si Tasha, kalog, very masa, so something na makaka-relate ako.  Tanong ko nga, ‘ako ba talaga ito?” Ibang-iba raw ito sa una niyang ginampanan sa “Agimat ng Agila Season 2” with Sen. Bong Revilla.  Nagsimula na silang mag-taping ni Dingdong ng “Royal Blood” under director Dominic Zapata.

 

 

Makakasama nila sa cast sina Megan Young, Dion Ignacio, Mikael Daez, Lianne Valentin, Rhian Ramos, Arthur Solinap, Benjie Paras, Andrew Schimmer, John Feir at si Triso Cruz III.  Magbabalik din muli sa pag-arte dito si Ms. Carmen Soriano.

 

 

Malapit na itong mapanood sa GMA Telebabad.

 

 

***

 

 

SA kabila ng wala pa ring maliwanag na balita ang issue tungkol sa longest-running noontime show na “Eat Bulaga,” tuloy pa rin sila sa pagbibigay-saya sa mga televiewers at sa mga fans na dumarayo pa rin sa studio, Mondays to Saturdays.

 

 

Last Saturday ay naiiba ang presentation nila dahil bukod sa grand finals ng dance contest, nag-celebrate din si Vic Sotto ng kanyang birthday at isinabay na niya ang celebration ng debut ng Gregorio Quadruplets, na naging guests nila sa “Bawal Judgmental” segment ng EB.  Napaiyak ang quadruplets ang kanilang ama, nang isa-isang ibigay ni Vic ang mga gifts like cakes, clothings, balloons, cash gifts sa bawat isa sa kanila.

 

 

Iba naman ang gift ni former Senator Tito Sotto, tutulungan niyang makapasok ang apat sa isang government university at ang daily expenses nila ay sagot na niya, provided mag-aaral silang mabuti, at kung may bumagsak sa kanila, ay hihinto na sa pag-aaral.

 

 

Nangako naman ang apat na susunod sila sa napag-usapan nila sa programa.

(NORA V. CALDERON)

Bisa ng driver’s license, pinalawig hanggang Oktubre 31

Posted on: April 24th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PINALAWIG ng Land Transportation Office (LTO) ang bisa ng driver’s license na mag-e-expire simula Abril 24.

 

 

Ito ay batay sa ni­lagdaang memorandum circular ni LTO chief Jay Art Tugade na nagpapalawig sa validity ng driver’s license hanggang Ok­tubre 31 ng kasaluku­yang taon o sa sandaling matapos na ang procurement o ang proseso ng pagbili ng license cards na pinangangasiwaan ng Department of Transportation (DOTr).

 

 

Maliban dito, maitutu­ring na waived o hindi na sisingilin ang multa sa late renewal.

 

 

“All holders of driver’s license cards expiring 24 April 2023 onwards shall no longer be required to renew their licenses until October 31, 2023 or as soon the driver’s license cards become available for distribution to the public,” nakasaad sa memorandum circular.

 

 

Ang hakbang ng LTO ay sa gitna na rin ng nararanasang kakulangan ng suplay ng license cards sa lahat ng tanggapan ng LTO, nationwide.

 

 

Kasabay nito, sinabi ni LTO chief Tugade na umaasa ang ahensya na agad nang matatapos ng DOTr ang proseso ng procurement o pagbili ng license cards upang mapasimulan ang pag-iimprenta at maibigay na sa mga driver na naghihintay ng kanilang plastic card na driver’s license.

 

 

Inaabisuhan naman ang lahat ng law enforcers ng LTO at deputized agents nito na kilalanin ang validity o bisa ng driver’s license na napaso simula sa Abril 24, 2023. (Daris Jose)

Halos P280-M na halaga ng tulong, naipamahagi sa mga apektado ng oil spill

Posted on: April 24th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

INIULAT ng National Task Force – Mindoro oil spill sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na aabot na sa halos Php280 million na ang halaga ng tulong na naipamahagi na sa mga residenteng apektado ng oil spill.

 

 

Ito ay sa gitna ng patuloy na pagkilos ng buong gobyerno para tiyakin na mapapalakas pa ang response at recovery programs sa mga apektadong lugar.

 

 

Ayon sa naturang task force, ito ay matapos na umabot sa P279.7 million ang kabuuang halaga ng tulong na naipaabot na ng ng pamahalaan, Local Government Units, Non-Government Organizations, at stakeholders.

 

 

Kaugnay nito ay nasa Php262.3 million dito ay mula sa mga family food packs, non-food items, Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS), Emergency Cash Transfer, at Cash for Work profrans, ang naipamahagi na ng Department of Social Welfare and Development.

 

 

Habang sa bukod pang ulat ay sinasabing umabot na rin sa 38,871 ang bilang ng mga pamilya mula sa MIMAROPA, Western Visayas, at Calabarzon ang apektado ng oil spill.

Ads April 24, 2023

Posted on: April 24th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Marvel Is Finally Building To Hulk vs. Wolverine – But There’s A Catch

Posted on: April 24th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Hulk vs Wolverine is a fight many fans have been clamoring for in live-action, which Marvel Studios could provide – only with a specific catch.

 

 

After years of anticipation, a Marvel Comics clash of the ages could come to the Marvel Cinematic Universe through Phase 5, albeit with a specific caveat. One of the greatest match-ups in Marvel Comics history has been the numerous battles between Wolverine and Hulk. With both characters also being prevalent in various franchises for the better part of two decades, there’s been a high demand for a live-action adaptation of their rivalry.

 

 

Now that the MCU is heading into Phase 5 – the second Phase of the Multiverse Saga – the setup of Wolverine vs. Hulk is evident in various ways. While it’s true that only one of these characters – the Hulk – has a presence in the MCU, Marvel has alluded to Wolverine being on hand as well. Teases in projects like She-Hulk: Attorney at Law lay the groundwork for him to be introduced on Earth-616. Alternatively, a multiversal Wolverine could join via Deadpool 3. However, this foreshadowing of Hulk vs. Wolverine comes with a rather significant catch.

 

 

Wolverine may fight a Hulk in the MCU, but that character is unlikely to be Mark Ruffalo’s version. Avengers: Endgame revealed that Hulk became Smart Hulk in the five-year gap after Thanos’ blip. Banner combined both parts of his personality, so that he could keep his own rage in check by employing his own mind inside Hulk’s body. This means that Hulk is no longer the giant rage monster he was in Phases 1-3, thus lowering his chances of fighting Wolverine in the MCU’s future.

(ROHN ROMULO)